6 | Shush or I'll Kiss You

2353 Words
"God— you and your dirty tongue, Miss Madrigal," usal nito saka inabot sa kaniya ang isang baso na may lamang... alak? Mangha niyang ibinalik ang tingin sa lalaki. "I can't believe you followed me here? Ano ba'ng kailangan mo sa akin?" Seann shrugged his shoulders and gave her a friendly smile. "I don't need anything from you. I just thought maybe you need someone to spend your time with, since... your friends are not here 'cause they're enjoying their time with my brothers." Naguluhan siya sa sinabi nito. "What?" "To answer your question— Kane invited me here. He's my brother." Doon tumaas ang kilay niya saka siya humalukipkip. "Well, I guess that explains it." "Explains what?" "That birds with the same feather flock together. Pareho kayong pakialamero." Malapad na ngisi lang ang inisagot nito sa kaniya.  "Kung kaibigan mo ang buwisit kong pinsan, sigurado akong alam mo na banned ako sa alak. So, why the f**k are you giving me that?" Sinulyapan niya ang ini-a-abot nitong inumin. Sa isang kamay nito ay canned beer na marahil ay para naman dito. Nagkibit ng balikat si Seann. "You just turned eighteen, right? Ibig sabihin ay adult ka na at maaari mo nang gawin ang lahat ng gustuhin mo." Muling kumunot ang kaniyang noo. "Alam ba ni Kane na tinutukso mo ako sa alak? Or is this part of his plan? Gusto niya akong subukan kaya binibigyan mo ako niyan? Are you insulting my intelligence? I may be a hard-headed person but I am not stupid!" Natawa si Seann sa mga sinabi niya, and she frowned all the more. She watched him laughed until he stopped with tears in his eyes. Ang babaw naman ng kaligayahan nito, bulong niya sa isip. "Okay," he started. "Hindi alam ni Kane o ng kahit sino na magkasama tayo ngayon. And this," itinaas nito ang basong may lamang inumin, "is not part of Kane's plan. I don't even know what his plans are. I just followed because I thought you might want to have a drink. So, gusto mo ba?" Kunot-noong sinuri niya ito ng tingin. Nanatili pa rin siyang naka-halukipkip at hindi kombinsido sa sinasabi nito. Lumipat ang tingin niya sa inaabot nitong baso— and suddenly, she just felt so thirsty. She had been an alcoholic and a smoker since she was fourteen, and Betty was the one who taught her. Sa loob ng apat na buwang nasa rehab center siya ay halos mabaliw siya sa biglang pagbabago ng buhay niya— ang mawalan siya ng access sa mga bisyo niya, ang mga tao sa paligid niya, ang mga lectures na naririnig niya. Naririndi siya sa araw-araw na buhay niya roon. Para siyang demonyo na ipinasok sa simbahan at unti-unting nasusunog. Hindi niya napigilang mapa-lunok nang makita kung papaanong nabiyak ang malaking ice cube sa loob ng baso. The water from the outer part of the glass was dripping down and that made her crave for more. She gulped again and without any words, took the glass from Seann. "Good girl," naka-ngiti nitong sambit bago dinala sa bibig ang canned beer na hawak habang ang mga mata'y pailalim na nakatitig pa rin sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at sumimsim ng alak. She gulped twice then she stopped. Kunot-noong tiningala niyang muli si Seann. "What the hell is this? A punch?" Seann Ventura grinned at her. "Of course not. It's a pomelo juice I ordered at the bar." "A pomelo ju—" Nagtitimping ipinikit niya ang mga mata. She hated seeing him grin at her. He fooled her good, and she was pissed! "Oh, did I forget to mention it was just a plain juice?" patuloy nito sa panunukso. Inis niyang itinapon ang basong puno pa ang laman sa buhanginan at binalingan ang lalaki. "Ang sabi mo ay gusto mo ng kasamang uminom at nagpaunlak ako kahit naiinis ako sa'yo!" "Which I really appreciate dahil literal na gusto kong may kasamang uminom. But I never said that you also have to drink an alcoholic beverage?" Ikinuyom niya ang mga palad. "Pinaglalaruan mo ba ako? Why would you even trick me? Ano ba'ng problema mo at pinapakealaman mo ako at binu-buwisit ng ganito?" Lalong lumapad ang mga ngiti ni Seann. "Masyado kang seryoso sa buhay mo. Chill, okay? I was on my way to the pool area when you bumped at me. Noong umalis ka ay sinundan kita, but I stopped at the minibar to order us some drinks. Ayaw ko ng may kaaway, o taong may galit sa akin. So I followed to have a talk with you and apologize if I did you wrong. That's all." Nagkibit ito ng mga balikat. "But— when I heard you talk to your friend on the phone, bigla akong nabahala." Nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi nito. "You were eavesdropping!" "Couldn't help it, malakas ang boses mo." Sinulyapan nito ang cellphone niyang ibinato niya sa buhanginan. "So, you were planning to sneak out— again— huh? At ano iyong tungkol sa mga pills? Party drugs na naman ba?" Doon na muling naningkit ang mga mata niya. Seann's smile disappeared. Bumuntong-hininga ito at diretso siyang tinitigan. "Wala ring nangyaring pagbabago sa'yo sa loob ng apat na buwang pananatili mo sa rehab center. Why are you doing this to yourself?" "Pinalaki ka ba ng mga magulang mo na maging pakialamero?" tuya niya rito. "Bakit hindi mo na lang atupagin ang sarili mong buhay and leave mine alone? Wala kang pakialam sa akin— we are not even friends! Si Kane ang kaibigan mo at siya ang tulungan mo dahil kaunti na lang at mukhang masisiraan na siya ng bait!" "How can you be so heartless?" manghang tanong ni Seann na ikina-ikot ng mga mata niya. "May pinagdadaanan din ngayon ang pinsan mo— hindi ba dapat ay suportahan mo siya? Pero heto ka, binibigyan siya ng problema at dinadagdagan ang bigat ng pasanin niya." "Well, hindi ko sinabing pasanin niya ako! Ugh! Alam mo, nakaka-irita ka na. I don't need you to lecture me, okay? Just pretend that I don't exist para hindi ka nase-stress sa mga trip kong gawin sa buhay ko. At tulad nga ng sinabi ko, imbes na ako ang atupagin mo, si Kane ang tulungan mo." Nilapitan niya ang cellphone na inihagis sa buhangin at dinampot iyon saka ibinalik sa bulsa ng bohemian skirt niya. She then started to walk past Seann. "Do you hate your life?" tanong pa nito na sinundan siya ng tingin. Tuluy-tuloy ang siya sa paglalakad at hindi na ito pinansin. "If you need someone to talk to, let me know." Umikot lang ang mga mata niya sa pahabol na sabi ni Seann. Hanggang sa marating niya ang konkretong hagdan pabalik sa hotel ay hindi na siya lumingon pa.  She'd go to the events hall and look for Betty. Itutuloy pa rin niya ang plano niya sa gabing iyon kahit ano ang mangyari. *** Pagpasok niya sa events hall ay malakas na hip hop song ang kaagad na sumalubong sa kaniya. Umiikot din sa paligid ang mga disco lights at smokescreen. All her classmates were dancing, while the rest of the visitors were gone— marahil ay nauna nang nagpahinga ang mga bisita ng ama niya. While Kane and his friends were all at the pool area— maliban doon sa mga kasama ni Betty ngayon. Inikot niya ang tingin sa paligid at hinanap ang kaibigan— at nang makita ito sa isa sa mga high tables na nasa sulok, nakangalumbaba at halos bumagsak na ang ulo sa mesa, ay mabilis siyang lumapit. "Betty," aniya nang makalapit. Bahagya lang itong nag-angat ng ulo at lasing na ngumisi. "If it isn't the birthday girl..." anito. Pilit nitong inangat ang katawan subalit muli ring bumagsak pabalik sa kina-uupuan. "f**k, I am so drunk." "What is wrong with you? Hindi ka naman kaagad na nalalasing ah?" Inikot niya ang tingin sa paligid. "Nasaan ang dalawang kaibigan mo? And why are you f*****g drunk, Betty? This is not like you at all!" "Oh, mah girls probably went to have s*x with those two hot guys," lasing pa ring sambit ni Betty. "I was left alone so—" She hiccuped, "—so, I ordered ten shots of tequila." She hiccuped again. "Those shots and the f*****g pills made me like this." "Damn it, hindi ako mag-aalaga ng lasing ngayon, Betty. So, fix yourself! Sinira mo na ang plano ko't lahat-lahat, pati ba naman pag-intindi sa'yo ay gusto mong gawin ko? Give me those pills, now!" "Are you looking for this?" Mabilis siyang lumingon nang marinig ang baritong tinig na iyon sa kaniyang likuran. She frowned when he saw two unfamiliar but attractive guys stood in front of her. Ang isa sa mga ito'y ragged ang itsura, naka-suot ng itim na turtle-neck sweatshirt at pants, while the other who had a perfectly-shaped jaw was wearing a plain white T-shirt and faded blue jeans. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay, subalit nang mapasulyap siya sa hawak ng lalaking naka-white T-shirt ay pinanlakihan siya ng mga mata. It was a small zip bag with over twenty blue pills inside! "Oh, sweethearts, where are my best friends?" lasing na tanong ni Betty sa dalawang lalaking sumulpot. The man wearing a turtle-neck sweatshirt answered, "We sent them to one of the rooms upstairs. They passed out." "Ahhh..." Betty hiccupped again. "So—no s*x tonight, eh?" The man who was wearing a white T-shirt smirked. "We didn't intend to have one. You just assumed." Napa-igtad siya ng bumaling ito sa kaniya. "I repeat— are you looking for this?" Ibinalik niya ang pansin sa maliit na zip bag at akma iyong dadaklutin mula sa lalaki nang mabilis nitong itinaas ang kamay.  "Gusto mo bang tumira sa rehab centre, Miss Birthday Girl?" Her eyes slanted in annoyance. "Who the f**k are you?"  Damn! Wala na siyang ginawa buong gabi kung hindi itanong iyon! "Raven Worthwench," the man in a white T-shirt answered. Bahagya nitong nilingon ang kasamang naka-turtle neck shirt. "And this is Blaze Panther. Were are your cousin's brothers." Ang akma niyang pagsinghal sa pangengealam ng mga ito ay nahinto nang mula sa likuran ng dalawang lalaki ay sumulpot si Kane at Seann. Sunud-sunod na mura ang pinakawalan niya sa isip. "Thanks, buddy," ani Kane sa nagpakilalang Raven saka iyon tinapik sa balikat. Bahagya pa siyang napa-hakbang paatras nang siya na ang sunod nitong binalingan. "And you, go upstairs." "No." "Whether you like it or not, the party's over for you, princess. Upstairs, now." Umatras siya nang akma siyang hahawakan ng pinsan. "Bakit ba ayaw niyo akong lubayan—" "Because I can't let you ruin your life!" Kane hissed furiously. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagpipigil sa sobrang galit. "Ikaw na lang ang natitira naming pamilya— ikaw lang ang nag-iisang anak ng iyong ama. And you are the only woman in this family— you didn't expect me to just sit back and watch you ruin your goddamn life?" "I don't care about this family! Just leave me alone!" Akma sana siyang tatalikod upang lumayo kay Kane nang mabilis nitong nahuli ang kaniyang braso. Nagpumiglas siya. At dahil maingay at magulo sa loob ng events hall dahil sa mga nagsasayaw ay hindi pansin ang nangyayari sa kinaroroonan nila. Si Seann Ventura ay lumapit din at hinawakan siya sa kabilang braso. "Don't touch me, you moron! Isa ka pa!" hasik niya sa lalaki na ngumisi lang. Pero nang yumuko si Seann at inilapit ang mukha sa kaniya ay bigla siyang natilihan. "Shush, now," anito sabay ngisi. "Shush or I'll kiss you." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula rito. Sandali siyang natigilan sa pagkamangha at nang makabawi ay sinuri ito ng masamang tingin mula ulo hanggang paa, bago muling sinalubong ang mga mata nito. "How dare you threaten me—" "It wasn't a threat, it was a warning," naka-ngising sabi ni Seann saka muli siyang hinawakan sa braso. Ibinaling niya ang tingin kay Kane na sa mga oras na iyon ay blangko na ang ekspresyon. "At okay lang sa'yo na bastusin ako ng kaibigan mo, ha, Kane?" Hindi ito sumagot, sa halip ay hinarap nito ang dalawa pang kasamang naroon. "Thanks for the assistance, buddies. Can you please bring the lady to her room?" anito sabay sulyap kay Betty na tuluyan nang bumagsak at nakatulog sa ibabaw ng mesa. "Sure, Kane," sagot ni Blaze. "Can you also keep those pills for me, Rave? Pagbalik natin bukas sa Carmona ay dadalhin natin ang mga iyan sa otoridad, kasama ang tatlong kaibigan ng mahal kong pinsan," niyuko siya ni Kane at binigyan ng warning look— na sinalubong naman niya ng matalim na tingin. Muli siyang nag-akmang kakawala sa pagkakahawak ng dalawa nang mula sa two-way door ng events hall ay nakita niya sina Ryu Donovan, Marco Sansebastian, at Grand Falcon na naka-sandal sa gilid niyon— crossing their arms across their chests as they watched her surrounded by the other guys. Oh, she felt so hopeless! Gusto niyang magwala! Pero nang mapatitig siya kay Grand Falcon na naka-tingin din sa kaniya nang may kunot sa noo ay biglang na-bahag ang buntot niya. Why she had no idea. "Shall we?" sabi pa ni Kane kasunod nang paghila sa kaniya palabas. Tinapunan niya ng masamang tingin si Seann na nakahawak pa rin sa kaliwang braso niya at mariing pinagsalitaan ng, "Get your f*****g hands off my wrist, dumbass." Seann grimaced exaggeratedly. "You have a filthy mouth, Roxy. I hope one day someone would change that." "Yeah, maybe you could change that?" tuya pa niya bago marahas na binawi ang kamay mula rito. "In your dreams!"  Seann let go of her with a grin on his face. Si Marco na nadaanan nila sa pinto ng event's hall ay nagtanong. "Need help with her, Kane?" "Thanks, but it's all good, Marco. I'll meet you all downstairs in ten minutes." Tinapunan niya ng masamang tingin ang lahat— maliban kay Grand Falcon— bago sumunod kay Kane na halos kaladkarin siya patungo sa elevator. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD