Naka-ngiting pinagmamasdan ni Seann ang basketball team na nagpa-practice sa school gymanasium nang hapong iyon. He was sitting on the bleachers watching the game and listening to the cheering crowd. Practice game pa lang pero ang cheer ay tila pang-National competition na.
Ang naglalabang kuponan ay ang Tourism department at high school department. Magagaling ang mga nasa high school team at nakikita niyang hirap ang team nina Jordan na maka-score. Four points ang lamang ng highschool at mainit ang laban.
His arms crossed against his chest and his smile wouldn't go away. Natutuwa siya sa ganda ng laban. Hanggang sa,
"Sino sa tingin mo ang mananalo?"
Umangat ang tingin niya sa lalaking naka-tayo sa tabi niya — arms on the bleachers' railing and eyes on the game. Tulad niya'y nakangiti rin nitong pinapanood ang laban at halatang nag-e-enjoy rin. Subalit hindi ito nag-iisa roon. Sa tabi nito ay si Marco Sansebastian. Ni hindi niya namalayan ang paglapit ng mga ito sa kinaroroonan niya.
Ngumiti siya at ibinalik ang tingin sa court. Sa bahaging kinaroroonan nila— sa pinaka-tuktok ng bleachers at nasa dulo na halos ay walang gaanong naka-upo kaya hindi gaanong maingay sa area na iyon.
"It's hard to say who will win, parehong magaling ang tourism at high school departments," sagot niya habang sinusundan ng tingin ang point guard ng tourism department na dini-dribble ang bola habang nagmamando sa mga kasama sa susunod na gagawin.
Ibinalik niya ang pansin sa lalaking kausap na nasa game pa rin ang pansin. "Ryu Donovan, right?"
Ryu Donovan's smile widened, yumuko ito at sinulyapan siya. "Nice to meet you, Seann Ventura."
He smiled back. "Likewise," tipid niyang sagot saka ibinalik ang pansin sa court.
Sa mahabang sandali ay pareho silang nakatingin lang sa court at nakangiting pinanonood ang game, subalit makalipas ang ilang minuto ay muling nagsalita si Ryu. "Do you like sports?"
He shrugged. "Not really, but I'm here to support the tourism team."
"Are you friends with the captain of the tourism team, Jordan Marquez?"
Muling umangat ang tingin niya sa lalaki. "Yeah, at ka-klase ko rin siya."
Tumango ito habang ang mga tingin ay diretso pa rin sa court. "I heard that you gave them money to replace the lost gear?"
He frowned. "Paano mong nalaman ang..."
"They told us." Muli siyang nilingon ni Ryu at doon na naglaho ang ngiti nito. "Nakausap ko rin minsan si Jordan Marquez at nalaman ko ang tungkol sa nawawalang mga gamit. We found the person who stole the gear."
That took his interest. "Really? Who did it?"
Doon na lang muling ngumiti si Ryu saka ibinalik ang pansin sa laro. "Someone you know."
Napa-iling siya at ibinalik na rin ang pansin sa court. "I know almost everyone here. Kahit pahulaan mo sa akin ay aabutin tayo ng siyam-siyam—"
"Roxanne Marie Madrigal."
Sandali lang siyang natigilan sa narinig, bago namamanghang umiling. "Nakapagtatakang hindi ako nagulat sa rebelasyon mo," aniya na ikinatawa ni Ryu.
"Laging sakit sa ulo ni Kane Madrigal ang pinsan niyang iyon," sabi pa niya. "How is she, anyway? Ilang araw ko na siyang hindi nakikitang kasabay ni Kane na dumating sa campus."
Si Marco na nasa tabi ni Ryu ang sumagot sa tanong niya. "She was sent to the rehabilitation center. Ayon sa doctor niya ay kailangan niyang manatili roon ng tatlong buwan— at the very least. Kinagabihan matapos mo siyang mahuling kumuha ng drugs sa dalawang lalaking iyon, she snuck out of the house and went to a club with her friends. Dalawang araw siyang hindi umuwi sa pag-aalala ng ama niya, at nang umuwi siya'y lasing at malakas ang tama."
Kumunot ang noo niya sa huling sinabi ni Marco. "Ang ibig mo bang sabihin ay patuloy siyang gumamit ng ipinagbabawal na gamot?"
"Yes," Marco answered. "She took party drugs and injected herself with heroin. Noong umuwi siya ay halos hindi siya makausap nang maayos. She appeared to be intoxicated, she was slurring her words, movements were slow, and was vomiting. Nag-alala ang dalawa kaya dinala nila si Roxanne sa ospital upang ipatingin, at doon lang nalaman nina Kane ang nangyari sa kaniya."
He tsked. "She's got issues. Sana makatulong ang medical and psychological assistance na makukuha niya sa rehab center."
Parehong hindi sumagot ang dalawa na nakatuon nang muli ang pansin sa laro.
Nagpatuloy siya. "About her stealing the sport's gear. Why did she do that?"
Si Ryu ang sumagot sa katanungan niya. "Well, she did that to revenge. She stole the key to the Sport's Club room from her classmate who is one of the members of the club. Naghintay siya ng tamang oras at pinasok ang room para magnakaw ng mga gamit. May nakakita sa kaniya at nagsumbong sa amin. We only found out recently."
"Revenge to whom and for what?"
Ang sumunod na sumagot ay si Marco. "It was just a petty fight. Sinita siya ng mga taga-sports club dahil sa paninigarilyo niya sa gilid ng club room. Nagalit si Roxanne at nagplanong i-sabotahe ang mga gamit ng team."
Mangha siyang napa-iling.
Nagpatuloy si Marco. "Kung wala marahil sa rehab centre ang batang iyon ngayon ay baka ikaw na ngayon ang tina-target niya, Seann."
Natawa siya sa birong-totoo ni Marco. "That sounds scary."
Ryu and Marco laughed at his statement, and so did he.
Sabay nilang itinuon ang pansin sa court nang lumakas ang hiyawan mula sa mga estudyanteng nag-chi-cheer para sa magkabilang panig. And when the time was almost over, and the high school team was dominating with eight points, everybody cheered aloud— especially those from the high school department.
Hanggang sa matapos ang game at nanalo ang high school team, ay doon na lang muling nagsalita si Ryu.
"Seann, do you want to join our brotherhood?"
Ang akma niyang pagtayo ay nahinto nang marinig ang tanong nito. Manghang ibinaling niya ang tingin kay Ryu. "Are you serious?"
Ryu smiled widely. "I don't joke around."
Sinulyapan niya si Marco na bahaw ring nakangiti sa likuran nito, bago niya muling ibinalik ang pansin sa kausap. "Does your brotherhood have a mission or something?"
"Yeah. To make a change and do the right thing."
"Ano ba ang tama para sa inyo?"
"Equality," mabilis na sagot ni Ryu. "Pantay-pantay ang lahat, walang mataas at walang mababa. I hate bullying, too, so that's the first thing I want to change in this school."
"Hmmm, sounds interesting." Tumayo siya at ini-abot ang kamay kay Ryu. "Count me in, then."
And as simple as that, he became the eighth member of the Alexandros.
***