Kinunutan ng noo si Seann nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ng suot na slacks. He forgot to leave it in his room— it was prohibited for anyone in the family to use a phone during the meal. Kararating lang niya sa mansion nang ipatawag siya ng mama niya sa dining area, at nawala rin sa isip niya na naroon ang cellphone sa kaniyang bulsa.
He continued to eat and ignore his vibrating phone. Kapag napagod ang sinumang nasa kabilang linya ay siguradong titigil din sa pagtawag at mag-iiwan na lang ng voice message.
But it didn't stop.
He groaned in his mind and continued to ignore the phone. He focused on listening to his mother and his two uncles, talking about politics, of course. Nag-uusap-usap na ang mga ito tungkol sa susunod na eleksyon.
It was a private family dinner. May mahalagang bagay na nais pag-usapan ang mommy niya at ang dalawang mga kapatid nitong lalaki na pareho ring pulitiko sa rehiyon na iyon.
Sinuyod niya ng tingin ang dalawang tiyuhin na magkaharap sa mesa at parehong nasa gilid ng mommy niya na siyang naka-upo sa kabilang dulo ng long dining table. His Uncle Lexis was the Mayor of San Fabio. Dalawang taon ang tanda ng ina niya rito. While his Uncle Flynn was the Vice Mayor of Carmona, ang bunso sa tatlo. Sa tabi ng dalawang tiyuhin ay ang mga asawa.
Muli niyang niyuko ang pagkain at tahimik lang na nakinig sa pag-uusap ng mga kasama. Hinayaan niyang mag-vibrate ang cellphone kahit na bumabangon na rin ang inis niya. Who would call him at this time, anyway?
Nobody would dare.
Isa pa, iilang tao lang ang naka-a-alam ng bagong numero niya. His brothers and some of his close friends.
Kinunutan siya nang noo nang may maisip. Could it be one of his brothers...?
Humugot siya ng malalim na paghinga bago inilapag ang mga kubyertos sa mesa at nagpahid ng bibig gamit ang table napkin. He then excused himself and went outside the dining area.
Nagpasalamat siya at hindi na gaanong nagtanong pa ang ina niya. He didn't want her to know that he had his phone with him the whole time, hindi nito iyon magugustuhan.
Dumiretso siya sa den at doon na niya dinukot mula sa bulsa ang cellphone. Nang makita ang pangalan ng taong tumatawag ay nagtatakang sinagot niya iyon.
"Kane? What's up, buddy?"
"Hey, Seann. I need your help."
"Sure. What's going on?" Lumalim ang pagkaka-kunot ng noo niya nang mahimigan ang panic sa tinig ng kaibigan. They had been friends for four years and he'd known him for always being calm— subalit hindi sa mga oras na iyon. At alam niyang hindi ito basta-basta tatawag nang walang malalim na dahilan.
Ang nakapagtataka pa ay alam niyang wala sa Carmona ngayon ang kaibigan. He went out of town to meet some investors for their newly opened company— the Alexandros Corp.
"I am on my way back to Carmona, but I am not sure how long it will take me to be there. Kailangan kong dumaan sa check point at mahaba ang pila ngayon dito. I tried calling Marco, but I just learned that he flew to Australia while Grand and Jet are out of the country at the moment. And Blaze's phone was out of reach. So, I'm really sorry about this, bud."
"No, it's fine." Sinulyapan niya ang glasswall ng den kung saan tanaw ang dining area. Nakikita niyang nagtatawanan ang mommy niya at ang mga kasama sa hapag. "Sabihin mo sa akin kung ano ang problema, I'll do my best to help."
"It's Roxanne."
Ahhh, s**t. Sinapo niya ang ulo. Not that brat again...
"Dinampot siya ng mga pulis sa mansion at dinala sa presinto. Tumaas ang presyon ni Uncle Damien sa naganap at isinugod ng mga katulong sa ospital. He's stable now, but I need someone to check on Roxanne. Can you do it for me until I get there, Seann?"
Napahilamos siya. "Yes, I can do that. Sa presinto sa bayan ba siya dinala?"
"Yes. Call me when you get there, buddy."
Matapos ang pag-uusap nilang iyon ay bumalik siya sa dining area. Pagbalik niya roon ay sandaling natuon ang pansin ng lahat sa kaniya. His mother raised her perfectly shaped eyebrow.
"What's wrong, son?"
"I'm sorry, but I have to go, Mom."
Hindi niya sinabi ang totoong dahilan, dahil sigurado siyang hindi gusto ng ina niya na madamay siya sa problema ng ibang tao— lalo kung ang taong iyon ay isang katulad ni Roxanne Marie Madrigal.
A war freak, troubled woman, and a rebellious daughter.
Kung siya ay walang problema roon, pero alam niyang hindi iyon magugustuhan ng ina niya, considering his mother's position— no, their family's position— in politics.
Sinabi niya sa ina na kailangan ng kaibigan niya ng tulong at sandali lang siyang mawawala. His mother trusted him, so she didn't ask further.
***
"Ano'ng tini-tingin-tingin mo, ha, bata?" maangas na tanong ng babaeng may kalakihan ang katawan at naka-suot ng itim na sando. The big woman had a dragon tattoo on her left, huge arm. Magulo ang naka-bun nitong buhok at ang mukha ay tila nangangain ng buhay na tao.
Iyon ang babaeng kasama niya sa loob ng maliit na kulungan sa presinto ng Carmona.
Umismid siya at umiwas ng tingin. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa tuhod at isiniksik pa lalo ang sarili sa sulok. Hindi niya maiwasang titigan ang babae dahil sa isip ay tinatanong niya kung ano ang atraso nito para makulong doon.
Well, as for her... Binuhusan lang naman niya ng gas ang mamahaling kotse ng kaka-klase niya at sinindihan ng apoy dahilan upang masunog iyon at sumabog sa gitna ng bakanteng lote malapit sa bayan.
It was probably the most devious thing she had ever done to someone—so far at least— and she didn't care.
That woman deserved it anyway— matapos siya nitong isumbong sa school officials tungkol sa pangdadaya niya sa exam.
Those people shouldn't butt in! Wala silang pakealam kung mandaya siya. Why the hell would they even involve themselves in her troubles? Wala namang mapapala ang mga ito?
Kung ang mga taong iyon ay hahayaan lang siya, walang gulong mangyayari!
Nang umagang iyon, matapos siyang kausapin ng mga school officials at padalhan ng letter para ibigay sa ama niya ay gumawa na siya ng paraang manakaw ang sasakyan ng ka-klaseng nagsumbong. She stole the key, bought a gallon of gas, drove the car away from the civilization, and burned it! Kasama niyang isinunog ang letter na nanggaling sa mga school officials na ibibigay niya dapat sa ama. It was probably a request letter to visit or something. Or maybe another suspension letter.
Hell, she didn't even open it. Wala siyang pakealam sa nilalaman niyon! Bahala na. She was planning to ignore the letter and pretend that nothing ever happened.
Pero hindi pala ganoon ka-dali ang gumawa ng krimen.
Napagtagumpayan niya ang pagnakaw ng susi ng kotse nang walang nakaka-kita. Pero hindi niya inasahang may makakakita pala sa kaniya sa parking space ng school na pumasok sa kotse ng babaeng iyon. At hindi rin niya naikubli ang sarili sa CCTV na naroon sa gas station nang bumili siya ng gaas sakay ng kotseng ninakaw niya.
Damn. What a sloppy job she did. Akala niya ay mapagtatagumpayan niya iyon nang walang ebidensyang maiiwan.
"Mukhang maganda 'yang kwintas mo, ah?"
Napa-igtad siya nang biglang naupo sa harap niya ang babaeng kasama niya sa loob ng kulungan. Ngumisi ito na ikina-ngiwi niya dahil hindi niya madesisyunan kung kulay berde o dilaw ba ang kulay ng mga ngipin nito. Ang mahahabang buhok nito sa ilong ay malinaw din niyang nakikita, at ang balat nito'y may butlig-butlig. She wanted to throw up— she couldn't take the sight.
At nang i-angat ng babae ang kamay palapit sa mukha niya ay mabilis siyang tumayo.
"Don't you dare touch me, woman, hindi kita sasantohin!" singhal niya rito na sandali nitong ikinabigla.
Nang makabawi sa pagkagulat ay tumawa ang babae at tumayo rin. At nanlaki ang kaniyang mga mata dahil halos hanggang dibdib lang siya nito.
Napa-atras siya subalit rehas na bakal na ang nasa kaniyang likuran.
"Aba, matapang ka pala, eh. Ano, gusto mo bang magkasubukan tayo ng tapang?"
Nanginig siya sa pandidiri. She couldn't handle the view in front of her, so she turned around, held the steel, and shouted, "I need to make a phone call! I need to speak to my cousin!"
Hindi niya pinagsisihan ang ginawa niya sa kotse ng pakialamera niyang kaklase, pero sa isip ay sinasabi niya na makalabas lang siyang talaga ay hinding-hindi na siya babalik sa presintong iyon— sa loob ng kulungan— kahit kailan.
Siguro ang pagsunog niya sa kotse na iyon ang magiging una at huling paglabag sa batas na gagawin niya...
Naririnig niya sa kaniyang likuran ang babaeng humagikhik. Ni hindi niya kaya ang amoy na nalalanghap niya mula rito— she smelt like a mixture of spoiled milk, sweat and sewer!
Muli na sana siyang sisigaw at hihingi ng tulong sa mga kapulisan nang may lumusot sa hallway na isang pulis. Lumapit ito sa kinaroroonan nila at nag-mando na lumayo nang bahagya sa rehas. They both did— and that's when the cop opened it for her.
"Makakalaya ka na, Madrigal. May nagbayad ng piyansa mo."
Nakahinga siya ng maluwag. Naisip niya na marahil ay nagawang tawagan ng mga katulong si Kane at ngayon ay naroon upang sunduin siya.
Mabilis siyang humakbang sa hallway paalis sa nakahilerang kulungan. Dire-diretso siya patungo sa front desk habang ang pulis ay nakasunod sa kaniyang likuran at nagma-mando kung saan sila pupunta. Paglabas nila sa hallway ay sandali siyang nahinto nang makita ang lalaking hindi niya inasahang makikita roon. Katabi nito ang dalawa pang pulis na nasa likod ng isang desks.
Si Seann Ventura ay nakahalukipkip na nakatayo sa harap ng desk at naghihintay sa paglusot niya. Nakita niya ang bahagyang pagtaas ng mga kilay nito bago bumaba ang mga mata sa suot pa rin niyang uniporme. Sandali siya nitong sinuyod ng tingin bago bumalik ang mga mata sa mukha niya.
"You've lost some weight. Kumakain ka pa ba?" tanong nito.
Kinunutan siya ng noo.
Sa dinami-rami ng pwede niyang sabihin, iyon pa talaga? He probably knows by now about the crime that I committed. Bakit hindi iyon ang sabihin niya sa akin? Bakit hindi niya ako sermonan tulad ng nangyayari sa tuwing nahuhuli niya ako sa akto na gumagawa ng kabulastugan? And why the hell is he even here? Where is my stupid cousin?!
Ang akma niyang pagsagot sa sinabi ni Seann ay nahinto nang kinuha ng isang pulis na naka-upo sa harap ng mesa ang pansin niya. May pinapirmahan ito sa kaniya at may sinasabi tungkol sa kasong planong isampa sa kaniya. She would be charged with arson, unless ibabalik niya ang sasakyan at lahat ng kagamitan sa loob ng kotse na nasunog. Which simply meant she had to buy the very same vehicle and pay for everything that she damaged. Otherwise, tuloy ang kasong arson, with a minimum jail time of one year and a huge amount of fine. Sinabi ng mga ito na maswerte siya at bukas sa negosasyon ang nasa kabilang panig. Nagsuhestiyon ang pulis na maghanap na sila ng magagaling na abogado kung ayaw niyang sundin ang kondisyon ng pamilya ng kaklase niya.
May mga pinirmahan siyang ilang papeles, pero bago niya iyon ginawa ay sinabihan siya ni Seann na binasa na nito iyon lahat at maaari na niyang pirmahan.
Ayaw niyang makulong, at alam niyang hindi hahayaang mangyari iyon ng kaniyang ama. Of course, hanggang sa mga panahong iyon ay pilit pa rin itong bumabawi sa kaniya, kaya alam niyang ipagpapalit nito ang lahat ng mayroon ito, h'wag lang siyang makulong. Kaya bahala na ito at si Kane na asikasuhin iyon— bahala na ang mga itong linisin ang mga kalat niya.
Like always.
Ilang sandali pa'y sinabihan na siyang maaari nang umalis.
Si Seann na nasa kaniyang likuran ay nagsalita. "Let's go, Roxy."
Hinarap niya ito subalit tumalikod na si Seann at nag-umpisa nang maglakad patungo sa salaming pinto ng presinto. Sumunod siya hanggang sa marating nila ang kotse nitong nakaparada sa tapat ng station.
"Bakit ikaw ang narito—"
Hindi niya naituloy ang tanong nang biglang itong humarap. "No questions. Just hop in."
Humalukipkip siya. "Well, you can't make me unless you answer my—"
"Malaking halaga ang hinihingi ng pamilya Doran sa nangyari sa kotse. They want you to completely pay for it, plus the damaged items inside. Hindi pa kasama roon ang napaka-laking fine na naka-charge sa'yo, at ang suspension mo na naman sa college, Roxy."
Umikot paitaas ang mga mata niya.
Napailing si Seann. "I don't know how to tell Kane, pero hayaan mo at alam kong hindi nito papayagang makulong ka. Kung kinakailangang doblehin ang bayad sa sasakyan, pati ang ibang damaged items sa loob ng truck ay siguradong gagawin ni Kane, huwag lang matuloy ang pagsampa ng kaso ng mga Doran sa iyo."
Muli itong napa-iling saka binuksan ang pinto sa driver's side.
"Tulad ng sinabi kanina ng mga pulis, pasalamat ka at open for negotiation ang pamilya ng inagrabyado mo. Anyway, just hop in."
Bumusangot siya at padabog na pumasok sa kotse. She decided not to say anything anymore. Fine. Nakagawa siya ng mali. Whatever.
***