Day 3 in Somalia: The Truce That Only Lasted A Night

2407 Words
Roxanne purred like a cat when something warm touched her skin. She felt like she was lying in the comfort of her bed, covered by her thick linen sheet, inside her cold, dark room in the mansion. She purred again and rested her face on her pillow. Gusto niyang magtaka kung bakit matigas ang unan na nasa ulo niya pero hinihila pa rin siya ng antok kaya pinanatili niya ang diwa na lumutang sa masarap na pakiramdam na bumabalot sa kabuoan niya.  Sa kabila ng mga kaluskos at ingay sa hindi kalayuan, ay itinuloy niya ang pagtulog. Sa katunayan ay mas nangingibabaw ang masarap na pakiramdam niya sa mga oras na iyon kaysa sa ingay na naririnig sa paligid. "Hmmm..." she mumbled again as she traced her hand onto the warm sheet. Nais niyang lalo siyang balutin ng init na nararamdaman.  She inhaled and giggled when something tickled her cheek. And she liked what she was smelling. It was a soapy... powdery... and minty scent. She couldn't explain it. But whatever it was, she loved it. Amoy malinis.  Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa matigas na unan, at ang kaniyang isang paa ay kusang gumalaw at dinama ang mahaba at mabuhok na unan na tanday-tanday niya— Wait— mabuhok?  Oh... it must be my furry pillow.  Geez, I've never been this comfortable in my sleep... I wish I could stay like this forever... She giggled again when her face touched something rough and tickling. She didn't know what it was, but she liked how it brushed and tickled her skin.  Ibinaba niya ang isang kamay at nang may maramdamang bahagyang pag-galaw ay natigilan siya. Nakiramdam siya sa paligid. Ang mahinang ingay kanina ay unti-unting nagiging malinaw. There were laughter. Waves of laughter from the kids nearby. She froze and observed her surroundings while her eyes were still closed. Where are my pillows?  Sa nanginginig na kamay at binti ay muli niyang dinama ang kaninang akala niya'y unan. Subalit bago pa man niya maisip kung ano iyon ay naramdaman niya ang muling pag-galaw sa kinaroroonan banda ng kaniyang kamay. Doon ay tuluyang nagising ang diwa niya. She opened her eyes only to frown when the first thing she saw was Seann's partly open lips. Ilang segundo siyang tulala lang na nakatitig sa mga labi ng lalaki nang may mapagtanto. Nakasiksik ang ulo niya sa pagitan ng balikat at ulo nito, at ang katawan niya'y nakasiksik sa mainit nitong katawan.Their position was too sensual she couldn't help herself from heating up. Lalo nang mapagtanto niyang ang mga kamay ni Seann ay nakayakap din sa kaniya. At ang kaniyang binti ay nakatanday sa mga binti nito. And the son of a gun was still sleeping soundly, enjoying their bodies wrapping up! Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang kilabot na naramdaman sa mga sandaling iyon. Biglang nagtayuan ang kaniyang mga balahibo, biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso, biglang pakiramdam niya ay sinilaban siya. How did they end up like this? Ni hindi niya maalala kung anong oras na siya nakatulog! Last night, they were both observing each other— ramdam niya ang malalalim na paghinga ni Seann at siya nama'y hindi rin mapakali. Then, she started counting sheep.  And then, this?! The hell happened in between?! Nang muli siyang may naramdamang paggalaw sa bahagi kung saan naroon ang kamay niya'y dahan-dahan siyang yumuko— only to see her hand resting on that bulky thing between his legs!! Nanigas ang buo niyang katawan, ang mga balahibo niya sa batok ay nagsitayuan, at ang dibdib niya'y malakas na kumabog. Why... Why is it moving?  She was horrified and yet her hand seemed to have its own life— ayaw umalis sa kinaroroonan. Sinasabi ng kaniyang utak na alisin na niya ang kamay sa maruming bagay na iyon subalit ayaw naman nitong sumunod. Pero... nagtataka siya kung bakit iyon gumagalaw? At kung bakit tila hindi pa sapat ang isang palad niya para masukat iyon? Why did her hand look so small as it rested on his crotch?  Hanggang sa napa-igtad siya nang maramdaman ang pagkilos ni Seann. He groaned and tried to move his arm but he couldn't because her body was pinning it. Doon siya na-alerto. Bago pa man tuluyang magising si Seann at makita ang posisyon nilang dalawa, pati na ang kamay niyang nakapatong sa danger zone— ay inunahan na niya ito. She pushed him away with all her strength, stood up, and kicked him forcefully. "Tangina, gumising ka, Seann Ventura!" Startled, Seann rose up and gaped at her. Nasa mukha nito ang matinding pagkagulat at pagkalito. "What? What's happening?" he asked in panic. Her face was as red as the red chili, and her big, round eyes were wide open in embarrassment. Bumaba ang kamay ni Seann sa binti nitong sinipa niya at napa-ngiwi. Sandali itong natigilan. Hanggang sa ang pagkagulat at pagkalito sa mukha nito ay unti-unting nawala at napalitan ng inis.  Marahas siya nitong tiningala, ang anyo ay puno ng iritasyon. "Why the hell did you do that, Roxanne Marie Madrigal?"  Neither her knew why she did that. She was just too embarrassed by herself for feeling the heat when she was under his arms and while her hand was resting on that thing. At para pagtakpang ang pagkapahiya sa namulatang eksena ay umasta siyang na-agrabyado. Itinaas niya ang mukha at pailalim itong tinitigan. "I woke up finding you holding my body, you pervert!"  Nagsalubong ang mga kilay nito. "Well, I wasn't aware of that because I was sleeping—" "Whatever your say; basta manyak ka!"  Nagmamadali niyang dinampot ang backpack na nasa gilid na ng tent at akmang lalabas nang mahuli ni Seann ang braso niya. At bago pa siya makapan-laban ay marahas siya nitong hinila dahilan upang mapaluhod siya at muntik nang mapasubsob sa dibdib nito. Muli ay naramdaman niya ang kakaibang init na naramdaman niya kaninang magkadikit ang kanilang mga katawan. Muling nag-init ang mukha niya nang maalala ang nahawakan kanina. Akma niyang muling itutulak si Seann subalit naging maagap ito at hinawakan ang magkabila niyang mga kamay. Umangat ang mga mata niya rito. "Why do you always resort to violence, Roxanne Marie Madrigal?" he asked in a dangerous tone as his grip tightened on her skin. She gulped. She opened her mouth to say something but Seann spoke again— shutting her off. "Kapag sa'yo ko ginawa iyon, matutuwa ka ba?" She tried to set herself free. But he wouldn't let her go. "Hindi mo magugustuhan kapag ginawa sa'yo ng iba 'yon, hindi ba? You will feel insulted— disrespected. Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag sinipa ka habang tulog?" For the second time, she tried to set herself free, but Seann was gripping her arms as tightly as he could. Tinapangan niya ang sarili at nakipagtitigan rito. "Bibitiwan mo ba ako o sisigaw ako at—" "Let me give you another piece of advice, Roxanne; Don't do unto others what you don't want others to do unto you." And then, he pushed her away. "Forget about that truce. Magbastusan na lang tayo hanggang sa matapos ang bakasyong ito." Nanatili siyang nakaluhod nang tumayo si Seann at dinampot ang mga gamit bago binuksan ang zipper ng tent at lumabas. Sinundan niya ito ng tingin at nakita ang mga batang nakatayo ilang dipa lang mula sa tent nila, tila umaantabay sa kanilang paglabas.  They probably heard her yelling, kaya sumugod ang mga ito roon. Kahit si Seann ay sandaling nahinto nang mabungaran ang mga bata. He released a forced smile. "Hi." The kids didn't say anything, but they smiled back at Seann before running away.  Sina Yusuf at Farah na nasa hindi kalayuan at umaantabay sa pag-gising nila ay lumapit kay Seann. "The materials have arrived, Mr.Ventura," Yusuf announced. His eyes looked over Seann's shoulders and smiled at her. "Subax wanaagsan, Miss Roxanne." "What?" tanong niya nang hindi maintindhan ang sinabi nito. Seann looked over his shoulder and gave her an empty gaze. "It means good morning." Inirapan lang niya ito saka tumayo na rin. Seann shook his head in annoyance. Makikita sa anyo nitong inis na inis pa rin dahil sa ginawa niyang pag-sipa rito. Tinapunan siya nito ng masamang tingin bago muling hinarap sina Yusuf and Farah.  "I'll just say goodbye to Asad. After that, we must leave. We still have a long way to go." *** Umangat si Roxanne mula sa pagkakaupo nang mula sa labas ng bintana ng jeep ay nakita niya kung ano ang mayroon sa sumunod na komunidad. Like the community in Mogadishu, the next place seemed to have no difference. The houses were made of sack camps, the area had several trees, the children didn't have anything on their feet, clothes were old and dirty, and everything surrounding them was just dry and filthy. But despite all that— the people still had a smile on their faces as they welcomed them to the area; lalo na ang mga bata. Naunang bumaba sina Yusuf at Farah, bago sumunod si Seann na kanina pa tahimik simula nang umalis sila sa naunang komunidad. Ramdam niyang mainit pa rin ang ulo nito sa nangyari noong umagang iyon pero wala siyang pakialam. Mas magandang nagagalit ito sa kaniya— mas sanay siya roon at mas naiiwasan niyang maramdaman ang kakaibang damdaming nag-uumpisang umusbong sa kaloob-looban niya. She didn't want his good side to melt the ice surrounding her heart. His bad side was somehow tolerable...  Okay din sa kaniya kung hindi na siya nito pansinin, at least they wouldn't have an argument. Nangalumbaba siya sa nakabukas na bintana ng passenger's side at sinundan ng tingin si Seann na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha at masayang sinalubong ang mga batang nagsitakbuhan palapit dito. Patingkayad itong naupo at isa-isang nakipag-high five sa mga bata habang sina Yusuf at Farah nama'y parehong nakangiting nakamasid lang. I get it, he's a hero in this country. Pero bakit dito pa siya nagkakawang-gawa, eh marami rin namang mga sawing-palad na bata roon sa Pilipinas?  She pouted her lips when Seann started to laugh with the children. Lagi itong masaya lalo kung hindi siya ang kaharap. Lagi itong nakangiti sa tuwing nakikipag-usap sa iba.  Naalala niya noong una sila nitong magkakilala— ganoong-ganoon din ito kung makipag-usap sa kaniya.  Well, not until that night when she hit his beautiful nose.  He's a kind person— I just crossed the border and pissed him off kaya mainit ang ulo niya sa akin. Paano ba naman kasi, wala naman siyang paki sa buhay ko pero panay ang epal! Sabihin nang hindi rin niya ginustong isama ako rito at natalo lang siya sa pustahan— pero hindi ba niya ako pwedeng ibagsak na lang sa isang resort at papaniwalain ang lahat na kasama niya ako sa trip na ito? He could have saved us both from trouble— tuloy, laging sira ang araw niya! Itinaas niya ang isa pang kamay at ipinatong rin sa bintana upang lalong mangalumbaba. She was like a lonely kid, watching other kids play outside while she was locked up in a room. Katulad noon.  Simula pagkabata hanggang sa pagtanda ay ganoon parati ang sitwasyon niya. She was always left out— she was an outcast.  Nobody liked her because she was different. Because other kids thought she was different. Nobody liked her in grade school because she wore old uniforms and cheap bags. Nobody liked her in middle school because she never talked in class nor smiled at anyone. Plus the fact that she started doing crazy stuff normal kids her age wouldn't dare to do. Like smoking and drinking at fourteen. Nagkaroon din naman siya ng mga barkada noong highs chool at college, pero inilayo ang mga ito sa kaniya ng magaling niyang pinsan at pakialamero nitong mga kaibigan.  Tuloy... Simula noon hanggang sa mga oras na iyon ay parati siyang mag-isa. I am so tired of this life... aniya sabay buntonghininga. I just want to disappear and live the rest of my life in seclusion. Away from my father. From Kane and his stupid friends. Away from this a**hole, Seann Ventura! Nanlulumong sinapo niya ang mukha at hinagod ang mga palad hanggang sa kaniyang buhok.  Subalit nang bigla niyang naalala kung saan dumapo ang palad na iyon kanina ay kinilabutan siya. Tila napasong inalis niya ang mga palad sa mukha. Sunod ay tuwid siyang naupo at nakangiwing tinitigan ang mga kamay. Hindi niya alam kung bakit, pero tila nararamdaman pa niya ang init doon...  Init mula sa mala-posteng—  "Why are you staring at your hands?" Napa-igtad siya at parang loka na itinago ang mga kamay sa kaniyang likuran nang marinig ang boses ni Seann. Nakatayo ito sa harap ng bintana at salubong ang mga kilay na nakatitig sa kaniya. Mariin siyang napalunok bago sumagot. "Pati ba naman ang pagtitig ko sa mga kamay ko ay issue rin sa iyo? My God, Seann Ventura— I feel sorry for the person you are going to live with for the rest of your life." Seann just smirked at her and opened the door. "Out." She glared at him. "Don't treat me like a dog!" "You are worst than an animal and a demon combined, Roxanne," walang kaemo-emosyong pahayag nito bago tumalikod at naunang naglakad. "Follow me, darating na ang truck na magdadala ng pagkain dito at kailangan kita para tumulong sa pamimigay mamaya." Pinalampas niya ang komento nito tungkol sa pagkatao niya. Humalukipkip siya at padabog na isinandal ang sarili sa upuan. Mamigay ka mag-isa mo. Kung maka-utos, parang siya ang nagluwal sa akin sa mundo, ah? Grr! I can't wait for this f*cking trip to be over! Nakasimangot na itinuon niya ang tingin sa harap ng jeep at pinanood ang ilang mga batang naka-upo sa nakatumbang puno hindi kalayuan roon. Ang mga ito'y nasa pagitan ng tatlo hanggang limang taong gulang, ang mga katawan ay halos buto't balat na, at ang mga damit na suot ay pawang butas-butas na oversized T-shirt na marahil ay pinaglumaan na ng mga mas nakatatanda.  Bumaba ang tingin niya sa dalawang paslit na nakahiga sa tuyot na lupa na parehong mga walang saplot— hindi niya sigurado kung naglalaro, natutulog, o sadyang wala nang lakas para kumilos. Sa huling nakita ay napa-tuwid siya ng upo. At bago pa niya naisip ang sunod na gagawin ay bumaba na siya sa sasakyan at mabilis na humakbang patungo sa mga ito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD