DAHAN-DAHANG inihinto ni Seann ang sasakyan sa pinaka-dulo ng parking area ng unibersidad, sumandal sa kaniyang upuan saka sandaling ipinikit ang mga mata.
He was restless. He joined a medical mission last weekend and he didn't have a good night's sleep for three consecutive nights.
But it was alright, he liked helping people. He liked serving them and making them feel not alone. Sa malaki at maliit mang paraan, ay masaya siyang nakatutulong sa mga nangangailangan.
One kindness a day— that was his rule. And he enjoyed it. Ganoon siyang pinalaki ng mga magulang niya. Ng grandparents niya. Ng buong pamilya.
Hinagod niya ang sentido saka iminulat ang mga mata. Ang akma niyang pagkuha ng bag at mga libro sa ibabaw ng front seat ay nahinto nang may mahuli ang kaniyang tingin.
May dalawang estudyante ang bumaba mula sa nakaparadang puting BMW 7 Series hindi kalayuan sa pinaradahan niya. Ang lalaki mula sa driver's seat ay may sinasabi sa babaeng nakasimangot na bumaba mula sa front seat. The lady was talking angrily— almost shouting— at the nonchalant man. Ilang sandali pa'y nakita niya ang inis na paghampas ng babae sa dala nitong bag sa kasamang lalaki bago nagmartsa palayo. The man took a deep breath, shook his head as he followed.
Seann smiled wryly.
“The Madrigal cousins, as usual,” he uttered.
Kane Madrigal was the university genius, subalit matapos ang insidenteng nangyari sa pamilya nito ilang buwan pa lang ang nakararaan ay nagbago ito.
Pareho silang nasa ikatlong taon sa kolehiyo pero magkaibang kurso. Kane was in the Business Management Department while he's in Tourism. Sa katunayan, noong unang taon niya sa kolehiyo ay kursong Business Management din ang kinuha niya. Unfortunately, after a month of dealing in a boring class, he decided to drop out and transitioned to Tourism.
Hinayon niya ng tingin ang exit way ng parking area na tinutumbok ng babaeng kasama ni Kane. That was Roxanne Marie Madrigal— the prodigal daughter of Kane's uncle, Damien Madrigal.
Madalas niyang nakasasabay na dumating sa university ang mga ito kaya parati niyang nasasaksihan ang pagtatalo ng dalawa. They seemed to argue a lot— at pansin niya kung paanong laging nagpapasensya si Kane Madrigal sa laging nag-aapoy sa galit na pinsan.
He didn't understand Roxanne Marie at all. She seemed to have a great life being the only daughter of the multi-millionaire business tycoon. She's pretty and had a bright future ahead of her, so he couldn't fathom where her attitude was coming from.
Marami na siyang naririnig na hindi maganda tungkol sa dalaga simula nang mag-enrol ito sa unibersidad nila sa taong iyon. Lagi itong laman ng Guidance and Counseling Office at laging nasasangkot sa mga gulo. And he didn't know what Kane Madrigal was doing about it. Minsan ay naitanong niya sa sarili kung dini-disiplina rin ba nito ang pinsan?
Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga saka umiling.
They are not related to me but I can't help caring about these people. Sana maging maayos na ang lahat sa kanilang dalawa. They are family, after all. And family members are supposed to love and support each other, he thought to himself.
Muli siyang napa-iling at kinuha na ang mga gamit sa katabing upuan saka lumabas sa kotse. He stretched his arms up, fixed his uniform, prepared a smile, and then started to walk.
He always had that smile on his face for everybody. He always wanted people to see him as an approachable person, para kapag may mga problema ang mga ito ay hindi magdalawang isip na lumapit sa kaniya. Ayaw niyang tratuhin siya ng ibang estudyante na katulad ng ibang mga anak ng pulitiko sa unibersidad din na iyon. Karamihan kasing estudyante ng CSC, kung hindi anak ng mga mayayamang negosyante at local celebrities, ay mga anak ng pulitiko sa iba't ibang bayan sa rehiyon na iyon, katulad niya. At ang mga iyon ay pawang mga mayayabang, mataas ang mga tingin sa sarili at puno ng kasamaan.
And he wasn't like them. He's different and he's proud of it.
Dire-diretso lang siya sa paglalakad patungo sa Tourism building, smiling at every student he passed by. Until he stopped when his eyes caught someone marching behind the building.
What is she doing there?
Bago pa niya napigilan ang sarili ay nag-umpisa nang humakbang ang kaniyang mga paa patungo sa direksyon kung saan niya nahuli ang dalagang lumiko. At habang papalapit siya'y may amoy na unti-unting sumalakay sa kaniyang ilong. He stopped and covered his nose in disgust.
Cigarette smoke...
He tsked in his mind. Mukhang alam na niya kung ano ang ginagawa roon ng rebeldeng pinsan ni Kane Madrigal.
Mabilis niyang itinuloy ang paglalakad habang takip-takip pa rin ang ilong. At sa kaniyang pagliko ay doon niya nakita si Roxanne Marie Madrigal, naka-upo sa sira-sirang mga desks patalikod sa kaniya at humihithit ng sigarilyo. Her white high school blouse was taken off and hanged on the tree. She was only wearing a black tube blouse and her skirt uniform.
Tahimik siyang lumapit at walang salitang inagaw ang nangalahati nang stick ng sigarilyo sa kamay nito.
Roxanne gasped. Nanlalaki ang mga matang lumingon at nang makita siyang itinapon sa lupa ang sigarilyo saka tinapakan ay kinunutan ito ng noo.
"What the heck?" Roxanne glared at him.
"Bawal ang manigarilyo sa loob ng university solar," aniya rito. His eyes raked from her head to the tip of her black shoes. Bahagya na niyang iniwas ang mga mata sa hubad nitong balikat saka ibinalik ang tingin sa mukha nito. "Hindi ka dapat naninigarilyo sa edad mong 'yan."
"Wala kang pakealam sa akin at sa buhay ko. Sino ka ba?" maanghang nitong tugon saka rin siya ginantihan ng pagsuri mula ulo hanggang paa.
"Mangengealam ako sa ayaw at sa gusto mo dahil ayaw kong may hindi sumusunod sa mga regulasyon ng unibersidad. At kahit pa nasa labas tayo ng universiry solar ay gagawin ko pa rin ang pangengealam sa'yo dahil hindi tama ang ginagawa mo," he countered calmly, which only made her brows furrowed more.
"I didn’t ask for a lecture. Isa pa, hindi kita kapamilya." Tinapunan siya nito ng masamang tingin bago padabog na dinampot ang back pack na ipinatong sa sirang desk saka hinablot ang puting blouse na naka-sabit sa sanga ng puno. Muli siya niyong sinuri ng tingin bago tuluy-tuloy na humakbang patungo sa direksyon niya. Subalit bago pa man siya nito lampasan ay nahuli na niya ang payat nitong braso. Roxanned turned to him furiously. "What do you want?!"
"Hindi ka naman siguro magpapakita sa lahat ng estudyante nang naka-ganyan?" aniya saka ibinaba ang tingin sa itim nitong tube blouse na bahagya lang lumagpas sa pusod nito.
She's cute but she's too skinny... he thought as he stared at her slim and young body. Ang tipo ng katawang nakatatakot hawakan dahil baka magkalasug-lasog. She looked tough and dangerous but she had a fragile body.
Bakit kaya ang tapang ng batang ito?
Hindi mawala-wala ang pagkakakunot ng noo ni Roxanne habang nakatingala sa kaniya. She was frowning and her eyes were full of rage. Para itong tigre na manglalapa.
"Who gave you the right to touch me and mess with my life, Mister?" tuya nito saka marahas na binawi ang braso. "Kaya kong maghubad sa harap ng madla at wala kang magagawa upang pigilan ako. At wala ka ring pakialam." Humalukipkip ito. "Teka nga... Sino ka ba at bakit mo ako pinakikialaman? Are you friends with my cousin?"
Umiling siya.
“So, wala akong nakikitang koneksyon sa ating dalawa para pakialaman mo ako." She smirked at him before turning her back on him. Naglakad ito sa pathway patungo sa field nang naka-ganoon lang.
Napa-iling siya habang sinusundan ito ng tingin. Bahala na ang mga guwardiyang damputin ito at dalhin sa guidance office. Bakit nga naman kasi siya nangialam?
Well... I only did what I think was the right thing to do. She's a minor and smoking is prohibited in this school— ginawa ko lang ang obligasyon ko bilang estudyante ng unibersidad na ito...
Muli siyang napa-buntonghininga. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit hindi ito makasundo ni Kane Madrigal.
Roxanne Marie Madrigal was obviously a hard-headed lady. At kailangan niya itong iwasan kung ayaw niyang sumakit din ang ulo niya.
She's the type of woman he never wanted to have any connections with. She's going to be the death of him if he allowed her to get into his life.
*
*