Nang maimulat ni Violet ang kanyang mga mata ay dahan-dahan na nag-adjust ang ilaw sa kanyang paligid. Ramdam niya hanggang ngayon ang kakaibang hilo at hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Iniisip niya kung saan ba siya o kung nananaginip ba siya.
Halos hindi na niya alam kung talaga bang gising na siya dahil naramdaman niyang hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Maya-maya ay nakarinig siya ng mga boses na para bang pumasok ang mga ito sa silid kung nasaan siya. Pilit niyang inaaninag ang kanyang kapaligiran lalo na nang makita niya ang dalawang bulto na nakatayo ngayon sa kanyang harapan. Halos paningkitan niya ang mga taong nakatayo ngayon di malayo sa kanya dahil hindi niya makita ang mga mukha nito ng malinaw.
“Hey! She’s awake!” rinig niyang sigaw ng isa pero pilit pa rin niyang inaaninag kung sino ang taong nasa harapan niya.
“V-Vaughn…?” sabi niya sa nanghihinang boses at narinig niyang nagtawanan ang dalawang tao na nakatayo sa kanyang harapan.
“Vaughn daw? Hoy, miss. Sorry to bust your bubble, but your prince charming is not here. Kaya kung ako sa iyo ay huwag ka nang maghanap ng tao na wala naman dito dahil hinding-hindi mo na makikita ang prinsipe mo.” Naiintindihan naman ni Violet ang sinasabi ng lalaki pero wala siyang lakas para magsalita dahil sobra siyang nanghihina.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at narinig niya ang mga tawanan ng mga lalaki nang makarinig siyang muli ng pagbukas ng pinto. Pagkatapos ay nakarinig siya ng boses na siyang sumisita sa kanilang dalawa.
“What the hell are you doing? Did you give her two dosages?” rinig niyang tanong ng lalaki.
“Uhm, iyon iyong utos ni boss e.” Agad namang binatukan ng lalaki ang sumagot sa kanyang tanong.
“You idiot! Bakit niyo pa siya binigyan ng isang dosage e halos hindi na nga siya makagalaw o. Tang ina naman. Gusto niyo bang patayin iyong tao bago pa natin siya ipakita sa kanila boss? Oras na may mangyari sa kanya ay kayo ang bahalang magpaliwanag kung ano’ng nangyari. Mga tanga talaga kayo kahit kailan,” pangaral niya sa dalawang lalaki at agad na pinalabas ang mga ito.
Nang marinig ni Violet na lumabas na sila ay naramdaman niya ang pag-uga ng kama at ang paghaplos ng kung sino sa kanyang noo at pisngi. Gusto niyang tanungin ang lalaki pero sobra talaga siyang nanghihina na para bang oras na pinilit niyang magsalita ay mawawalan na siya ng ulirat.
“Sorry about that. I need to make you sober. I’ll inject something to you, and you’ll feel much better, okay?” tanong nito sa kanya.
Hindi naman siya makatango o maka-hindi man lang dahil wala siyang lakas. Isa pa ay naisip ni Violet kung ano ang tinutukoy nito na ituturok daw sa kanya? Lasing ba siya? Dahil kung oo ay bakit sobra siyang nanghihina at nahihilo. Maya-maya ay naramdaman niya ang pagturok ng karayom sa kanyang braso at napadaing siya.
“Shh. You’ll feel better after a few minutes. For now, magpahinga ka na muna at sigurado akong hanggang ngayon ay nahihilo ka. Babalikan na lamang kita pagkatapos ng ilang minuto,” sabi nito sa kanya at unti-unti na siyang hinihila ng antok.
Nang dumilim ang kanyang paligid ay muling pinagmasdan ng lalaki ang maamong mukha ng dalaga. Simula nang kidnapin nila ito mula sa tinitirhan niya ay hindi na niya maalis ang tingin sa dalaga. Tuwing nakatingin siya rito ay para bang wala siyang mabigat na problema na dinadala na lahat ay magiging ayos lang.
“Stare at her too much, and you might fall in love with her.” Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya ang lalaking nakasandal sa pintuan.
“E ano naman ngayon kung nahulog na ako sa kanya? May masama ba roon, Archer?” Huminga ng malalim si Archer at umayos ito ng tayo habang nakasuksok ang mga kamay sa kanyang bulsa.
“Masama dahil alam mo na may nagmamay-ari na sa kanya. Isa pa ano’ng ipapaliwanag mo sa kanya oras na magising siya? Na ikaw ang isa sa mga kumidnap sa kanya? Sa tingin mo ay mapapatawad ka niya? Papakinggan? Are you going to tell her that you fell in love with her? Hmm?” Agad na natahimik si Siegfried at napatingin siyang muli sa dalaga.
“Whatever. Kung ipapahamak din lang naman nila siya ay mas mabuti pang isama ko na lang siya kaysa naman may mangyari pang masama sa kanya.” Natawa ng malakas si Archer sabay napailing sa kanyang sinabi.
“Ikaw ang bahala pero alalahanin mo kung ano’ng lugar mo sa buhay. Hindi siya tulad ng ibang babae na basta ka na lang nilang tatanggapin dahil lang sa mahal mo na siya. She costs twelve million dollars. It means they need her for something.” Pagkatapos sabihin iyon ni Archer sa kanya ay napahinga na lamang siya ng malalim.
May tama rin naman si Archer dahil kung tutuusin ay hindi naman sana siya kikidnapin kung hindi lang siya naidawit sa pangalan ni Brixton. Kung pagpipiliin siya ay mas gugustuhin niya pang kasama ng dalaga si Brixton kaysa sa pamilyang ito na walang ibang ginawa kung hindi ang gumawa ng masama. Napalingon siyang muli sa babae nang magsimula na itong magising dahil dumadaing na ito.
Agad naman siyang naglagay ng tubig sa kanyang baso at tinulungan na makaupo ang dalaga. Sapo-sapo nito ang kanyang ulo at dahan-dahan itong nagmulat ng kanyang mga mata. Nang makita niya ng kabuuan ang mukha ng babae ay nasabi niya sa sarili na mukhang nahulog na nga siya rito.
May kakaibang ganda ang dalaga na sobrang amo nito kaya hindi na rin siya magtataka kung mismong ang prinsipe ng Italya ay nagkagusto sa kanya. Napalunok siya nang tumuon ang mga mata ng babae sa kanya at agad na inaaral kung sino siya.
“S-Sino ka?” tanong ni Violet kay Siegfried.
“Hi. It’s good to know that you’re awake. You need to drink first. SIgurado ako ay nauuhaw ka na.” Agad namang kinuha ni Violet ang baso ng tubig at mabilis itong linagok.
Nang maubos niya ito ay doon na napansin ni Violet na wala siya sa kanyang kwarto. Linibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto at pilit niyang iniisip kung nasaan siya. Hanggang sa unti-unti niyang naalala ang mga naganap kanina sa pagitan nila ni Max at ilang mga kalalakihan. Nang mapagtanto niya kung sino ang lalaki sa kanyang harapan ay doon na siya biglang kinabahan. Unti-unti siyang lumayo sa lalaki at agad itong napansin ni Siegfried.
“I will not hurt you. I promise,” sabi ni Siegfried.
“Paano ako nakasisiguro na hindi mo ako sasaktan? Kinidnap mo ako tapos ay sasabihin mong wala kang balak na masama sa akin? Pakawalan mo ako! Pakawalan niyo ako!” sigaw ni Violet at agad naman na tinakpan ni Siegfried ang kanyang bibig.
“Please, just trust me. They don’t know that you are already awake.” Agad namang tumahimik si Violet at dahan-dahang inalis ni Siegfried ang kanyang kamay.
“Tulungan mo ako, please. Ano ba’ng kailangan niyo sa akin at nandito ako? Wala naman akong naaalalang ginawang masama sa inyo para kidnapin niyo ako. Please,” pagsusumamo ni Violet habang umiiyak.
Agad na nakaramdam si Siegfried ng awa sa dalaga lalo na at nakikita niyang naghihirap ang nasabing dalaga sa mga masasamang tao. Nahihirapan siyang tumingin sa maamong mukha ng babae habang umiiyak ito. Pero tuwing naaalala niya na twelve million ang binayad sa kanila ay agad siyang napatayo at lumayo siya sa babae.
“I’m sorry, but I can’t do that. You need to stay here until they can see you already.” Tumayo si Siegfried at agad na niyang iniwan ang dalaga.
Pagkasara ng pinto ay doon na muling naluha si Violet dahil hindi siya nananaginip. Talagang na-kidnap siya at hanggang ngayon ay wala pa rin si Vaughn sa kanyang tabi. Gusto na niyang makita ang binata dahil masama ang pakiramdam niya sa mga taong kumuha sa kanya. Sana lang ay kung sakaling hinahanap siya ng nobyo ay makita siya agad dahil alam niya na nasa panganib ang kanyang buhay.
Ilang araw ang lumipas ay hindi na alam ni Violet kung ilang araw na siyang nananatili sa iisang silid na iyon. May mga nagdadala ng pagkain sa kanya at sinisigurado naman nilang kumakain siya ng tatlong beses sa isang araw. Ang kaso ay hindi pa rin siya mapakali dahil tuwing bumubukas ang pinto niya ay kinakabahan siya sa taong makikita niya.
Katulad na lamang ngayon nang matapos niyang kumain ng pananghalian ay may mga narinig siyang mga boses sa labas ng kanyang pinto. Alam niya na hindi boses ito ng lalaking palaging bumibisita sa kanya. Napaupo siya sa sulok ng kanyang kama nang dahan-dahang nagbukas ang pinto at ilinuwa nun ang isang may edad nang lalaki.
May kasama itong dalawang babae kung saan ang isa ay halos kasing-edad lang niya. Samantalang ang isa ay mukhang may edad na rin. Hindi lang sila ang naroon dahil sa likuran nila ay dalawang lalaki pa silang kasama na mukhang kambal. Sa tindig ng mga ito ay masasabi niya na mukhang may kakayahan ang mga ito.
“What the hell? She’s her? She’s the woman that he changed me with? Halos wala nga ang ganda niya sa kalingkingan ko e. This is so stupid!” reklamo ng babae habang minamata siya nito na hindi naman niya maintindihan kung bakit.
“Don’t worry, my dear. You are more beautiful than her, and I know that he was just confused,” sabi naman ng matandang lalaki sa kanya sabay muli itong napatingin sa kanya.
Nawala ang mga ngiti nito sa labi at agad itong naglakad palapit sa kanya. Hindi niya magawang umiwas at nanatili lamang siyang nakatitig sa mukha ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit pero may nagsasabing huwag siyang umiwas ng tingin kung hindi ay baka may masama itong gawin sa kanya.
Habang nakatitig ang lalaki sa kanya ay agad na dumako ang tingin nito sa kanyang suot na kwintas. Dahan-dahang inabot ng lalaki ang kanyang suot na kwintas pero sa hindi malamang dahilan ay mabilis niyang tinakpan ito gamit ang kanyang mga kamay. Natigil naman ang kamay ng lalaki sa ere at agad niyang nakita na napangisi ito.
“s**t! She’s wearing his necklace!” Napatingin si Violet sa sinabi ng kasamahan nilang lalaki at agad na naisip niya na ang tinutukoy nito ay ang kwintas ni Vaughn. Kung gano’n ay maaari kayang kilala ng mga ito ang kanyang nobyo?
“Sorry for being rude, Ms. Violet. I guess we should introduce ourselves properly.” Napatingin ang lalaki sa kanyang mga kasama at napangiti siya. “My name is Charlie Kratos, and this is my family. My wife, Sandra, and my three children. Chris, Alfred, and my beautiful princess, Carla.”
“That title will soon be mine, isn’t it?” Tumango naman si Charlie na agad na ipinagtaka ni Violet. “Oh, look. You look clueless, are you?” tanong ni Carla sa kanya at agad itong lumapit sa kanya. “I must say you are beautiful, but I am more beautiful than you. It’s just too sad that the prince fell in love with a mere woman like you.”
“Carla?” medyo sita ni Charlie.
“What? I’m just telling the truth. We’re going to dispose of her anyway, soon. Why not say it now? It will be more fun.” Agad na lumaki ang mga mata ni Violet sa kanyang narinig.
‘Dispose? Me? Ano bang balak gawin sa akin ng mga taong ito? What do they mean by dispose?’ tanong ni Violet sa kanyang sarili.
“Ano’ng ibig niyong sabihin sa dispose? At saka ano ba’ng sinasabi niyo? You know Vaughn?” tanong ni Violet kay Charlie.
“Ugh!” reklamo ni Carla sabay napaikot ito ng kanyang mga mata.
“Sorry about my daughter,” hinging paumanhin ni Charlie. “Do you know why you are here, Violet?” Umiling siya. “You will be bait.”
“B-Bait? Bait for what?”
Gulat siyang napatingin kay Charlie at gano’n na lamang ang kabang naramdaman niya. Kanino siya ipapain at bakit? Sino ba talaga ang mga taong ito at bakit nila kilala si Vaughn?