Day 3 in Somalia: Two Hearts Getting Closer

2901 Words
Kanina pa tapos ang pamimigay ng mga pagkain at medikasyon sa mga residente ng komunidad na iyon, subalit si Roxanne ay nanatili pa ring nasa loob lang ng owner type jeep at nagmamasid sa mga nangyayari sa labas. Unang binigyan ng medical assistance ang dalawang batang nakita niya kanina, at ang iba pang mga batang nanghihina na sa sobrang malnutrisyon at sakit. Sunod ay ang mga may edad nang Somali na may mga karamdaman. Ang iba nama'y isa-isang tinanggap ang kahon-kahong food supplies.  It was a big truck of food and clean drinking water— kada pamilya ay may isang malaking kahon ng pagkain at tig dalawang 6 liters na galon na tubig inumin. Thanks to Seann Matteo Ventura— the Somali hero. Ipinanganak nga talaga yatang anghel ang lalaking iyon... Galing ito sa pamilya ng mga pulitiko kaya likas dito ang maglingkod at tumulong. Naniniwala siyang hindi katulad ang pamilya ni Seann sa ibang mga pulutiko na walang ibang ginawa kung hindi magparami lang ng pera at manggulang sa mga mamamayan.  Dahil kung ganoon ang pamilya ni Seann, he wouldn't bother helping these people. Wala naman itong mapapala sa pagtulong doon? Kung sa Pinas iyon ni Seann ginagawa ay mag-iisip siyang nagpapabango lang ito para lumakas ang laban ng pamilya sa politika. But it wasn't the case. Seann was helping people with sincerity. He was a hero to the African families— katulad ng ini-kwuwento sa kaniya ni Farah. At habang nanonood siya kanina habang pinamimigay ang mga supplies ay may mga pagkakataong umiiwas siya ng tingin, lalo kapag nakikita niya ang mga batang halos hindi na maka-kilos at maka-iyak dahil sa panghihina. Those children's eyes were misty as they looked at the medical team— probably telling the people that they were in pain.  Hindi niya kayang pagmasdan ang ganoong eksena, pakiramdam niya ay dinudurog ang puso niya. At sa tuwing napapatingin naman siya kay Seann na naka-sampa sa ibabaw ng truck at naka-ngiting inaabot ang kahon-kahong pagkain sa mga tao ay umiiwas din siya ng tingin. She couldn't take the beautiful sight— pakiramdam niya'y nahuhulog siya sa bangin pero walang sasalo sa kaniya. Tatlong araw pa lang ang nagdaan pero malaking bahagi na ng yelo na pumapaligid sa kaniyang puso ang nalusaw dahil sa mga nasasaksihan at nararanasan niya sa bakasyong iyon. At hindi niya alam kung ipagpapasalamat niya iyon o ika-i-inis.  Dahil kapag tuluyang nalusaw ang yelong nakapaligid sa puso niya, papaano na ang plano niyang sirain ang buhay ng kaniyang ama? Paano na ang galit at sama ng loob niya na matagal nang inipon sa pagnanais na maghiganti sa ginawa ng mommy niya sa kaniya? Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at ibinalik ang pansin sa labas. Sa mga oras na iyon ay may inihahandang pagkain ang mga Somali staff na siyang nagdala ng mga food at medical supplies doon. They were cooking for the people to share— at siyempre ay kabilang siya roon. And by God, she was starving! Buong araw silang walang kinain at ni hindi man lang nag-abala si Seann na bigyan siya ng kahit kalahati lang ng matigas na tinapay! Kung sinasadya nito iyon dahil inis ito sa kaniya ay hindi nakakatuwa! Tuwid siyang naupo nang makita si Yusuf na naglalakad palapit patungo sa jeep nila. Nang marating iyon ay kinatok nito ang bintana ng passenger's side kung nasaan siya. Nakangiti siya nitong binati. "Hello, Miss Roxanne. Dinner will be ready in five minutes. Come along now." Dinner... I haven't even eaten breakfast and lunch yet! Pilit siyang ngumiti. "Thank you, Yusuf." Lumabas siya at sumunod dito. Nagtungo sila sa isang area na nilinis ng mga residente. Sa gitna niyon ay may isang malaking palayok kung saan naroon at niluluto ang kakainin nilang lahat. Base sa amoy na nalalanghap niya ay walang pinagkaiba ang pagkaing iyon mula sa niluto nila Asad doon sa isang komunidad.  Biglang nawala ang gutom niya. Kung puro luya at sili na naman ang makakain niya ay 'di bale na. Magdadahilan na lang siya na inaantok at doon na lang siyang muli magmumukmok sa jeep. Ang mga tao sa paligid— mga residente at staff na nagdala ng food supplies at medical team, kasama sina Seann, Farah, at Yusuf ay naka-upo sa mga batong nakapaligid sa malaking palayok. Napalingon sa kaniya si Seann at sinenyasang lumapit. Itinuro nito ang katabing bato upang sabihing doon siya pumuwesto. Umikot ang mga mata niya saka humakbang palapit doon. Nang makalapit ay tahimik siyang naupo sa tabi nito. Si Seann ay hindi rin nagsalita at muling ibinaling ang pansin sa mga kausap na residente.  Sa tuwing kaharap nito ang mga iyon ay lagi itong nakangiti, pero kapag sa kaniya naman ay blangko ang ekspresyon nito. And here I thought he'd give me a celebration for my first act of kindness? Muntik na namang umikot ang mga mata niya nang maalala iyon. Natigil lang siya sa pag-iisip ng kung anu-ano nang may lumapit na babaeng Somali sa kaniyang harapan at inabot ang isang bowl na may lamang pagkain. Nakangiwi niya iyong tinanggap. Her guess was right; it was the same dish Asad's family served them the other day. Sunod na binigyan ng pagkain ng babae ay si Seann, saka sina Farah at Yusuf at ang iba pang naroon. Sabay-sabay ang mga itong kumain— maliban sa kaniya. Naka-ngiwing niyuko niya ang hawak na bowl at pinagmasdan ang mga gulay, karne, at kanin na nakahalo. She could smell its delicate aroma but she wouldn't be fooled again. "I instructed them to cook you a separate dish without spices. Try it." Nilingon niya si Seann nang marinig ang sinabi nito. His attention was in his food which he was eating with gusto. At katulad ng sa kultura ng mga Somali, ay naka-kamay ito— at ang iba pa. Muli niyang niyuko ang pagkain.  Okay, no spices. But how could she eat without washing her hands again? What happened to proper hygiene? "Here." Muli niyang nilingon si Seann at nakita ang inabot nitong bottled water.  "Wash your hands with this," he urged. Umangat ang tingin niya rito at nagsalubong ang kanilang mga mata. At katulad ng mga nakaraan ay muling kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib. Sa nanginginig na kamay ay inabot niya ang tubig, kinuha naman nito ang hawak niyang bowl ng pagkain para makapag-hugas siya nang maayos. She wanted to thank him, pero naalala niyang hindi pala siya ang tipo ng taong marunong magpasalamat. If there were words in the modern dictionary that she wouldn't say, those would be 'Thank You', 'I'm Sorry', and 'Please'. Maisip lang niya ang mga salitang iyon ay kinikilabutan na siya. Matapos maghugas ay inilapag niya sa lupa ang bote ng tubig at kinuha kay Seann ang bowl niya. She then tasted her food— gusto lang niyang makasigurong wala talaga iyong sangkap na hindi niya gusto. At nang malasahan ang masarap na putahe ay sunud-sunod na siyang sumubo. Hindi niya mapagpasiyahan kung masarap ba talaga ang pagkain o talagang gutom lang siya. Ang hindi niya alam ay tahimik siyang pinapanood ni Seann habang ito'y patuloy rin sa pagsubo ng pagkain. Nangangalahati na ang laman ng bowl niya nang muling magsalita ang binata. "Hindi mo ba tatanungin kung ano ang napag-usapan namin ni Kane?" Sandali lang niya itong sinulyapan bago muling ibinalik ang pansin sa bowl. "Don't bother giving me details— sabihin mo lang kung magpapadala siya o hindi." "Yes, magpapadala siya direkta sa account ni Farah. He will be sending funds every quarter— sina Farah at Yusuf na ang bahalang magdala ng mga supplies sa lahat ng komunidad na pasok sa budget." Nabitin ang pagdala niya ng pagkain sa bibig nang marinig ang sinabi nito. Muli niyang nilingon si Seann at tiningala. "Ang ibig sabihin ay..." "On behalf of Madrigal Enterprise, Kane has decided to include Mogadishu in the company charity's list of priority areas." "Wait— what?" Ibinaba niya ang bowl at tuluyang hinarap si Seann. "List of priority areas? Company charity?" Tumango ito. "Aren't you aware that your father's company commits heavily to the practice of corporate philanthropy?" "Really?" "Yes. Madrigal Enterprise has been funding range of charities and causes through the years. Natural sa mga malalaking kompanyang gawin iyon— maraming charities na tinutulungan ang daddy mo sa bansa natin. Kahit ang kompanya naming magkakakaibigan. We have only built it up three years ago but we are already helping people throughout the country. Do you know Grand Falcon?" He's the man I would love to have my 'first time' with, so yes, I know him!  Imbes na iyon ang sabihin ay tumango na lang siya. "His family's business has been funding a long list of charities around the world. Ang alam ko'y may tinutulungan din silang mga komunidad dito sa Somalia at sa marami pang mga bansa sa kontinenteng ito." "And... Kane agreed to include this community in my father's charity list?" "Yes." Seann released a soft smile. "Pareho kaming hindi makapaniwala sa ginawa mong paghiling sa kaniya na tumulong sa bansang ito— and we are both happy about the change in you, Rox. Natuwa si Kane nang malamang gusto mong tumulong sa mga tao." Mabilis siyang umiwas ng tingin at nagkunwaring bumalik sa pagkain.  Kailangan ba talaga niyang ngitian ako? "Thank you for doing this to the people here in this country, Roxanne." Nasa tinig ni Seann ang sinseridad, dahilan upang muling mabitin ang pagsubo niya sa ere. "Kane and I appreciated what you did— hiling lang namin pareho ay magtuluy-tuloy ang pagbabago mong ito." Hindi na siya sumagot pa. Inubos niya ang pagkain bago pa siya tuluyang malusaw sa mga naririnig mula sa katabi. Wala nang laman ang bowl niya nang tumayo siya at nagpaalam sa ilang mga naroon.  Si Seann ang huli niyang hinarap. "I'm done eating. Doon na muna ulit ako sa jeep." *** "What did you say? Dito tayo matutulog sa komunidad na ito?" "This is our last night here in Somalia, kaya tiisin mo na," balewalang sagot ni Seann na tumalikod na matapos kunin ang tent na ginamit din nila kagabi mula sa likod ng jeep. Wala sa loob na napahawak siya sa dibdib. Walang problema sa kaniya ang lugar. Totoong naiinis siya dahil sobra ang init at alikabok doon, pero nang masanay na siya at nang makita niya kung paanong kinaya ng mga batang mamuhay roon nang may ngiti pa rin sa mga labi ay nagbago ang pananaw niya. Ang ayaw lang niya sa ideyang doon sila matutulog sa lugar na iyon ay ang pagtulog na naman niya sa tent kasama ito! Paano kung mangyaring muli ang namulatan niya kaninang umaga? At paano kung si Seann ang maunang magising at makitang tina-tiyansingan ito ng tulog niyang diwa? Oh, f*ck! Mabilis siyang bumaba at sinundan ito. Nang abutan niya ito'y kaagad siyang nagsalita. "Baka pwedeng sa jeep na lang ako matulog? Mas komportable ako roon kaysa sa—" "Don't worry, we are not sharing tent this time," putol nito sa sinasabi niya habang tuluy-tuloy sa paglalakad. Siya nama'y nahinto at sandaling natigilan nang marinig ang sinabi nito.  Oh... Okay. But why was she feeling disappointed? No, I am not! Why would I be? Nang huminto si Seann sa kinaroroonan nina Farah at Yusuf na parehong may inaayos na tent ay muli niyang itinuloy ang paglalakad. May isang mas maliit na tent na ikinakabit si Farah, habang si Yusuf nama'y kinakabit ang may kalakihang tent na gamit ng mga ito noong nakaraang gabi. She guessed that the smaller one was for Seann. Mabilis na naikabit ang tent na para sa kaniya nang magtulung-tulong ang tatlo, at nang matapos ay saka siya hinarap ni Seann.  Napa-pitlag siya na parang loka. "You sleep here while I sleep in the other tent Farah set up for me. Hiniram lang namin 'to mula sa isang residente rito— ang sabi ay naiwan ito ng isa sa mga volunteers na dumalaw noong nakaraang buwan. If you need anything, I'm just three feet away from you."  Iyon lang at tumalikod na ito at hinarap sina Yusuf at Farah. Narinig niyang nagpasalamat ito sa dalawa at nagbilin na gisingin ito nang maaga para maghanda sa pag-alis nila kinabukasan. Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na ang dalawa rito, pati sa kaniya na sinagot lang niya ng tango. Nang pumasok na ang mga ito sa tent ay saka siya muling nilingon ni Seann.  "What's the matter? Hindi ka pa ba magpapahinga?" Nang hindi siya sumagot ay niyuko nito ang relos at sinulyapan ang oras. "It's past eight o'clock. Get some rest and I'll wake you up early in the morning." Akma na itong papasok sa tent nang magsalita siya na nagpatigil rito. "I'm sorry about this morning." Kung nabigla ito sa narinig ay ganoon din siya. Kusa na lang lumabas ang mga salitang iyon sa kaniyang bibig na ikinagulat din niya. Bago pa makasagot si Seann ay mabilis na siyang pumasok sa loob ng tent niya at isinara ang zipper niyon. Nang nasa loob na siya'y bigla siyang napahawak sa dibdib— her heart was racing and she didn't even f*cking know why! Napangiwi siya at tinampal ng isang kamay ang pisngi. Kanina ay nag-'please' ka kay Kane, ngayon naman ay nag-'sorry' ka kay Ventura? The hell is wrong with you today, Roxanne?! Oh, gusto niyang sabunutan ang sarili! Ang lugar na ito'y binabago siya at hindi niya alam kung magugustuhan niya o hindi!  Tama lang talagang umalis na sila bukas bago pa tuluyang lusawin ng Somalia ang yelong pumapaligid sa puso niya! Sunud-sunod siyang umiling at inalis sa isip ang lalaki. Ibinato niya ang backpack sa uluhan upang gawing unan. Naupo siya at isa-isang hinubad ang mga sapatos upang maghanda na sa pag-tulog. Nang mahubad ang sneakers ay itinabi niya iyon at pinagpagan ang backpack para makahiga na siya.  Nang akma na niyang papatayin ang ilaw ng portable camping lamp na nasa loob ng tent niya ay natigilan siya nang may mapansin. Sa gilid ng tent malapit sa pinapatungan ng lamp ay may maliit na butas, at mula roon ay may nakikita siyang tila gumagalaw. There was something moving under the sheet and she squinted towards it. And when a small centipede appeared from the hole and crawled in, her whole body shivered in fear. Napalundag siya at mabilis na binuksan ang zipper ng tent, lumabas mula roon at in-isang hakbang lang ang tent kung saan naroon si Seann. Walang-sabing binuksan niya ang zipper niyon, pumasok sa loob, at isinarang muli. Pagharap niya'y malakas siyang napa-singhap nang makita si Seann na napa-upo sa gulat. Ang mga kilay nito'y magkasalubong sa pagtataka. Subalit hindi ang anyo nito ang nagpa-singhap sa kaniya, kung hindi dahil sa hubad nitong katawan! He was naked from waist up she could clearly see his awesome body! Napatitig siya sa matitipuno nitong dibdib. Her eyes then travelled down to his flat abs, down to his navel, and further down— until they stopped on the area covered by his pants.  Hirap siyang napalunok. Why....? Why?! Sigaw niya sa sarili nang biglang nag-init ang kaniyang pakiramdam. "Why? What's the matter?" nagtatakang tanong ni Seann. While her eyes still focused on his pants, she answered, "It's hot." What the f**k, Roxanne?! Hindi niya tinatanong kung ano ang nararamdaman mo, tinatanong niya kung bakit ka nasa loob ng tent niya! "I know. This country is hot all year round and is generally dry. But why are you here in my tent? Did something happen?" tanong pa ulit ni Seann na halatang nagpa-patay malisya sa ginawa niyang pagsuri sa katawan nito. Muli siyang napalunok. "I— I..."  Gusto niyang sampaling muli ang sarili sa pagkakautal. At nang umangat ang mga mata niya sa mukha nito'y lalo siyang napalunok. Since when did he become so gorgeous in my eyes? Sa sobrang kahihiyan sa sarili ay umiwas siya ng tingin at nahiga sa tabi nito. Bumaluktot siya at pumihit patalikod. "Just shut up and let me sleep here," aniya saka mariing ipinikit ang mga mata. "Uhh... okay?" Seann was so confused.  Ilang sandali pa'y naramdaman niyang kumilos ito at pinatay ang portable lamp. Nang tuluyan nang dumilim ang paligid ay lalo siyang namaluktot at niyakap ang sarili. "Here, use this." Nagmulat siya at bahagya itong nilingon. Mula sa munting liwanag na nagmumula sa lampara nina Yusuf at Farah sa kabilang tent ay nabanaag niya ang inabot nitong naka-rolyong pantalon. "Malinis 'yan. Gamitin mong unan para hindi sumakit ang ulo mo." Walang salitang tinanggap niya iyon saka inilagay sa ulo. Muli siyang tumalikod at namaluktot. Nang maramdaman niyang nahiga na rin si Seann ay humugot siya nang malalim na paghinga.  She was aware of their bodies almost touching— paano ba naman kasi, mas maliit nang 'di hamak ang tent na iyon sa ginamit nila noong nakaraang gabi. Natural na magdidikit ang mga katawan nila. At natural na maamoy niya ito at maramdaman. She could feel the warmth of his body on her back and that gave her an unexplainable tingling sensation. Muli siyang humugot nang malalim na paghinga. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa pag-gising nila kinabukasan— maaaring magising siyang ginawa ulit ang ginawa niya nang umagang iyon, o maaaring ito ang unang magising at makita siyang nakakunyapit dito na tila siya may karapatan.  Pero wala na siyang pakealam. Bahala na. I've changed my mind, she thought. I don't want Grand Falcon anymore. Seann Ventura is the real deal. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD