Mula sa kausap na residente sa lugar na iyon ay nabaling ang pansin ni Seann kay Roxanne na bumaba ng jeep at humakbang patungo sa mga batang nagtitipun-tipon sa hindi kalayuan.
What the hell is she planning to do...?
Gusto niyang ituon ang buong pansin sa sinasabi ng kausap na Somali subalit hindi pa rin niya magawang alisin ang mga tingin sa dalaga hanggang sa marating nito ang kinaroroonan ng mga bata. Huminto ito sa tabi ng dalawang batang lalaki na nakahiga sa lupa— ang mga ito'y halos hindi na maka-kilos nang mabuti, and he knew why.
Either the kids were starved, dehydrated, or sick and were ready to die.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang patingkayad na naupo si Roxanne at tinitigan nang mabuti ang mga batang nasa lupa. He could see her lips moved— she was probably saying something. He'd assume she was checking on them, seeing how they were doing.
She has a soft spot for children... That, at least, is her most humane attribute.
Lihim siyang bumuntong-hininga. Sobra ang inis niya nang umagang iyon matapos magising sa malakas nitong pag-sipa. Pakiramdam niya ay humiwalay ang kaluluwa niya sa kaniyang katawan. Never in his life someone treated him like that— kaya nilamon na naman siya ng inis at hindi ito kinausap sa loob ng ilang oras na biyahe nila patungo roon.
At marahil ay naramdaman din iyon ni Roxanne dahil hindi rin ito nagsalita— o nagreklamo na madalas nitong gawin. They left Asad's community in the morning without having breakfast, hindi rin sila huminto upang kumain ng pananghalian, kaya sa mga oras na iyon ay wala pang laman ang mga sikmura nila. Pero hindi nagreklamo si Roxanne.
Sa katunayan ay may nararamdaman din siyang kakaiba rito habang nasa biyahe sila. She was... avoiding him.
Hindi siya magtataka kung magreklamo itong masakit ang leeg dahil ilang oras ding naka-lingon lang ito sa bintana. It seemed like she didn't want to have a glimpse of him. It was as if... she was embarassed?
Umiling siya.
Wala sa bokabolaryo ni Roxanne Marie Madrigal ang salitang 'kahihiyan'.
Akma na niyang babawiin ang tingin sa dalaga nang makitang ipinatong nito ang isang siko sa tuhod at nangalumbaba, habang ang isang kamay ay inabot sa isa sa dalawang batang nanghihinang nakahiga sa lupa at masuyo nito iyong hinagod sa likod.
And right there and then, something in him just fired up. And before he knew it, his lips stretched for a smile.
"Miss Roxanne seems to like children," komento ni Farah na umagaw sa pansin niya.
Sandali niyang nilingon si Farah na nasa kaniyang tabi at nakitang nakangiti nitong tinatanaw si Roxanne.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa dalaga, at sa pagkakataong iyon ay nakita niyang napaluhod na ito sa lupa at niyuko ang batang kanina ay hinahagod nito sa likod. May sinasabi ito roon, at ang ibang mga batang naroon ay palipat-lipat ang tingin dito at sa batang kinakausap nito. Ilang sandali pa'y mabilis na tumayo si Roxanne, hinayon ng tingin ang paligid at nang makita siya'y mabilis na humakbang palapit sa kaniya.
He frowned when he saw panic on her face. At bago pa man siya makapagtanong kung bakit ay kaagad itong nagsalita nang makalapit.
"May sakit ang batang iyon ay hindi na kayang kumilos— we need to do something to help him!"
"Food and medicines will arrive shortly," he answered, gazing back to the child she was talking about. "Calm down, lahat ng mga bata rito ay may pare-parehong kondisyon, at lahat sila ay matutulungan mamaya."
"But—"
"Roxanne." Hinawakan niya ito sa balikat upang pakalmahin ito. "Calm down."
Si Farah ay hindi rin napigilang magsalita. "Mr. Ventura has already organized a truck of food to be delivered here, Miss Roxanne, and also a medical team to check on people's health. I just got a call and they are on their way— probably in five minutes."
Nilingon nito ang residenteng kausap nila at niyayang puntahan ang batang tinutukoy ni Roxanne.
Naiwan silang dalawa ng dalaga, at doon ay muli niya itong niyuko. Nakita niyang hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha nito habang nakasunod ang tingin kina Farah. Kahit na sinabi na nilang may tulong na darating ay hindi pa rin ito mapakali.
"Kung hindi ka dumalaw rito, ano ang mangyayari sa kanila?" she asked. There was sadness and empathy laced in her voice.
Iyon ang unang pagkakataong narinig niya ito sa ganoong tono. Roxanne was always loud and proud— kaya nanibago siya.
But then, he knew it was a good sign, and that made him look at her in a different light.
"Death in this country is inevitable, Roxanne," aniya makaraan ang ilang sandali. Ibinaba niya ang kamay na nasa balikat nito saka nagpakawala ng malalim na buntonghininga. "And that is something we couldn't solve no matter how hard we try."
Roxanne braced herself as if she suddenly felt cold. A shiver must have run through her body after seeing the reality.
"Did poverty cause people in this country to die? They had no enough money to buy food, kaya sila nagutom, nagkasakit, at namatay. Ganoon ba?"
"Yes and no." He pushed his hands into his pockets. "Yes, because Somalis are poor that they cannot afford to live comfortably— blame the government for not giving enough assistance to its people. And no, because Somalia isn't just suffering from poverty— they are suffering from drought and famine."
"Drought and famine?" Ang lungkot sa mukha nito'y napalitan ng pagkalito. "The hell are those?"
Kinunutan siya ng noo sa kawalang-alam nito sa mga bagay na nabanggit. "Drought is a prolonged period of no rainfall, leading to a shortage of water— sa Tagalog, tag-tuyot. Don't tell me you didn't learn this from school?"
***
Roxanne rolled her eyes upwardly. He knew Seann didn't mean to mock her, he was simply asking a question. At sadya niyang pinaikot paitaas ang mga mata upang pagtakpan ang kahihiyang hindi niya pinakinggan ang mga ganoong aralin noong elementarya siya. She couldn't even memorize the multiplication table. But that's not because she's stupid, she just didn't like studying. Academics were not for her.
Seann continued providing information. "Dahil natural na mainit sa kontinenteng ito ay malaking panganib ang dala ng tag-tuyot sa mga tao. Kadalasan ay nakararanas sila rito ng matagalang tag-tuyot na inaabot ng taon bago magkaroon ng sapat na water supply o ng ulan. For this reason, it decimated their agricultural crops and killed their livestocks. Nawawalan ng kakayahan ang mga taong magtanim at mag-alaga ng mga hayop na mapagkukunan ng gatas at karne— causing shortage of food supplies— causing most of the children die in hunger. Whereas famine is a widespread scarcity of food caused by several factors such as, well, drought itself, war, population imbalance o ang pagrami ng populasyon dahilan upang lalong lumaki ang demand ng tubig at pagkain, o minsan ay dahil sa maling polisiya ng gobyerno. Ibig sabihin, hindi madaling masolusyunan ang problema sa bayang ito. Pero sa ibang lugar ay mas malala ang mga nangyayari sa mga tao. I can't bring you there dahil ang sabi nina Farah at Yusuf ay may sakit na kumakalat sa ibang mga bayan— this is the safest community I can get into. But I am also sending help to other communities— some food, water, and medicines will be delivered to them in the next few days."
Sandaling ibinalik ni Seann ang tingin sa mga batang sinusuri ni Farah. Isang pang buntonghininga ang kumawala mula sa lalamunan nito.
"But my help is just short-term, Roxanne. I can't provide for the whole country in the whole year. I can only help while I'm here. The food I provide is enough to fill their stomach for a week or two. Kung kaya ko lang sana ay hindi magiging mahirap na padalhan ng pagkain ang lahat ng komunidad dito kada buwan." This time, Seann released a sad smile. "Pero imposible. It'll cost me millions of dollars. The Alexandros Corp is just starting and I don't earn millions of dollars per month from it— at least not yet."
Hindi niya namalayang kanina pa siya nakatingala lang kay Seann habang pinakikinggan ang salaysay nito. She was in awe. She knew Seann Ventura was a kind person—she just didn't realize how kind... until this moment.
Had someone like him showed up to save me before, my life would have been different...
Nang muling maisip ang mga pinagdaanan noong kabataan niya ay biglang nanikip ang dibdib niya. Yumuko siya upang ikubli ang mga luhang unti-unting namuo sa mga mata.
But no one ever dared come to save me. Yaya Imeng was only there because she was paid to look after me. She was a paid servant— she wasn't my hero.
"Now, do you understand how lucky you are, Roxanne?"
Mataktika niyang pinahiran ang mga luhang muntik nang dumaloy sa kaniyang mga pisngi bago muling tiningala si Seann.
"Lucky?" she said, scoffing. "I don't think so."
Kung alam mo lang, Ventura.
"Kompara sa kanila ay masuwerte ka," patuloy nito. "You were granted to live a life where you didn't need to beg for food, didn't need to fight for shelter, nor cry for protection. Because you all have them sitting in front of you, waiting to be recognized. These children are suffering in a world that they didn't choose to be born into. And then, there you are, starving yourself intentionally just to prove a point. Do you understand how unfair life is for everybody here in this country? Now is the time you tell me how proud you are of yourself. Tell me— are you proud? O nag-uumpisa ka nang makaramdam ng pagkapahiya?"
Umusok ang tenga niya sa mga narinig. "Wow? Bakit sa akin mo na naman ibinabato ang inis mo sa hindi pantay na buhay sa mundo? Kasalanan ko bang naging anak ako ng isang mayamang gag—" She pressed her mouth closed to stop herself from calling Damien a jerk. Kapag narinig iyon ni Seann ay lalo lang itong maiinis sa kaniya— at wala siya sa mood na makipagtalo rito. She needed to go and check on that little boy.
Tumaas-baba ang dibdib ni Seann sa sunud-sunod na paghugot ng malalim na paghinga. Mariin itong pumikit at nang magmulat ay muli siyang niyuko.
"Look— ang gusto ko lang namang sabihin ay sa susunod na magtatapon ka at magsasayang ng pagkain, isipin mo ang sitwasyon sa lugar na ito. Try to imagine yourself as one of those kids."
She released a sigh. Hindi siya nito kilala, hindi nito alam ang pinagdaanan niya, wala itong ideya sa sakit na nararamdaman niya tungkol sa pagkatao niya, kaya naiintindihan niya kung bakit ito nakakapagsalita ng ganoon. Again, she was not in the mood for argument.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa dalawang batang naka-baluktot sa lupa na ngayon ay inaalalayan na nina Yusuf at Farah kasama ang isa pang residenteng kausap kanina ni Seann. Sinisipat ng mga ito ang mga mata ng dalawang bata at pinakikiramdaman ang mga pulso.
She watched how the kids breathed heavily— kung walang pagkain o medikasyong matatanggap ang dalawang bata ay baka hindi na abutin ang mga ito ng umaga.
A memory from her childhood popped in her mind. Noong mga panahong sinasaktan siya ng mommy niya at hinahayaang magutom sa loob ng ilang araw. Nangyayari iyon sa tuwing nagbabakasyon sa probinsya ang Yaya Imeng niya.
During those times, she would silently cry and ask heaven why she was even born?
Nakikita niya ang dating sarili sa dalawang mga batang halos hindi na maimulat ang mga mata. Dumaan siya sa ganoong kondisyon noon— she never had a single happy memory when she was a kid.
Hindi niya maaalalang dinala rin siya ni Wynona sa doktor sa tuwing nagkakasakit siya. It was always her Yaya Imeng who would treat her with herbal medicines. Hindi rin niya maalalang binilhan siya ng masarap na pagkain ni Wynona. She didn't even care if she had eaten or not.
A tear trickled down her cheek when she thought of how wicked her mother was to her. Sana ay masabi niya kay Seann na walang pinagkaiba ang mga batang iyon sa kaniya noong bata pa siya. Na kung may pagkakaiba man ay ang kaalamang may kakayahan si Wynona noon na alagaan siya, pakainin, at dalhin sa pagamutan— pero hindi ginawa dahil wala itong pakialam sa kaniya.
Habang ang mga magulang naman ng mga batang naroon ay walang kakayahang iligtas ang mga anak. Wala silang kakayahan kahit gustuhin pa nila. With a heavy heart, they were probably just waiting for their children to die so they could rest in heaven.
Sa naisip ay muling sumikip ang lalamunan niya, at bago pa man makita ni Seann ang muling pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata'y bumaling na siya sa ibang direksyon.
Nasasaktan siyang makita ang mga bata sa ganoong kondisyon dahil alam niya kung ano ang nararamdaman ng mga ito, pati na ang tumatakbo sa isip ng mga ito. Sigurado siyang hinihiling ng mga ito na sana ay hindi na lang sila ipinanganak kung ganoong wala ring maayos na buhay na naghihintay sa kanila. Na sana ay may tulong na dumating at sagipin sila at alisin sa lugar na iyon...
Nakita niyang binuhat ni Yusuf ang isa sa dalawang bata at dinala sa loob ng isang camp habang ang isa naman na sinusuri pa rin ni Farah ay diretsong nakatitig na lang sa langit at tila wala nang naririnig at nararamdaman.
She sniffed and turned her back. She couldn't take the sight anymore.
Si Seann na marahil ay naramdaman ang pag-iyak niya ay napa-buntonghininga. Itinaas nito ang kamay at dinala sa ulo niya.
"I'm sorry, I shouldn't have said that."
She sniffed again and wiped away her tears. Hinayaan niyang isipin nitong umiyak siya dahil sa mga sinabi nito. Makalipas ang ilang sandali ay banayad niyang tinabig ang kamay ni Seann saka ito muling tiningala.
"Let me borrow your phone."
He frowned. "Why?"
"I would like to call my father."
"Why?" he repeated.
"I have a plan."
"What plan?"
She released an irritated sigh. "Just let me borrow your f*cking phone and I'll let you listen to whatever I have to say to him. Then, you will know what it is." Inilahad niya ang palad upang hingin dito ang cellphone.
Seann shook his head in disbelief. Binuksan nito ang bag, dinukot ang cellphone mula sa secret pocket, at inabot sa kaniya.
And when she was about to grab it, Seann lifted his hand.
"Your father had just completed his surgery— and it was a success, by the way— in case you wanted to know. Hindi mo pa siya maaaring makausap kaya si Kane ang tawagan mo." Ibinaba nito ang kamay na may hawak ng cellphone at muli niya iyong inabot subalit muli rin nito iyong itinaas. "And one more thing— don't say anything stupid."
She gave him her resting-b***h face as a response. Doon na nito tuluyang ibinaba ang kamay at ibinigay sa kaniya ang cellphone.
Hinanap niya sa contacts nito ang pangalan ni Kane, at nang makita iyon ay kaagad na nag-direct call. And as she waited for her cousin to pick up, her eyes turned to see the other kid.
This time, nakita niyang binuhat na rin ni Farah ang batang iyon at dinala sa camp kung saan dinala ni Yusuf ang naunang bata kanina.
Ilang sandali pa'y sabay na lumabas ang dalawa; si Yusuf ay may kausap sa cellphone nito. Sinundan niya ng tingin ang mga ito na naglakad patungo sa dinaanan ng jeep nila kanina— at nang makitang may paparating na isang six-wheeler truck ay doon siya nabuhayan ng loob.
Sigurado siyang iyon na ang truck na may dalang pagkain at medical team para sa komunidad.
"How are you, buddy?" Kane answered on the other line.
She skipped the casual greeting and went straight to the point. "Are you able to wire some cash to Seann Ventura's account?"
"Roxanne?"
She continued, "I need you and my father's company to provide charity help in some of the communities here in Somalia. Can you do that?"
"Did you steal Seann's phone to trick me into sending you some money?"
You are such a douchebag, Kane Madrigal!
Huminga siya nang malalim upang huminahon. Ayaw niyang patulan ang panghuhusga ng pinsan.
Nagpatuloy siya. "A million or two won't hurt your pocket, I'm sure. Maraming tao na ang matutulungan ng halagang iyon. But I need it while we're here. So maybe you can just transfer the money through Ventura's account? I will let him explain things to you. Just—"
She stopped to take a deep, calming breath.
"I am requesting, Kane, to have the Madrigal Enterprise extend some help here in Somalia. The children need food and medication— they need help. So..." Muli siyang huminga ng malalim upang paghandaan ang salitang hindi niya madalas gamitin, "...please."
She then gave the phone back to Seann. "Explain for me."
Si Seann na hindi makapaniwala sa ginawa niya ay manghang inabot ang cellphone. "I can't believe it. Your act of kindness deserves a celebration. Let me handle this for you."
Tumalikod na ito upang kausapin ang kaibigan na naghihintay ng paliwanag sa kabilang linya.
A celebration?
Bigla siyang napa-isip saka niyuko ang kamay upang magbilang gamit ang mga daliri.
Oh right... my birthday was two days ago and no one remembered.
Malungkot siyang ngumiti.
Not even me. Papaano ko nga naman maaalala ang isang araw na kahit minsan ay hindi naman naging espesyal?
Muli ay tinapunan niya ng tingin si Seann na patuloy pa rin sa pakikipag-usap sa cellphone. She drew in a deep breath before turning her back and walked away.
***