Day 2 in Somalia: A Truce?

2844 Words
 "Hey." Nagmulat ng mga mata si Roxanne at nilingon ang nakabukas na bintana ng owner type jeep nang marinig doon ang tinig ni Seann. Hindi niya namalayang naka-idlip siya habang yakap-yakap ang backpack. Ang mga braso ni Seann ay nakapatong sa bintana ng sasakyan habang ang ulo nito'y nakahilig naman doon. He was looking at her intently, studying her face. Pinamulahan siya ng mukha.  Gaano ka-tagal niya akong tinitigan habang nakapikit ako? "Farah and Yusuf spoke to the mother of the boy," he started. "Sinabi niyang may ginawang mali ang bata at gusto lang disiplinahin. Still, it's wrong to hurt a child, and this time, I'm on your side. Nakausap na rin ni Asad ang ina ng bata, so don't worry about it. She apologized to her son." Tumango siya at binawi ang tingin. She stared at the steering wheel blanky, but her mind wandered off somewhere— from when she was a child, beaten up by Wynona who did nothing but consume alcohol until she passed out. Those memories of her mother left a sour taste in her mouth. "Here." Ibinalik niya ang tingin kay Seann at nakita ang inabot nitong isang buong tinapay. Katulad iyon ng tinapay na ibinigay sa kaniya kanina ni Farah. "This is the only food they have without spices. It's not newly baked but it will fill you in somehow," he said, urging her to take the bread. Hindi na siya nag-inarte pa. Kumakalam ang sikmura niya kaya kinuha niya ang inabot nito at kaagad na dinala sa bibig. Ngumiti si Seann, binuksan ang pinto ng backseat, at pumasok sa loob. Naupo ito sa tabi niya at tahimik na pinagmasdan ang mga batang naglalaro hindi kalayuan. Makalipas ang ilang sandali ay muli siya nitong nilingon. "We'll stay here for dinner. I have asked Asad to cook a separate meal for you and told him not to put any spices. Is there anything you'd like to request?" He was talking to her tenderly which made her swallow hard. Seann had transitioned to being nice again— like the first two times he saved her ass from trouble. "I'm sorry about what I did to you in front of the table." Natigilan siya. Ang muling pagdala niya ng tinapay sa bibig ay nabitin matapos marinig ang sinabi nito. Mangha niyang nilingon si Seann. "What?" Nagpakawala muna ito ng buntonghininga saka ibinalik ang pansin sa labas ng bintana.  "Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako na natalo ako sa pustahan at kailangang ibigay sa akin ni Marco ang utos na bantayan ka. I still couldn't move on from it. Kaya sa tuwing hindi mo sinusunod ang mga sinasabi ko ay nawawalan ako ng kontrol. This is not like me. I'm sorry, Rox." Muli siyang napalunok. At nang pumihit paharap sa kaniya si Seann ay mabilis niyang niyuko ang tinapay na hawak. "Can we make a truce? Let's not fight anymore, okay? This is only our second day together, at may walong araw pa tayong magkasama. How about we make a truce so we'll both have a relaxing eight-day vacation? You'll behave and I'll be kind, how about that?" Muli siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ang mga mata nito. She didn't say anything; she just waited for him to continue his proposal. Ano ba kasi ang dapat na sasabihin kung magsasalita siya? Nagpatuloy si Seann.  "Ibang Roxanne ang nakita ko kanina nang tumakbo ka patungo sa bata upang tumulong— upang protektahan ito. Ibang Roxanne ang nakita ko sa mga mata mo kanina. You were different— you looked different. You looked like... a mother tiger using its own body to protect and guard its cub." Ngumiti ito na lalong nagpatigil sa kaniya. "I can imagine you being a great mother. You will be a great mother to your children." Nakaramdam siya ng pagkapahiya kaya nagbaba siya ng tingin upang ikubli rito ang pamumula ng magkabila niyang mga pisngi.  "What I saw in you earlier made me realized that there is something about you— something good, just waiting to unfold. So... I'm giving you a chance, Rox. I'm offering a truce. Let's be friends— again." "We were never friends," pagsusuplada niya upang pagtakpan ang hiyang nararamdaman. Imbes na mainis si Seann sa naturan niya ay natawa pa ito. "Ah, yes. We were never friends. Pero hindi pa naman huli ang lahat, 'di ba?" Balewala siyang nagkibit-balikat at muling sumubo ng tinapay.  She wanted to appear calm.  Ayaw niyang mahalata nito na sa mga sandaling iyon ay nanginginig siya sa tensiyon at sa mga samu't saring emosyong nararamdaman niya. Emotions that were so unfamiliar. Emotions that were scaring her. Hindi ko kailangang makaramdam ng ganito. Dahil pagbalik na pagbalik namin sa Pinas ay aalis na ako at hindi na magpapakita sa lahat. I will just get some money, clothes, and take all my papers. Then, I will disappear. "I don't want to have friends," mariin niyang sambit saka ini-tuloy ang pagkain ng tinapay. Ramdam na ramdam niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan sa tensiyon. Nagpakawala ng buntonghininga si Seann nang marinig ang sinabi niya. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niya ang pagtango nito at ang pagbaling nito ng tingin sa bintana na nasa bahagi nito. Ilang sandali pa ay muli itong lumingon sa kaniya at nagsalita. "Okay then. Let's just stay Roxanne and Seann, but without the fight. How about that?" Doon siya muling nag-angat ng tingin at kunot-noong sinalubong ang mga titig nito. "What?" "Just Roxanne and Seann. Not friends. No label. Stay as is— but without fighting." "Hmm." Kunwari ay kalmado pa rin siya. Sa nanginginig na kamay ay muli niyang dinala sa bibig ang tinapay at kumagat. She looked down and stared at her dirty shoes; pretending to think about what he said when the truth was, she was getting nervous from the emotions he was making her feel. "Fine," she answered after a while. "I think I can live with that." "Great." Seann then ruffled her hair like he used to.  Doon siya muling natigilan. Gusto niyang tabigin ang kamay nito subalit tila wala siyang lakas upang gawin iyon. Hindi niya maigalaw ang sariling kamay.  Hanggang sa mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib; hindi naman siya kinakabahan? Oh, hindi na niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kaniya.  At nang ibaba na ni Seann ang kamay ay bigla siyang nag-panic. Para siyang batang iiwan ng kasama sa isang hindi pamilyar na lugar. Para siyang batang ayaw mag-isa.  Bago siya maka-apuhap ng sasabihin ay tumalikod na si Seann ay bumama sa sasakyan. Nang ini-sara nito ang pinto ay muli itong humarap sa nakabukas na bintana. "Ituloy mo ang pag-idlip at pagpapahinga mo rito, may kailangan lang akong gawin. Paparating na ang mga materyales sa pag-gawa ng waterpump, I'll go find Farah and Yusuf. Kapag naayos na ang mga materyales, pwede na tayong umalis." Ang akmang pagtalikod ni Seann ay nahinto nang tawagin niya ito.  "Where are we going next?" He smiled again, catching her off-guard. "To another place near Mogadishu. We'll bring water and food to the community there." *** Matapos dumating ang mga kagamitan sa pag-gawa ng water system para sa lugar na pinuntahan nila ay nagpasya na si Seann na bumiyahe patungo sa kasunod na lugar na bibisitahin nito— subalit nagpahayag si Yusuf na imposibleng mangyari iyon dahil sa panganib na maaaring harapin nila sa daan; dahilan upang kilanganin nilang manatili roon sa komunidad nang buong gabi. And because people were just living under the tent, four of them will be sleeping in a tent, too. Luckily, like she expected— Yusuf and Farah had two sets of tent ready for them to use. That night, the Somali people have prepared a bonfire in the middle of the community with food to share. Food that Seann bought for everybody. Kasama iyong dinala ng truck na nagdeliver ng mga materyales na gagamitin para sa water system na itatayo roon. Food that was cooked in one of the restaurants in the city. Seann ordered lots of them for the people who appreciated what he did and were all very happy.  Finally, Roxanne was able to eat something decent. Kapalit ng tulong na ibinigay ni Seann sa komunidad ay nag-alay ng munting pagtatanghal ang mga dalagita para sa dalawang panauhin— para kina Seann at Roxanne. They danced in front of them— a cultural dance often performed for visitors. Matapos ang munting pagtatanghal ay nagpasalamat muli ang lahat at hiniling kay Seann na bumisita sa susunod— that they will never forget his generosity. And while Roxanne was watching the people thanked Seann, she couldn't help but think how it felt to be appreciated and how it felt to be loved by others.  She was always wondering... for the things that she had never experienced. Matapos ang lahat ay muling nag-usap sina Seann at Asad kasama sina Farah at Yusuf, habang siya naman ay nanatiling naka-upo sa malaking bato at nakaharap sa bonfire na malapit nang mawalan ng apoy. Her mind was empty as she blankly stared at the fire. Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na naka-tunganga lang doon nang bigla siyang lapitan ng isang batang lalaki. Marahan siya nitong kinalabit sa kaniyang balikat na noong una'y ikinagulat pa niya. Subalit nang mapag-sino niya iyon ay nagpakawala siya ng pilit na ngiti. "Hi," she greeted in her most friendly tone. Ang batang nasa kaniyang harapan ay ang batang tinulungan niya nang hapon na iyon mula sa ina nitong nanakit dito. The little boy was only wearing an oversize blue t-shirt, barefooted, and face still unwashed. Ang kondisyon nito'y kapareho lang ng iba pang mga batang naroon.  Itinaas ng batang lalaki ang dalawang kamay at ibinuka ang mga palad upang ipakita sa kaniya kung ano ang nakatago roon. It was a small white seashell. Her fake smile disappeared; napalitan ng totoong ngiti. Kinuha niya ang shell mula rito, hinawakan at sandaling sinuri, bago muling tinitigan ang batang lalaki. Alam niyang hindi sila nito magkakaintindihan kaya itinaas niya ang hintuturo upang ituro ang sarili; ang ibig niyang itanong ay kung para sa kaniya ang ibinigay nito.  At mukhang naintindihan siya ng bata dahil tumango ito; at sa pagkagulat niya ay biglang nagsalita. "Thank you." Hindi niya alam kung bakit, pero para siyang hinaplos ng banayad na hangin na nag-alis ng bigat sa pakiramdam niya sa mga sandaling iyon.  "You are welcome," she answered. "Please be good to your mother so she won't get mad at you, okay?"  It was the first time she talked to a child and she was surprised by her own gentleness. Hindi niya alam kung naintindihan siya nito, subalit ang bata ay malapad na ngumiti bago tumakbo paalis at patungo sa ina nito na nakatayo hindi kalayuan. Nakita niyang inabot nito ang kamay sa anak at hinawakan, saka nilingon siya at tinanguan bago niyayang umalis ang anak. Bigla siyang nalungkot sa nakita. Sa isip ay hiniling na sana ay naranasan din niyang mahawakan sa kamay ni Wynona.  Na sana ay humingi rin ito ng tawad sa kaniya sa bawat pagkakataong nasasaktan siya nito.  Na sana, ang bawat pananakit nito ay may dahilan, at hindi lang dahil naiirita itong makita siya, o maramdaman ang presensya niya.  Na sana ay nagawa niyang maramdaman kung paano magkaroon ng ina. "What's that?" Napa-igtad siya nang marinig ang tinig ni Seann sa kaniyang likuran. Hindi niya naramdaman ang paglapat nito. Lumingon siya at nakitang nakatingin ito sa hawak niyang shell. Itinaas niya iyon at ipinakita rito. "Ibinigay sa akin ng batang lalaking tinulungan ko kanina." "Wow, that's nice. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin niyan?" She raised an eyebrow. "Regalo, malamang?" "Yes, that's right. And the boy gave it to you to express his gratitude." Inalis ni Seann ang tingin sa shell at diretso siyang tinitigan. "That shell must be very special to him. Malayo ang dagat dito sa komunidad nila at ang seashell na katulad niyan para sa mga batang nakatira sa lugar na ito ay isang mamahaling laruan. Para na rin niyang ibinigay ang kayaman niya sa iyo, so you should treasure it." Oh...  Muli niyang niyuko ang shell at masuyo iyong ni-haplos. It was a normal-looking shell, pero kayamanan na para sa mga bata sa lugar na iyon.  Napa-ngiti siya at itinago ang shell sa kaniyang bulsa. Iyon ang unang regalong natanggap niya mula sa ibang tao, kaya talagang pahahalagahan niya iyon. "Anyway, the tent is ready." Doon niya muling nilingon si Seann. At katulad nang hapong iyon ay nagkunwari siyang kalmado kahit na kumakabog na ng husto ang dibdib niya sa muli nilang pagkakalapit na iyon. She tried to act like her normal self.  "What took that f*****g tent so long? Kanina pa ako inaatok." Tumayo na siya at pinagpagan ang safari jacket na nakatakip pa rin sa mga binti niya saka isinukbit ang backpack na hindi na nawalay sa tabi niya. "We'll be sharing that tent, if you don't mind," Seann said nonchalantly, ignoring her complaint. Tumalikod ito bago pa man nito makita ang panlalaki ng mga mata niya. Mabilis siyang humabol.  "Kagabi ay nag-share tayo sa iisang kwarto, ngayon naman magse-share ulit tayo sa iisang tent? Baka bukas niyan, sa isang single bed na tayo magkatabing matulog?" hasik niya na hinaluan ng inis ang tinig. But the truth was, she wasn't pissed at all. She was nervous.  Getting close to Seann Ventura was giving her an uncomfortable feeling.  Para siya laging hindi makahinga kapag katabi niya ito, o magkalapit sila. At alam niyang hindi na magandang senyales iyon. "I am not fighting you over this, Roxanne. We have made a truce, remember?" he said while looking over his shoulder. "And I'm dead tired now, wala na akong lakas para makipag-sagutan sa'yo."  Binilisan niya ang paglalakad at nang abutan ito ay kaagad niya itong hinila sa braso. Seann turned to her with a bored look. "I am not used to sleeping with a man in the room, let alone sleep beside him! Kaya ganito ang reaksyon ko!" Nagpakawala ito ng malalim na buntonghininga. "Hindi ka sanay matulog na may kasamang lalaki sa isang kwarto pero ang lakas ng hilik mo kagabi. Come on, Roxanne. Kung tutuusin ay ako nga itong sanay matulog na may kasamang babae sa kwarto pero ako pa itong hindi nakatulog kagabi. Hindi ba dapat ay ako ang nagrereklamo dahil ako ang hindi komportable sa presensya mo—" Huminto ito, sandaling natigilan. Tila nabigla ito sa mga sinabi. Kinunutan siya ng noo. "What?"  Doon umilap ang mga mata ni Seann.  She gazed at his face. At nang may maisip ay napa-ngisi siya. Sandaling nawala ang tensiyong naramdaman niya sa buong maghapon at nakahanap ng butas para maka-bawi sa lalaki.  "Well, well, well. Tama ba ang iniisip ko na naiilang ka sa akin, ha, Ventura? Does that mean—" "It doesn't mean anything, Roxanne," he countered. "I am just aware how wicked you are so I can't put my mind in peace. Ano'ng malay ko kung bigla mo na lang takpan ng unan ang mukha ko habang natutulog ako?"  She scoffed; trying to hold her laughter.  "That's the only reason why I can't get a proper sleep around you. So I should be the one complaining, not you." Mabilis itong tumalikod at inituloy ang paglalakad. "Let's go. I asked for a truce, but if you keep showing that attitude of yours, I will have no choice but to be tough on you again, Roxanne." Lumabi siya saka mabagal na naglakad upang sundan ito. Nang marating ang tent na naka-ayos na sa tabi ng tent ng pamilya ni Asad ay lihim siyang napa-ungol. It wasn't as big as she thought it would be, so she didn't know how they would fit in there. Seann opened it for her and tilted his head on the side, telling her to get in first.  Tahimik siyang sumunod. Nang nasa loob na siya ay hinubad niya ang sapatos at itinabi. Kinuha niya ang isa sa dalawang air pillows na nasa loob at niyakap. Inilagay niya ang kaniyang bag sa pagitan nila ni Seann bilang harang saka patalikod na nahiga. Muling kumabog ang dibdib niya at ang tensiyon ay nagbalik.  Pumasok na rin si Seann at naghubad ng sapatos. Sunod ay naramdaman niya ang paghiga nito sa kabilang panig.  Ipinikit niya ang mga mata nang patayin na ni Seann ang nightlamp na nasa uluhan nila. Sa mahabang sandali ay nakiramdaman siya sa katabi; pinakikinggan niya ang paghinga nito, ang bawat pagkilos nito, ang pag-iiba nito ng posisyon. Tulad niya'y hindi rin ito makatulog.  Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa air pillow at lalong namaluktot. Ramdam ng katawan niya ang pagod, pero sa dami ng tumatakbo sa kaniyang isip ay hindi niya alam kung papaano siyang makatutulog. Magbibilang na lang siguro ako ng tupa... And she did. Matiya siyang nagbilang ng tupa sa kaniyang isipan, hindi lang upang makatulog na siya kung hindi upang mawala rin ang atensyon niya sa katabi. Until moments later... Roxanne was finally able to fall asleep.  With her leg and arms on Seann's body. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD