"Hey, are you drunk?"
Sinapo niya ang ulo nang maramdamang muli ang matinding pagkahilo sa pagbagsak niyang iyon.
"Yes, I guess you're drunk. You reeked of whiskey," sagot ni Seann sa sariling tanong.
Naramdaman niya ang mga kamay nito sa magkabila niyang braso at inalalayan siyang tumayo. She raised her head and stared at him with a frown on her forehead. "Don't—"
"Touch you?" dugtong nito sa nais niyang sabihin. Tuluyan na siya nitong naitayo. "So, you gave up drugs and resort to gambling? Alam ba ito nina—"
"Kane at ng tatay ko?" dugtong din niya sa sinasabi nito. Tinabig niya ang mga kamay ni Seann na nakahawak sa kaniya saka umatras. Subalit sa ginawa niyang iyon ay muntik na siyang matumbang muli kung hindi lang naging maagap ang binata at hinawakan siya sa braso.
"Do you know her, Seann?"
Napatingin siya sa nagsalita.
Ang babaeng kasama ni Seann ay kunot-noong nakatunghay sa kanila. Sa likod nito'y naka-hilera ang apat na lalaking sa hula niya'y mga bodyguards nito. And up-close, the woman was really pretty. Kahit lasing siya'y hindi niya maiwasang pansinin ang maganda nitong mukha— again, despite her age.
The man has a taste after all... muling bulong niya sa sarili bago ibinalik ang pansin sa lalaki. She smirked at him. "I guess your chick doesn't like you touching another woman."
He frowned at her. "What?"
Ini-nguso niya ang babaeng nagtaas ng kilay sa sinabi niya.
Umiling si Seann nang maintindihan ang sinabi niya. "She's not my chick. She's my mother."
Her mouth formed an O as she glanced back to the woman. She gazed at her from head to toes as if the older woman was some kind of interesting artwork. Matapos itong suriin ay ibinalik niya ang tingin kay Seann.
Mangha siyang nagsalita. "No— f*****g— way."
Napa-iling si Seann sa mga salitang lumabas sa bibig niya saka sinulyapan ang ina. "Mom, mauna na kayo sa conference hall, ihahatid ko lang ito."
"Who is she?" tanong ng ina nito, still eyeing her.
"She's a friend—"
"No, I'm not!" kontra niya sa sinabi ni Seann.
Ang ina naman ngayon ni Seann ang napa-iling sa inakto niya. Sinulyapan nito ang anak saka nagsalita, "If she's your friend, you better bring her home, son. Don't let her stroll around the town drunk and..." Seann's mother gave her a cold stare from the tip of her four-inches wedge up to her long, straight hair. "...looking so sexy.
Bumungisngis siya hindi dahil sa sinabi nito kung hindi sa paraan ng pagkakasabi ng ginang sa salitang 'sexy'. It was as if the older woman was disgusted with the way she looked.
Ilang sandali pa ay may lumapit na babaeng naka-corporate attire at may ibinulong sa ina ni Seann. Matapos iyon ay tumango ito at ibinalik ang pansin sa kanila. "Well, I have to go, son. Call me once you're back."
Sinulyapan siya nito at tinanguan lang bago tumalikod kasunod ang mga bodyguards.
Nang mawala sa paningin niya ang mga ito ay muli niyang binalingan ang katabi. "Hindi ako magpapahatid sa'yo sa bahay. Just drop me somewhere. Sa isang coffee shop, sa mall, anywhere."
`Hindi siya maaaring umuwi sa mga oras na iyon. She needed the right timing— and that's when Kane and her father left the house.
"Give me a reason why?"
"I don't want them to see me like this," she lied.
"See you like what?" Sinuri siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Drunk!"
Ibinalik ni Seann ang tingin sa mukha niya. "Ano'ng bago roon, Roxanne Marie Madrigal? Aren't you always drunk?"
She gave him an annoying, fish-eye look, making Seann smile a little.
"Okay," anito. "I'll buy you coffee and bring you somewhere else. Kapag gusto mo nang umuwi ay saka kita ihahatid. Happy?"
She rolled her eyes upwardly. It was her answer.
"Can you walk?"
"Lasing lang ako pero hindi ako pilay, 'no!"
He chuckled and then shook his head in amusement.
"After you, then." Inilahad nito ang mga kamay upang paunahin siyang maglakad.
And when she did, she almost tripped again. Nararamdaman na niya ang tama ng alak sa buong katawan, at ang kaninang mabuway na lakad ay lalong bumuway. She bit her lip and turned to him. "I'm drunk, I can't walk properly."
"Yes, I can see that. Kaya kita tinanong kung kaya mo. Do you want me to carry you?"
Napa-atras siya sa huling sinabi nito. "Of course not! Are you f*****g with me?"
He shrugged his shoulders before bending down, fell on one knee, and rested his right arm on the other. "Let's take off your shoes then."
Namamanghang napatitig lang siya rito. Hindi niya inasahan ang ginawa nito at hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Some people around them would think they were in some kind of a romantic moment. Umikot ang tingin niya sa paligid only to frown when she saw nothing but a hazy view. Pati paningin niya ay naapektuhan na rin ng alak.
"Mahihirapan kang maglakad kung hindi natin huhubarin itong suot mo sa paa. Why are you even wearing this? May aabutin ka ba sa kisame?"
Hindi na siya naka-sagot pa nang inumpisahan na nitong tanggalin ang strap ng suot niyang sandals, taking his time. Ingat na ingat ito na tila magkaka-pasa siya kapag dumikit ang balat nito sa paa niya, o magasgasan ng strap ang balat niya. And she didn't know what made her bit her lip.
Hanggang sa matapos si Seann sa pagtanggal ng suot niya sa mga paa ay hindi niya inalis ang tingin niya rito. She was staring at him wondering why he was so kind, sa kabila ng maraming beses na pagsusuplada niya rito.
"Hoy, Ventura."
Nag-angat ito ng tingin.
"May gusto ka ba sa akin?"
Sandaling natigilan si Seann sa tanong niya. She could see how his forehead deepened with a furrow, and his mouth dropped open.
Ilang sandali pa'y malakas itong natawa, tumayo bitbit ang mga sandalas niya at hinarap siya.
"That's so cute, Rox," he said while laughing. "But to answer your question— no. I don't like you in a romantic kind of way, but I care for you. At dahil kaibigan ko ang pinsan mo ay para na rin kitang kapatid."
"Good," she said, lifting her chin. "Akala ko ay may gusto ka sa akin dahil naalala ko noong birthday ko ay pinagbantaan mo akong hahalikan."
Seann opened his mouth to explain himself, but she cut him off.
"At gusto kitang prangkahin nang mas maaga— wala kang pag-asa sa akin, Seann Ventura."
"What a relief!" he said while grinning. Nasa mukha nito ang pagka-aliw sa mga sinabi niya. Iminuwestra nito ang kaliwang braso para alalayan siya. "Hold on tight, baka mahulog ka. I mean... sa sahig. Hindi sa akin."
She grimaced at his joke. "Eeewww! Kadiri ka!"
Bahagya itong tumawa saka kinuha ang kamay niya at inilagay sa kaliwang braso nito. "There. Let's go, nasa parking space ang kotse ko."
***
How many times do I have to tell you to f*****g hide yourself when I'm angry?!
How many times do I have to kick you in your gut to make you feel unwanted?
How many times do I have to yell at you?!
Leave my room this instant or I'm gonna smack your face again!
Malakas siyang napa-singhap kasabay ng pagmulat ng mga mata nang marinig ang mga tinig na iyon sa kaniyang panaginip.
Habol-hininga niyang inikot ang tingin— at nang mapagtantong nasa loob pa rin siya ng kotse ni Seann Ventura ay nakahinga siya nang maluwag. Sinapo niya ang dibdib at kinalma ang sarili.
She thought she was in that dark corner of her mother's room again, taking all her punches, crying silently as she prayed for help.
Help that never came.
Help that was never heard.
Help that was only ignored.
"Nightmare?"
Napalingon siya sa driver's seat kung saan naroon at naka-upo si Seann. Nakatitig ito sa kaniya. May hawak itong iPad sa mga kamay at naka-suot ng earphone. He was watching a soccer game.
Umayos siya ng upo at itinuwid ang naka-incline na upuan niya sa tabi ni Seann. "Gaano ako ka-tagal na naka-tulog?"
"Just half an hour. Hindi na mainit ang kape mo."
Sinulyapan niya ang covered paper cup na nasa cup holder ng kotse sa pagitan ng mga upuan nila. Kinuha niya iyon at diretsong ininom. Bukas ang mga bintana ng kotse at nakapatay ang AC kaya kahit papaano ay maligamgam pa rin ang kapeng nasa loob niyon.
Si Seann ay ibinalik ang pansin sa pinapanood. "Still drunk?"
Ibinaba niya ang cup at bagot na nilingon ang lalaki. "Of course I am, kailangan pa ba talagang itanong 'yan?"
"I'm just asking..."
"Nakainom ka na rin naman ng alak, hindi ba? Ibig sabihin ay alam mong hindi basta-basta natatanggal ang kalasingan sa kalahating oras lang na tulog. Geez, you're getting into my nerves, Ventura."
Seann smirked; hindi na pinatulan pa ang sinabi niya.
She glanced at her watch to check the time.
Eight-thirty.
Isang oras pa ang kailangang dumaan bago siya umuwi. Ibinalik niya ang cup sa holder at inikot ang tingin sa labas ng kotse.
Hindi siya pamilyar sa kapaligiran— all she knew was it was somewhere remote from the city.
Sa paligid ay puro puno ang nakikita niya, at sa bandang kanan ay mayroong mahaba at konkretong tulay na naka-arko ang ibaba. Limang metro ang taas niyon at sa ilalim ay ilog.
"Where are we?"
"Nasa boundary na tayo ng Carmona at San Fidel. Ang tulay na nakikita mo hindi kalayuan ang namamagitan sa dalawang bayan."
Ang San Fidel ang kasunod na bayan mula sa siyudad ng Carmona at ang pangalawang pinaka-malaking bayan sa rehiyon. And she believed that Seann's uncle was the Mayor of that town.
"Bakit mo ako dinala rito?"
Tinanggal ni Seann ang earphone at ibinaba ang hawak na device bago siya hinarap. "Well, nang bumalik ako sa kotse matapos kong bumili ng kape mo ay inabutan kitang tulog. At dahil gusto kong magkaroon ka ng maayos na pahinga ay ito ang lugar na una kong naisip. This is my favorite place, you know. Come, I'll show you around." Bumaba ito ng sasakyan at umikot sa panig niya. Ito na mismo ang nagbukas ng pinto kaya napilitan siyang bumaba.
Kaagad na naramdaman ng mga paa niya ang makapal na damo, and to her surprise, that calmed her down. Pagbaba niya ay kaagad niyang inikot ng tingin ang paligid, at ang unang umagaw ng kaniyang pansin ay ang ilog na halos ilang dipa lang ang layo mula sa pinag-hintuan ni Seann ng kotse.
Sa kabilang bahagi ng ilog ay puro mga kakahuyan ang nakikita niya, mga baging sa puno, mayayabong na mga damo at mga ligaw na bulaklak.
Nilingon niya ang nasa likuran ng kotse at nakitang sa bahagi ng kinaroroonan nila ay isang malawak na burol kung saan nagkalat ang mga puno ng niyog. Ang kalsada ay nasa hindi kalayuan.
"The last time I was here was months ago," umpisa ni Seann habang ang mga mata'y nasa ilog. Ang mga kamay nito'y nakasuksok sa mga bulsa ng slacks. Doon lang niya napansin na hinubad na nito ang kanina ay suot na coat. He was wearing a white long sleeve shirt and gray slacks— which made him look like a corporate man than a graduating tourism student.
Bigla siyang natigilan. Doon lang niya napagtantong sa madalas na pakikinig niya sa pag-uusap ng mga ka-klase sa nakalipas na mga linggo ay nakikilala na rin niya ang mga kaibigan ng pinsan.
The so-called Alexandros was ruling the campus— ang mga ito na lang halos ang usap-usapan ng lahat mapa-highschool o college department man. At sa pakikinig lang sa mga ka-klase ay halos kilala na rin niya ang lahat. Well, she first met them on her birthday, pero noong mga panahong iyon ay wala siyang alam sa mga ito.
NO— walang pakealam ang tamang tawag doon.
Kaya hindi siya gaanong nagbigay pansin— maliban kay Grand Falcon, siyempre. She had a low-key crush on him, at ngayon lang niya iyon aaminin.
"Let's go there." Itinuro ni Seann ang ilalim ng tulay kung saan sementado at mukhang tambayan pa nito dahil may nakikita siyang mahabang wooden bench na naroon. Una itong naglakad at kunot-noo siyang sumunod.
***