Violet
Malakas ang aking iyak na nakahandusay dito sa harapan ng altar simula nang malaman ko kahapon na iniwan ako ng fiance kong si Jake para lang sabihin sa akin na tinatamad na siyang magpakasal. Yes, some of the people might find it very funny, irrational, unreasonable, and childish. Halos isumpa ko siya nang malaman ko na nang dahil lang sa bwisit na katamaran na iyan kaya hindi niya ako kayang siputin.
Sa totoo lang ay hindi ko nga alam kung bakit nandito ako ngayon sa simbahan. My friends and family are fuming and furious when they learned that my longtime boyfriend and fiancé decided not to show up. Sabagay maganda na rin na nalaman ko ng maaga kundi baka ganoon ang gawin niya kung sakaling nagkaroon kami ng mga anak.
It’s just that it hurts so much because he is my first in everything. I gave everything to him, and we’ve been in a relationship for like 5 years now. Isang kahihiyan ang kanyang ginawa sa akin na iniwan niya ako sa harapan ng altar.
Muntik pa ngang maatake si Papa dahil halos lahat na yata ng preparasyon sa kasal namin ay siya ang sumagot ng gastos. Ni wala nga siyang na-i-share sa amin dahil lubog na lubog pa siya sa utang. Nandoon na lahat ng mga bad signs na kailangan ko pero hindi ko pa rin nagawang hiwalayan siya.
Marami na noon ang nagsasabi na hindi siya matinong lalaki dahil bukod sa ma-barkada siya ay mahilig pa siyang uminom. Pero ang tanga kong puso ay hindi pinansin ito bagkus ay naging bulag-bulagan ako sa aking mga nakikita. Matapos akong umiyak ay naramdaman ko na lang ang yakap sa akin ng kaibigan kong si Dyanne na siyang maid of honor ko rin ngayon.
“Friend, tahan na iyan,” sabi niya sabay tinulungan akong tumayo.
Pagkatayo ko ay nakita ko ang mga tingin ng mga tao sa akin pati na rin ang mga bulung-bulongan na iniwan ako ng lalaki. Inalalayan ako ni Dyanne hanggang sa labas ng simabahan kung saan ay nakita ko ang kotse ng aking ama. Bumukas ang pinto nito at agad akong inalalayan ng aking kapatid na si Xander.
Sumalubong na rin sa amin si Krysta na siyang asawa ng aking kapatid pati na rin ang kanilang kambal na anim na taong gulang na rin. Pagsakay ko sa sasakyan ay hinanap ko ang aking ama na nakita ko pa lang may kausap pala sa labas. Pansin na pansin ang pamumula ng kanyang mukha na halatang galit na galit ito sa nangyari.
Napalunok na lang ako nang papalapit na si Papa at kasabay ng pagbukas ng kanyang pinto ay sumakay na rin ang aking ina sa passenger’s seat. Nang dumako ang mga mata ng aking ama sa akin ay tumigil na muna siya saglit bago siya sumakay sa aming sasakyan. Walang imik niyang binuhay ang makina ng sasakyan habang nakatingin sa rearview mirror.
Alam ko naman na galit din sa akin si Papa dahil kung nakinig lamang ako sa kanya ay hindi sana mangyayari ito. Pero mas inuna ko ang aking kagagahan kaya heto ako ngayon at nganga ako sa aking love life. Pinaandar ni Papa ang sasakyan paalis sa kahihiyan na nangyari sa araw na ito.
Pagdating namin sa bahay namin ay nauna akong bumaba at mabilis akong pumasok sa loob ng aming bahay. Pero bago ko pa man maitapak ang aking mga paa sa unang baitang ng hagdan ng ay narinig ko na ang boses ng aking ama. Napalunok na muna ako bago ako humarap sa kanya kung saan ay nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
“Violet,” simula niya. “Halika rito anak. Gusto man kitang pagalitan dahil sa mga naging desisyon mo pero hindi ko gagawin iyon dahil alam kong kailangan mo ako ngayon.”
Doon ako naluha at mabilis akong lumapit sa aking ama at yinakap siya ng sobrang higpit. Doon ako humagulgol sa kanyang dibdib. Sa araw din na iyon ay isinumpa ko na hinding-hindi na ako muling iibig pa lalo na sa mga katulad ni Jake na halatang babaero at walang patutunguhan ang buhay.