"Salamat nga pala sa ipina-abot mong tulong sa club namin, Seann. Malaking bagay iyon para makabili kami ng mga bagong gamit," sabi ng presidente ng sports club na si Jordan. Ka-klase niya ito sa Tourism course at isang scholar.
"Nah, it's nothing. Kailangan ninyo ng mga karagdagang kagamitan para ang lahat ay may magamit," sagot niya. "You should have asked the school officials about the lack of supplies in your club. Matagal na kayong nagtitiis sa kulang na mga kagamitan at kung hindi mo pa naikwento sa akin noong nakaraan ay baka hanggang ngayon, wala pa rin kayong magamit na matinong gear."
Napakamot ng ulo si Jordan. "Sa katunayan ay sapat naman talaga ang mga kagamitang ibinigay ng school para sa sports club. Hindi ko lang nabanggit sa'yo noong nag-usap tayo, pero... ang totoo ay nawawala ang ibang mga gamit namin."
Kinunutan siya ng noo at nahinto sa paglalakad patungo sa parking space ng university nang marinig ang huling sinabi ni Jordan. "Nawawala?"
Tumango ito. "Dalawang linggo nang unti-unting nawawala ang mga gamit namin. Noong una'y hindi namin napapansin na nababawasan na ang mga bola. Hanggang sa naging halata na ang pagkawala ng karamihan sa mga gamit, kasama ang ilang mga personal na gamit namin sa locker area ng club."
"Ini-report na ba ninyo ito sa school committee?"
Umiling si Jordan. "Ini-imbestigahan muna namin. Kapag napatunayan na isa sa mga miyembro ng club ang tumatangay ng mga gamit ay baka ma-suspinde kaming lahat. Ayaw kong mangyari iyon kaya hanggang kaya naming masolusyunan o mahuli ang salarin ay kami na muna ang mag-aayos ng gulong ito. But really, thank you for your donations."
Ngumiti siya at tinapik sa balikat si Jordan. "Don't worry about it. Let me know if there is anything else you need that I can help your club with."
"Salamat ulit, Seann." Tinapik din siya sa braso ni Jordan. "Sige, mauuna na ako sa'yo. Nasa kabilang dulo ang parking area ng mga bisikleta."
Tinanguan niya si Jordan at sandali itong sinundan ng tingin bago naglakad patungo sa sasakyan niya sa loob ng parking space ng university. Ilang hakbang na lang at mararating na niya ang sasakyan nang mula sa kabilang dulo ng parking area ay nasulyapan niya ang isang pamilyar na estudyante na nakikipag-usap sa dalawang lalaking college students.
Roxanne Marie Madrigal... he whispered in his mind.
It has been a month since that day happened. Iyong araw na sinita niya ito sa paninigarilyo nito sa likod ng Tourism Department building. Simula noong araw na iyon ay hindi na muling nag-krus ang landas nila.
Oh, madalas niya pa rin itong nakikita na dumarating sa university tuwing umaga kasabay si Kane Madrigal. Halos kasabayan niya ang mga ito palagi na dumating. And as usual— they were always fighting, and Roxanne would always walkout. Subalit maliban doon ay hindi na sila muling nagkita pa.
Nagkibit-balikat siya at itinuloy ang paglalakad patungo sa kaniyang sasakyan. Katulad ng sinabi niya sa sarili noon ay iiwasan niya ito. Ayaw niyang magkaroon ng koneksyon dito kung maaari lang, lalo at ayaw din naman ni Roxanne na pinakikialaman ito.
He opened his car and tossed his bag on the front seat. He was about to swing inside when he heard something that stunned him.
"Mura na nga iyang dalawang libo para sa limampung gramo, Roxy, tatawad ka pa? Aba, ang laki na ng utang mo sa akin, ah? Ang sabi ko naman sa'yo, kung wala kang pambayad ay pwede namang mag-hotel na lang tayo. A night with me and we're quits."
Hindi niya napigilang muling sulyapan ang kinaroroonan ng mga ito.
Fifiteen yards away. Ganoong kalayo ang kinaroroonan ng mga ito mula sa kaniya. Sampung sasakyan marahil ang mga nakapagitan sa kanila at dahil naka-upo si Roxanne sa ibabaw ng trunk ng Ford Ranger ay madali niya itong nakikita. Ang dalawang matatangkad na lalaking college students nama'y nakatayo sa harap nito. Hindi marahil siya napansin ng mga ito kaya tuluy-tuloy lang ang mga ito sa pinag-uusapan.
"Tsk. I don't swap s*x for drugs, Garreth, so it's a no for me," Roxanne answered nonchalantly. "Babayaran kita bukas, kailangan ko lang hanapan ng timing ang pagpasok sa study room ng tatay ko para makapuslit ng pera. Naubos ko na ang allowance ko para sa isang buwan at nag-max out na rin ang visa card ko. H'wag kang mag-alala at do-doblehin ko ang bayad."
He tsked in his mind. And before he could even stop himself— he had already started to walk towards them. Nagdidilim ang anyo niya sa galit.
Nagagalit siya sa lahat ng bagay at taong may koneksyon sa droga. He despised it. It ruins people's lives. At sa narinig niya ay mukhang may isang buhay na namang sisirain ang droga.
Habang nakatiim-bagang siyang naglalakad ay patuloy niyang naririnig ang konbersasyon ng tatlo.
"Ganiyan lagi ang sinasabi mo, Rox. May pambayad ka ba talaga o wala? Hindi ka pwedeng magpakasarap lang nang libre," wari naman ng isa pang lalaki.
"Relax, may pambayad ako, bigyan niyo ako ng hanggang bukas ng hapon. Kailangan ko lang talagang kumuha ng ilang gramo pa dahil bumaba na ang tama ko— I can already feel my body aching. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam kaya kailangan ko nang muling sundutan."
"Bakit ba kasi ayaw mong pumayag na mag-hotel na lang tayo?" tanong pa ng isa na lumapit lalo kay Roxanne at hinawakan ito sa magkabilang binti. "We can both use it there and we're going to be happy. I'll make you happy, that's a promise."
Roxanne chuckled. "I don't like s*x, Garreth. I never had s*x with anyone. Ang isipin ko lang ang bagay na iyon ay nandidiri na ako. Kaya imposible iyang hinihiling mo." Banayad nitong itinulak si Garreth saka dumausdos pababa sa trunk. "I'll personally give you my p*****t tomorrow. Wait for my call." Tinalikuran na nito ang dalawang nagkibit na lamang ng mga balikat. Subalit ang akmang paghakbang nito ay nahinto nang magkasalubong ang mga mata nila.
Nakita ni Seann ang pagkagulat sa mukha ni Roxanne nang makita siyang papalapit. Subalit sandali lang iyon dahil ang pagkagulat sa mukha nito ay napalitan ng pagkabagot. Ang dalawang lalaking kasama nito ay pabulong na nagmura at nagsikuhan— probably because they knew what's coming. Sa isip niya ay naglalaro kung papaanong tuturuan ng leksyon ang dalawang lalaki.
Kilala niya ang lahat ng nasa senior year, kaya sigurado siyang nasa unang taon pa lang sa kolehiyo ang dalawa. They were both tall but they looked younger, parehong taga-Literature department.
"You again?" walang ka-emo-emosyong tanong ni Roxanne nang makalapit siya. Nahuli niya ng tingin kung papaano nitong isinuksok sa bulsa ng suot na unipormeng palda ang nasa kamay.
He stopped two steps from her. "How old are you?"
"Wala kang pake," anito saka mabilis na humakbang upang lampasan siya. Ang dalawang lalaking kasama nito'y mabilis na sumakay sa Ford Ranger, subalit bago pa man tuluyang makapasok ang mga ito ay nagsalita siya.
"I will make sure you two will go to jail," mapanganib niyang banta saka sinulyapan ang plate number ng Ford Ranger na binuksan ng mga ito.
Sandaling natigilan ang dalawa bago nagkatinginan at nag-unahang sumakay sa sasakyan. Dinukot niya mula sa bulsa ng suot na slacks ang cellphone at mabilis na kinuhanan ng larawan ang plate number ng Ford Ranger bago iyon humarurot palabas ng parking space.
Nang mawala sa paningin niya ang sasakyan ay mabilis niyang nilingon si Roxanne at doo'y nahuli pa niya ang pag-lusot nito sa likod ng mga halaman.
He ran after her. She ain't going anywhere with fifty grams of cocaine in her hands. Kakaladkarin niya ito patungo sa guidance office, at kakausapin na niya nang personal ang pinsan nito. Hindi niya maintindihan kung bakit umabot sa ganoon ang dalaga gayong galing naman ito sa maayos na pamilya?
Mabilis niyang inabutan si Roxanne na pumasok sa high school building. Hinablot niya ang braso nito at hinila. Ini-tukod nito ang isang kamay sa dibdib niya nang muntikan na itong sumubsob doon. Tumingala ito at iritado siyang itinulak. But he didn't budge, nor let go of her arm.
"Ano ba'ng problema mo?" singhal nito sa kaniya.
"You are coming with me to the guidance office," aniya saka ito hinila.
Ang mga high school students na nasa paligid nila'y nahinto at nakasunod ang tingin sa kanilang dalawa ni Roxanne na nanlalaban at halos nagpapakaladkad na sa kaniya. She was hitting his hand, almost punching him as she struggled free. But he wouldn't let her go away. Iyon lang ang paraang alam niya para matulungan ito— ang dalhin ito sa guidance office at mahulihan ng droga sa akto para maipadala sa rehabilitation centre at makapag-bagong buhay.
"Let me go, fucker!" tili ni Roxanne na tila walang pakealam sa eskandalong ginagawa. Sa mga oras na iyon ay katatapos pa lang ng klase ng ibang sections kaya maraming mga estudyante ang naka-kita kung papaano niyang kaladkarin ang dalaga palabas ng building.
Nang nasa labas na sila ay nahuli ng isang kamay ni Roxanne ang steel handle ng entrance door kaya sandali silang nahinto. Nilingon niya ito at nakita ang matinding galit sa mga mata ng dalaga at ang pamumula ng buo nitong mukha.
"Bastard!" sigaw nito sa kaniya. "I will also report you for harassment!"
"No one will believe you," he said calmly. Tinanggal niya ang kamay nitong naka-hawak sa steel handle ng malaking entrance door dahilan upang muli itong magpumiglas. Pero dahil malaki siyang tao ay wala rin itong nagawa. She yelled and made a scene, para itong kinakatay na kalabaw sa ingay kaya binuhat niya ito at pinasan sa balikat na tila sako ng bigas. Lalo lang lumakas ang pag-sigaw nito at pagwawala. Nakita niya ang dalawang guwardiya ng unibersidad na patakbong lumapit.
"Mr. Ventura, ano'ng problema?" tanong ng isang guwardiya na kunot-noong pinaglipat ang tingin sa kaniya at sa nagwawala pa ring si Roxanne sa balikat niya.
"Dadalhin ko siya sa guidance office. May ginawa siyang pagkakamali at nararapat lang na maturuan siya ng leksyon," balewala niyang sagot sa mga ito habang patuloy sa paglalakad.
Si Roxanne ay patuloy sa pagwawala at pagsuntok sa kaniyang likuran, subalit in-inda niya iyon. Her punches didn't hurt, anyway.
Natatanaw na niya ang guidance office sa hindi kalayuan kaya binilisan niya ang paglalakad. Ang dalawang guwardiya ay nakasunod lang sa kanila ni Roxanne at umaalalay sa likod, calming the lady down. Pag-dating sa harap ng pinto ng guidance office ay doon lang niya ibinaba si Roxanne at ibinigay sa dalawang guwardiyang mabilis na lumapit at hinawakan ito sa magkabilang mga braso.
"Check her pockets, may naka-tagong droga riyan at—" He stopped in mid-sentence when Roxanne spit on his face.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mong panghihimasok sa buhay ko!" banta nito habang nanlilisik ang mga mata. Ang dalawang guwardiya ay hinila na ito papasok sa loob ng guidance office at sinabihan siyang sumunod para sa testimoniya niya.
Nang makapasok na ang mga ito'y saka lang siya nahimasmasan. No one has ever done that to him— no one has ever dared to spit on his face— only Roxanne Marie Madrigal. At hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.
Dinukot niya ang panyo sa kaniyang bulsa saka pinahiran ang parte ng mukhang dinuraan ng dalaga. He was annoyed but he also felt sorry for her. Hindi niya ito masisi kung bakit ginawa nito iyon sa kaniya— puwersahan niya itong dinala roon at may karapatan itong magalit. But spitting on him was unnecessary.
He sighed. Umasa na lang siyang sa ginawa niyang iyon ay magkaroon ng pagbabago sa buhay ni Roxanne.
"Seann Ventura, what's going on?"
Napalingon siya nang marinig ang tinig na iyon mula sa kaniyang likuran. Doon ay nakita niya si Marco Sansebastian, with a frown on his forehead.
Hinarap niya ito saka siya nagpakawala ng pilit na ngiti. "Hi, Marco."
Magka-kilala sila nito dahil naging magka-klase sila noong panahong kumuha siya ng Business Management course. Bagaman sandaling panahon lang iyon, he and Marco had become a nodding acquaintance.
"Narinig ko ang pagwawala ni Roxanne Marie Madrigal at ang pagdala mo sa kaniya rito. What's going on?" Marco asked again.
Doon ay naalala niyang kaibigan ni Marco ang pinsan ni Roxanne na si Kane Madrigal. Huminga siya ng malalim at isinalaysay dito ang narinig at nasaksihan sa parking space.
Matapos niyang sabihin kay Marco ang lahat ay inilabas nito ang cellphone mula sa bulsa ng unipormeng slacks saka may tinawagan.
Ilang sandali pa'y,
"Kane— guidance office now. Your cousin is in big trouble."
***