Chapter 18

2138 Words
“So? Did you already tell her about who you really are?” tanong ni Xander sa kanya. “Not yet. Ni halos nahirapan nga akong susyuin ang kapatid mo kaya hindi ko na muna sinabi sa kanya ang lahat.” Napangiti si Xander sabay linagok ang natitirang beer niya. “Diyan ka mag-iingat dahil galit na galit si Ate sa mga sinungaling. Kaya kung ako sa iyo ay sabihin mo na sa kanya habang maaga pa dahil oras na siya ang umalis ay sinasabi ko na sa iyo na mahihirapan kang pabalikin siya.” Napatango naman si Vaughn. “Don’t worry because I’m planning to. Kumukuha lang ako ng tyempo. Alam mo naman ang pinagdaanan niya lalo na at nakita niyang muli ang gago niyang ex kanina lang. Ayokong mabigla siya oras na sinabi ko sa kanya kung sino ako.” Agad na napakunot si Xander. “What? Jake is here? In New York?” Tumango si Vaughn. “That asshole! Alam mo ba na pinapahanap siya ng aming ama? My sister doesn’t know about it, but our father was planning to punish that asshole.” Nang matapos nilang mag-usap ay para bang hindi siya sinuntok ni Xander kanina dahil nagtatawanan na sila at nagkwekwentuhan. Kahit naman na nagalit sa kanya si Xander ay masasabi niya na ito pa rin ang isa sa pinaka-matalik niyang kaibigan. Hindi rin naman niya masisi si Xander dahil kung siya rin ang may kapatid na babae at alam niya na babaero ang isa sa mga kaibigan niya ay ayaw niya lang na masaktan din ang kanyang kapatid. Nang matapos silang mag-usap at mag-inuman ay nagpaalam na si Xander sa kanya. Tumayo na rin siya upang sabay na silang lumabas ng kanyang condo. Inalok niya na ihatid ito pero tumanggi na lamang si Xander dahil pupunta rin ito sa mall bago siya bumalik sa apartment ni Violet. Bago lumabas si Xander ay agad niya itong pinigilan. “Hey, man. Thanks for accepting me for your sister. It means a lot to me.” Napangiti si Xander. “Just don’t hurt her, dude. That’s all I ask. She’s suffered with her ex already, and I don’t want to see her get hurt again.” Tumango si Vaughn habang ngumingisi. “I’m serious, bro. Oras na saktan o paiyakin mo lang siya ay ilalayo ko siya sa iyo at ayaw kong maging magkaaway tayo nang dahil lang sa pagmamahalan niyo. I don’t want to come a time where I’m going to choose between my friend and my sister.” “I promise. Makakaasa ka.” Tumango naman si Xander sa kanya bago ito tuluyang umalis na sa kanyang condo. Nang makasakay na ito ng taxi ay napahinga ng malalim si Vaughn sabay napatingin sa kanyang cellphone nang makita niyang tumatawag si Violet. Napangiti siya agad nang makita niya ang pangalan nito at mabilis niyang sinagot ang tawag nito. “Hey, my love,” sagot niya. “Kumusta ang pag-uusap niyong dalawa ni Xander? Hindi ka ba niya sinaktan? Please tell me para nang makausap ko siya,” nag-aalalang sabi nito. “I’m fine. I actually had his blessing.” “R-Really? Y-You had his blessing? How?” “Hmm. Sabihin na lang natin na hindi niya rin matanggihan ang karisma ko.” Agad naman siyang natawa nang mapansin niya na natahimik si Violet at alam niyang sumisingot na ito. “Anyway, magpahinga ka na dahil alam kong pagod ka. Bukas ay susunduin na lamang kita para ihatid ka sa iyong trabaho. I love you, my love.” “Okay… B-Bye. I-I love you, too.” Napangiti na lamang siya dahil halatang hindi pa sanay si Violet na sabihin sa kanya ang mga salitang iyon. Pagkatapos nilang magpaalam na dalawa sa isa’t isa ay may natanggap ulit na tawag si Vaughn sa kanyang cellphone at nakita niyang tumatawag dito ang kanyang ina. Mabilis niya itong sinagot at narinig niya ang sigaw nito na sinasabing gising na raw ang kanyang kuya. Nang malaman niya iyon ay napahawak na lamang siya nang mahigpit sa kanyang cellphone. “I see. I’ll be going back to Italy as soon as possible, Mom. Okay, bye.” Pagkababa niya ng kanyang cellphone ay muli siyang napalingon kay Max. “I’ll be going back to Italy tomorrow. Ikaw na muna ang bahala kay Violet at sabihin mo sa akin kung may umaaligid ba sa kanya.” “Yes, your highness. Will you be, okay?” Tumango si Vaughn sabay tinapik ang kanyang balikat. “I will be fine.” Kinabukasan ay maagang naghanda si Violet dahil excited na siyang makita si Vaughn. Abala siya sa pag-aayos ng kanyang buhok nang marinig niyang may nag-doorbell sa kanyang pinto. Mabilis niyang tinungo ang pinto at may nakapaskil na malawak na ngiti pero agad iyong napawi nang makita niyang si Max ang nakatayo sa pinto at hindi si Vaughn. Hinanap ng kanyang mga mata si Vaughn pero wala itong nakasunod kay Max. “Good evening, my lady. Are you ready to go to work?” tanong nito na kanyang ipinagtaka. “Uhm, y-yes. Wait, n-nasaan si Vaughn? Akala ko ba ay siya ang magsusundo sa akin papuntang trabaho?” “Your highness went back to Italy this morning, my lady. He asked me to fetch you and send you to work. Don’t worry because he will come back as soon as possible.” Napasimangot naman si Violet dahil hindi man lang ito nagpaalam bago siya umalis. Dismayado namang napatango si Violet at agad na niyang kinuha ang kanyang mga gamit at lumabas na siya ng kanyang apartment. Nakasunod siya sa likuran ni Max habang naiinis na iniisip si Vaughn dahil hindi man lang ito nagsabi. Inaasahan niya pa man din na siya ang maghahatid sa kanya papuntang trabaho pero agad na napawi ang sayang naramdaman niya. Habang naglalakad siya ay bigla na lamang napatigil si Max kaya agad siyang bumunggo sa likuran nito na kanyang ipinagtaka. Nagtataka naman siyang napatingin kay Max at nang tatanungin na sana niya kung ano’ng problema ay gano’n na lamang ang takot niya nang makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril. “Ahhh!” sigaw niya pero agad siyang hinila ni Max pabalik sa loob ng kanyang apartment. Hindi niya alam kung nasaan na sila pero ang tanging narinig na lamang niya ay ang putok ng baril na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Nang makabalik sila sa loob ng kanyang apartment ay kinakabahan siyang napatingin kay Max nang makita niyang dumudugo ang damit nito. Napasinghap siya at agad niyang linapitan si Max na para bang hindi nito alintana kung may sugat siya o hindi. “M-Max, you’re bleeding. Oh my, y-you need to go to the hospital,” takot na sabi ni Violet sa kanya. “I’ll be fine, my lady. This is just a bruise.” “What? A bruise? Dumudugo ka pero bruise lang? Huwag mo akong pinaglululuko, Max! Oh my…” Nasapo ni Violet ang kanyang noo. “My lady, you need to calm down. Do you have some first aid kit in your apartment?” Napatango si Violet habang namumuti na ito sa takot dahil sa pag-agos ng dugo ni Max. Huminga siya ng malalim at mabilis siyang pumunta sa kanyang banyo upang kunin ang kanyang first aid kit. Mabilis niyang linapitan si Max at lalapatan na sana ito ng paunang lunas nang makarinig silang muli ng baril. Sa pagkakataong ito ay mukhang nalaman ng kung sinuman kung saan ang kanyang kwarto at agad siyang napatakip sa kanyang tenga. Hinila naman siya ni Max upang magtago sa isang matigas na bagay habang sunud-sunod pa rin ang putok ng baril na kanyang naririnig. Naiyak na siya at gulong-gulo siya dahil hindi niya maintindihan kung bakit siya inaatake ng ganito. Ang alam niya ay wala naman siyang naging kaaway at wala rin naman siyang kagalit. Noong mga oras na iyon ay wala siyang ibang nasa isip kung hindi si Vaughn. “My lady, you need to run. I’ll try to stall them as long as I can, but we can’t both leave at the same time.” Napailing siya sa sinabi ni Max. “N-No. I can’t.” “Trust me, my lady. It’s for your own good. And whatever happens don’t stop running until you can go to the parking lot. Take my key, and go far away from here.” Umiling ng mariin si Violet habang nakatingin siya kay Max. “Please, my lady. You’ll be safer that way. Where’s your necklace?” “N-Nandito…” turo niya sabay pinakita ito sa kanya. “Good. That would be your protection. Now, on my signal, go to the emergency exit and keep running. Do you understand, my lady?” Tumango-tango siya. “Your highness is so lucky to have you. Now, go!” Mabilis siyang tumayo at tumakbo siya palapit sa may emergency exit ng building kung saan ay may hagdan at iyon ang ginamit niya pababa. Nang makababa siya ay para siyang nakikipag-marathon sa bilis niyang tumakbo. Sinunod niya ang sinabi ni Max at mabilis niyang tinungo ang sasakyan ni Max at linabas niya ang kanyang susi. Sa nanginginig na kamay ay pinisil niya ang automatic key ni Max. Akmang sasakay na sana siya sa loob ng sasakyan nang makarinig siya ng kalabit ng gatilyo ng baril. Agad niyang naramdaman na may nakatutok na baril sa kanya at dahan-dahan niyang nabitawan ang susi. “Don’t try to move or I will shoot you in the head,” bulong ng kung sinuman sa kanyang likuran. “Put your hands up, now.” Utos nito sa kanya na agad naman niyang sinunod. “Hey, where are you? I got her! Let’s move, now!” sigaw nito sa kausap. Napapikit na lamang si Violet at hindi na niya alam kung ano’ng iisipin niya. Maya-maya ay may naglagay ng kung ano sa kanyang ulo dahilan para hindi siya makakita at agad na tinulak siya ng lalaki papunta kung saan. Narinig niya ang pagtigil ng sasakyan sa kanyang harapan at agad siyang pinasakay dito. Nang makasakay ay agad niyang naramdaman ang pag-andar nito ng sobrang bilis. Agad na itinali ang kanyang mga kamay at paa habang nakikiusap siya ng paulit-ulit. Nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang inisip kung hindi si Vaughn na sana ay may mangyaring milagro. Na sana maging siya si Flash at mabilis siyang makarating dito upang iligtas siya. “Please let me go. I-I’m begging you,” iyak niya sa nagtatali ng kanyang mga paa. “Shut up! You should be thankful that you are still not dead yet,” sabi ng lalaki na mas lalo niyang ikinaiyak. Maya-maya ay may naamoy siyang kakaiba at pilit niyang iniiwas ang kanyang mukha sa amoy na iyon pero bigla na lamang siyang nakaramdam ng hilo. Pagkatapos ay unti-unti na siyang nawawalan ng ulirat habang pahina nang pahina ang kanilang mga boses. Tuluyan na siyang nawalan ng malay at ang huling nasa isip niya nang mga oras na iyon ay sana buhay pa siya kapag nagising na siya. Nang mahimatay si Violet ay agad na nagtinginan ang mga lalaking nasa loob ng van nang maisipan ng isa sa kanila na alisin ang talukbong sa ulo ni Violet. Nang makita niya ang mukha ng dalaga ay bigla siyang nakaramdam ng kakaibang awa sa dalaga dahil nasangkot siya sa gulong ito. Nagagandahan siya sa babae na halos haplosin niya ang pisngi nito habang natutulog. “Tss. Don’t tell me you like that woman, Siegfried? Well, she’s a beauty, isn’t she? No wonder that Brixton fell in love with her.” Napatitig naman siya sa dalaga. “What are they going to do with her?” tanong ni Siegfried sa lalaki. “A collateral? An exchange? An auction? I don’t know. They just told us to get the woman, and they will do the rest. I don’t know what they mean, but they paid us twelve million just for her.” Napahinga naman ng malalim si Siegfried at agad na nakaramdam siya ng kaba. Aaminin ni Siegfried na hindi niya kailangan ng pera dahil may kaya ang kanilang pamilya pero nabubuhay sila dahil sa mga masasamang gawa. Katulad na lamang nito kung saan ay binayaran sila ng pamilyang Kratos upang hanapin ang prinsipe ng Italya. Nang malaman nila kung nasaan ang hinahanap nilang prinsipe ay sinundan nila ito ng ilang araw. Hanggang sa nalaman nila na may kinikita itong iba at doon ay mas dumoble ang kanilang kita at pina-kidnap ang babae. Pero ngayon na nakita niya ang mukha nito ay may masama siyang pakiramdam na hindi magiging maganda ang kalalabasan niya sa mga kamay ng Kratos. Matagal na siya sa ganitong trabaho pero ngayon lang siya nakaramdam ng konsensya. Sana naman ay hindi ito isang klase ng karma sa lahat ng mga katarantaduhang ginawa niya sa kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD