Promise Under The Bridge

2213 Words
Masakit ang ulo ni Roxanne dahil sa naputol na tulog, dagdagan pang lasing pa rin siya. But she'd rather stay awake than sleep again and have the same nightmare. Pinag-krus niya ang mga braso sa dibdib nang humampas ang malakas na hangin sa kaniyang balat. Plus, the grass was feeling cold against her feet. Nakalimutan niyang isuot muna ang sandals na pinahubad ni Seann Ventura kanina bago siya bumaba; hindi niya alam kung ano ang maaapakan niya sa damuhan.  Okay lang kung may mga insekto siyang maapakan, she wasn't scared of them. Ang inaalala niya'y baka may bubog o matulis na batong nagkukubli sa makapal na damo.  Ayaw niyang masugatan.  Ayaw niyang makakita ng dugo.  Sapat na ang mga sugat sa mga paa niya noong bata niya; she'd had enough of them. Ayaw na niyang maranasan pa.  Mga sugat na mula sa bubog ng binasag na gamit ng mommy niya. Sugat na latay mula sa pagpalo ng mommy niya...  Oh, there were too many to remember. Ang mga sugat na iyon ay matagal nang naghilom. Pero bakit ganoon? Bakit tila kay sariwa pa rin ng hapding naramdaman niya? Bakit tila kahapon lang nangyari ang lahat at hanggang sa mga sandaling iyon ay ramdam pa rin niya ang mga sugat?  "Are you coming or what?" Inalis niya ang tingin sa mga paa, at doon ay nakita niya si Seann na narating na ang ilalim ng tulay at bahagyang nakalingon sa kaniya. Itinuloy niya ang paglapit sa wooden bench na naka-silong sa ilalim ng tulay ay saka iyon pinagpagan.  Nang sa tingin nito'y malinis na iyon ay saka nito ibinalik ang pansin sa kaniya at hinintay siyang makalapit. Bumaba ang tingin nito sa kaniyang mga paa at nang makitang wala siyang suot na sapin sa mga iyon ay napangiti.  "Nasa ilalim lang ng seat ang sapatos mo. Why did you walk barefoot?" Hindi siya sumagot at itinuloy na ang paghakbang. 'Di bale na kung may maapakan siyang bubog.  Nang makalapit siya sa kinaroroonan ni Seann ay naupo siya kaagad sa mahabang bench upang pagpagan ang narumihang mga paa. Napa-igtad pa siya nang biglang lumuhod si Seann sa harap niya, at sa kaniyang panggilalas niya ay kinuha nito ang panyo mula sa bulsa ng suot na pants at ipinunas iyon sa kaniyang mga paa. She gasped and stared at the man in disbelief.  Seann was obviously a gentleman, kanina pa niya iyon napansin sa casino pa lang. Maliban pa roon ay nakikita niya rito ang respeto sa kabila ng ugaling ipinapakita niya rito. Alam nito ang pinaggagawa niya pero maliban sa tinatanong siya nito kung bakit niya ginagawa ang mga iyon ay hindi niya ito kinakitaan ng panghuhusga kahit kailan. "Hindi ka dapat nagpa-paa dahil baka may matapakan kang matulis na bato at masugatan ka pa. Mamaya pagbalik natin sa kotse ay hayaan mo akong buhatin ka." Hindi niya napigilan ang pagkawala ng ungol sa kaniyang lalamunan. "Ugh. Why are you so kind to me?"  Seann glanced at her and smiled a little. "I am always kind to people, Rox, hindi lang sa iyo. There." Maingat nitong binitiwan ang kaniyang mga paa saka tumayo. Inisuksok nito pabalik sa bulsa ang panyo saka naupo sa tabi niya.  Seann then watched the flowing river and listened to the chirping birds nearby. He was smiling; he looked so relaxed. Ano kaya ang nakikita ng taong ito sa paligid? Rainbows and butterflies? tuya niya sa utak. Inilibot din niya ang tingin sa kapaligiran. There was nothing extraordinary in the area. It was the typical river surround by forest.  "How did you find this place?" she asked after a while. Ang totoo'y wala siyang pakialam sa magiging sagot nito. Gusto lang niyang mag-ingay. "My father and I used to come fishing here. Noong nabubuhay pa siya ay halos araw-araw kaming narito. Sa tuwing ihahatid niya ako sa school, kailangan muna naming dumaan dito just to play with the water. Sa hapon naman ay siya rin ang sumusundo sa akin at hindi pwedeng hindi kami dumaang muli rito para mamingwit ng isda. This was my father's favorite place, and..." Seann took a long, deep breath. "... and when he died eight years ago, this place has become my favorite, too. Dahil kapag narito ako ay naaalala ko siya. Pakiramdam ko ay buhay pa rin siya." Muling sinuyod ni Seann ng tingin ang paligid saka ngumiti. "But when I started college and when Mom became the district representative, naging abala na ako at hindi na gaanong nakapunta rito. Pero nang sabihin mo kaninang nais mong dalhin kita sa ibang lugar, ito ang una kong naisip." She gaped at him for a long moment, wondering why there were little orbs surrounded him. Hindi niya alam kung bakit parang may mga munting liwanag na nakapaligid kay Seann sa mga sandaling iyon, at kung bakit parang nagliwanag ang buong paligid habang nakatitig siya sa mukha nito.  Maliban pa roon... she found his smile very peaceful. Tila dinuduyan siya niyon. And his eyes were twinkling like stars. They were so dreamy... Shit. I'm definitely drunk. Inirapan niya ang binata at sa maanghang na tinig ay nagsalita. "You bored me with your story." Natawa ito sa naturan niya, muli siyang sinulyapan. "You are so cold." Umikot lang ang mga mata niya sa sinabi nito saka itinuon ang pansin sa malinis na tubig ng ilog na umaagos patungo sa silangan. May malalaking mga bato roon at may nakikita siyang mga isdang malayang lumalangoy at sumusunod sa agos ng tubig.  Pinakiramdaman din niya ang huni ng mga ibon at ang pagaspas ng hangin sa mga puno.  She closed her eyes, feeling the nature. Hindi niya akalaing sa simpleng lugar na iyon ay makararamdam siya ng kaginhawaan at kapayapaan. "If you are sad, mad, or scared about anything, just go to this place and try to relax your mind. Make this your haven, Rox. Alam kong gagaan ang pakiramdam mo kapag pinalubutan ka na ng magandang tanawin na ito." Nagmulat siya nang marinig ang sinabi nito, at ang una niyang nakita ay ang berdeng kapaligiran, ang mga ligaw na bulaklak na samu't sari ang kulay sa kabilang bahagi ng ilog, at ang kulay asul na mga ibon na noon lang niya nakita, lumilipad sa ibabaw ng tubig at tila nakikipag-habulan sa mga isdang naroon. She was mesmerized. There were too many colors around them that thrilled her. The natural color of nature that she used to only see on a canvas made her think that she had just entered some sort of a surreal world. Hindi niya akalaing totoo ang ganoong lugar. Na totoong may ganoong mga kulay. Because the only colors she used to know were red and black.  Pero sa mga sandaling iyon, Seann introduced her to the other side of the world, where there were beautiful colors that she could only imagine. Nilingon niya si Seann at nakitang nakangiti ito habang naka-pikit. At hindi niya alam kung bakit siya nanatiling nakatitig lang dito.  The orbs were still there— as if he was some kind of a mystical thing. Lasing na talaga siya dahil kung anu-ano na ang mga nakikita niya. Hanggang sa magmulat ito at nilingon siya. Bigla siyang natilihan at parang baliw na umusog ng upo at isiniksik ang sarili sa kabilang dulo ng bench. Si Seann ay napangiti nang makita ang ginawa niya, subalit sandali lang iyon at muli ring nagseryoso. "Hindi ko sasabihin kay Kane kung saan tayo nagkita, paano kita natagpuan, at kung ano ang ginawa mo— only if you promise me one thing." Napa-kurap siya. "P—Promise you what?" "Na iyon na ang huling beses na pupunta ka sa lugar na iyon." Muling umikot paitaas ang mga mata niya. "Na parang makababalik pa ako sa lugar na iyon matapos kong gumawa ng eksena at mang-away ng mga staff?" He shrugged. "Hindi lang iyon ang hotel and casino dito sa Carmona. But what I meant was for you to stop gambling. Walang mabuting maidudulot sa iyo ang pagsusugal, Roxy." "Pfft," she uttered and looked away. "Ang hilig mong sumermon, ikaw na lang kaya gawin kong tatay?" He chuckled and stretched his arm towards her. And before she could even react, Seann ruffled her hair like a man to a child. "You're cute," he said that stunned her. "I wish I have a little sister, gusto kong may sine-sermunang kapatid." Nanlaki ang mga mata niya at tinabig ang kamay nito. "Pwede ba, h'wag mong guluhin ang buhok ko!"  Kunwari ay nainis siya sa pag-gulo nito ng buhok niya, pero ang totoo ay nainis siya sa pagtrato nito sa kaniya na parang bata. "So, do you promise, Rox? Dahil kung hindi ay magsasabi ako sa pinsan mo. At alam mo na maaari kang ibalik ni Kane sa rehab kapag nalaman niya ang mga pinag-gagagawa mo." "Fine!" And of course, she was lying. "Just don't tell Kane, ayaw kong mangealam na naman siya. At ikaw din, tumigil ka na rin sa panghihimasok sa buhay ko dahil naiirita ako sa'yo kapag ginagawa mo 'yon." Nagkibit-balikat si Seann at muling ibinalik ang tingin sa ilog. "Well, as long as hindi kita nahuhuling may ginagawang hindi karapatdapat ay hindi ako mangengealam." He leaned back, put his arms behind his head, and stretched his long legs forward. "I'll hold on to your promise, Roxy. Be a good girl now and relax. Maya-maya ay ihahatid na kita sa inyo."  Ibinalik niya ang tingin sa ilog at tahimik na nag-isip.  I'd like to keep that promise, but I have six hundred thousand pesos to recover. Bumuntong hininga siya.  Oh well, kailangan ko lang siguraduhing hindi mo ako makikita sa ibang casino para hindi mo ako isumbong kay Kane. I will never promise anything to anyone. Muli niya itong nilingon at pinagmasdan. This time, Seann's eyes were closed as he tried to relax. Gusto niyang bawiin ang tingin; ayaw niya itong pagmasdan. Pero kahit ano ang gawin niya, ay hindi niya maialis ang mga mata sa mukha nito. Hanggang sa namalayan na lang niyang tumatagal na pala ang pagkakatitig niya rito.  Then... her heart started to thump so hard.  Umiling siya at ibinalik ang tingin sa ilog. Nah. No f*****g way. *** A few days after that promise... Tumaas ang kilay ni Roxanne nang makita kung paanong blanko ang ekspresyon ng mukha ng ama habang nakaharap sa kaniya. He was sitting behind his executive desk, fingers crossed on the table and eyes shady as they looked straight into hers. Pagdating niya galing sa eskwela ay ipinatawag siya nito sa study room nito— at mukhang alam na niya kung ano iyon. She secretly smiled.  I hope I made you proud, father... "One point two million pesos is gone from my safety box, Roxanne," Damien started without breaking eye contact. "Do you know anything about this?" She shrugged her shoulders nonchalantly. "Are you asking if the sky is blue and the grass is green?" Damien gritted his teeth in anger— and she could see how he tried to hide it from her. He remained calm as much as possible. He pressed his lips, took a deep breath, and started talking again.  "Saan mo ginamit ang perang iyon, Roxanne? If you need something, you know that you can easily tell me or ask it from me? I just don't like it when someone is stealing from me, or taking something away without my knowing." "It won't be fun if I told you," she answered sarcastically. Muli, ay nakita niya ang pag-igting ng mga bagang ng ama niya— which made her really happy. Doon na bumigay ang ama niya. Inihilamos nito ang mga palad sa mukha saka humugot ng malalim na paghinga. Nang muli itong nag-angat ng ulo ay lihim siyang napangiti. Ang dating masiyahin at laging nakangiti nitong mukha ay biglang tila binagsakan ng langit. "Where did you... use the money?" he asked after a while. Muli siyang nagkibit-balikat. "Sa casino. Natalo ako sa dalawang araw na paglalaro ko roon." "What?" Lalong nanlumo ang ama niya na lalo niyang ikina-ligaya. How she celebrated seeing him suffer because of her and her actions.  "Ang paalam mo sa akin ay pa-pasyal ka lang sa matandang katiwalang nag-alaga sa'yo noon—" Umikot paitaas ang mga mata niya. "Hindi mo pa rin ba ma-gets? I lied to you, okay? And I stole money from you. I stole one point two million from the safe and spent it at the casino. Minalas ako at natalo. There. Now, what?" Nakita niya kung papaanong nalukot ang mukha ng ama niya sa kaniyang mga sinabi. Para itong biglang tumanda sa ekspresyon ng mukha nito. Ilang sandali pa'y humugot ito ng malalim na paghinga saka sa mahinang tinig ay, "Why, Roxanne? Why?" "Ugh." She rolled her eyes again. That conversation had started to bore her. "Hindi mo pa rin ma-gets, ano? The answer is simple— because I hate you and I want to see you miserable." Lalo siyang nagdiwang nang makita ang pamumuo ng luha sa mga mata ng ama. Ngumisi siya.  "Yes, cry, father. Ang sakit na walang amor sa'yo ang nag-iisa mong anak, ano? Mas higit pa riyan ang naramdaman ko noong bata ako."  She chuckled deviously and then turned her back to her father.  And in seconds, she left the study room feeling victorious. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD