First Destination: SOMALIA

2543 Words
"Wake up, sleepy-head. We have arrived at our first destination." Roxanne moaned sleepily. She stretched her arms and yawned before opening her eyes— only to be stunned when she met Seann's eyes. Nakatayo ito sa harapan niya at nakahalukipkip— katulad nang kung ano ang itsura nito nang pumasok sa kaniyang silid kahapon. Ang akma niyang pagtanong kung nasaan na sila ay nahinto nang bumaba ang tingin niya sa suot nito.  Nang kunin siya nito sa mansion ay nakasuot ito ng puting poloshirt at gray na pantalon, looking so proper. This time, he's wearing a dark violet V-neck cotton shirt with sleeves rolled up to his shoulders, vanilla-colored cargo Capri shorts, and hiking boots on his feet. Naka-sukbit din sa likod nito ang itim na backpack. She frowned at him. She had never seen him wear something so casual before. At bago pa niya napigilan ang sarili ay bumuka nang kusa ang kaniyang bibig— "What are you? The male version of Dora The Explorer?" "Shut up," sagot nito bago tumalikod. Hindi siya sigurado kung tamang nakita niya itong ngumiti nang marinig ang sinabi niya rito. Itinuloy niya ang pag-unat saka sumilip sa bintana ng private plane— at nang makita kung ano ang mayroon sa labas ay nanlalaki ang mga matang tumayo siya at mabilis na humabol kay Seann. Inabutan niya ito sa nakabukas na pinto ng eroplano. Ang akma nitong pagbaba ay nahinto nang hilahin niya ang kanang braso nito. "Where the hell are we?" she asked in horror. Hindi niya gusto ang mga nakikita sa labas. "Isn't it obvious? We are in Africa." "What!" Halos umabot sa kabilang kontinente ang lakas ng pagkakasigaw niya. She was horrified— what the hell was Seann planning to do in such a dry country? Desyerto ang nakikita niya sa paligid ng runway at ang hangin ay mainit sa balat habang ang sikat ng araw sa labas ay nakabubulag. "How long are we going to stay here?" "Three days at least—" "No, we f*****g can't!" "Then fly back to the Philippines— because I ain't ordering the pilot to fly us back there," tuya nito bago binawi ang kamay mula sa kaniya at muli siyang talikuran. Narinig niyang nagpasalamat ito sa dalawang flight attendant bago bumaba ng hagdan.  Nang mapatingin siya sa isa sa mga attendants ay doon lang niya napansin na bitbit na nito ang backpack niya. Mabilis siyang lumapit at inagaw ang bag mula rito saka iyon isinukbit sa balikat at halos lumipad sa pagbaba upang sumunod kay Seann.  Sa ibaba ay may naghihintay na dalawang lalaking ang balat ay kulay kape. They were wearing checkered polo shirts and black pants, heads shaved off. "It's a pleasure to have you back, Mr. Ventura," one of the black men said with a thick accent. Nakangiti ito at inabot ang kamay kay Seann. Naramdaman marahil ni Seann ang pagsunod niya kaya lumingon ito at hinintay siyang makalapit. Pinag-krus niya ang mga kamay sa harap ng dibdib at nakataas ang mga kilay na lumapit sa mga ito.  Oh, kahit sa pagsinghot niya ng hangin ay ramdam na ramdam niya ang alinsangan. Hindi siya sigurado kung makatatagal siya roon ng tatlong araw. Nang makalapit ay napasinghap siya nang kaagad siyang inakbayan ni Seann, hinila palapit, bago muling hinarap ang dalawang lalaki. "By the way, this is my cousin, Roxanne. She is joining me here for three days; please treat her well." "Gladly, Mr. Ventura," sabay na sagot ng dalawang lalaki saka siya ningitian. "We are happy to have you here, Miss Roxanne." Hindi siya sumagot at pilit na hinawi ang braso ni Seann na naka-akbay sa kaniyang balikat, subalit lalo lang hinigpitan ng lalaki ang pagkakahapit sa kaniya na ikina-init muli ng ulo niya. "This is Farah," pakilala ni Seann sa lalaking matangkad at payat na may maamong mukha. "And this one is Yusuf," pakilala nito sa isang payat din na lalaki na medyo mababa lang ng kaunti kay Farah. Kapansin-pansin ang malapad nitong peklat sa gilid ng ulo. "They are my friends here in Somalia, and they work as tour guides. I've known them since the first time I came here— two years ago."  Wala siyang pakialam sa pagpapakilala nito. Ang nais niya ay tanggalin nito ang brasong nakapatong sa kaniyang balikat.  Nang walang nakuhang sagot mula sa kaniya ay bahagyang niyugyog ni Seann ang kaniyang balikat. "Say 'Hi' to them, at least." Tiningala niya ito at tinapunan ng masamang tingin. Ngumisi lang si Seann, kaya muli niyang tinabig ang kamay nito. Sa pagkakataong iyon ay hinayaan siya nitong tanggalin iyon.  "Stop touching me, you idiot. And you are not my cousin!" Pinagpagan niya ang balikat na tila iyon nadumihan nang hawakan siya nito. "God, you are so rude," ma-dramang usal ni Seann na ikinatawa nina Yusuf at Farah. Niyaya na nito ang dalawa at nag-umpisa nang humakbang patungo sa isang lumang owner type jeep na nakaparada sa hindi kalayuan, leaving her behind. Tumingala siya sa langit at bahagyang tinakpan ang mata upang hindi masilaw sa tindi ng sikat ng araw. Wala pang sampung minuto siyang lumabas mula sa private plane at pakiramdam niya ay naliligo na siya sa pawis. "Hey, are you coming or what?" Ibinaba niya ang tingin kay Seann na sandaling huminto at nilingon siya, habang sina Farah at Yusuf nama'y dumiretso na sa naghihintay na sasakyan. Umirap siya at itinuloy ang paglalakad. Nang makapalapit siya kay Seann ay saka ito muling nagsalita. "Stop acting so childish and start acting like a normal human being. Your rudeness will cause you so much trouble—" Nahinto ito nang itaas niya ang isang palad at itinapat sa mukha nito. "Talk to my f*****g hand." She then walked past him and toward the waiting vehicle.   Si Seann ay napa-iling na lang at inayos ang pagkakasukbit ng bag bago sumunod. *** "Where are we heading?" Roxanne asked as her eyes surveyed the dry and sandy road. Kanina pa sila naka-sakay sa owner type jeep na minamaneho ni Yusuf mula airport at wala siyang ideya kung saan sila patungo.  There was nothing unusual in the area, really. All she could see was sandy area and brick houses on the side of the road. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa bansang iyon at doon siya napiling dalhin ni Seann Ventura. "To the city of Mogadishu," Seann answered as he leaned his back in the leathered seat. Kanina pa ito tahimik na nakahilig sa kinauupuan at nakapikit ang mga mata. "Ano'ng gagawin natin doon?"  "Stop asking questions. Just wait and see." Sumimangot siya at padabog na isinandal ang sarili sa kabilang dulo ng backseat, saka pinag-krus ang mga kamay sa dibdib. "Natural na magtanong ako nang magtanong dahil wala ka man lang pasabi na dadalhin mo pala ako sa kabilang dako ng mundo! Had I known about this, I should have just—" "Stayed in your room and starved to death? Yeah right, paulit-ulit ka. I want to take a nap, so shush, okay?" Inismiran niya ito at nakangusong itinuon ang tingin sa front seat kung saan naroon si Farah at tahimik na nakamasid sa daan. Si Yusuf naman ay nasa pagmamaneho ang buong atensyon.  "This place is sticky as hell," she stated as she turned to Seann once again. "Hindi ko alam kung makatatagal ako rito." "Well, you don't really have a choice," he declared in a nonchalant tone. "I should have been given a choice!" "You don't deserve to have one." "And you don't have the right to decide for me!" "God, why are you always yelling?" He grimaced and covered his ears. Nakapikit pa rin ito at nasa mukha ang matinding pagkairita. Nanggigigil na inalis niya ang tingin sa lalaki at nagpupuyos ang dibdib na ibinaling ang pansin sa labas ng bintana. Umaakyat na ang dugo sa ulo niya at anumang sandali ay sasabog na iyon. Oh, if she could only hit him to release her rage. Gusto niyang magwala at magsisisigaw— pero pinili niyang magpigil.  Dahil aminin man niya o hindi, ay hawak ni Seann Ventura ang buhay niya sa loob ng ilang araw. Sunud-sunod siyang huminga nang malalim— to calm herself down.  Sa mahabang sandali ay ganoon ang ginawa niya hanggang sa tuluyang kumalma ang damdamin niya at mawala ang inis. Makalipas ang ilang minuto ay muli niya itong sinulyapan at sinuyod ng tingin. She had the liberty to stare at him while his eyes were closed. His breathing was even as if he was in deep sleep— naisip niyang marahil ay hindi ito nakatulog nang maayos habang nasa biyahe sila. Nag-iisip marahil itong tatakas siya kaya nakiramdam.  Like what the heck? Papaano siyang tatakas kung nasa alapaap sil?! Ano siya, baliw? "Hoy, Ventura." Napa-igtad ito nang marinig ang pagtawag niya. Nagmulat at nilingon siya. Then, his brows furrowed. "Can't you see I'm taking a nap?" "I can, but I don't care," she blurted out. "I want to ask you something." "If it's a nonsense question, just keep your mouth shut." Pinigilan niya ang sariling ibato sa lalaki ang backpack niyang naka-patong sa pagitan nila. Huminga siya nang malalim bago nagtanong. "Are you bored?" Lalong lumalim ang pagkaka-kunot ng noo nito. "What?" "Bored ka ba sa buhay mo at walang magawa kaya ang buhay ng ibang tao ay pinanghihimasukan mo?" Seann released a deep sigh in surrender. "Babalik na naman ba tayo rito? Lagi mo na lang itinatanong iyan, Roxanne. And that question is starting to piss me off." "Paano kasi! Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka nagbibida-bidahan! All I wanted was to make Damien Madrigal regret his decision of allowing my mother to raise me. Wala akong pakialam sa ibang tao— lalo na sa'yo! Kaya hindi ko maintindihan itong madalas mong pangingialam sa akin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa dami ng tao ay sa'yo nila ako ipinagkatiwala. Sometimes I thought you were just bored and you needed fun, kaya ako itong pine-peste mo!" "Fine!" itinaas ni Seann ang mga kamay sa ere. "I lost in a bet, and my consequence is to look after you while Kane and your father are not around." Buhat sa sinabi nito ay pinanlakihan siya ng mga mata kasabay ng malakas na pagsinghap. "A bet? Pinagpustahan ninyo ako?" "Hindi iyon kasing-sama ng iniisip mo."  Pahapyaw na ini-kuwento sa kaniya ni Seann ang tungkol sa pustahan nito at ng mga kaibigan— na lalong ikinalaki ng mga mata niya. Sinabi nitong noong matalo raw ito ay inutusan ito ni Marco, na siyang nanalo sa pustahan, na kausapin si Kane at magpresenta na papalit sa umalis na babaeng bodyguard.  "So, to answer your question— no. I am not bored with my life, and looking after you is something I didn't choose wholeheartedly. I just had no choice and I had to take my consequence. Happy to know the truth?" Umawang ang bibig niya sa pagkamangha. She didn't like the idea of her being used in a bet—at lalong hindi niya rin nagustuhan ang katotohanang napilitan lang din itong isama siya. Muli ay padabog siyang sumandal sa kinauupuan at humalukipkip habang ang nguso ay nanunulis sa inis.  Sana ay si Grand Falcon na lang ang inutusan ni Sansebastian na samahan ako. Sa ganoong paraan ay nag-e-enjoy sana ako kahit papaano! * * * Sa mahabang sandali ay parehong tahimik lang siyang nakaupo sa backseat katabi si Seann Ventura— nakikiramdaman habang ang dalawang nasa harapan naman ay tahimik lang din na nakatanaw sa daan. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang muling pumikit si Seann upang umidlip. Ang mga braso nito'y magka-krus sa tapat ng dibdib, at ang paghinga'y malalim. Hindi siya sigurado kung tulog ito o nakikiramdam lang din sa kaniya. Nabu-buryong na siya sa kinauupuan. Mahigit isang oras na yata silang nasa daan pero hindi pa rin nila marating-rating ang destinasyon.  Where were they headed, anyway? Sa naisip ay ibinaling niya ang pansin sa labas ng sasakyan. Kinunutan siya ng noo sa nakita, kasunod ng pag-angat niya sa kinauupuan.  Ang kanilang sasakyan ay mabagal na tumatakbo sa bayan kung saan walang katao-tao maliban sa mga lalaking naka-suot ng military uniform, holding big guns as they watched their car passed by. Ang mga konkretong gusali sa gilid ng kalsada ay may marka ng mga... bala.  The buildings were ruined with bullet holes everywhere. It was like a ghost town.  "What... happened here?" Naramdaman niya ang pagkilos ni Seann sa kaniyang tabi. Ilang sandali pa'y narinig niya ang tinig nito.  "A war between the Somali rebels and the government." Manghang napalingon siya rito. Ang mga mata nito'y nakatutok din sa labas ng bintana kung saan siya nakatanaw.  "There are over a hundred countries in the world and you chose to bring me to a place like this? You should have brought me to any place but here! Balak mo ba akong i-bala sa canyon at ipabaril sa mga rebelde?" Sinulyapan siya ni Seann, at sa pagkamangha niya'y ngumiti ito— inaantok na ngiti subalit may pang-uuyam. "Why not? You just gave me an idea." Napa-ismid siya saka muling ibinalik ang pansin sa labas. She could see how the armed guards followed their vehicles with their eyes as they nodded at Farah who was peeking outside the car window, waving to them. It was as if Farah was giving them a signal that everything was alright— that they weren't bringing any trouble. "Anong ginagawa nila?" hindi niya napigilang itanong sa katabi. "Farah is just letting the guards know that we are not a threat to their people. Na hindi tayo magdadala ng gulo sa siyudad." "Akala ko ba tapos na ang giyera?" "The war in this country will never end, Roxanne, unless miracle will happen. Nang dahil sa gulong nangyayari sa pagitan ng mga rebelde at gobyerno ay kinakailangan ng mga turistang tulad natin ng hired security forces o experienced guides tulad nina Farah at Yusuf para sa kaligtasan natin patungo sa lungsod."  Muli siyang lumingon, at doo'y muling nagtama ang kanilang mga mata.  "Do you know that the risk of us being injured, killed, or captured along our way is extremely high?" Seann smirked. "So you need to keep your mouth shut and brush that frown off your head— baka isipin nilang may dala kang panganib sa lugar na pupuntahan natin." "You and your stupid jokes," tuya niya rito.  Ang totoo'y unti-unti na siyang nakararamdam ng kaba at takot matapos marinig ang sinabi ni Seann. Kung seryoso ito sa sinabi ay ayaw niyang matapos ang buhay niya sa lugar na iyon. Bahagya siyang umatras mula sa kinauupuan at pumagitna— moving away from the window. Mamaya ay may ligaw na bala pang sumunod sa sasakyan nila at madaplisan siya.  Totoong hindi masaya ang buhay niya, but never did she wished to die yet. Not yet. Marami pa siyang sakit ng ulo na ibibigay sa kaniyang ama. "I can sense your fear, Rox," Seann said while giggling behind her ear. Malakas siyang napasinghap dahil hindi niya namalayang napa-atras siya nang husto at napadikit dito. Nagtayuan ang munting mga balahibo sa likod ng kaniyang batok nang maramdaman ang mainit nitong hininga na dumampi roon at sa gilid ng kaniyang tenga. And for some reason— she was momentarily stunned. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD