Chapter 1

1905 Words
Violet 1 year later… Simula ng nangyaring kahihiyan sa aking kasal noon sa simbahan ay umalis ako ng Pilipinas kung saan ay lumipad ako papuntang New York. Doon ako muling nagsimula kung saan ay walang huhusga sa akin at wala na akong makikita na siyang makapagpapaalala ng lahat ng nangyari sa amin ni Jake. Mabuti na rin dahil kahit papaano ay nandoon din si Dyanne na aking kaibigan na siyang nagmamay-ari ng isa sa mga pinaka-sikat na restaurant sa buong mundo. At dahil noong pumunta ako rito ay walang-wala ako ay siya ang nagbigay sa akin ng aking mga kailangan. Gustuhin man akong tulungan ng aking pamilya noon ay hindi na ako pumayag dahil tama naman na siguro ang ginawa nilang sakripisyo sa akin. Nang dahil sa akin ay naubos ang ipon ng aking ama. Mabuti na lamang ay meron ang aking kapatid na siyang tumulong sa kanila sa hirap. Naninirahan sila ngayon sa bahay na ipinatayo ni Xander para sa kanila habang binigyan niya naman si Mama ng pagkakakitaan sa isang supermarket. Gusto rin sana akong bigyan ng aking kapatid ng pera na pwede kong gamitin para magsimula ng isang negosyo ay hindi ko ito tinanggap. Mataas na kung mataas ang aking pride pero nahihiya ako na ang nakababata ko pang kapatid ang tutulong sa akin. Hindi ko ba alam pero iniisip ko na ako ang nakatatanda ay dapat ako ang tumutulong sa kanya at hindi ang kabaligtaran. Masyado nang maraming iniisip ang aking kapatid lalo na sa kanyang pamilya at ayaw ko nang dumagdag pa sa problema nila. Kaya naman gamit ang naiwan kong ipon ay ginamit ko ito para lumipad ng New York at makapaghanap ng isang trabaho. Pumayag na rin ako sa alok ni Dyanne na maging manager ako sa isa sa mga restaurant niya. Nahihiya nga ako kung minsan dahil dapat ay sa taon kong dalawampu’t siyam ay dapat may maganda na akong trabaho o kaya naman ay may mina-manage na akong business. Hindi ko rin masisi si Jake dahil kung tutuusin ay marami akong offer noon sa abroad na hinindian ko para lang makasama siya. Pagkatapos ay ito lang din pala ang gagawin niya sa akin. Kung alam ko lang sana ay nakinig na lamang ako sa aking mga magulang at mga kaibigan. Pero hindi ito ang panahon para magmukmok ako dahil kailangan kong makaipon para mabayaran ko ang mga ginastos ng aking ama sa aking kasal na walang kwenta. Kaya naman kailangan ko pang kumayod nang kumayod lalo na at malaki magpasahod si Dyanne sa kanyang mga empleyado. Kabababa ko lang ng taxi at pumasok ako sa La Savor Restaurant kung saan ay nagse-serve sila ng iba’t ibang klase ng pagkain. May tatlong palapag ito at sa laki nito ay magmumukha na siyang mall. Kilala ang La Savor sa buong mundo dahil ayon kay Dyanne ay may mga secret recipe sila ng kanyang pamilya na tanging sila lang ang meron. At iyon ang dahilan kung bakit sobrang sikat nito sa America hanggang sa buong mundo. Pumasok ako sa automatic door ng resto at agad akong binati ng higit limampu na empleyado na siyang minamanage ko araw-araw. Nakaka-stress kung minsan dahil halos lahat na yata ng kabastusan sa resto na ito ay nakita ko na. Wala nang bago sa akin kaya naman madali na lang silang pagsabihan. May mga pagkakataon pa nga na mga sikat pang mga artista ang kumakain dito. Papunta ako sa aking locker room nang makita ko ang isa sa mga lead floor manager sa second floor. Aba’y sa laki ba naman ng restaurant na ito ay hindi ko naman makikita ang lahat ng mga nangyayari kaya nagtalaga sila ng lead floor manager sa bawat palapag. Sila ang mga kanang kamay ko sa resto na ito at kung may problema ay sila na rin ang susubok na umayos. Maliban na lamang kung kailangan na talaga nila ang tulong ko at doon lang ako gagalaw. “Good morning, beautiful,” bati ni Jack sa akin. Siya si Jack De Guzman at may lahi siyang Espanyol at Pinoy kaya naman masasabi mo na gwapo siya. Sa lahat ng lead floor manager ay siya ang pinaka-sikat dahil sa angkin niyang karisma at kagwapuhan. Halos lahat yata ng mga empleyado na babae rito ay pinagnanasahan siya at minsan ay napapaaway pa ang customer dahil ayaw niyang makipag-date rito. Mabait naman siya sa akin at kapag tulog pero alam ko na ang mga tulad niya. Ganyan na ganyan ang mga galaw ni Jake noon bago niya ako nakuha kaya naman natuto na ako. Alam ko naman na nagpapahiwatig si Jack sa akin pero agad ko ring pinapatay ang pag-asa na meron siya dahil ayoko nang muling masaktan. “Ang ganda talaga ng umaga ko kapag nakikita kita Ma’am Violet,” sabi niya sabay kindat sa akin na dinadaan ko na lang sa tawa. “Jack,” umpisa ko pero agad naman niyang tinaas ang kamay niya sa ere. “Oo na. Alam ko naman na hindi mo gusto ang tipo ko pero nagbabakasakali lang naman. Malay mo bigla akong makapasok sa puso mo ‘di ba?” Napailing na lang ako habang tinatali ko ang aking buhok sa pusod. “Pasensya ka na pero talagang wala sa isip ko ngayon ang pumasok sa isang relasyon.” Ngumiti ako sa kanya. “Alam ko pero hindi ibig sabihin nun na hindi na iyon magbabago sa mga susunod pang mga araw o taon. Kaya kung sakali man ay hinding-hindi ako aalis at sasaluhin kita kapag nahulog ka na sa akin.” Natawa na lang ako sa kanya sabay may bumatok na lang sa kanya. “Hoy! Ang aga-aga linalandi mo nanaman si Ma’am,” pagalit na sita sa kanya ni Laura. Si Laura naman ang lead manager sa third floor at siya ang matalik na kaibigan ni Jack. Siya naman ay purong Pilipino na nagkataon na tumira na rito sa America dahil sa kanyang mga magulang. Ayon sa kanya ay magkaibigan lang ang turingan nilang dalawa ni Jack pero may mga pagkakataon noon na nahuhuli ko siyang nakatitig lang kay Jack. Napapailing na lang ako sa pagiging in-denial niya gayong alam naman namin pareho na higit pa sa pagkakaibigan ang turing niya kay Jack. Agad naman napasimangot si Jack kay Laura na agad namang ikinairap ni Laura. Napatingin siya sa akin at agad siyang lumapit sa akin sabay isinukbit niya ang kanyang braso sa akin. At isa na rin siya sa mga naging matalik kong kaibigan dito kaya alam na alam ko na ang bawat galaw niya. Ako lang din ang tanging nakaaalam ng totoo niyang nararamdaman pero hindi ko na muna ito sinasabi sa kanya. “Violet, bakit mo ba kinakausap ang mga tulad niyang germs? Hindi mo ba alam na contagious sila at pwede kang mamatay?” Sabay irap niya kay Jack. “Hoy! Ano’ng virus ang sinasabi mo e ikaw nga itong kabit nang kabit kay Ma’am Violet e. Mamaya magkaroon siya ng mas nakahahawang sakit na ketong.” Napasinghap si Laura at akmang papaluin niya si Jack ay nakatakbo na ito palayo. Naiwan kaming dalawa ni Laura sa locker room at agad ko naman siyang tinaasan ng aking kilay. “What? Bakit mo ako tinitinggan ng ganyan aber?” tanong niya pero umiling lang ako sabay lumabas na sa locker room para simulan ang aming trabaho. Paglabas ko sa mismong dining area ay marami na ang tao at maingay na rin. Panggabi kasi ang shift ko na alas-siyete ng gabi hanggang alas-siete ng umaga. Twenty-four hours kasi ang restaurant kaya naman mas pinili kong gabi na lang magtrabaho total ay gising naman ako sa gabi madalas. Dumiretso na muna ako agad sa sales noong nakaraang buwan pati na rin ang mga gamit na wala na at kailangan pang ayusin. Abala akong nagche-check ng aking mga gamit nang bigla na lang pumasok ang isang waitress sa kitchen na umiiyak. Kung maalala ko ay Lea ang kanyang pangalan at agad siyang lumapit sa akin. Napangiwi ako nang makita ko ang itsura niya na parang basang sisiw pero agad na napakunot ang aking noo nang makita ko na hindi lang basta tubig ito. Kumukulong sopas ito at nagsisimula nang mamula ang kanyang balat na aking ikinabahala. Agad naman akong nagpakuha ng isang emergency kit sa isang waiter at agad ko siyang pinaupo. “What happened to you?” tanong ko sa Ingles. Hindi siya nagsalit bagkus ay pumasok ang isang waiter at hinanap niya si Lea na agad naman niyang nakita. Lumapit siya sa amin habang may hawak pa siyang tray ng sopas na siya yatang ginamit sa kanya. “What happened?” tanong ko sa kanya. “Ma’am, someone outside was making some ruckus because she said that there was a hair on her soup. She started complaining about it, but Lea was so sure at that moment that the soup doesn’t have any hair,” paliwanag niya at agad naman akong napatingin kay Lea. “Lea, is that true?” Tumango siya habang umiiyak. “I know that the soup doesn’t have hair on it because I was the one who checked it before giving it to her. I just put it in front of her then after leaving her for like a minute, she called me again saying that there was some hair on it. Ma’am, please believe me,” sabi niya na umiiyak. Napahinga naman ako ng malalim at agad ko naman siyang pinaubaya muna sa lalaking waiter. Tumayo ako at agad kong hinanap ang customer na siyang nagrereklamo. Hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo ay hindi ako pwedeng magalit sa kahit na sino sa kanilang dalawa. Paglabas ko ay agad akong itinuro ng ilang waiter sa babaeng nakita ko na parang halos ka-edad lamang ng aking ina. Sa upo at tindig niya pa lang ay pansin mong metikulosa siya at yayamanin base na rin sa suot at mga gamit niya. Pero kahit gano’n ay wala siyang karapatan na bastusin ang mga empleyado ko lalo na at alam ko naman ang kalidad ng restaurant na ito. Nang makalapit ako sa kanya ay agad siyang inis na napatingin sa akin sabay tinignan niya ako mula ulo hanggan paa. Ngayon pa lang ay alam ko nang matabore siya at mukhang ayaw niya sa mga mahihirap. Nang makita niya ang aking name tag ay umayos siya ng upo sabay pinaningkitan ako ng kanyang mga mata. “You are the manager, Violet? Tss, I didn’t know that color can be a name.” Huminga ako ng malalim sabay nginitian pa rin siya kahit naiinis ako sa kanya. “Ma’am, I was told that you don’t like the soup we gave you because of the hair on it?” tanong ko. “Yes!” sagot niya. “Your ungrateful employee put the hair on that soup. How can I enjoy my food now?” Tumango naman ako at agad kong pinakuha ang sopas na tinapon niya kay Lea. Binalik nila ito sa akin at nakita kong may buhok nga pero agad na napakunot ang aking noo nang makita ko na kulay brown ito at kung natatandaan ko ng mabuti ay itim ang kulay ng buhok ni Lea. Napatingin ako bigla sa buhok ng matanda at nakita ko na kasing kulay ng buhok na iyon ang buhok niya. Napataas ang aking kilay at agad kong ibinalik sa aking mga empleyado ang sopas. “Ma’am, I would like you to leave the restaurant, now.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD