"Bakit dito mo ako dinala?" salubong ang kilay na tanong ni Roxanne nang dalhin siya ni Seann sa lugar na dati nitong pinagdalhan sa kaniya. Sa ilog na pumapagitan sa dalawang bayan.
Mag-a-alas otso na ng gabi at ang bahaging iyon ay madilim.
Ang ilaw mula sa headlights ng kotse ni Seann, at sa mga poste ng ilaw sa kalsada hindi kalayuan sa kinaroroonan nila ang tanging nagbibigay liwanag sa paligid.
Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang huli silang magkita ni Seann Ventura. No, actually, it's been almost a year since they last saw each other. Ang huling beses na nagkita sila ay noong araw na nahuli siya nito sa casino, at noong araw na una siya nitong dinala sa ilog.
Noong mga panahong iyon ay naghahanda ang mga ito sa pagtatapos sa kolehiyo. Habang siya naman... noong panahong iyon, dapat ay magtatapos na rin. Subalit dahil sa hindi magandang record niya sa CSC, at dahil sa napaka-raming bagsak na grado, ay hindi siya nakasama sa mga nagtapos sa taong iyon. Kinailangan niyang umulit ng senior year— sa ibang unibersidad. Because she was kicked out from CSC. Lumipat siya sa isang exclusive all-girls school doon lang din sa Carmona. At sa kasalukuyan ay doon siya nag-aaral —kahit papaano. She didn't want to stay in senior high school forever, so she did her best to attend school somehow.
She also did her best to cheat so she wouldn't fail the exam. Pero ang walang'ya niyang ka-klase ay nangealam. She got suspended again, and the rest was history...
"Ang sabi ni Kane ay aabutin siya ng madaling araw bago makauwi, kaya habang wala pa siya sa mansion ay dito na muna tayo. Hindi ko maaaring ilayo ang tingin sa iyo dahil baka tumakas ka na naman o may gawing hindi maganda."
Humalukipkip siya at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Sa labas ay nakikita niya ang payapang daloy ng tubig sa ilog at ang mga naglalaglagang tuyong dahon sa tubig. Nakikita niya iyon dahil doon nakatuon ang headlights ng sasakyan.
"Hindi mo ako obligasyon. Ang hilig mong makisawsaw. Bakit kailangang ikaw ang humarap sa mga pulis—"
"Pinakiusapan ako ni Kane."
"Why would he even do that—"
"Would you rather wait for him until midnight? Narinig ko ang desperado mong sigaw kanina habang nasa kulungan ka, kaya mo bang magtiis doon sa loob ng ilang oras hanggang sa dumating siya?"
She smirked and didn't bother to answer him.
"When are you going to realize that Kane is just concerned and worried about you, Roxanne? Your cousin, despite your awful attitude towards him and Uncle Damien, cares about you."
She made face. Wala siyang pakialam sa mga sinasabi nito. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.
Nagpatuloy pa si Seann. "Kayong tatlo na lang ang natitirang Madrigal dito sa Carmona. Ikaw at ang ama mo na lang ang pamilyang itinuturing ni Kane. He cares about you and the family."
Muli siyang umismid sa sinabi nito. Cares about me, my ass...
"Hindi kaagad makararating si Kane kaya humingi siya ng tulong sa amin. At sa aming lahat, ako lang ang bakanteng tumulong sa'yo." Huminga ito ng malalim. "Hindi ko maintindihan ang ginagawa mong ito sa buhay mo. Your cousin and your father are both good people. Wala silang in-agrabyadong ibang tao at matulungin sila sa kapwa. Hindi ko maintindihan kung bakit naiiba ka."
Dahil hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko, gusto niyang sabihin pero nagbago ang isip niya. Wala siyang planong magkwento ng tungkol sa buhay niya sa kahit na kanino. Let alone to one of her cousin's friends.
Muli niyang narinig ang pagbuntong hininga ni Seann. Naramdaman marahil nito na wala siyang balak intindihin ang panenermon nito.
Ilang sandali pa ay muli itong nagsalita. "How are you, anyway? We've never seen each other for almost a year."
Marahas niya itong nilingon. "Why do you even care? Don't act as if we're friends!"
Napa-iling ito. "Parang kinamusta ka lang, kung anu-ano na ang mga sinabi mo." Binuksan nito ang pinto ng kotse saka bumaba. Sinundan niya ng tingin ang pag-ikot nito patungo sa bahagi niya.
Ano na naman binabalak ng lalaking 'to?
"Hey."
Lumalim ang pagkaka-kunot ng noo niya nang katukin nito ang salaming bintana sa panig niya. Nakasimangot niya iyong ibinaba.
"Ano ba?"
"Samahan mo ako dito sa labas. Sariwa ang hangin dito, siguradong mawawala ang galit mo sa mundo." Sinundan nito iyon ng ngisi.
Nawala na naman ang pagiging seryoso nito at muling napalitang ang pagkaluko-loko. Muli niyang sinara ang bintana at isinandal ang sarili sa malambot na upuan. Wala siyang balak na paunlakan ito.
Nang muling kinatok ni Seann ang salaming bintana ay muli niya itong inis na binalingan.
"Ano ba?!"
"Do you wanna go swimming?"
Muli niya itong inirapan.
"Come on, let's go swimming. The water here is safe, wala kang kailangang ikatakot."
"Kung gusto mong maligo, mag-isa ka! It's dark and who knows kung anong mayroon diyan sa ilog? Baka may ahas diyan, o linta, o palaka!" Maisip lang ang mga iyon ay nagtatayuan na ang balahibo niya sa braso.
"Ahas, linta at palaka?" Malakas na tumawa si Seann. "Hindi ka takot magsunog ng sasakyan ng iba pero maligo ng gabi sa ilog ay takot ka? That's hilarious, Roxanne Marie Madrigal." Muli itong tumawa ng malakas na ikina-inis niya. "Hindi ka takot gumawa ng krimen pero sa ahas, linta at palaka ay nanginginig ka. Were you trying to be funny?"
"f**k you."
Lalong lumakas ang tawa ni Seann. His laughter echoed around the area, in sync with the sound of the flowing river and the wind blowing the trees. Lalong uminit ang ulo niya kaya inis niyang binuksan ang pinto at malakas iyong itinulak— hitting Seann on the face— stopping him from laughing.
Sinapo nito ang mukhang tinamaan ng pinto kasunod ng pag-ungol. Muli niyang isinara ang pinto at ini-lock saka bumalik sa pagkakasandal. Hinintay niya ang sunod nitong gagawin subalit ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin itong naging reaksyon. Pag-lingon niya ay nakita niyang wala na ito sa kinatatayuan.
Kunot-noong inikot niya ang tingin sa paligid sa pag-aakalang umalis ito, subalit nang makitang wala ang lalaki kahit saan ay nagtatakang binuksan niyang muli ang pinto at bumaba. And she stopped on her track when she saw Seann on the ground— unconscious with a bleeding nose!
"s**t!" Taranta siyang naupo sa tabi ng walang malay na lalaki at hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi niya alam kung saan ito hahawakan, kung papaano itong tutulungan. She panicked. "s**t, did I just commit a murder?" she uttered as she trembled on her feet. Through the car's headlight, she could clearly see the extensive amount of blood flowing from his nose. At sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung tutulungan ang lalaki o tatakasan na lang.
Taranta siyang bumalik sa loob ng kotse at nang makitang naka-suksok pa rin ang susi ay mabilis siyang sumampa sa driver's seat. She released the handbrake and started the engine.
Bahala na. She'd run away and disappear— whether Seann Ventura was dead or alive!
Minaniobra niya ang sasakyan, at dahil sa pagkataranta ay nagkamali na siya ng mga gagawin. She forgot to shift the car into reverse gear. Kaya imbes na umatras iyon ay dumire-diretso ang sasakyan patungo sa umaagos na ilog!
"No, no, no!"
***
Tumirik ang sasakyan nang bumagsak iyon sa tubig. At dahil ma-bato ang ilog at mababaw lang ay nanatili lang iyong nasa gitna. Mahina lang din ang agos kaya halos hindi rin iyon gumalaw sa pinagbagsakan. Ang tubig ay umabot hanggang sa upuan dahilan upang mabasa ang lahat ng naroon sa loob.
Mabilis siyang lumabas at lumangoy paahon. Pagdating niya sa damuhan ay saka lang namatay ang headlights ng sasakyan, dahilan upang sakupin ng dilim ang paligid. Somehow, her eyes got used to the dark. Ang ilaw mula sa poste hindi kalayuan ay bahagyang nagbigay liwanag sa paligid, sapat upang makita niya ang pag-galaw ni Seann at ang pag-upo nito.
Holy s**t! He's alive!
Nakahinga siya nang maluwag nang malamang buhay ito at hindi siya nakapatay ng tao. She was just overreacting after all. Sino nga ba ang mamamatay sa ganoon lang?
Pero sa mga oras na iyon, ay hindi niya napigilan ang sariling kabahan sa magiging reaksyon nito.
Una ay sinaktan niya ito dahilan upang sandali itong mawalan ng malay.
Pangalawa, ay nagtangka siyang takasan at iwanan ito roon.
Pangatlo, ay pinalutang niya sa gitna ng ilog ang mamahalin nitong kotse.
Kaya inihanda na niya ang sarili.
Narinig niya ang muling pag-ungol ni Seann kasunod ng pag-ikot nito ng tingin sa paligid. Nang makita siya nito'y saka lang nagsalita.
"What the hell did just happen, Roxanne?"
Hindi siya sumagot.
Ano ba kasi ang dapat niyang sabihin?
Sorry, nailublob ko sa tubig ang kotse mo?
Sorry, napuruhan kita?
Sorry, muntik na kitang abandonahin?
Oh, alin sa tatlo?
But, wait...
Why would she even say sorry? It was so out of character!
Manigas ito, ano!
Nang walang nakuhang sagot mula sa kaniya ay dahan-dahang tumayo si Seann. Ang kamay nito'y umangat sa mukha at pinahiran ang ilong. Pilit nitong inaninag kung ano iyon, at nang mapagtantong dugo ang nasa kamay ay marahas itong bumaling sa kaniya.
"What in the world—" and then, he stopped.
Doon lang nito marahil nakita ang sasakyan sa tubig at doon lang rumehistro sa isip nito ang mga nangyari.
"s**t, Roxanne. Ilang segundo lang akong nawalan ng malay at ang dami nang nangyari! What kind of human are you?"
Nahihimigan niya sa tinig nito ang kontroladong galit at hindi niya ito masisi. Inaamin niya ang pagkakamali niya, pero tulad ng dati, ay wala siyang pakealam sa mga mararamdaman ng mga taong ginawan niya ng mali. Niyakap niya ang sarili nang humampas ang malakas na pang-gabing hangin sa basa niyang katawan.
"Stop complaining and just start calling some help," she said, trying to sound nonchalant. She would rather die than let him think that she felt bad about what she had done.
"Oh yes, that's a brilliant idea," sagot nito sa patuyang paraan.
"How about you swim back to the car and retrieve my phone inside? Geez, I'm not even sure if it's still inside or the water has already drifted it off!"
Napangiwi siya sa sarkastikong paraan ng pananalita ni Seann.
Iyon ang unang pagkakataong narinig niya itong nagtaas ng tinig.
And again, she couldn't blame him. She opened her mouth to defend herself when Seann started to speak again.
"I'll forgive you for hitting my face, but running away using my car and ended up diving it into the river is something I could never forgive. Why the hell are you acting like this, Roxanne? Paano kung dumating ang isang araw at totoong nakasakit ka, giving someone a critical hit that may cost his life? Are you just gonna run away? You won't even try to help him? You won't even show an ounce of sympathy?"
Napanguso siya at hindi na sumagot pa. Doon niya nakitang umiling ito at mabilis na tumalikod.
"Damn it! Let's go to the road!"
***
Hindi ako ganito... Hindi ako ganito... Hindi ako ganito...
Ilang ulit na sinabi ni Roxanne sa isip ang mga salitang iyon habang isini-siksik ang sarili sa kabilang dulo ng truck, kaharap ang maiingay na mga manok na nasa loob ng kulungan. She could smell the nasty odor from the chicken's poo and she felt like throwing up.
Yakap-yakap niya ang tuhod habang tinitiis ang lamig ng pang-gabing hangin na humahampas sa katawan niya, habang ang isang kamay ay naka-takip sa kaniyang ilong.
Hindi ako ganito... Hindi ako ganito.... muli niyang litanya sa isip bago palihim na sinulyapan ang lalaking kasama niyang naka-sampa sa likod ng truck.
Seann was silently sitting at the corner, with his head leaned back. Nakatingala ito at hindi niya malaman kung sadyang tinatanaw lang ang mga bituin sa langit o pinipigilan ang muling pag-agos ng dugo mula sa ilong.
Mula sa liwanag na nagmumula sa nadadaanan nilang mga poste ay nakikita niya ang maraming dugong umagos sa suot nitong dilaw na poloshirt, hanggang sa braso at kamay nito ay may dugo rin. She must have broken his nose from what she did earlier.
And she started to feel really bad about it. Iyon ang unang pagkakataong nakaramdam siya ng konsensya sa bagay na ginawa niya sa ibang tao. Kaya kanina pa siya napapabulong sa isip. Parang hindi na niya kilala ang sarili niya.
Inalis niya ang tingin sa lalaki at muling niyakap nang mahigpit ang sarili. Halos ilang minuto lang sila kaninang naghintay sa tabi ng kalsada nang may dumaang isang truck na may kargang mga kakataying manok. Patungo iyon sa kabilang bayan kasunod ng Carmona. Walang bakante sa harap dahil kasama ng driver ang asawa nito at anak na babae, kaya sa likod sila ng truck pumwesto kasama ang mga manok. Noong una'y ayaw sana niyang pumayag, pero nang titigan siya ng masama ni Seann ay bigla siyang nataranta at mabilis na umakyat patungo sa likod ng truck.
Simula noon ay hindi na niya narinig ang tinig ng lalaki. But she could feel his rage by his heavy breathing, and a deep, long sigh.
She knew he was doing his best to calm himself. At ayaw na niyang dagdagan pa ang inis nito.
At hindi siya ganoon. Hinding-hindi siya ganoon! Ano ba ang pakealam niya kung mainis sa kaniya ang mga tao sa paligid niya?
Since when did she start giving a f**k about people's feelings?
Hindi ako ganito. Hindi ako ganito!
Naramdaman niya ang paghinto ng truck at doon lang niya napansin kung nasaan na sila. Iyon ang sangang daan patungo sa siyudad ng Cartagena. Ibinalik niya ang tingin kay Seann nang tumayo na ito.
"Let's go," tipid nitong sabi habang diretso lang sa paglalakad patungo sa dulo ng truck. Nang marating iyon ay tumalon ito pababa.
Mabilis siyang sumunod. Nang makababa siya ay inabutan niya si Seann na nagpapasalamat sa mag-asawa, kasunod ng pag-kaway nito at ang pag-alis ng truck na tinahak ang daan patungo sa kasunod na bayan. Maliwanag sa bahaging iyon at may ilan nang kabahayan sa paligid.
Ang kabilang bahagi ng highway na pinagbabaan sa kanila ay malawak na palayan, habang ang katapat naman niyon ay komunidad na. Sa bukana ng daan patungo sa lungsod ay naroon ang magkakaharap na magaganda't malalaking mga bahay. Marami na rin silang sasakyang nakikitang pumapasok sa daan patungo sa siyudad, kasama na roon ang ilang pampasaherong mga jeep. At hindi niya maintindihan kung bakit sila naroon sa tabi ng daan na tila mga hitchhikers.
"What are we waiting for?" she asked haughtily. Hindi na niya napigilan pa ang sariling magsalitang muli.
Subalit ang lalaki ay hindi sumagot. Tila ito walang narinig na ikina-simangot siya.
Fine, galit ito sa ginawa niya at sa nangyari— at totoong nakonsensya siya roon na halos hindi na niya maintindihan ang sarili— pero sino ba ang nagsabing dalhin siya nito roon?
Kaninong ideya ba iyon? Kung tutuusin ay kasalanan din nito kung bakit siya nainis!
Tiningala niya ito at ang akmang pagsalitang muli at napigil nang may humintong sasakyan sa harap nila. Kunot-noo niyang hinintay na bumaba ang tinted glass window ng sasakyan hanggang sa bumungad sa kanila ang mukha ng lalaking nagmamaneho niyon.
If she wasn't mistaken, the man's name was Blaze Panther.
Nakita niya kung papaano siya nitong tapunan ng walang interes na tingin bago nito sinulyapan si Seann. "Am I late?"
"No, you arrived on time." Niyuko siya ni Seann. "Go to the passenger's seat," he ordered before opening the front seat's door and slid in.
Gusto niyang magmatigas— like what she used to do when she was ordered by Kane. Pero nilalamig na rin siya dahil sa medyo basa pa rin na damit at gusto na rin niyang magpahinga. She smelt nasty and she felt sticky. All she needed at that time was to wash and go to sleep.
Nasa loob na siya ng kotse at nag-uumpisa na iyong tumakbo patungo sa bayan nang magsalita si Seann.
"Thanks for coming, Blaze."
Nag-angat siya ng tingin at sinulyapan ang dalawang lalaki na nasa harapan.
"No problem. The moment I received your call, I immediately left the pub."
"I was lucky enough that the driver of the truck allowed me to use his phone. I tried calling Kane, but he's not picking up."
"Kararating ko lang din sa pub nang tumawag ka. I was in the area with no phone signal the whole day."
"Yeah, that's what Kane told me."
"What happened to your car?"
Napa-sulyap ni Seann sa rearview mirror at doon ay nagtama ang kanilang mga mata.
"Someone drove it into the river," Seann answered in a voice full of mockery. "I hope that someone can pay for the two cars that she damaged in one day."
Ugh!
Noon lang niya naalalang muli ang dahilan kung bakit sila magkasama ni Seann Ventura. At doon lang din niya naalalang dalawang kotse na nga ang nasira niya sa dalawang magkaibang paraan— on fire and into the water.
Umiwas siya ng tingin at tahimik na ibinaling ang pansin sa labas ng bintana.
This is what you get for butting into my life...
"Can I borrow your phone, bud? I need to call my assistant," tanong ni Seann kay Blaze.
"Sure."
Palihim niyang ibinalik ang tingin sa harapan at nakita ang pagkuha ni Seann ng cellphone ni Blaze sa dashboard. He dialed some numbers and put the phone to his ear, waiting for someone to pick it up.
Ilang sandali pa'y kausap na nito ang assistant sa cellphone. Binigyan nito ng instruction ang kausap tungkol sa location ng sasakyan at nag-utos na magpadala roon ng tow truck sa mismong oras din na iyon.
After the first call, Seann dialed another number. Makalipas ang ilang sandali ay,
"Kane, we're heading to the mansion now. I have Roxanne with me and we have a lot of things to talk about." Muli itong sumulyap sa rearview mirror at mulng nagsalubong ang kanilang mga mata. This time, she raised a brow, giving him 'the attitude'. "Yeah, she damaged two cars in total, the newest model of iPhone, and a nose." Tumalim ang mga mata ni Seann nang makitang muntik na siyang matawa sa huling sinabi nito. "I'll tell you about it later. How close are you to Carmona? Ah, right. See you then."
Muli niyang iniwas ang tingin nang tapusin ni Seann ang pakikipag-usap sa pinsan niya. Ibinalik nito ang cellphone sa dashboard at dumukwang sa kinauupuan niya sa pagkabigla niya. Napaharap siya rito na ang mukha ay halos ilang pulgada lang ang layo mula sa kaniya.
"W—What?" she asked nervously.
"Remember this, Roxanne," he stressed. "This will be the last day—night— that I will be kind to you. Pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan namin ng pinsan mo at nakahanda akong tulungan siya kung kinakailangan; patungkol man sa iyo o sa ibang bagay. Pero ito ang tatandaan mo— sa susunod na mapasailalim ka sa pangangalaga ko ay asahan mong hindi na ako magiging magaan sa'yo."
Akma niya itong itutulak palayo subalit inunahan siya nito.
Ibinalik na nito ang sarili sa pagkakaupo at tinalikuran na siya.
"Fucker," she murmured as she leaned back to her seat.
"I heard that," Seann mumbled.
Inismiran niya ito at inis na ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.
Sino ba ang may gustong mapasailalim sa pangangalaga niyo? Ang hihilig niyong makisawsaw! And that stupid Kane should stop involving his stupid friends in family matters! Ugh! I hate everybody!
***
***