Nang marinig ng ginang ang sinabi ni Violet sa kanya ay doon uminit ang ulo ng babae at agad na napatayo sa kanyang kinauupuan. Pero hindi nagpatinag si Violet sa pinapakitang ugali ng babae at hindi siya pumayag na dudumihan nito ang restaurant ng kaibigan.
“How dare you?” sigaw nito kay Violet na nanatiling nakatayo lamang habang nakatingin ng diretso sa kanya. “Do you know who you’re talking to, young lady?”
“Ma’am, it’s clear to me now that you wanted the whole restaurant to be in jeopardy. The hair found in your soup was your hair and not our employees’,” matapang na sabi ni Violet sa ginang.
“What? Are you telling me that I put my own hair in that soup? That’s nonsense!” Pagkukunwari nito na para bang wala siyang ginawang masama pero hindi pumayag si Violet.
“I can clearly see the sense in there, Ma’am. Now, if you don’t want me to go to the police to have a DNA check, I suggest you leave this place this instant. Besides, we have security cameras all over the restaurant that will prove my employee’s innocence,” panghahamon na sabi ni Violet sa ginang at nakita niya kung paano pumuti ang buong mukha nito.
Nasabi ni Violet sa sarili na mukhang tama ang hinala nito na linagay lang nito ang buhok sa sopas upang pagbintangan ang buong restaurant. Nang tumayo rin kanina ang ginang ay doon lang din niya napansin na may-ari ito ng isang restaurant sa kabilang kalsada kung saan ay wala nang masyadong pumupuntang mga customer.
Narinig niya lang sa kanyang mga empleyado na ang restaurant na nasa tapat nila ay galit na galit noong malaman na marami ang pumupuntang customer dito. Naisip marahil ng ginang na ang pags-set up sa kanilang empleyado ay magiging dahilan upang pumangit ang review ng kanilang mga customers. Pero ipinagpapasalamat ni Violet na mabilis niyang nakita ang balak ng ginang at agad itong naaksyonan.
Nang makaalis ang ginang ay taas noo itong umalis na para bang sila pa ang may kasalanan na napaalis siya. Pero agad namang napangiti sa kanya ang kanyang mga empleyado at ipinagpatuloy lang nila ang kanilang trabaho hanggang sa matapos ang kanilang araw. Nang lumipas ang ilang oras ay ramdam na ni Violet ang pagod at nakita niyang ilang minuto na lang naman na ay uuwi na siya.
Kaya naman naghanda na siya para umuwi total ay maaga na rin naman at kailangan niya pang bumili ng mga groceries niya. Pagpatak ng alas-siyete ay mabilis siyang lumabas ng resto at nagpaalam na sa kanyang mga empleyado. Naghintay na siya ng taxi at nang makasakay na siya ay sinabi na niya ang kanyang pupuntahan.
NANG araw din lang na iyon ay sakto namang pag-alis ng sinakyang taxi ni Violet ay siya namang pagtigil ng sasakyan ni Vaughn na siyang ipinarada niya sa harapan lang ng restaurant. Pagbukas ng pinto ng sasakyan ni Vaughn ay agad namang sumunod ang isang lalaki na nagngangalang Max.
Sa isip-isip ni Vaughn ay hindi na dapat siya sinusundan ni Max pa dahil kaya naman na niya ang kanyang sarili. Ang mga magulang lang naman niya ang nag-iisip na may mangyayaring masama sa kanya. “He’s thirty years old for Pete’s sake.” Iyan ang palagi niyang sinasabi sa kanyang sarili.
“Max, you don’t need to follow me. I’ll just eat inside,” bilin niya kay Max na parang aso kung sumunod sa kanya.
“Negative, your highness. You know that I can’t do that.” Napailing na lang si Vaughn sa sagot ni Max.
Kaya naman imbes na ganahan siyang kumain ay hindi na lang niya tinuloy at iniisip niya kung paano siya makakatakas sa pagbabantay ni Max. He doesn’t like the idea that someone is watching his every move. Napapalatak na lang siya saka sumakay muli sa loob ng sasakyan at nagmaneho na lang siya kung saan.
Habang binabagtas nila ang kalsada ay naramdaman niya na kumakalam na talaga ang kanyang tyan kaya naman ipinarada na lang niya ang kanyang sasakyan. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan na hindi man lang hinihintay si Max at pumasok siya sa isang gusali. Pagpasok niya ay agad siyang kinapkapan ng guard pero mabilis na pinigilan ni Max ang kamay ng guard at masama na ang tingin nito.
“Max, it’s okay. It’s protocol for them to check every customer who will come in the building,” sita niya kay Max at napatingin naman si Max sa kanya habang nakahawak pa rin ito sa kamay ng security guard na takot na nakatingin sa kanya.
“But your highness…”
“Max! Sinabi ko na sa iyo na huwag mo akong tatawagin ng ganyan kapag nasa labas tayo. Tsk!” inis na sabi niya at mabilis na naglakad papasok ng gusali.
Alam niyang nakasunod si Max sa kanya at kanina niya pa iniisip kung paano niya tatakasan ang itinalagang bodyguard s***h butler na binigay ng kanyang mga magulang. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na simula bata pa lamang siya ay lahat na ng kanyang galaw ay bantay sarado ng kanyang mga magulang. Noong bata siya ay hindi niya maintindihan kung bakit pero nang lumalaki na siya ay doon niya nalaman na paranoid lang ang kanyang mga magulang.
At simula noon ay palagi na niyang sinusubukan ang tumatakas sa kanila na palagi naman niyang nagagawa. Kaya nga nang unang beses siyang makatapak noon sa Pilipinas at naglaho ng ilang buwan ay halos halughugin ng kanyang mga magulang ang buong mundo para lang hanapin siya. Maswerte lang siya dahil noong mga panahon na iyon ay doon niya nakilala ang kanyang mga baliw na kaibigan at itinago siya sa kanyang mga magulang.
Pero nang tumagal ay nalaman niya na bigla na lang na-hospital ang kanyang ama at may nagbalak daw na painumin ito ng lason kaya napilitan siyang bumalik sa kanila. Hindi niya alam na noong mga oras na iyon ay isa lamang itong patibong upang pauwiin siya kaya naman ang bagsak niya ay may bantay na siya ngayon na nagngangalang Max.
Wala naman siyang problema kay Max dahil naiintindihan naman niya na ginagawa lang nito ang kanyang trabaho. Pero ang ayaw na ayaw niya ay iyong lahat na lang ng gagawin niya ay pakiramdam niya para siyang sinasakal. Hindi niya ba maintindihan kung wala lang muwang si Max sa mundong ibabaw pero ang tingin niya sa lahat ay mga masasama.
Katulad na lang ngayon na nakasunod si Max sa kanya habang papunta siya sa isang fast food restaurant dahil talagang nagugutom na siya. Habang umuorder siya ay napansin niya ang kakaibang tingin sa paligid ni Max na para bang may kakaiba rito. Napailing na lang siya at mabilis siyang umorder ng kanilang pagkain.
Naghanap sila agad ng upuan habang hinihintay nila ang pagkain na kanilang inorder dahil dumarami na rin ang mga tao. Doon sila sa may bandang gilid kung saan ay hindi sila nasasagi ng mga tao. Makalipas ang ilang minuto ay natanggap nila sa wakas ang kanilang pagkain at mabilis na linantakan ito ni Vaughn. Nang matapos siya ay napansin niya na hindi pa ginagalaw ni Max ang kanyang pagkain na kanyang ipinagtaka.
“Why are you not eating your food?” tanong niya rito.
“I can’t start unless you finish, your highness.” Napapalatak muli siya nang marinig niya ang your highness na iyan.
“I told you to stop calling me, your highness in public. We are not in the f*cking Europe. Isang beses ko pang marinig iyan sa bunganga mo ay hindi kita papansinin.” Pagkatapos ay tumayo siya upang pumunta sa restroom. Agad namang napatayo si Max upang sundan siya pero agad niya itong pinigilan dahil napipika na siya sa kasusunod nito.
“Stay in your seat, Max. Walang mangyayari sa akin sa loob ng banyo dahil wala akong gagawin doon kung hindi ang maglabas ng sama ng loob. Eat your food then after we will leave.” Agad namang tumango si Max at naiinis siyang nagsasalita ng mahina habang papunta sa loob ng classroom.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na siyang umihi at naghugas na rin siya ng kamay. Saktong paglabas niya ay kasabay niya ang isang babae na lumabas din sa restroom ng mga babae. Nang magtama ang kanilang mga mata ay bigla siyang natigilan nang makita niya kung gaano ka-ganda ang mga mata nito.
May kislap sa kulay brown nitong mga mata pero kapansin-pansin din ang lungkot nito. Hindi niya maiwasang hindi titigan ang dalaga lalo na noong makita niya kung gaano kanipis ang mga labi nito. Mas lalo siyang napalunok nang makita niya kung gaano rin ka-ganda ang hubog ng katawan nito.
Alam niyang hindi model ito dahil katamtaman lang ang tangkad nito na maaaring nasa 5’4 o 5’5 pero pansin ang bawat kurba ng katawan nito sa suot nitong itim na pants at blouse. Nang linagpasan siya ng babae ay agad niyang naamoy ang amoy lilac na pabango na biglang nagpatigas sa kanyang sandata. Mahina na lang siyang napamura at hindi niya alam kung bakit sinundan niya ang babae gayong alam niya na hinihintay siya ni Max. ‘f**k it!’ Iyon na lang ang nasabi niya sa kanyang sarili.