"Damn it!" galit na sinipa ni Roxanne ang pinto ng cubicle ng restroom sa loob ng casino nang pumasok siya roon na mainit ang ulo.
She had just lost six hundred thousand pesos from playing roulette! f*****g roulette made her addicted to it that she didn't stop until the last centavo she got left in her purse washed out. Sa mga oras na iyon, ultimo pamasahe pauwi sa mansion ay wala siya. She couldn't even afford to buy gum on the street!
"f**k, f**k, f**k!" Galit niya muling sinipa nang sunud-sunod ang pinto ng cubicle. She was inside and she knew there was no one else in the whole restroom— kaya malaya siyang nakapag-wala.
Dinukot niya ang cellphone na nasa bulsa ng suot na red velvet miniskirt upang sulyapan ang oras— almost seven in the morning.
Dumating siya roon ng alas-nueve ng gabi matapos niyang makatakas muli. Kung uuwi siya ngayon, siguradong naroon pa sa mansion si Kane at ang ama niya.
Parating umaalis si Kane ng alas-otso ng umaga, while her father leaves at ten. Kailangang wala ang mga ito pag-uwi niya— hindi dahil takot siyang mabuking sa pagsusugal niya, kung hindi dahil nais niyang dumukot ng pera sa safety box ng ama niya.
Hindi siya papayag na hindi mabawi ang natalong pera sa roulette! It was her shopping allowance for two months!
Umuusok ang ilong na lumabas siya sa cubicle, naghilamos ng mukha at inayos ang sarili bago lumabas ng restroom bitbit ang maliit na purse niya at bumalik sa casino.
Nagpaikut-ikot siya roon para magpalipas ng oras, watching others play their games. She had been drinking all night, too, and this time, she was tipsy. She could feel her body slowing down, swaying a little. She was even surprised at how she could still manage to walk straight without tripping— sa kabila ng maatas na takong na suot.
Wala siya sa sariling ini-tuloy niya ang pag-ikut-ikot sa loob ng casino hanggang sa may nakasalubong siyang attendant at um-order ng isang glass ng Chivas. Libre iyong ipinamimigay sa mga nagsusugal sa loob ng casino. At dahil kilala na niya halos ang ilan sa mga attendants na naroon ay hindi ang mga ito nagdalawang-isip na bigyan siya.
Oo, madalas siya roon. Madalas niyang nananalo at minsan lang natatalo. Her winning cash would always go to expensive clothes and bags, and also late-night parties. Kapag natatalo naman ay hindi siya gaanong nababahala dahil hindi naman iyon gaanong malaki— but not this time. She lost more than half a million!
Pasalampak siyang naupo sa harap ng bakanteng slot machine at tinitigan ang repleksyon mula sa screen.
Ilang buwan na rin ang nakalipas matapos ang debut niya at marami na ang nangyari. She could still remember how his dumbass cousin dragged her to her hotel room. Nang gabing iyon ay hindi siya nakatakas dahil may dalawang service crew ang pinakiusapan nitong bantayan siya sa labas ng pinto. Ang silid niya sa hotel na iyon ay nasa ika-walong palapag kaya imposible ring tumalon siya sa bintana! She may have had a miserable life but she would never kill herself from jumping off the building!
Kinabukasan niyon ay bumalik sila sa Carmona sakay ng private jet ng Falcon Air. Kasama niya ang buong grupo ni Kane— the so called Alexandros. She only learned about his cousin's stupid group when she heard her father's assistant talked about them.
Naalala pa niya kung paanong mag-isa siyang naupo sa pinakadulong bahagi sa loob ng private plane at matalim na tinatapunan ng tingin ang mga lalaki. Her father was on the first row, having his nap, at sa katapat nitong row ay ang dalawang assistants nito.
Masama ang tinging ipinupukol niya sa pinsan at sa mga kasama nito noong mga sandaling iyon, lalo kay Seann Ventura, who was getting into her nerves! Kung nakamamatay lang ang masamang tingin ay siguradong inu-uod na ngayon sa ilalim ng lupa ang pinsan niya at ang mga tropa nito.
Oh well, Grand Falcon was an exemption...
At katulad ng dati, ay hindi ipinaalam ni Kane sa daddy niya ang tungkol sa mga pills at ang plano niyang pagtakas noong gabing iyon. Kung tutuusin ay mas gusto niyang malaman iyon ng ama niya para mag-alala ito.
Ang magaling niyang pinsan ay binigyan pa siya ng isa pang pagkakataon— na tila hawak nito ang buhay niya! Oh well, maybe yes. Dahil pinagbantaan siya nito na kapag bumalik siya sa pagdo-droga ay ipapasok siya nitong muli sa isang rehab facility.
Ang masaklap pa ay hindi lang sa kung saang rehab center kung hindi sa Thamkrabok Monastery. Matapos niyang marinig iyon ay kaagad siyang naghanap ng impormasyon tungkol sa lugar na iyon— and after learning where and what it was, she froze in horror.
Thamkrabok was a monastery in Thailand, established in the '50s. Nasa isang mataas na bulubundukin iyon at pinalilibutan ng mga templo.
According to the research, patients must agree to spend at least two weeks in that place drinking tea every afternoon for a few days, and not leaving the grounds without permission and escort from the monks. The rehab program promised mental and physical healing through a natural and spiritual approach.
Like, hell! I will never go to the mountain or to any f*****g temple around the world and drink f*****g tea for days, surrounded by f*****g monks!
Kahit sa simpleng rehab center ay ayaw na niyang bumalik— kaya sa nag-ngangalit na damdamin ay pinilit niyang alisin sa sistema ang droga. Iyon ang pinaka-madaling alisin dahil hindi pa naman siya matagal na gumagamit niyon. Ang problema lang ay ang pag-inom ng alak at ang paninigarilyo niya. Pero hindi katulad ng epekto ng droga, madaling maitatago ang epekto ng alak at sigarilyo. She could easily hide the effect from washing herself and sleeping the whole day.
So, she gave up drugs and continued to live her life the way she wanted— secretly though. At patuloy pa rin ang paglagay niya ng pader sa pagitan nila ng ama. She would rarely talk to him, and when she did, she would only ask for money. Siya pa ang matapang kapag humihingi. And her father would only sigh and give her everything that she needed. Iniisip marahil nito na kapag sinunod nito ang lahat ng nais niya ay magiging malapit na sila sa isa't isa. Na makababawi na ito sa lahat ng mga pagkukulang at mga panahong wala ito noon upang suportahan siya.
Napaka-laking tanga mo talaga, Damien Madrigal, she said in her mind as she continued to stare at herself on the screen of the slot machine. Well at least I'm hurting you, sa paraan ng pag-iwas at parerebelde ko. I could see it in your eyes whenever I look at you. Kahit hindi sabihin ni Kane sa'yo, alam kong nararamdaman mong may mali sa akin. This is the effect of my mother's wickedness and your absence in the first sixteen years of my life!
"Another glass of scotch, Ma'am?"
Nagising siya mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang tanong na iyon ng napadaang attendant. She blinked and stared at her empty glass. Ni hindi niya namalayang naubos na niya ang laman niyon habang malalim na nag-iisip.
"Oh, yes. Please," nakangiti niyang sagot saka inabot ang baso sa babaeng attendant.
"Hindi na po ba kayo maglalaro, Ma'am?" tanong pa nito habang pinaglipat-lipat ang tingin sa kaharap niyang slot machine. Kanina pa siya naka-upo sa harap niyon, thinking so deeply.
Pilit siyang ngumiti. Hinding-hindi niya hahayaang malaman ng mga ito na wala na siyang pang-sugal. "I'm just taking a break. Buong gabi akong naglaro."
Tumango ito. "Naku, kung ganoon po ay magpahinga na kayo. Sabihin niyo lang po kung gusto na po ninyong magpahatid at ipa-ku-kuha ko kayo ng taxi."
Biglang nagpintig ang tenga niya sa sinabi nito. She frowned at the attendant and gave her a dirty look. "Pinapaalis mo na ba ako?"
Confused, the lady attendant shook her head. "Ha? Ah, hindi po, Ma'am—"
Tumayo siya at naka-pamaywang itong hinarap. "Hindi? Eh halata namang iniisip mo na hindi na ako naglalaro kasi wala na akong pang-laro. At nagtataka ka kung bakit pa ako umo-order ng inumin gayong hindi na ako naglalaro. Iyon ang tumatakbo sa isip mo ngayon, hindi ba?"
Sunud-sunod itong umiling. "No, Ma'am, you got it all wrong. Gusto ko lang po kayong i-assist kung sakaling nais na po ninyong umuwi para magpahinga—"
"See? You want me to go home because you thought I've got no money to play a game anymore!"
Sa lakas ng pagkakasinghal niya ay nakuha na niya ang atensyon ng karamihan sa mga nagsusugal sa paligid. They were all looking in her direction with a frown on their foreheads.
"Sorry po kung iyon ang dating sa inyo," sagot ng attendant.
Masyado siyang galit para mapansin ang apologetic tone nito.
Ang akma niyang muling pagsinghal ay nahinto nang lumapit ang dalawang naka-unipormeng security men at itinanong kung ano ang nangyari. Ang atendant ang sumagot sa nag-aalalang tono habang siya naman ay humalukipkip at taas-kilay na nakinig sa paliwanag nito. Hanggang sa harapin siya ng dalawang security men.
"Ma'am, let us escort you to the exit door," anang isa na ikina-laki ng mga mata niya.
"What the heck did you mean by that?"
"Lasing na po kayo at mas makabubuting magpahinga na po kayo kaysa sa gumawa pa kayo lalo ng eksena rito. We will get you a cab, Ma'am."
"I am not drunk! At hindi pa ako uuwi! Why are you harassing me?"
"Hindi po namin kayo hina-harass, Ma'am. Nakikipag-usap po kami nang maayos sa inyo," sabi pa ng isa.
Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng lahat, kaya lalo siyang nainis. Marahas niyang sinipa ang upuan sa harap ng slot machine at hindi ininda ang sakit na dulot niyon sa paa niya. She was too angry— and tipsy— to even feel the pain.
At dahil sa pagwawala niya ay hinawakan na siya ng dalawang security men sa magkabilang siko at banayad na hinila palabas ng casino. Ang mga taong nagsusugal ay nakasunod pa rin ang tingin sa kaniya. There were two other uniformed men at the door, eyeing her.
Damn— palagi na lang siyang nakakaladkad. Palagi na lang siyang pinagtutulungan ng mga lalaki!
Pero masisisi ba niya ang mga taong tratuhin siya ng ganoon?
Inis siyang nagpumiglas. "Get your dirty hands off me, kaya kong maglakad mag-isa!" singhal niya sa dalawang may hawak sa kaniya.
Subalit binitiwan lang siya ng mga ito nang marating na nila ang exit door ng casino. Sa labas niyon ay ang malawak na lobby ng hotel.
It was the biggest hotel and casino in the city of Carmona, at kadalasang ginagamit ang hotel na iyon sa mga formal functions, press con at iba pang mga aktibidades ng mga mayayamang tao sa rehiyon. Carmona was also the biggest city in the region, at maraming mga mayayamang pamilya ang nakatira roon. Including her father. And her cousin's dumbass friends, too.
"Itatawag ka namin ng taxi, Ma'am," sabi ng isa sa dalawang security men na kumaladkad sa kaniya palabas.
Lumabas muna siya sa exit door bago hinarap ang apat na security men at tinapunan lahat ng masamang tingin. "I don't need your help! Kaya kong maghanap ng taxi ko!"
Napa-iling lang ang mga ito at hindi na nagsalita pa.
Itinaas niya ang kamay at nagpakawala ng 'dirty finger' para sa mga ito. "Your service sucks! Ayusin niyo ang training ng mga attendants ninyo!" Lumampas ang tingin niya sa attendant na nakasagutan niya kanina. Humabol ito roon bitbit ang pula niyang purse.
"Ma'am, nakalimutan po ninyo—"
"Oh, you thief!" Lumapit siya at marahas na inagaw mula rito ang purse. Humarang ang apat na mga security men sa pag-aakalang susunggaban niya ang attendant na halos magtago sa likod ng mga ito.
Binuksan niya ang bag sa harap ng mga ito at nakita sa loob ang Gucci cigar case niya, lipstick, and her empty wallet. Of course, it was empty. Even her cards were maxed out!
"Wala po akong kinuha sa loob, Ma'am..." sabi pa ng attendant.
"Pwede po nating i-check sa CCTV kung—"
"Whatever!" singhal niya rito saka muling tinapunan ng masamang tingin ang mga ito bago pumihit patalikod. She almost lost her balance— due to her tipsiness. Sa kabutihang palad ay mabilis siyang napa-hawak sa malaking paso ng indoor plant na nasa gilid ng daan patungo sa lobby.
There were people in the lobby wearing fancy clothes, kaya sandali siyang nahinto at inayos ang sarili. Ibinaba niya ang suot na red velvet skirt na tumaas at saka inayos ang strap ng suot na black satin bustier bodysuit. She leaned down and fixed the strap of her four inches wedge sandals, at sa muli niyang pagtayo ay bigla siyang nakaramdam ng matinding pagka-hilo. She closed her eyes and gently shook her head. At nang magmulat siya ay itinuloy niya ang paglalakad habang pilit na tinatantiya ang bawat paghakbang.
Damn those scotch on the rocks. Damn that roulette for taking all my money! f**k this life. f**k everybody!
Tuluy-tuloy siya sa paghakbang patungo sa automatic revolving door nang muli siyang makaramdam ng pagkahilo dahilan upang muli siyang huminto at napahawak sa nadaanang couch. Sandali niyang sinapo ang ulo at muling ipinikit ang mga mata.
Damn it, ang tanging nai-usal niya sa isip. She hated it when alcohol took over her body.
Huminga siya nang malalim at nagbilang ng hanggang sampu bago muling nagmulat at tuwid na tumayo. Pinakiramdaman niya ang sarili at nang masigurong kaya na niyang tumuloy ay nag-umpisa na siya muling humakbang. May mga nakikita siyang taong papasalubong hindi kalayuan sa kaniya. She raise her chind and continued to walk as if she owned the building.
Tinapunan niya ng tingin isa-isa ang mga taong papasalubong sa kaniya, smirking at them and then, she she stopped.
A pair of familiar eyes met hers.
Sandali lang siyang nagulat bago lumalim ang noo sa pagtataka.
The f**k is he doing here?
It was none other than Seann Ventura, wearing a formal suit. Isa ito sa mga taong naglalakad papasalubong sa kaniya. At mukhang kasama nito ang iba pa dahil nang makita siya nito at napahinto ay huminto rin ang mga kasabay nito.
Nalipat ang tingin niya sa katabi ni Seann. Babae; naka-tingin din sa kaniya with curiosity in her eyes. The woman was wearing a stylish white suit and pants, petite and very pretty— despite her age.
Tumaas ang mga kilay niya.
I didn't know Seann Ventura likes older women?
Sa paligid ng mga ito ay apat na mga lalaki. Those men were wearing a black suit— the typical men in black. They were all looking tough, and their faces were void of any emotions.
Bodyguards? Who the f**k are they?
Muling nagsalubong ang mga kilay niya nang may lumapit na grupo ng mga reporters at cameramen sa mga bagong dating, at doon naagaw ang pansin ng babaeng kasama ni Seann. Subalit ang lalaki ay hindi naalis ang tingin sa kaniya, tila inaantabayan ang sunod niyang gagawin o sunod na mangyayari sa kaniya.
Umayos siya ng tayo, inayos ang pagkakasukbit ng manipis na chain strap ng purse sa balikat, ibinaba ang paldang muling umangat at itinuwid ang mga balikat bago nag-umpisang maglakad palapit sa mga ito. She did her very best not to trip— kahit pakiramdam niya ay unti-unti nang ginigiba ng mga nainom niyang alak ang kaniyang sistema.
She felt like floating in the air, but she maintained her straight, postured walk.
Gusto niyang murahin ang suot na four inches wedge sandals dahil mukhang bibigay iyon anumang sandali. Nararamdaman niyang ipa-hi-hiya siya ng mga iyon— anumang sandali.
At ang sandaling iyon ay nangyari nga.
Five steps away from Seann and his date, she tripped and fell on the red carpet floor.
***