PROLOGUE

2352 Words
Nanginginig na ibinaluktot ng apat na taong gulang na si Roxanne ang katawan sa ilalim ng kama nang marinig ang malakas na sigaw ng mommy niya sa labas ng silid. Si Wynona, ang ina nito, ay nakikipagtalo sa kasalukuyan nitong kasintahan tungkol sa pera— something a little child like Roxy wouldn't understand. Pero maintindihan man ng bata o sa hindi ang bagay na pinagtatalunan ng dalawa, ay alam nitong kailangan nitong ikubli ang sarili. Hindi ito maaaring makita ng ina kaya kailangan nitong manatili sa ilalim ng maalikabok na kama. Mahigpit na niyakap ni Roxanne ang mga tuhod at mariing ipinikit ang mga mata nang makarinig ng kalabog sa labas kasunod ng sunod-sunod na pagbagsak ng ilang mga gamit. The four year-old child knew that her mother was angry— ang kaguluhan sa labas ang patunay na lalo nitong kailangang magtago sa ilalim. Magunaw man ang mundo ay hindi ito maaaring lumabas doon— or something awful would happen. In her mind, she sang the song 'The Itsy Bitsy Spider' to digress her attention from the commotion outside the room. Makalipas ang ilang sandali ay natapos ang gulo mula sa labas. Roxy was able to sing the song twice until she noticed that the racket had stopped. Wala nang ingay, wala na ang sigawan. Doon ito nagmulat ng mga mata at dahan-dahang gumapang palabas sa ilalim ng kama. Nasa kalahati na ang katawan nito nang biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa ang nakasimangot na ina. Wynona's eyes slanted after seeing Roxanne crawling on the floor. And the little girl stiffened in fear because it only meant one thing— she's in trouble. Mabilis na lumapit si Wynona sa kinaroroonan ng anak at walang pakundangang tinapakan ang munti nitong mga daliri sa kamay. Roxanne supressed her cry to avoid making her mother more furious. Alam nitong kapag umiyak ito ay lalo lang mag-iinit ang ulo ng ina. Her mother hated hearing her voice, let alone her cry. Kaya kahit masakit ay kinailangan nitong indahin ang ginagawa ng ina para lang hindi ito lalong magalit. "I told you to not show your face when I'm angry! Lalong umiinit ang ulo ko!" sigaw ni Wynona sa anak habang patuloy nitong tinatapakan ang munting mga kamay nito. Yes. That was one of Wynona's rules. Hindi maaaring magpakita si Roxanne sa tuwing nagagalit ito dahil kapag nangyari iyon ay sa bata nito inilalabas ang galit. And Wynona hated it when she was beating the child— hindi nito napipigilan ang sarili at nasasaktan nang husto ang bata dahilan upang magtamo ito ng maraming pasa at sugat sa katawan. At iyon ang kinaiinisan nito— hindi dahil nakokonsensya ito sa ginawa sa anak— kung hindi dahil ipinapatawag ito sa montessori na pinapasukan ni Roxanne. At kapag nangyari iyon ay kung anu-anong palusot na naman ang sinasabi nito sa guro ng anak. Na kesyo nahulog ang bata sa kama dahil makulit, na kesyo nababangga ang bata sa upuan at gilid ng mesa, na kesyo nadadapa sa tuwing naglalaro. And Wynona hated every minute of the interrogations. Kaya pag-uwi sa apartment ay walang humpay na sermon ang pinapakawalan nito sa anak. So, to protect herself from getting into more trouble, Roxanne would follow the rules— always. She had to hide from her mother whenever Wynona was angry. She had to keep quiet and distance herself from her mother whenever she was around. She was also not allowed to touch Wynona, nor ask something from her. At ang lahat ng iyon ay kailangang sundin ni Roxanne— whether she liked it or not. And those were the things she had to endure at a very young age. "Get the f*ck out of here and leave this room!" galit na sigaw ni Wynona sa anak matapos nitong manawa sa pagtapak sa maliit na kamay ni Roxanne. Sinundan nito iyon ng malakas na sipa sa wooden stand ng kama. Naluluhang gumapang si Roxanne para tuluyang makaalis sa ilalim ng kama. Tumayo ito at patakbong nagtungo sa pinto habang ipit-ipit ang kamay na nanakit dahil sa pagkakatapak ng ina. "H'wag kang papasok sa kwarto kapag hindi kita tinatawag, do you understand, Roxanne Marie?!" Huminto ang bata saka payukong humarap. "Understood, Mommy..." she answered in a shaky voice. "Leave now!" Halos mabangga ang bata sa paglabas ng silid sa lakas ng sigaw ng ina. Isinara nito ang pinto at nahinto sa harap niyon nang makita ang mga naka-kalat sa sahig. Sa labas ng silid kung saan naroon ang magkarugtong na kusina at leaving room ay nagkalat ang mga bote ng alak at mga nakataob na ashtray na puno ng abo sa sahig. May mga basag ding mga plato sa sahig at nagkalat ang mga kutsara at tinidor— na siyang ginamit ni Wynona sa pambabato sa kaaway kanina. Si Roxanne ay nanatiling nakatayo lang roon at hindi alam kung saan dadaan dahil naka-kalat sa sahig ang mga basag na bote, plato at mga baso. She was scared to hurt herself— she was scared of seeing blood. She hated its colour and its texture— mainit at malagkit. Bakit niya alam? Because she's used to seeing her own blood. Feeling and smelling them, too. Dahil madalas na dumudugo ang ilong nito at pumuputok ang bibig sa pambubugbog ni Wynona. Hindi pa kasama roon ang mga sugat na natatamo nito sa tuwing nasasaktan ng ina. At sa edad na apat na taong gulang ay alam na nito ang amoy at lasa ng sariwang dugo. And she hated it. Roxanne continued to roam her big round eyes to the floor, trying to look for the safest path. Sa gilid ng maliit na bintana ay nakahanap ito ng malinis na daan, at iyon ang tinahak nito nang nakayapak. She tiptoed her way to the kitchen, dahan-dahan sa paghakbang habang hawak-hawak pa rin ang mahapding kamay dahil sa pagtapak ng ina. Iisa lang ang silid sa maliit na apartment na iyon kung saan isang taon na rin ang mga ito nakatira, kasama ang isang matandang katiwala. Noong nakaraang taon ay nasa kabilang kalye sila naka-tira, sa mas maayos na apartment. Subalit dahil sa pagka-lulong ni Wynona sa sugal ay naubos ang ipon nito mula sa dating trabaho hanggang sa nalubog sa utang at napalayas. At dahil wala itong stable na trabaho maliban sa pagbebenta ng mga gintong alahas ay kung kani-kaninong lalaki na lang ito kumakapit para may pandagdag sa mga gastusin. Ang masama pa roon ay may mga bisyo ang mga lalaking nakaka-relasyon nito. Mula sa mga ito'y natuto si Wynona na uminom ng alak, manigarilyo at gumamit ng droga. At simula nang malulong ito sa samu't saring bisyo ay nag-umpisa na itong saktan ang anak. Sa maliit na bahay na iyon ay kasama ng mag-ina si Yaya Imeng. Nasa cuarenta na ang edad nito at matandang dalaga. Dati itong katulong sa bahay ng mga magulang ni Wynona, subalit nang magbuntis si Wynona kay Roxanne ay itinakwil ng mga magulang. Sa pag-aalala ni Yaya Imeng sa dating alaga ay nagpumilit itong sumama— kahit walang pasahod— para matulungan sa pagdadalantao nito si Wynona. At hanggang sa mga panahong iyon ay naroon pa rin ito kasama ang mag-ina— hindi lamang sa mga oras na iyon— kaya hindi nito nagawang protektahan ang maliit na bata laban sa lasing na ina. Nang marating ni Roxanne ang lababo ay kinuha nito ang maliit na bangko na ginagamit ni Yaya Imeng sa paglalaba upang patungan. Pumatong ito roon upang maabot ang lababo at mahugasan ang kamay na nadumihan at nagkagasgas dahil sa ginawa ng ina. The little child flinched when the water cleansed her wound. She bit her lip to not make a noise— ayaw nitong marinig ng ina at magalit na naman. Matagal na naroon lang ang bata hanggang sa bumukas ang pinto ng apartment at iniluwa si Yaya Imeng na may bitbit na basket kung saan naka-silid ang mga pinamiling gulay at karne. Kinunutan ito ng noo nang makita si Roxanne sa ibabaw ng stool sa harap ng lababo. "Roxy, ano 'yan? Mahulog ka d'yang bata ka..." Mabilis itong lumapit at kinarga ang bata upang ibaba. Ang akma nitong pag-sermon sa bata ay nahinto nang makita ang namumulang kamay ni Roxanne. Sandali itong natigilan at malungkot na nilingon ang pinto ng nag-iisang silid sa loob ng apartment. Bumaba ang mga mata nito sa mga kalat sa sahig at doo'y nagpakawala ito ng buntong-hininga. Ibinalik nito ang pansin kay Roxanne na tahimik na sinusuri ang namumulang kamay. "Hindi ka ba nagtago sa mommy mo?" "Nagtago..." pabulong na sagot ni Roxanne habang naka-yuko pa rin. "Pero nakita niya ako kaya..." Ini-angat nito ang kamay saka iyon ipinakita sa matandang babae. Malungkot na tumango si Yaya Imeng saka niyapos ang bata. "Magiging maayos din ang lahat sa iyo balang araw, Roxy. Magiging maayos din ang lagay mo, may awa ang Diyos." Tumango ang bata na tila naka-intindi. Ilang sandali pa'y humiwalay si Yaya Imeng at sinuri ang namumulang kamay ng alaga. "Masakit ba? Lagyan natin mamaya ng ointment 'yan, ha?" Muli lang na tumango si Roxanne saka nagpababa na. "Maupo ka na muna roon." Itinuro ni Yaya Imeng ang pandalawahang sofa sa gilid ng pinto ng apartment. "Doon ka muna habang inililigpit ko itong mga kalat, ha? Tumango lang muli si Roxanne at maingat na binaybay ang daan patungo sa sofa. Pagkarating roon ay tahimik itong naupo at um-antabay sa pinto ng silid. Nag-aalala itong anumang oras ay lumabas ang ina at dito na naman ibuhos ang sama ng loob sa mundo. "Umalis na ba ang kaibigang lalaki ng Mommy mo?" tanong ni Yaya Imeng habang isa-isang dinampot ang mga kalat sa sahig. Una nitong maingat na dinampot ang mga nabasag na plato. "Opo..." mahinang sagot ni Roxanne habang ang mga mata'y nakatutok pa rin sa pinto ng silid. Nine-nerbyos ito at hindi mapalagay sa kinauupuan. Ganoon ang naging buhay ni Roxanne Marie kasama ang ina. At the age of four, she was already exposed to the things only the toughest could endure. Like alcohol, cigars, drugs, s*x. Yes— s*x. Dahil kahit naroon ito ay tila walang pakealam si Wynona sa tuwing bibisita roon ang isa sa mga ka-relasyon nito at magniniig sa harap ng anak. Masuwerte na kung naroon si Yaya Imeng at hinihila palabas ang bata hanggang sa matapos si Wynona at ang karelasyon nito sa ginagawa. And little Roxy was also exposed to all kinds of mistreatment. She would wake up in the morning feeling scared and worried, and she would sleep at night with one eye open. She was restless and unhappy, and unlike other children, she never saw the world with rainbow colors. No. All she could see was black and red. Those were the only colors she had in her world. Black, like the dark space under the bed. And red, like the color of her blood. And for the young Roxanne, the world was a threatening place. She was never loved by her mother, never met her father, and never experienced what it was to be in a happy home. She was always ignored, rejected, and abused. She was a product of a lack of motherly affection. She was never supported in school, either. Ang tanging sumusuporta lang rito ay si Yaya Imeng. Kahit sa pagtulog ay ang matanda ang katabi ni Roxanne. At dahil okupado ni Wynona ang silid ay sa lapag ng maliit na sala lang nagba-banig si Yaya Imeng gamit ang makapal na kumot pansapin sa likod. At sa maraming taon ay nagpatuloy ang ganoong buhay ni Roxanne sa poder ng ina. Until she turned sixteen— and that's when her life started to change.     ***     "Yaya? Ano'ng nangyayari?" tanong ni Roxanne nang sa pagpasok niya sa gate ng maliit nilang apartment ay abutan si Yaya Imeng na naka-upo sa konkretong flower bed, sapo ang mukha at humahagulgol. Sa tabi nito ay may naka-upo ring isang naka-unipormeng pulis na may hawak na notepad at ballpen. Dumako ang tingin niya sa pinto ng kanilang apartment kung saan naroon ang maraming mga pulis, nakatayo at nag-uusap. Sa loob ay may mga tao rin siyang nakikita— people that she didn't recognize. Kunot-noong ibinaba niya ang backpack sa sementadong footwalk at paluhod na naupo sa harap ni Yaya Imeng na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. "Yaya, ano'ng nangyayari? Bakit maraming pulis sa loob ng apartment natin?" Patuloy pa rin sa malakas na pag-iyak si Yaya Imeng nang mag-angat ito ng tingin. "Wala na ang mommy mo, Roxanne. Wala na si Wynona..." She frowned. Huh?... Wala na? Paanong wala na...? Wala sa loob na nilingon niyang muli ang apartment. "What do you mean?" "Ikaw ba ang anak ni Wynona Parisiano?" Ibinalik niya ang pansin sa kaharap at nagtatakang tinitigan ang pulis na katabi ng Yaya Imeng niya. She nodded. "Ikinalulungkot kong sa akin manggaling ang masamang balita na ito, pero kailangan mo itong malaman. Wala na ang iyong ina. Natagpuan siya ni Ginang Imelda na naka-bigti sa silid ng inyong apartment," puno ng simpatya ang tinig ng pulis dahilan upang muling lumakas ang pag-iyak ni Yaya Imeng. Napatitig siya sa matanda at manghang pinanood ang malakas nitong paghagulgol. Yaya Imeng's tears were streaming down her face like water from the faucet. So, she's dead, huh?... she whispered in her mind. And the truth was— she didn't really care. Subalit nang may maisip bigla ay bigla siyang nataranta. "Wait, saan na tayo ngayon titira ganitong wala na siya para magbayad ng unit? Ano na ang gagawin natin, paano na ang pag-aaral ko?" Nakita niya ang pagkamangha sa mukha ng Yaya Imeng niya sa narinig mula sa kaniya. Sandali itong natigil sa pag-iyak. "Roxanne... Nagpakamatay ang mommy mo... bakit mo nagagawang mag-isip ng tungkol sa ibang bagay sa ganitong pangyayari—" Tumayo siya at niyuko ang namamanghang matanda. At sa walang ka-emo-emosyong tinig ay nagsalita. "I probably just don't give a damn, Yaya. She's dead and there is nothing we can do. Pinili niya iyon, desisyon niya. Now, I think I should start looking for my father. Do you know where I can find him?"     ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD