"Magkakasundo tayo kung magpapakabait ka ng ganiyan," bulong pang muli ni Seann sa kaniyang likuran. Sa tono pa lang ng boses nito'y nahuhulaan na niya ang pag-ngisi nito.
"Asshole, don't sit too close to me!" she hissed without turning to him. Nanatili siyang nakatalikod at hindi gumagalaw— terrified to get close to the window.
"Nakalimutan mo bang ikaw ang umurong dito at lumapit nang husto sa akin?"
Doon na siya napilitang humarap dito at pinanlakihan ng mga mata nang sa pag-lingon niyang iyon ay muntikan nang dumampi ang mga labi niya sa baba nito. They were too close for comfort. At bago pa man niya nagawang pigilan ang sarili ay bigla na lamang umangat ang kaniyang kamay at dumapo sa pisngi nito— rendering him speechless in shock.
Napa-atras siya pabalik sa kabilang sulok ng upuan, crouching like a freezing dog. Inihanda niya ang sarili sa magiging reaksyon nito matapos ang ibinigay niyang malakas na sampal.
Until— Seann moved and stared at her with a warning.
"That hurt," usal nito sa mapanganib na tono. His eyes slanted like a tiger ready to devour its prey.
Napa-lunok siya at niyuko ang kamay na dumapo sa pisngi nito. "I know, my palm stings, too."
At sa pagkagulat niya ay bigla na lang hinila ni Seann ang kamay niya at hinawakan nang mahigpit. Sa nanlalaking mga mata ay nag-angat siya ng tingin— upang matigilan nang salubungin siya ng matalim na mga mata ni Seann Ventura.
"Try to do that again and you will be punished," he warned.
Pilit niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito, subalit lalo lamang iyong hinigpitan ni Seann. Nilingon niya sina Yusuf at Farah na nasa harapan subalit ang pansin ng mga ito ay wala sa kanila kung hindi nasa daan at nasa mga armadong lalaki sa gilid ng kalsada— still giving signals. Ibinalik niya ang tingin kay Seann na hindi nagbago ang anyo.
"Let go of me or I will shout," babala niya na ikina-kunot ng noo nito.
"Sumigaw ka sa abot ng makakaya mo at sinisigurado kong hindi mangengealam sina Yusuf at Farah sa gagawin ko sa'yo."
Muli niyang hinila ang kamay, subalit muli rin siyang nabigong pakawalan ang sarili.
"Then I guess I will just have to get someone else's attention," she said, trying to sound unfazed.
"What?"
Bago pa man mahulaan ni Seann ang plano niyang gawin ay mabilis na siyang pumihit paharap sa nakabukas na bintana ng owner type jeep, inilabas ang ulo saka sumigaw—
"Help! Help me! This man is hurting me! I need help—"
She stopped when Seann pulled her back and covered her mouth. Nagpumiglas siya subalit anong gulat niya nang i-higa siya ng lalaki sa backseat at niyuko. Her eyes went wide open when his face went closer to hers— as if he was about to do something. Doon siya tumigil sa pag-kawag.
"H'wag mo akong bigyan ng problema, Roxanne," he warned. His face stopped a few inches away, while his hand still covered her mouth. "Presensya mo pa lang ay problema na ang hatid sa akin— don't make it even worse for me."
Doon siya muling nagpumiglas, subalit si Seann ay hinigpitan ang pagkakawak sa kanang braso niya at lalong diniinan ang kamay na naka-takip sa kaniyang bibig.
"Alam mo ba'ng kapag hinuli tayo ng mga 'yan ay ikukulong nila tayo for who knows how long? That will just give you a few more days here in this country— iyon ba ang gusto mo?"
Doon siya natauhan. She didn't want to be imprisoned or locked up in a room— never again. Buong buhay niya'y naka-kulong siya— kung hindi man sa maliit na kwarto ng apartment nila ng mommy niya ay sa pinto ng restroom ng school nila noong bata pa siya. And when she was finally freed from her mother's wickedness, she met her goddamn father who would also lock her up in her room.
And then now, this?
Tingin talaga yata ng mga tao sa kaniya ay kriminal o isang mapanganib na hayop na kailangang ikulong!
Nang mapansin ni Seann ang paghinahon niya ay saka nito inalis ang kamay mula sa kaniyang bibig. Subalit nanatili pa rin itong nakayuko sa kaniya at mariin siyang tinitigan.
Again, she swallowed hard and remained still. Hindi niya maintindihan kung bakit unti-unting bumilis ang t***k ng puso niya.
Until...
Seann's eyes went down to her lips and the atmosphere changed.
Doon lalong bumilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib. She convinced herself that it was nothing but agitation. However, she knew it wasn't the case. It wasn't just her nerves... it was more than that.
Nanatili siyang nakatitig sa mukha ni Seann at pinakiramdaman ang sunod nitong gagawin habang ang mga mata nito'y nanatiling naka-pako sa naka-awang niyang mga labi. She couldn't explain why she allowed him to crouch down on her that long. But one thing was for sure— at this very moment, she didn't want to do anything but stay still.
Muli siyang napa-lunok nang maramdaman ang panunuyo ng kaniyang lalamunan. She could also feel her lips getting dry— so she deliberately licked and bit them to moizturize.
Doon niya nakita ang pagsalubong ng mga kilay ni Seann at ang sandaling pagbago ng ekspresiyon nito.
What is he doing? she thought. Why is he looking at my lips as if they were some kind of a magical thing? Is he thinking of... kissing me?
Pero bago pa man niya madugtungan ang nasa isip ay bigla niyang narinig ang tinig ni Farah.
"Is everything alright, Mr. Ventura?" anito, na sa mga sandaling iyon ay naka-lingon sa kanila.
Saka lang tila natauhan si Seann at binitiwan siya. Tumuwid ito ng upo at hinarap ang nasa unahan. "Yes, we're alright." He then forced a smile. "Please don't mind her, she's mentally unstable and she hasn't taken up her meds. Expect her to do and say stupid things every now and then."
Buhat sa sinabi nito ay muling nanlaki ang mga mata niya. Mabilis siyang bumangon. "You—"
Nilingon siya ni Seann, cutting off her argument. "Shut up now, Roxanne. I'm tired of all your babbling."
Itinikom niya ang bibig at tinapunan ito ng masamang tingin.
Nang ibinalik ni Seann ang pansin kay Farah upang kausapin ay nai-kuyom niya ang mga palad at nagpupuyos ang dibdib na ini-sandal ang sarili sa upuan saka muling ibinalik ang pansin sa labas ng bintana.
Naiinis siya sa paraan ng pag-trato ni Seann sa kaniya— tinotoo nito ang sinabing hindi na ito magiging magaan sa kaniya, at napipikon siya.
She was annoyed and her heart was still beating rapidly— not because of the way he was treating her, but because of that split second where she thought he would kiss her.
Ewwww!
_____________________________________________
"Dito tayo magpapalipas ng gabi. Bukas ay maaga tayong aalis." Naunang pumasok si Seann bitbit ang backpack nito.
Siya nama'y sandaling nahinto sa pinto at inikot ang tingin sa buong silid. It was a small room with two single beds, may maliit na flat screen TV na nakadikit sa pader, at maliit na pinto sa loob na hula niya'y banyo.
"Ito lang ang matinong hotel sa parteng ito ng Mogadishu, so bear with it," dagdag pa ni Seann nang ilapag nito ang backpack sa ibabaw ng kama.
"Bakit hindi ka kumuha ng separadong kwarto? Pati ba naman sa isang maliit na silid ay magkasama tayo?" she complained as she went it. Inisara niya ang pinto sa kaniyang likuran habang patuloy na sinusuri ang paligid.
The only thing that she's pleased about was that the room has an air conditioning system
"I can't let you out of my sight."
She scoffed and walked across the room. Nahinto siya sa harap ng maliit na glass window saka binuksan iyon upang silipin kung ano ang mayroon sa ibaba.
The small hotel where they were in was a three storey building in the middle of the city of Mogadishu. May mga katabi iyong establisiyemento na kasing-taas lang din halos ng hotel. Hindi niya alam kung commercial buildings ang mga iyon o bahay ng mga lokal. They all looked similar. She also noticed that on the other side of the street, there was an open market filled with people— malayo sa lugar na dinaanan nila bago marating ang sentro ng lungsod, kung saan ang mga gusali ay nasira at natadtad ng mga bala mula sa nagdaang gyera.
At kahit papaano, sa lugar kung saan sila kasalukuyang naroon ay may nakikita siyang mga puno at halaman sa pagitan ng mga gusali.
It was a place with a sign of life.
Muli siyang humarap saka inihagis ang backpack sa kalapit na kama. "As if may mapupuntahan akong walang laman ni sinco ang bulsa."
Si Seann na kasalukuyang nakatayo sa paanan ng isa pang kama ay napahalukipkip. He stared straight into her eyes. "I won't take the risk. I am tired and I need to prepare for tomorrow's trip— wala akong panahong maghanap ng rebeldeng bata sakaling tumakas ka. Besides, the city is extremely dangerous. So, to watch you closely, I decided to just book a room we can share. "
"Pfft." Umikot paitaas ang mga mata niya. "Whatever. Humihilik ako matulog kaya magtiis ka."
"I don't care."
"I sleep with open lights."
"I can live with that."
"I sleep with the TV on and in full volume."
He shrugged. "I do, too."
Tumaas ang kilay niya. "I fart a lot."
Nakita niya kung paanong pinigilan ni Seann ang sariling matawa sa huling sinabi niya. He bit his lower lip and did his best to remain serious. "Feel free to be yourself— I'm not getting another room."
Humalukipkip siya at matagal na nakipagtitigan sa lalaki bago muling nagsalita. "I sleep naked."
This time, Seann smirked at her. "Marami na akong nakitang hubad na babae simula noong nag-binata ako; your nakedness won't bother me."
"Hmm, okay." Tumalikod siya at walang ibang salitang hinubad ang suot na crop top shirt, leaving her lacey black bra on. She then threw the thin fabric on the bed and turned to Seann who was looking unimpressed. Muling tumaas ang kilay niya. "Okay lang sa'yo ito?"
Sandali silang nagtagisan ng tingin bago ito nagpakawala ng malalim na buntonghininga. "Isipin mo na lang na pinsan mo rin ako— kaya mo bang maghubad sa harapan ko?"
She smirked back— copying the way he did a while ago. "I don't care."
Sunod niyang hinubad ang suot na tattered shorts at kung paano na lang na ibinagsak sa sahig habang diretso pa ring nakatitig kay Seann na sa mga sandaling iyon ay naging blangko na ang anyo.
Sadya niyang iniwan ang itim na spandex shorts, because she couldn't decide whether she'd take it off or drop the foolishness.
Kanina lang habang nasa biyahe sila ay diring-diri siya nang maisip na muntik na siya nitong halikan. She thought it was so gross. She would never allow this guy to kiss her. Never in a million years!
But then, there she was, strip-teasing in front of the man, trying to seduce him!
Hindi ko siya inaakit! depensa ng kabilang bahagi ng utak niya. Gusto ko lang siyang makaramdam ng pagka-ilang para iwan niya akong mag-isa sa silid na ito at kumuha siya ng isa pa!
Ipinilig niya ang ulo at pilit na ibinalik ang pansin sa lalaking kasama sa silid. At nang makitang magkasubong na naman ang mga kilay nito sa pagka-inis sa kaniya ay ngumisi siya. Nararamdaman na niya ang tagumpay.
At upang lalo niya itong maitaboy palabas ng silid na iyon ay naglakas-loob siyang abutin ang hook ng suot niyang strapless bra.
Muling nagbago ang anyo ni Seann. At nang mahulaan ang binabalak niya ay biglang tumalim ang mga mata nito.
"Subukan mong gawin, Roxanne."
"Or else?" she taunted.
"Or else, you will regret it."
Muling tumaas ang kilay niya. "Sa dinami-rami ng kalokohang ginawa ko sa buhay ko, sa tingin mo ba ay may isa doon akong pinagsisihan? I don't regret my actions, Ventura." She then gave him a devious smile. "And here I thought my nakedness won't bother you? So... why are you anxious now?"
"I am not," he retorted. Matalim pa rin ang mga mata nito; ang anyo ay tila asong sasakmalin siya anumang sandali.
"Kung ganoon, bakit ka biglang natilihan nang inabot ko ang hook ng bra ko?"
"Because it felt dirty. You look dirty when you did that. Your bad side was too much to handle, don't make me see your dirty side, too."
She was not able to hold her gasp after hearing the outright insult.
How dare he?!
Nagpupuyos ang dibdib na itinuloy niya ang pag-tanggal ng hook ng kaniyang bra upang ipakita rito na hindi siya apektado sa sinabi nito. And when she succesfully did, Seann immediately grabbed a pillow from the bed beside him and threw it to her— hitting her face.
Kusang bumagsak ang bra niya sa tiled floor subalit nasalo niya ang may kalakihang unan na tumama sa kaniyang mukha. The pillow also covered her naked breast. Akma niyang ibababa iyon upang tuluyang maitaboy ang lalaki nang maagap itong nagsalita.
"Do it and I will lock you up in this room for the whole night."
Doon siya natigilan. Ang akmang pagbaba ng unan ay nahinto sa ere.
"Subukan mong humarap sa akin nang naka-hubad at siguradong ikukulong kita rito sa silid at kukuha ng isa pang kwarto. Bukas na kita babalikan kapag handa na akong ilabas ka; how does that sound to you?"
Somehow, that compeled her to stop her foolishness and stood still. Ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang ikinukulong siya. She had a traumatic experience about it when she was little, kaya galit na galit siya noong gawin din sa kaniya iyon ng ama at ni Kane.
Damn it.
Nang makita ni Seann ang pagyakap niya nang mahigpit sa unan ay pagak itong natawa. "I guess I just found my ace card."
Her eyes narrowed and her teeth gritted in annoyance.
"Not fair," nanggigigil niyang usal na sinagot lang ni Seann ng tawa.
Nanggagalaiting humakbang siya patungo sa banyo, yakap-yakap pa rin ang unan. Pagdating doon ay kaagad siyang pumasok at pabagsak na inisara ang pinto.
Natalo man siya sa pagkakataong ito'y sisiguraduhin niyang babawi sa susunod na mga araw. Hahanapan din niya ng kahinaan ang pinsang iyon ni Dora The Explorer.
***