Nang makarating si Vaughn sa Italy ay agad siyang sinundo ng kanilang limousine at agad niya itong pinahatid sa kanilang palasyo. Pagdating niya ay agad siyang sinalubong ng maraming katulong pati na rin ng iba pang kasama nila sa bahay. Pero agad niyang hinanap ang kanyang ina na nakita niyang pababa ng kanilang hagdan.
“Oh, son. Glad you are back. Tamang-tama ang dating mo dahil gising na ang kuya Vance mo.” Yumakap si Vaughn sabay humalik sa kanyang ina.
“Hello, mom. I want to chit chat, but I want to see my brother first.” Tumango naman ang ina ni Vaughn.
“Of course. Tatawagin ko lang ang ama mo para malaman na nakarating ka na.”
Iniwan niya ang kanyang ina at mabilis siyang pumanhik sa kwarto ng kanyang kapatid. Agad siyang kumatok at pagbukas niya ng kanyang pinto ay nakita niya ang kuya na abalang kumakain ng almusal. Nang dumako ang ngiti ng kanyang kuya sa kanya ay agad itong napangiti sabay napailing siya.
“Hey, little brother,” sabi nito sa kanya na kanyang ikinangiwi. “Alam kong ayaw mong tinatawag na little brother, but you are still my younger brother, Vaughn.”
“How are you feeling, kuya? You look like s**t; do you know that?” Agad naman na natawa ang kanyang kuya sa kanyang sinabi.
“I’m feeling better. Medyo masakit nga lang ang katawan ko pero mabubuhay naman ako. How about you? I hope our father is not pestering you again?” Nanahimik ko upang sabihin na hindi pa rin nagbabago ang aking ama. “How’s everything with you?”
“Ayos lang ako kuya. Hindi mo na dapat ako kailangang alalahanin dahil kaya ko ang sarili ko. Isa pa kasama ko iyong bagong butler na binigay ni Mama sa akin.” Tumango naman siya.
“Well, where is he? Bakit hindi ko nakikitang kasama mo siya?” Napangiti naman si Vaughn at agad na nakuha agad ng kanyang kuya ang ibig sabihin ng ngiting iyon. “I see. I would love to meet her soon.”
“You will if you are going to walk soon, kuya. Kaya magpagaling ka dahil ayaw kong ipakilala siya sa iyo na ganyan ang kalagayan mo. Baka kaawan ka pa niya at sa iyo siya ma-in love.” Natawa naman sa kanya si Vance. Maya-maya ay natahimik ang kuya niya at naging seryoso bigla ito.
“You need to be careful, Vaughn. The Kratos family are desperate to go back to the top. Lahat gagawin nila para lang umangat sila muli kaya nga kung nakikita mo ay nandito ako ngayon sa palasyo at nawawala ang aking pamilya.” Napahinga ng malalim si Vaughn.
“I understand, kuya. No worries, because I think they focused their attention to me. Hindi ka na nila magagalaw pa pati ang pamilya mo.” Napatango-tango naman si Vance sa kanyang sinabi. “It’s just a matter of time before I can have my revenge to them. Anyway, pumunta lang ako rito upang kamustahin ka dahil nagising ka na. Magpasalamat ka dahil pinuntahan kita kahit alam kong mapapalayo ako sa New York.”
“Thank you, little brother. I know you love me, even though you don’t show it.” Napangiwi naman si Vaughn at agad na inirapan niya ang kanyang kuya na ikinatawa naman nito.
Tinapik ni Vaughn ang balikat ni Vance at akmang lalabas na nang makatanggap siya ng tawag sa kanyang telepono. Agad na napakunot ang kanyang noo nang makita niyang tumatawag si Max dahil alam niya na hindi tatawag si Max hanggat hindi siya ang unang tumatawag dito. Kaya naman agad siyang nakaramdam ng kakaibang kaba at agad niyang sinagot ang tawag ni Max.
“Hello, Max?”
“Your highness! They got her! They got lady Violet!” rinig niyang sigaw ni Max sa kabilang linya habang halata sa boses nito na nahihirapan siyang magsalita.
Ni walang salitang namutawi sa kanyang mga labi at mabilis na binaba niya ang tawag at nag-aalalang napatingin siya sa kanyang kuya Vance.
“What’s the problem?” tanong ni Vance at nang makita ni Vance ang takot sa mukha ng kanyang kapatid ay agad itong napamura ng mahina. “Go. I’ll be fine here. Ako na rin ang bahalang magsabi sa kanila mama kung saan ka pumunta. Save her before it’s too late.”
“Thanks, kuya,” sabi ni Vaughn at dali-dali siyang lumabas ng kanilang palasyo.
At habang palabas siya sa kanilang palasyo ay mabilis niyang tinawagan ang mga taong sa tingin niya ay makatutulong sa kanya. Ang una niyang tinawagan ay walang iba kung hindi si Earl pati na rin ang kaibigan niyang si Abigail. Nag-ring ng dalawang beses ang telepono ni Earl bago ito sumagot.
“Hello, dude. Kumusta ka na?” tanong nito.
“I need your help, bro. Damn,” mahinang sambit niya at pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit alam niyang nanginginig siya sa magkahalong galit at takot.
“Spill it.” Agad naman niyang sinabi kay Earl ang kanyang problema. “Okay. I’m on it. I should call Seanne as well. Baka may alam siya tungkol sa pinapahanap mo. Just give me twenty four hours to look for her.”
“s**t. Hindi mo ba pwedeng bilisan?” Natahimik saglit si Earl sa kabilang linya.
“I’ll see what I can, dude. Alalahanin mo na iisang tao ang pinahahanap mo at hindi natin alam kung saang lupalop siya pinunta. Don’t worry. I’ll ask the help of Abigail to look for her. Mas malawak ang sakop niya kaysa sa akin kaya baka sakaling mapadali ang trabaho ko.” Napatango-tango naman siya habang pasakay na siya sa kanyang limousine.
“Thanks. I owe you one.”
“No problem. I have to go.” Binaba na nito ang tawag at halos hindi siya mapakali sa kanyang upuan.
Kung pwede lamang niyang liparin ang New York ay ginawa na niya pero hindi naman siya tulad nila superman. Tahimik siyang napapadasal na sana ay maging ayos lamang ang kanyang kasintahan. May parte sa kanya na sinisisi niya ang kanyang sarili dahil kung hindi lang sana niya iniwan si Violet ay wala sanang masamang nangyari rito.
Ano na lang ang naramdaman ni Violet nang mga oras na iyon? Iniisip ni Vaughn na marahil ay takot na takot si Violet dahil hindi niya alam kung bakit biglang may kumidnap sa kanya. Sa inis niya ay minadali niyang pagdrivin ang kanyang driver papunta sa airport.
Nang makarating siya sa airport ay nakahanda na ang kanyang private airplane at agad silang lumipad papuntang New York. Ipinagdarasal niya na sana ay hindi pa huli ang lahat dahil kung sakaling may mangyaring masama kay Violet ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili. Makalipas ang sobrang tagal na walong oras ay nakarating na rin sa wakas si Vaughn sa New York.
Paglabas niya ng airport ay nakita niya roon si Max na nakatayo sa labas ng sasakyan habang pansin niya na maraming pasa at sugat ito pero mukhang nagamot na. Agad na umasim ang kanyang mukha at mabilis siyang lumapit kay Max sabay napakuyom ang kanyang kamao.
“Your highness, I’m so sorry for not being enough. It’s my fault because I’m the reason they got Ms. Violet.” Yumuko ito at agad siyang napabuga ng hangin sabay napahilot sa kanyang sintido.
“Tell me what happened,” sabi ni Vaughn kay Max.
Agad namang sinabi ni Max ang buong nangyari at nang matapos ay hindi niya napigilang murahin si Max.
“Ang sinabi ko sa iyo ay bantayan mo siya. Hindi iyong paaalisin mo siya sa tabi mo dahil alam mo naman na siguradong nakaaligid sa paligid lang ang mga tauhan ni Kratos.” Napapikit siya ng mariin at gusto na niyang suntukin ang lalaki pero tapos na at hindi na niya maibabalik pa ang lahat. “You are going to help in finding her, and I don’t care if you will not have enough time to rest or what. But find her and make sure that she’ll be safe. Saka ko na pag-iisipan kung ano’ng parusa ang ibibigay ko sa iyo.”
“Yes, your highness,” sagot ni Max habang nakayuko.
Pagkatapos nilang mag-usap ay sumakay na si Vaughn sa sasakyan at agad silang pumunta sa apartment ni Violet. Gusto niyang malaman kung paano silang nasundan ng pamilya ni Kratos gayong alam naman niya na naging maingat siya. Ang buong akala niya ay walang nakasunod sa kanya pero mukhang nagkamali siya.
Tuwing naiisip niya ang pinagdaanan ni Violet ay hindi niya mapigilang mag-aalala at mainis. Habang nasa eroplano siya kanina ay pinahanap niya ang pamilya ni Kratos sa Spain pero sabi ng mga pinagtanungan niya ay wala na ang mga ito sa dati nilang tinitirhan. Nagpupuyos siya sa galit at hindi niya alam kung paano niya ibabaling ito dahil hindi niya matanggap na wala sa kanyang tabi si Violet. Habang nasa daan sila ay agad na tumunog ang kanyang cellphone at nakita niyang tumatawag dito ang matalik niyang kaibigan na si Abby.
“Hello? Hi, baby boo.”
“Vaughn, are you alright? Sinabi sa akin ni Earl ang nangyari at agad kitang tinawagan pero nakapatay ang cellphone mo.”
“Sorry, I was inside the airplane a while ago. To be honest, I’m not feeling well, and I don’t know what to think. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kaiisip kung saan nila maaaring pinunta si Violet. Damn.” Napahilot siyang muli sa kanyang sintido.
“Don’t worry. We are trying everything that we can so that we can find her as soon as possible.” Napatango siya. “Anyway, sino ba itong Kratos family na tinutukoy mo? Kasi nang tignan ni Earl ang tungkol sa kanila ay normal lang naman silang citizen ng Spain. They are not that special.” Agad na napakunot ang noo ni Vaughn sa sinabi ni Abby.
“Wait, what? Normal citizen of Spain? Pero paano mangyayari iyon e ang Kratos family ay nanggaling sa royal family?” tanong ni Vaughn.
“What? Royal family my ass. Have you ever heard of the word con artists? Maraming gano’n ngayon sa mundo at madali ka nilang paniwalain sa mga bagay-bagay. Nagkataon lang na ang buong Kratos family ay binubuo ng iba’t ibang con artists. Hindi sila nahuhuli dahil tulad nga ng sinabi ko ay magaling silang um-acting. Pero nang hinanap ni Earl ang tungkol sa kanila ay patong-patong na kaso ang pwedeng ipataw sa kanila.”
Nagugulat si Vaughn sa kanyang mga naririnig dahil hindi niya akalain na naisahan siya ng mga ito ng ilang taon. Ang masama pa ay nagawa nilang saktan ang isang myembro ng royal family gayong hindi naman pala sila gano’n ka-espesyal. Nang malaman niya ito ay gano’n na lamang ang galit niya na gusto niyang parusahan ang mga ito sa lalong madaling panahon.
“Anyway, they are veterans when it comes to being a con-artists. Palipat-lipat sila kadalasan ng pwesto kaya hindi sila naisusumbong o nahuhuli ng pulis. Ang tanging mali nga lang nila ay ikaw pa ang binangga nila. For now, mukhang mahihirapan tayong hanapin sila pero ipagdasal na lang natin na magiging ayos lang ang kalagayan ni Violet.”
“Thanks for the info. Oras na may malaman ka ay sabihin mo sa akin agad.”
“Sure. I need to go, bye.”
Pagkatapos niyang makausap si Abby ay sakto namang pagdating nila sa mismong apartment ni Violet. Pagbaba niya ay agad siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib at hindi niya alam kung ano’ng gagawin niya. Habang naglalakad siya papunta sa apartment ni Violet ay may napansin siyang maliit na bagay sa sahig malapit sa mismong entrada ng apartment. Nang pulutin niya ito ay nakita niya na hikaw ito at agad niyang nakilala na hikaw ito ni Violet.
“It’s Violet’s earring. They drag her! f**k! Those assholes! Oras na makita ko sila ay handa akong dumihan ang aking kamay ibalik lang nila sa akin si Violet.” Napaharap siya kay Max. “I feel so useless, Max. Pakiramdam ko ay wala akong magawa sa kaisa-isang taong importante sa buhay ko.”
“I really apologize, your highness. I know that it will not heal what you are feeling right now, but I am willing to do anything to find, Ms. Violet. I would gladly accept any punishment.” Napahinga ng malalim si Vaughn sabay mahigpit na hinawakan niya ang napulot niyang earring ni Violet.
Ipinagdarasal niya na sana ay maging ayos lamang ang lagay na ito. Sana ay hindi sinasaktan ngayon ng mga hayop na iyon ang pinaka-mamahal niyang si Violet dahil oras na nagkataon ay maghahalo ang balat sa tinalupan.