5 | Screwed Plan

2152 Words
Four months have passed and Roxanne was finally released from the rehab center. Sa loob ay nakapag-patuloy pa rin siya sa pag-aaral niya at kahit papaano ay may pagbabagong nangyari sa kaniya. Her addiction to alcohol, cigars, and drugs was controlled, but her attitude stayed the same. She only pretended to be nice when her doctors were around and when her father visited her. Gusto niyang ipakita sa ama na mabuti na ang lagay niya para palabasin na siya roon.   But her stupid father made her stay in that filthy place for over three months. Ipinangako niya sa sariling ilalabas muli ang tunay na kulay paglabas niya. She hadn't given up on her plan to revenge on her father and make his life miserable.   "You will turn eighteen in two weeks' time, got any plans, sweetheart?"   She made a face when she heard her father's question. Nasa biyahe na sila pauwi at nasa front seat ito habang ang magaling niyang pinsan na si Kane ang nagmamaneho ng kotse. She was sitting in the passenger's seat.   Humalukipkip siya at itinuon ang pansin sa labas ng bintana ng kotse, ignoring her father.   "Na-bingi ka na ba sa loob ng rehab at hindi narinig ang tanong ng iyong ama, Roxanne?" tanong ni Kane na ikina-init ng ulo niya.   Sumulyap siya sa rearwiew mirror at tinapunan ng masamang tingin ang pinsan. Ang daddy niya ay naka-lingon sa kaniya at nakita ang pinakawalan niyang tingin. Bumuntong-hininga ito. "Anak, alam kong masama ang loob mo sa pagpasok namin sa iyo sa rehab, pero sana maintindihan mong para iyon sa ikabubuti mo. I really thought you will realize that, but—"   "I'd like to go spend my debut in a big and expensive resort, with all my friends invited," putol niya sa sinasabi ng ama bago muling ibinalik ang pansin sa labas ng bintana. She didn't even want to meet her father's eyes, naiirita siya dahil nakikita niya ang sarili sa tuwing nakatitig siya sa mga mata nito.   Through her peripheral vision, she saw her father released a gentle smile. "As you wish, sweetheart. I will have my secretary arrange for everything. But you will need to help her with your friends' list."   "Minus those who are a bad influence to you," sabat muli ni Kane na nasa daan pa rin ang pansin.   Again, she made a face. Gusto niyang sabunutan ang pinsan pero ayaw niyang mabangga sila at mamatay siya nang hindi pa nagagawa ang planong paghihiganti para sa ama.   "By the way— just so you know. Iyong dalawang college students na nagbenta sa iyo noon ng droga, they have been arrested and imprisoned. So, they should not be on the list."   "Whatever, fucker," sagot niya sa sinabi ng pinsan. Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ng daddy niya sa narinig mula sa kaniya at ang pagtuwid nito ng upo.   Kapag napagtagumpayan na niya ang plano niyang paghihiganti sa ama ay isusunod talaga niya ang pinsan. He's becoming a pest in her life! ***    Katulad ng hiniling ni Roxanne, her filthy rich father gave her a grand eighteenth birthday in an exclusive resort in Puerto Gallera— with all her friends from the junior and senior years invited.  Sakay ang mga ito ng isang private plane courtesy of Falcon Air. At dahil hindi naman kilala nina Kane at ng daddy niya ang lahat ng kaibigan niya, ay nakalusot sina Betty at ang dalawang mga barkada nito. They were wearing something her cousin and father wouldn't approve— a tube blouse and a tattered mini-skirts na halos tinakpan lang ang dapat takpan. Sa mga paa ng mga ito ay mga high-heeled boots.   Kasama sa mga bisita ay ang mga kaibigan ng pamilya, ilang mga kasosyo ng ama niya sa kumpanya at mga kaibigan ng magaling niyang pinsan. And it was a perfect day to make a scene. Or so she thought— dahil ang hindi niya alam, ay may nakabantay pala sa bawat kilos niya.   "Nasaan ang mga kaibigan ko?" hasik niya kay Kane nang lapitan niya ito sa pool area ng resort. Kasama nito roon ang ilan sa mga kaibigan, lying in the chaise lounges, holding a glass of drinks. Gabi na at ang tanging liwanag na pumapaligid sa pool area ay ang mga outdoor lamps at ang buwan sa langit.   Nagkibit-balikat si Kane. "They're just around. I only asked three of my brothers to isolate them from you," balewalang sagot ni Kane na naka-higa rin sa isa sa mga chaise lounges.   Sinulyapan niya isa-isa ang mga naroong kasama nito, nakahilerang nakahiga. The guys were all wearing a summer poloshirts and a Khaki shorts.   And of course she knew them all— there was Ryu Donovan, nakataas ang mga braso kung saan naka-unan ang ulo at naka-suot ng sun glasses na ikina-ngiwi niya. Donovan was always weird— gabing-gabi ay naka-sun glasses!   Lumipat ang tingin niya sa katabi ni Ryu na si Marco Sansebastian. Prente rin itong naka-higa at may hawak namang bote ng beer sa kamay habang ang isang kamay ay naka-alalay sa ulo. At sa pinaka-dulo ay si Grand Falcon na naka-sandal sa upuan at may hawak na kopita na may lamang red wine. He's always the fancy one— always so glamorous. Minsan ay napapatingin siya rito at hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha. It's not that she liked him. Far from it. But she always thought— that if she would get rid of her virginity, she would probably do it with Grand Falcon.    Yep. He's the perfect 'first-man'. But just for fun, really. Dahil hindi naman talaga siya interesado sa kahit na anong romantikong relasyon sa mga lalaki.   "Do you need anything else?"   Ibinalik niya ang pansin kay Kane nang marinig ang tanong nito. Tinaasan niya ng kilay ang pinsan saka tinalikuran.   Kailangan niyang hanapin sina Betty— nangako itong magdadala ng pasalubong sa kaniya. And when she said pasalubong, she meant the pills.   The Ecstacy pills.   Akala marahil ng ama niya ay magbabago siya sa loob ng apat na buwang nanatili siya sa loob ng rehab. No. No psychological and spiritual treatments will heal her wounds. Her mother made sure she'll live her life in hell forever, no one and nothing can help her change and be better.   No one!   "Ugh!" malakas niyang sambit nang sa pagmamadali niya ay may makabanggang lalaki. He was holding an alcoholic beverage that he accidentally spilled on her. Galit niyang niyuko ang sarili — her white off-shoulder bohemian dress was stained! Sa bulsa niyon ay dinukot niya ang cellphone upang i-check kung pati iyon ay na-basa, at nakahinga siya ng maluwag nang makitang hindi iyon inabot. She pushed it back into her bohemian skirt's pocket and faced the man.  Akma niyang sisinghalan ang lalaki nang bigla siyang panlakihan ng mga mata nang mapag-sino iyon.   "Geez. Sorry about that," Seann Ventura said in an apologetic tone. He grimaced when he saw how the red wine stained her dress from the top down to the upper part of her bohemian skirt.   "What the hell are you doing here?" she asked in a sharp tone. Ang mga mata niya'y matalim na hinagod ito ng tingin.   Malapad itong ngumiti. "I was invited. By the way, I have a gift for you—"   "I don't need any gifts from you—"   "It was a Bible from Rome. May basbas na iyon at baka makatulong para bumait ka at umayos ang buhay mo."   Lalong naninkit ang mga mata niya sa panunudyo nito. She wanted to smack him, lalo at hindi pa rin niya nakalimutan ang ginawa nitong pangengealam sa buhay niya. Kung hindi dahil sa pangengealam nito'y hindi sana siya ipinatapon sa rehab center!   "Who the f**k invited you here?" she asked again.   Seann's smile widened. "Kay dali sa'yo ang magmura. Alam mo bang pangit pakinggan ang mga babaeng nagmumura?"   "I don't care about your opinion. Was it my stupid cousin? Or my useless father?"   Nawala ang malapad na ngiti ni Seann matapos marinig ang huling mga salitang binitiwan niya. Halatang hindi nito nagustuhan ang narinig. Kunot-noo itong nagsalita, "You are such a wicked person, Roxanne Marie Madrigal."   "Thank you for the compliment," she said sarcastically. "Anyway, hindi na mahalaga kung sino ang nag-imbita sa'yo rito. Just stay away from me." Mabilis siyang tumalikod at itinuloy ang paglalakad. Naisip niyang magtungo sa hotel kung saan naka-book ang lahat ng mga bisita para sa buong gabi.  The party was held in the event's area on the second floor at naroon ngayon ang kaniyang ama at ang mga bisita. Sa harap naman ng hotel ay mayroon minibar kung saan may dalawang foreigner na naka-upo sa harap ng counter. They were probably one of the guests in the resort. Napatitig siya nang matagal sa mga bote ng alak na nasa estante bago inis na nagpakawala ng buntong-hininga.  Nais niyang magpalit ng damit sa kwarto niya sa itaas subalit nagbago ang isip niya. She changed her direction and walked her way to the beach. Sa likod ng hotel ay mayroong konkretong hagdan patungo sa ibaba kung saan naroon ang white-sand beach. Sa buhanginan ilang metro mula sa tubig ay may mga wooden lounges at ang paligid ay iniilawan ng mga outdoor lamp na nakasabit sa mga nagkalat na puno ng niyog— doon muna siya habang sinusubukan niyang tawagang muli si Betty.   Pagdating niya sa tabing dagat ay kinuha niyang muli ang cellphone sa bulsa at muling tinawagan si Betty. Ilang ring ang naka-lipas at sinagot nito iyon.   "Hey there, birthday girl!" anito, sa tinig na tila lasing. Sa background ay naririnig niya ang malakas na tugtog ng isang RNB song— a Neyo song.   "Where the hell are you?"   "Nasa event's area, siyempre. Ikaw? Where the hell are you? The party's starting and the f*****g DJ is playing great music!" sinundan nito iyon ng malakas na tawa.   Sinapo niya ang ulo. "Are you drunk?"   "Nope! Just tipsy!"   "Okay, but can you drive?"   "Hell, yeah. Why?"   "We need to leave now. I want us to go somewhere else."   "At saan naman? Baka nakakalimutan mo, we are in Puerto Gallera. And it is an island. At ang pinaka-matino at pinaka-magandang area sa buong islang ito ay ang hotel and resort na kinarorooan natin ngayon. Where else do you want to go?"   "Away, Betty!" Nainis na siya. Ang tagal niyang umikot kanina sa event's area kahahanap dito tapos ay malalaman niyang naroon lang din pala ito? "Did you bring those pills?"   "Oh, yes," Betty replied followed by a giggle. "Why don't you just come here and join us? Lahat ng mga ka-klase mo ay narito, dancing and having fun. They don't serve alcoholic beverages but I brought mine. I have a small boozy flask in my purse," sabi nito habang humahagikhik. "And by the way, my friends and I met your cousin's friends. They are one hell of sexy guys..."   Kinunutan siya ng noo. "Sino?"   "Blaze and Raven. Game sila for a one-night-stand, Roxy, oh God!" Muling humagikhik si Betty sa excitement.   "Who the hell are they?" tanong niya. Hindi niya akalaing maliban kina Donovan, Sansebastian at Falcon ay may ilan pang mga kaibigan si Kane.   "I don't know, but they are attractive and they look yummy," muli itong humagikhik. "Kaya h'wag na tayong umalis. Hihintayin ka namin dito sa event's area, okay? I'll hand you the pills when you get here. Ciao!"   "Wait, Bet—" Nahinto siya nang naputol na ang linya. Inis na muli niyang tinawagan ang kaibigan subalit dial tone na lang ang sumunod niyang narinig— hanggang sa mainis siya at marahas na inihagis sa buhanginan ang cellphone.   Sira ang plano niya. Sinira ng kalandian ni Betty!   She was planning to sneak out with Betty and her friends, go somewhere else so she could drink, smoke, and take some pills. She was planning to have fun— in her own way! Iyon ang dahilan kung bakit inimbita niya ang mga ito. She wanted her father to look for her the whole night. She wanted him to get scared and make him think she ran away. Gusto niya itong mag-alala at hindi makatulog sa buong gabi kahahanap sa kaniya. Gusto niya itong bigyan ng sakit ng ulo sa kaaarawan niya. But thanks to Betty's s*x cravings, her plans screwed!   'They're just around. I only asked three of my brothers to isolate them from you.'    Damn Kane. Nagtagumpay itong gamitin ang mga kaibigan na i-isolate sa kaniya sina Betty. Ni hindi niya binigyang pansin ang sinabi nito kanina— ni hindi niya alam na may iba pa itong kaibigan maliban sa tatlong kasama nito sa pool area! She thought he was only bluffing!    "You look so wounded. Wanna have a drink with me?"   Marahas siyang lumingon nang marinig ang pamilyar na tinig sa kaniyang likuran. She gritted her teeth in annoyance when the first thing she saw was Seann Ventura's sheepish grin.   "The f**k do you want from me?" ***     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD