She didn't know where she was going— she just ran and ran as if she was being chased. Nang makita niya ang tambak-tambak na basura hindi kalayuan sa campsite ay tinakbo niya iyon at doon niya iniluwa ang lahat ng pagkaing nasa loob ng kaniyang bibig; making sure no amount of anything was left in her mouth!
Naka-ilang dura siya at luwa siya upang matanggal ang masamang lasa sa kaniyang bibig nang marinig ang tinig ni Seann sa kaniyang likuran.
"You are being childish, Roxanne."
Sa namumulang mukha ay marahas niyang nilingon si Seann na nakatayo ilang dipa lang mula sa kinatatayuan niya, arms folded across his chest. Sa likod nito'y naroon din sina Yusuf at Farah; parehong nag-aalala ang mga anyo. Hindi niya namalayan ang pagsunod ng mga ito.
"I'm childish, alright. But you— you are an asshole! A motherfucking bastard!" she exclaimed. May kaunti pa siyang nalalasahang anghang sa kaniyang dila kaya hindi niya mapigilang maglaway nang maglaway. She needed water— or something sweet to ease the minty, gingery, and spicy taste in her mouth.
Oh, she was so pissed she could murder Seann Ventura right there and then.
"Be sure to taste your words before you spit them out, Roxanne Marie Madrigal," he countered back. Ang tinig nito'y may babala at ang mga mata'y biglang tumalim.
"I would rather talk dirty than eat their food!" she blurted again—not caring if Farah and Yusuf were standing a few feet behind Seann, hearing her insult. "I don't eat f*****g banana! I hate ginger and I despise spicy food! But you shove them into my mouth like I am some kind of a trash bin shoving some rubbish in! Why would you do that to me? Nawalan ka na rin ba ng breeding, ha, Seann Ventura?"
"Probably," he answered with an empty face. "Dahil ilang araw na tayong magkasama at nahahawa na ako sa kabastusan mo. Your dirty soul is contagious, Roxanne. You are such a bad influence to me."
She was about to counter back when Seann cut off her argument.
"I told you to follow their customs and traditions. Their culture is very important to them— and you have to follow them because we are in their area. You have no rights to choose, nor refuse their food. Besides, gutom ka, 'di ba? Pinag-handa nila tayo ng pagkain kahit sila mismo ay hirap maghanap ng makakain. Pagkatapos ay iluluwa mo lang?"
"Hindi ko kasalanan kung hindi ko nagustuhan ang pagkaing inihanda nila! What they have on that table is everything that I hate!"
Nakita niya kung paanong nawala ang pagkunot ng noo ni Seann at ang paghalili ng kontroladong galit sa anyo nito. Tinatagan niya ang sarili at nakipagtitigan dito— she didn't want him to think that he's starting to scare her. Hinding-hindi niya hahayaan malaman nito na nag-uumpisa na siyang matakot sa presensya nito.
Seann Ventura already knew that she didn't want to be locked up again and he's using it against her. He wasn't fazed by her actions or attitude anymore— instead, he was making her feel like there was nothing she could do to crumble his sanity.
In short— sanay na ito sa katarantaduhan niya.
Who cares anyway? He is never part of my mission! My only mission is to ruin and hurt Damien Madrigal's feelings! And now that Damien is sick, I have somehow succeeded with my plan! I can run away and leave everything behind— never come back! That way, Damien will suffer and die!
Pero ganoon lang ba iyon ka-dali?
Natigilan siya sa sariling naisip.
Where will I go without money? she thought again. Kailangan ko pa rin munang bumalik sa mansion at magnakaw sa safety box ni Damien— that's my initial plan.
Nagpakawala siya ng mahabang paghinga.
Fine. Magtitiis muna ako kasama ang Seann Ventura na ito hanggang sa makabalik ako sa Pinas. I will then steal money from Damien's safety box— enough for me to live until my life is over!
"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo, Roxanne?"
Napa-igtad siya nang muling marinig ang tinig ni Seann. With a deep furrow on her forehead, she looked at him again and stared straight into his eyes.
Seann still had that controlled anger in his face, but his voice was smooth and calculated. Kaya inihanda niya ang sarili sa paparating na sermon— dahil alam niyang kapag ganoon na ang tono nito ay marami na itong sasabihin sa kaniya; mga bagay na papapasukin lang niya sa kanang tenga at ilalabas sa kaliwa.
Sandali siyang natigilan sa naisip.
Wow... akalain mo 'yon, Roxanne? Kilalang-kilala mo na rin si Seann Ventura...
"Hindi ko alam kung ano ang tingin mo sa sarili mo ngayon, pero kung ako ang magsasabi, nagmumukha kang kawawa dahil d'yan sa mga ginagawa mo."
"Well, I'm sorry if I can't be as perfect and as friendly as you are!" she countered sarcastically, throwing the dirtiest look on Seann.
"You have just turned twenty but maturity hasn't hit you yet. Daig ka pa ng mga bata sa bahay-ampunan na binibisita naming magkakaibigan."
Without breaking eye contact, she smirked and spitted on the ground. The nasty aftertaste of the food he shoved into her mouth wouldn't go away. Tuloy, ayaw ring tumigil ng bibig niya sa paglalaway.
Seann shook his head in disbelief. "Do you realize how immature you get sometimes, Roxanne? Those kids at the orphanage have nothing—no family and no permanent home. Pero kung umasta sila at magsalita? Mas disente at mas matured pa kaysa sa iyo. And then, there is you, who have everything in life —a loving father, a big mansion, expensive clothes, and delicious food on the table. Pero kung umasta ka ay parang ikaw ang pinaka-malas sa mundong ibabaw. For once in your life, have you ever been grateful for the things that you have?"
She hated it when somebody spoke to her as if they knew what she had gone through.
Annoyed with Seann's statement, she clutched her fists and said, "Wala kang alam sa naging buhay ko noon bago ko pa nakamtan ang lahat ng mga bagay na nabanggit mo, Ventura, kaya itikom mo 'yang maingay mong bibig."
Muling kinunutan ng noo si Seann. "If my assumptions about you and your past are correct, masasabi kong hindi ka naiiba sa mga batang naroon sa ampunan, Roxanne. Those kids have been abused, tortured, and starved by their own parents, but never did they show any kind of attitude you possess."
She couldn't help but scoff. "Yes, assumptions— all you have are nothing but assumptions. Dahil wala ka naman talagang alam sa totoong nangyari sa akin kaya ako nagkakaganito, eh. Kaya bakit hindi mo na lang itikom 'yang bibig mo para hindi umiinit ang ulo ko, ha? The more you try to preach on me, the more I develop this hatred towards you!"
God, she was truly annoyed with him that she thought of picking up a stone and smash it to his head. Bakit may mga taong kagaya nito? Kay galing magsalita, wala namang alam!
"And don't you dare compare me to those orphans!" dagdag pa niya.
Seann shrugged nonchalantly. "Then, tell me your story and explain why you are different. Gusto kong maintindihan kung bakit ganiyan ang ugali mo."
Ikinuyom niya ang mga palad.
Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin talaga niya maintindihan kung ano ang issue sa kaniya ni Seann at kung bakit gusto nitong panghimasukan ang buhay niya.
Nang hindi siya kaagad na nakasagot ay nagpatuloy ito, "Ang lahat ng mga batang napadpad sa bahay-ampunan ay may iba't ibang kwento sa buhay. Alam namin iyon dahil ikinu-kwento nila. They are the reason why your cousin is slowly recovering from his depression. He realized that those kids have experienced worse than he had. Ang pinagdaanan ng mga batang iyon ang nag-bigay inspirasyon kay Kane para magpatuloy sa laban ng buhay at magpakatatag. Bakit hindi mo rin subukan iyon? Kung bubuksan mo ang puso mo sa mga taong nakaranas ng kaparehong sakit na dinanas mo noon, siguradong mas maiintindihan mo ang buhay— siguradong mahahanap mo ang liwanag na magtuturo sa'yo sa tamang landas."
"Nothing can save me, Seann Ventura." Her voice was calm when she said that, but deep inside she was feeling heavy she wanted to yell at him and tell him to get the f**k out of her life.
"That's because you refused to be saved, Roxanne."
"Magkaiba ang pinagdaanan ko sa mga batang nasa ampunan," aniya. "Some of them may have experienced worst, but they were lucky to be saved before darkness consumed them. But in my case— I was never saved. The darkness have already consumed my whole being even before I found my way to my father's life. Kahit hugasan niyo ako ng holy water ngayon ay hindi na matatanggal ang kadiliman sa pagkatao ko. That stupid rehab center couldn't even heal me no matter how hard they tried. Kaya kahit ano'ng gawin mo ay hindi mo ako matutulungan. So stop trying."
"We won't stop until you finally see the light," he insisted. This time, Seann's voice was gentle— as if he was talking to a child. His face turned soft, too, and his eyes were filled with hope.
At doon ay sandali niyang nasilip ang dating Seann na tumulong sa kaniya— iyon dating ito bago pa niya sinira ang maganda nitong ilong.
"Masarap mabuhay nang masaya, Roxanne," he continued, with a soft smile curving his lips. Sandaling nawala sa isip niya ang nakatatakot at nakaka-inis na Seann na nakasama niya sa loob ng dalawang araw. "Masarap mabuhay nang may pag-asa at positibo sa kinabukasan."
She swallowed the lump in her throat and looked away. Hindi niya kayang titigan nang matagal sa mga mata si Seann— hindi niya kaya at hindi niya alam kung bakit. She glanced at the tiny tree behind the small camphouse. May nakataling aso roon na katulad ng ibang mga taong nakatira sa lugar na iyon ay patpatin din. Sandali niyang pinanatili ang mga mata roon hanggang sa kumalma ang pakiramdam niya. Ang galit at inis na naramdaman ay unti-unti nang nalusaw.
"Let's go back, Rox," yaya ni Seann makalipas ang ilang sandali. His voice was still soft, as if he was trying his hardest to be nice to her again. "Manghihingi ako sa kanila ng pagkain na hindi maanghang para sa'yo. You need to eat, I know you are starving."
She pouted her lips to control herself from crying. Seann's voice was so tender she wanted to cry. But she also wanted to hit him for being rude to her in the past two days.
Ang nakapagtataka lang ay hindi naman siya dating ganito. Hindi siya umiiyak sa harapan ng kahit na sino.
But with Seann?
Why am I feeling this...?
Kusang umangat ang isa niyang kamay sa kaniyang dibdib nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.
Why do I have this feeling that I can run to him and cry on his shoulder whenever I needed to? s**t— this man is going to mess up my life real good. I have to be extra careful around him.
"Let's go, Rox." Tumalikod na ito at nag-umpisang humakbang pabalik sa camp ng pamilya ni Asaad.
Humugot muna siya nang malalim na paghinga bago sumunod. Subalit hindi pa man siya nakaka-dalawang hakbang ay muli siyang nahinto nang agawin ang pansin niya ng isang batang tumakbo patungo sa punong pinagtatalian ng aso. Umiiyak at naka-hubad.
The boy was around five to seven years old, his head was shaved off and his body was dirty— ilang metro lang ang layo niya sa kinaroroonan nito at malinaw niyang nakikita ang putik sa katawan.
Malakas na umiiyak ang bata habang kinunusot ang mga mata. Tumabi ito sa asong sunud-sunod na tumahol na tila naiintindihan ang nararamdaman ng paslit.
She stood there and watched the boy as he continued to cry. May kung anong damdamin ang humahaplos sa kaniyang dibdib sa mga sandaling iyon.
Ilang sandali pa'y may babaeng sumulpot mula sa magkakatabing camp at may bitbit na mahabang stick. Lumapit ito sa bata na lumakas ang iyak dahil sa takot. Nang makalapit ang babae ay walang habas nitong pinalo sa binti ang paslit.
Natigilan siya— at sa nanlalaking mga mata ay pinagmasdan niya ang batang napaluhod sa sakit na dinaranas.
Suddenly, a picture of her and her mother came to mind. Biglang sumagi sa isip niya ang panahong walang-awa siyang binubugbog ni Wynona— mga pambu-bugbog na hindi tumitigil hanggang sa mawalan siya ng malay, o hanggang sa mapagod ito.
At bago pa niya naisip ang sunod na gagawin ay tila nagkaroon ng sariling buhay ang kaniyang mga paa. Kusa ang mga iyong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng batang lalaki. Nang makalapit ay ini-tulak niya palayo ang babaeng may hawak ng pamalo saka siya lumuhod sa tabi ng paslit at ito'y niyakap nang mahigpit. She then tightly closed her eyes and waited for the stick to hit her.
Buong akala niya ay patuloy na hahataw ng palo ang babae at matatamaan siya—subalit hindi nangyari iyon.
Makalipas ang ilang sandali ay nagmulat siya ng mga mata at niyuko ang bata na nakatingala sa kaniya nang may pagtataka. His big, round eyes filled with tears were staring at her questionably, and she smiled to let him know that everything's okay.
Nang makita niyang sandaling nawala ang takot sa mga mata ng bata ay nag-angat siya ng tingin at galit na sinulyapan ang babaeng nagulat sa paglitaw niya sa eksena.
"He is just a little boy!" she yelled at the Somali woman who flickered her eyes in shock.
Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang mabilis na paglapit ni Seann. Patingkayad itong naupo sa harapan niya saka hinawakan siya sa balikat. "Hey, are you both okay?" he asked in a worried tone. Nasa anyo rin nito ang pagkagulat at pag-aalala.
"I'm alright," aniya. Ang mga mata'y hindi pa rin humihiwalay sa babaeng naguguluhang nakatayo sa harapan nila. "Hindi ko lang sigurado kung pati ang bata ay okay rin."
Bumaba ang tingin ni Seann sa bata at sinuri iyon ng tingin. Ilang sandali pa'y napabuntonghininga ito saka muling tumayo at hinarap ang babae. "I'm sorry about that, but I also saw what you did to your boy and I don't think it's right to hurt a young child."
The woman answered him in a Somali language, which Seann understood a little. Saktong nakalapit din sina Yusuf at Farah, at ang mga ito ang nakipag-usap sa babae na sa tono ng pananalita at dine-depensahan ang sarili.
Habang nag-uusap ang mga ito'y muli niyang niyuko ang bata na patuloy pa rin sa pagtingala sa kaniya; nasa anyo ang magkahalong pagtataka at takot.
She forced a smile. "Don't be scared, I won't hurt you..."
Hindi siya nito naintindihan kaya hindi ito nakasagot sa sinabi niya. Itinaas na lamang niya ang isang kamay sa ulo nito upang haplusin ito roon.
Hindi niya napigilan na alalahanin ang nakaraan— when she was as young as the boy.
No one ever tried to save her from Wynona, no one ever did. Kaya nang makita niya ang ginawa ng babae sa batang lalaki kanina ay hindi na siya nagdalawang-isip pa. Dahil sa kasuluksulan ng puso niya ay alam niyang tahimik na humihingi ng saklolo ang bata— tulad niya noon.
Si Seann ay muling tumalungko sa harapan niya; habang sina Yusuf at Farah ay patuloy na kinakausap ang babae. Nagpakawala ito ng masuyong ngiti nang muli nitong sulyapan ang bata na naguguluhang pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Ilang sandali pa'y initaas nito ang isang kamay upang alisin ang dumi sa braso ng bata.
"I didn't expect you to do that," komento ni Seann, ang tingin ay wala sa kaniya.
"Ayaw kong nakakakita ng batang sinasaktan ng magulang nila," she answered. And to stop him from asking more about her childhood experience, she let go of the boy and stood up. "D—Doon lang ako sa jeep. Ikaw na ang umasikaso sa bata."
Bago pa siya napigilan ni Seann ay mabilis na siyang humakbang palayo sa mga ito.
***