3 | Sneak Out

2081 Words
Galit na ini-hagis ni Roxanne ang back pack sa ibabaw ng kama at hinarap si Kane na naka-sunod sa likuran niya. "Hanggang kailan mo ipa-pahiya ang ama mo dahil sa pagre-rebelde mong ito, Roxanne?" galit na tanong ni Kane. His eyes were on fire and his face flushed in fury. Iyon ang unang beses na nakita niya itong galit simula nang dumating siya sa buhay ng mga ito, and she couldn't blame him. She always made sure Kane and her stupid father would hit rock bottom in anger. She always wanted to give them headaches and distress. Lalo na ang ama niya. “Hanggang buhay ako, Kane," sagot niya sa pinsan saka pinantayan ang anyo nito. "Ano ba'ng problema mo?" namamanghang tanong nito sa kaniya habang magkasalubong ang mga kilay. "Kung maka-asta ka ng ganiyan ay para kang galit sa mundo. Hindi lang ikaw ang may problema, Roxanne. Hindi lang ikaw ang may pinagdadaanan. We all do—" "Ugh, shut up, Kane. Don't compare my life to yours or to any other human! Wala kang alam!" Tumalikod siya at humakbang patungo sa banyo upang doon magkulong. Subalit bago pa man niya marating iyon ay nahuli na ni Kane ang braso niya. Nang mapa-harap siya rito ay marahas niya iyong itinulak. "Get your hands off me!" "Maliban sa nangyari sa mommy mo, ano pa ang mga bagay na kailangan kong malaman para maintindihan ang mga ginagawa mo, Roxanne? Hindi alam ng ama mo ang mga pinag-gagagawa mo. Sa nakalipas na mga buwan ay ako ang palaging humaharap sa guidance office para ayusin ang gulong pinapasok mo. May problema rin ako, Roxanne. May pinagdadaanan din ako—" "Then leave me alone! Sino ba ang nagsabi sa iyong mangialam ka? Sino ba ang nagsabi sa inyong pakialaman ninyo ako? You and that stupid jerk named Seann Ventura can go to hell for all I care! Leave my f*****g life alone!" Sinapo ni Kane ang noo saka bumuntong-hininga. Nakikita niya sa mukha nito ang hirap ng loob— which was good. She felt victorious, iyon naman kasi talaga ang nais niya. "Hindi ka ba nahihiya na pati si Seann Ventura ay nakikita ang mga mali mo? What's this? Are you really trying to display all your blunders? And drugs, Roxanne, really? When did you start using it?" "Gah! You’re pissing me off!" Inikutan niya ito ng mga mata bago muling tinalikuran. Subalit muli rin siyang hinila paharap ni Kane. "Kakausapin ko na si Uncle tungkol sa iyo at sisiguraduhin naming magtitino ka sa loob ng rehabilitation center!” Taas-noo niyang sinalubong ang mga mata ni Kane at sa mapanghamong tinig ay, "Yes. Do it. And before you know it, baka wala na ako sa pamamahay na ito." Muli ay malakas niya itong itinulak at patakbong tinungo ang banyo. Pabalandra niyang ini-sara ang pinto, nag-lock, saka sumandal sa likod niyon. Sa harap niya ay ang full-sized mirror at doon ay malinaw niyang nakikita ang sariling repleksyon. Her long straight hair was messy— as always—, her face dried up a little due to dehydration, her eyes had dark circles around them due to lack of sleep, and her white uniform was dirty because she would always hang it on the trees at the back of the college buildings whenever she would go there to smoke. Bumaba pa ang tingin niya sa kaniyang katawan at doon ay kinunutan siya ng noo. She had lost weight, and she just noticed it. Kapansin-pansin ang pagbagsak ng kaniyang katawan dahil nakikita na niya ang paglalim ng kaniyang collar bones at ang pag-luwag lalo ng kaniyang uniporme. Humakbang siya palapit sa salamin at sinuring mabuti ang sarili. She stood there gazing at her body like she hasn't seen herself for a long time. When was the last time she checked herself in the mirror? Gah! She could no longer remember. Sumimangot siya at inis na tinabig ang lahat ng bagay na nakapatong sa ibabaw ng sink. She hated what she was seeing. She hated herself. She hated her appearance. She looked exactly like that evil woman— her mother. Kopyang-kopya niya ang mukha nito, maliban sa kaniyang mga mata na nakuha niya sa walang silbi niyang ama. Oh, well... Her father wasn't really useless. Simula nang makilala niya ito ilang buwan na rin ang nakararaan ay naging mabuti ito sa kaniya. He's given her everything any other daughter could only dream ask of— wealth and name. At iyon ang ikina-iinis niya. Kaya naman pala nitong ibigay sa kaniya ang lahat, bakit hindi nito iyon ginawa noong una pa lang? Bakit hinayaan siya nitong manatili sa poder na kaniyang ina na walang ibang ginawa noon kung hindi ang saktan siya, gutumin, at pahirapan? She had suffered so much. There was no day she didn’t wish to be dead. There was no day she didn’t question heaven why she was abandoned by her father and left to her monstrous mother? Kung hindi pa ito namatay ay baka sa mga oras na iyon, naroon pa rin siya sa poder nito. O kung hindi man ay baka nag-layas na siya at naging pariwara. Bago pa man ang nangyaring iyon sa kaniyang ina ay may plano na rin siyang maglayas. She was only saving money for fare and food. She wasn't planning to look for her father, hindi iyon ang gusto niya. Dahil pareho niyang kinamumuhian ang kaniyang mga magulang. Subalit nang mangyari ang pagpapakamatay ng kaniyang ina ay nagbago ang lahat ng mga plano niya. She wasn't even sad about her mother's suicide. Pakiramdam lang niya ay para siyang nawalan ng gamit— and she didn't care. Oh, she pretended to, for her mother's stupid friends and family. Pero nang ilibing ito'y mabilis na siyang nag-empake at kaagad na umalis sa apartment na iyon, leaving her Yaya Imeng behind. Ito ang nagsabi sa kaniya ng tungkol sa kaniyang ama. Hindi nito alam kung saan ang tamang address nito, pero alam ni Yaya Imeng kung saan ang location ng kompanya nito at ang kompletong pangalan. She looked for him only to seek revenge. Gusto niyang maghiganti sa ginawa nitong pag-a-abandona sa kaniya. Gusto niyang ipakita rito kung papaano siyang pinalaki ni Wynona. And the moment they met, her stupid father cried. Sinabi nitong inilayo siya ng ina niya at itinago. He said that he wanted to reach out and provide for her, but Wynona hid her and disappeared. Mahigit isang taon din daw itong nagbayad ng tao upang ipahanap sila, subalit nagpalit ng pangalan si Wynona sa ilegal na paraan matapos itong itakwil ng mga magulang. He was able to locate Wynona's parents but he was told that she left for the States, kasama ang bata. Kaya hindi na ito naghabol pa. He said he never stopped thinking about his child, na sinagot niya ng lihim na pag-ismid. And that time, she cried, too, not because she was happy to have finally met her father. No. She cried because she couldn't wait to crush her father's life. Abot-kamay na niya ang tagumpay niyang sirain din ang buhay ng taong nagpabaya sa kaniya. She hated seeing him with a better life. She saw how great his life was and she couldn't wait to ruin it. She was just so happy to find him so she could finally ruin his life and make it miserable. Noong una'y maayos niya itong pinakisamahan. She built up herself and took his trust, subalit makalipas ang dalawang buwan ay inilabas na niya ang tunay niyang kulay. Nag-umpisa na siyang gumawa ng mga bagay na hindi nararapat upang ipakita rito kung papaano siyang pinalaki ng babaeng inanakan nito. Pero abala ito sa negosyo at madalas na si Kane ang humaharap sa guidance office tuwing ipinatatawag siya, o ang nag-lilinis ng kalat niya sa CSC. Ang buong akala niya ay ipinarating na nito sa kaniyang ama ang mga ginagawa niya, ngayon lang niya napag-alamang itinago rin nito iyon para sa kapakanan niya at ng kaniyang ama. "Urgh! I hate him!" galit niyang inihagis sa sahig ang bottled soap na nadampot niya sa sink. Nabasag iyon at nagkalat ang laman sa tiled floor. Nag-uusok siya sa galit. Sinuspinde siya ng CSC sa loob ng limang araw at nakipag-ugnayan si Kane sa university upang ipahuli ang dalawang estudyanteng nagbebenta ng droga roon. Nasa tamang edad na ang mga ito at kakasuhan mismo ng unibersidad. Habang siya, dahil sa wala pa siya sa tamang edad, ay nakipag-ugnayan si Kane sa mga school officials na ipasok siya sa rehab centre. At pati ang isa pang pakialamerong si Seann Ventura ay nakipagtulungan sa pakialamero niyang pinsan! Sakaling ituloy ni Kane ang pagpasok sa kaniya sa rehab ay talagang maglalayas siya! Galit niyang sinipa ang pinto ng banyo at sumigaw nang malakas. Gusto niyang magwala. Gusto niyang iparating sa lahat ng taong nasa loob ng mansion na iyon ang nararamdaman niya. Bahala nang isipin ng lahat na baliw siya. Ang akma niyang muling pagsipa sa pinto ng banyo ay nahinto nang tumunog ang kaniyang cellphone na nakatago sa suot niyang palda. She took it out and stared at the screen. Nang mabasa ang pangalan ng caller ay mabilis iyong sinagot. "Betty, what's up?" Si Betty ay ka-klase niya sa exclusive school na pinasukan noong junior year. Doon sa school kung saan siya ipinasok ng mommy niya. Anak-mayaman ito at liberated. Betty's already nineteen— two years older than her. Nanatili silang may komunikasyon sa nakalipas na mga buwan simula nang lumipat siya sa poder ng kaniyang ama. Madalas itong nagyayaya at nagdadala sa kaniya sa mga disco pubs sa kabilang bayan. And Betty also supplied her with party drugs or commonly known as ecstasy. "Hi Rox, kumusta?" Galit siyang bumuga ng hangin. "Mainit ang ulo." Betty chuckled. "Wanna come with me tonight?" Doon siya napangiti. Alam na alam na niya kung ano ang ibig nitong sabihin. "Where?" "Same place. Kasama ko ang barkada. Saan kita dadaanan?" Sinabi niya rito ang location ng isang coffee shop sa bayan at doon siya nagpasundo. Sinabi ni Betty kung anong oras ito makararating roon hanggang sa nagpaalam na rin ito. She smirked and went outside the rest room. Naka-hinga siya nang maluwang nang makitang wala na roon ang pakialamero niyang pinsan. Lumapit siya sa kama at dinakma mula roon ang bag niya at isinukbit sa mga balikat, saka naglakad patungo sa bintana ng kaniyang silid at sumilip sa ibaba. Ang silid niya ay nasa pangalawang palapag at sa ibaba niyon ay ang pool area. Bumalik siya sa kama at hinila ang manipis na bedsheet sa ilalim ng makapal na comforter. Kinuha niya rin ang isa pang kumot na nakatago sa ilalim ng closet niya at pinagbuhol ang dalawa. She only needed a ten-meter length sheet to reach the ground— alam niya iyon dahil hindi iyon ang unang beses na tatakas siya. It was probably the third time— and she did it that way. Matapos ibuhol ang dalawang kumot ay itinali niya iyon sa isang stand ng kama niya saka dinala ang kabuuan sa bintana. She threw the sheet outside the window and counted from one to five before swinging herself outside, holding the sheet tightly. Ang dulo niyon ay umabot lang hanggang sa tamang taas na maaari na niyang talunin. At sa loob lamang ng ilang minuto ay nasa ibaba na siya. Payuko niyang binaybay ang daan patungo sa driveway dahil ayaw niyang may makakita sa kaniya— lalo na si Kane. Hindi dahil takot siyang isumbong siya nito sa ama niya, kung hindi dahil baka pigilan siya nito sa pag-alis. She didn't want that— she needed to have some alcohol in her body. She needed to smell the cigarette smoke and taste its nicotine. And most of all, she wanted to have Betty's party drugs. Masakit ang katawan niya dahil nawala na ang epekto ng droga noong huling gamit niya, kaya kailangang-kailangan niya ng pang-sundot. "Perfect," usal niya nang makitang sandaling iniwan ng guard ang pwesto nito sa gate. May bitbit itong isang tasa at ang direksyong tinatahak ay patungo sa back door ng mansion. Naisip niyang baka magti-timpla ito ng kape— at kadalasan ay inaabot ito ng tatlo hanggang limang minuto bago bumalik sa pwesto. Ilang beses na ba niya itong minamanmanan? She lost count. Hinintay muna niyang mawala ito sa paningin niya bago niya patakbong tinalunton ang daan patungo sa gate. And when she successfully got out, she screamed in excitement and continued to run her way to the main street. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD