Trip To Hell

2332 Words
Si Seann ay prenteng nakatayo sa paanan ng kama niya, hands folded across his chest, and with face looking so bored.  "Don't make me repeat myself," he said. Lalong kumunot ang noo niya. "Don't order me around." "Babangon ka ba o hindi?" Sa halip na sumagot ay ibinaling niya ang tingin sa nakasarang pinto ng kaniyang silid. "Kasama mo ba si Kane? Where is he?" "I am giving you ten minutes to get up and wash— you look like a cavewoman. Pagkatapos mong mag-ayos ay lumabas ka ng silid mo— I will be waiting outside." Iyon lang at tumalikod na ito saka humakbang patungo sa pinto. Mabilis siyang bumangon at tumayo sa gilid ng kaniyang kama. "Hey, wait!" Seann stopped but he didn't bother to look back. "I need to know what's happening. Why are you here and why are you giving me orders? Where is Kane? And my father, where is he? Alam ba nila itong ginagawa mo—" "I have permission to do whatever I want to do with you, Roxanne Marie Madrigal. Kane and your father left for Singapore yesterday." Lalong lumalim ang kunot sa kaniyang noo. "Sinasabi mo bang iniwan nila ako sa iyo? Ano'ng tingin niyo sa akin, bata para bantayan?" Doon humarap si Seann at sinalubong ang kaniyang mga mata. Ang kawalan ng emosyon ng mukha nito'y nakakapanibago dahil hindi naman ito dating ganoon. "No, hindi ka bata para pabantayan. Para kang kriminal na kailangang tutukan ng tingin. Don't compare yourself to a kid— kids don't do boorish things." Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Subalit nang makita niya ang pagbaba ng mga mata ni Seann sa suot niyang oversized T-shirt na may naka-imprentang Snoopy character na umabot lang hanggang sa ibabaw ng kaniyang tuhod ay natilihan siya. Lalo nang makita niya ang sandaling pagbago ng anyo nito. Lihim siyang napasinghap nang ang sunod na makita ay ang pag-ngiti ng mga mata nito at ang paglambot ng ekspresyon ng mukha. That— somehow— made her blush. What the heck?! "Kung hindi ko pa alam kung ano ang kaya mong gawin ay baka isipin kong inosente kang bata sa itsura mo ngayon," sabi pa ni Seann bago nito ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha. He grimaced. "When was the last time you washed your face and brushed your hair?" Again, her blood rushed up to her head in irritation. "Wala kang pakialam!" Napa-iling ito. "Very childish. Go wash yourself now. Papapasukin ko rito ang mga katulong para ihanda ang mga damit na dadalhin mo. You are coming with me." "And what made you think na sasama ako sa'yo?" "Well, I don't know. Would you rather stay here in this room for two more weeks? Ganoon ka-tagal na mawawala sina Kane at Uncle Damien. Your choice." "Well, it feels like I'm choosing between the devil and the deep blue sea! Give me option number three!" Seann scoffed in amusement. "Pasalamat ka pa nga at ilalabas kita—" "Wow, wala pa'ng isang oras ay nanunumbat ka na. Ganito ka pala?" Hindi na ito muling sumagot pa. Again, he gave her a bored look before turning his back and started walking to the door. Nang marating nito iyon ay muli itong nagsalita.  "You have ten minutes." He then opened the door and walked out. Inis niyang hinablot ang unan na nasa kama niya at ibinato sa nakasarang pinto. Huminga siya nang malalim upang alisin ang inis— hindi siya umalis sa kinatatayuan hanggang sa lumamig ang nag-iinit niyang ulo. Ilang sandali pa'y muli niyang narinig ang tinig ni Seann sa labas ng kaniyang pinto. "Your time is running— start moving." "Grr!" Padabog siyang naglakad sa pinto at sinipa iyon— na ikina-mura niya dahil nasaktan lang niya ang sarili. "I hate you!" sigaw niya rito bago tinungo ang banyo. *** "A backpack? Ano ang laman nito, tatlong pirasong panty?" Napa-iling siya nang marinig ang reklamo ni Roxanne matapos nitong makita ang isang backpack na nakapatong sa backseat ng kotse niya. Nasa driver's seat na siya at hinihintay ang paglabas nito mula sa front door ng mansion. Nang makita niya itong lumabas ay saka niya binuksan ang makina ng sasakyan.  Nang buksan na nito ang pinto ng front seat at akma nang uupo ay napasulyap ito sa backseat at nakita ang backpack nito roon.  "You only need a few clothes to where we are going—" "And where exactly are we going?" Hindi siya sumagot at sinuyod ito ng tingin mula sa paa paitaas. Roxanne was wearing highcut black converse shoes on her feet, very short tattered jeans with spandex shorts inside, and a white crop top T-shirt. Napa-iling siya.  "Hindi ka ba kakabagan d'yan sa suot mong damit?" Tinaasan lang siya nito ng kilay na lalo niyang ikina-iling. Ayaw na rin niyang makipag-argumento kaya hinayaan na lamang niya ito.  Hindi niya alam kung uubra ang suot nito sa unang destinasyong pupuntahan nila.  "Hop in. We have a flight to catch." "A flight to catch?" manghang ulit nito. "Saan mo ba talaga ako dadalhin?"  "Away from this house. Iyon naman ang gusto mo, hindi ba?" Nakikita niya sa mukha nito na hindi ito kombinsido sa sagot niya, at doon na siya nainis. Pahihirapan talaga yata siya ng babaeng ito. Bakit hindi na lang ito pumasok sa sasakyan at maupo na? Why did she have to make this hard for him? Hindi normal sa kaniya ang naiinis ng ganoon, kaya sandali niyang ipinikit ang mga mata at huminga nang malalim upang kalmahin ang sarili. Nang sa tingin niya'y nagiging kalmado na siya ay muli siyang nagsalita.  "Don't make me force you in, Roxanne." "Are you even capable of forcing a woman?" tuya nito.  "If the situation requires me to, then yes." Umikot ang mga mata nito, at nagulat pa siya nang bigla nitong ihampas ang mga kamay sa ibabaw ng kotse. Ini-tukod nito ang mga iyon doon, saka yumuko upang titigan siya nang diretso sa mga mata.  "Fine," she said. "Sasama ako hindi dahil gusto kitang kasama kung hindi dahil ilalayo mo ako sa lugar na ito. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang ikinu-kulong ako— kaya sasama ako sa'yo kahit hindi kita gusto. H'wag mong isipin na kaya ko ginawa ito ay dahil takot ako sa'yo— nagkakaintindihan ba tayo?" Subalit wala na sa mga sinabi nito ang pansin niya. Dahil sa ginawang pag-angat ng mga kamay ni Roxanne sa ibabaw ng kotse ay umangat din ang maluwag nitong crop top shirt dahilan upang tumambad sa kaniya ang makinis nitong tiyan; and that's where his eyes landed.  Not just his eyes but his attention, too.  At hindi niya alam kung bakit hindi niya maalis ang mga mata roon. He frowned.  Why did he feel like he was fascinated by it?  It was just a tummy. Roxanne's tummy.  Damn it. Iritableng inalis niya ang mga mata sa makinis na tiyan ng dalaga at ibinalik sa mukha nito. "Could you just get in?!" Muling umikot ang mga mata ni Roxanne bago pumasok sa front seat at malakas na isinara ang pinto. "Put your seatbelt on." "Don't order me around, okay? Kanina ka pa utos nang utos!" she said in her most annoying tone. Humalukipkip ito at hindi sinunod ang sinabi niya—dahilan upang lalo siyang mainis.  Kaya bago pa man maisip ni Roxanne ang sunod niyang gagawin ay mabilis na siyang kumilos. Hinila niya ang seatbelt nito at marahas na ikinabit dito na ikinasinghap nito. "Hey!" she snapped and tried to push him away. Pero bago pa man siya nito maitulak ay nakabalik na siya sa kinauupuan.  Sa mariing tinig ay muli siyang nagsalita, "Habang nasa pangangalaga kita ay wala kang karapatang magreklamo. I will be the one to run the show, Roxanne Marie Madrigal. So shush your mouth and just follow my orders. I need you to behave— or else, you will be sorry." Mangha siyang nitong titigan— her small pouty mouth formed an O and her big, round eyes got bigger in shock. Ibinaling niya ang tingin sa harapan kung saan niya nakita ang isang katulong na naghihintay sa gilid ng nakabukas na steel gate. Ibinaba niya ang handbrake upang patakbuhin na ang sasakyan. "Minsan ko nang sinabi sa iyo na sa susunod na mapasailalim ka sa pangangalaga ko ay hindi na ako magiging magaan sa'yo— so expect me to be harsh and rough on you, Roxanne." Sandali niya itong tinapunan ng tingin. "Maliban na lang kung magpapakabait ka?" Roxanne was about to answer when he blocked her off.  "Naging magaan ako sa'yo noon. And I even kept my promise not to tell Kane about the time when I caught you at the casino. You're the one who broke a promise, but I remained friendly at the time when I saved your ass from jail. Pero tulad ng sinabi ko noon ay may limitasyon ang lahat ng tao. And I have reached mine, Roxanne. So, you have no choice but to deal with me— since ipinagkatiwala ka sa akin ng pamilya mo. Kaya kung gusto mong maging madali ang lahat sa ating dalawa ay inaasahan ko ang kooperasyon mo. Don't you try to run away from me, nor sneak out and do some tricks— I have prepared contingency plans for you, so don't you dare or you will be sorry." Inis na nagpakawala ng paghinga si Roxanne saka sumandal sa upuan. She then folded her arms across her chest and looked away. Doon na niya inumpisahang patakbuhin ang sasakyan palabas sa malaking gate ng mansion. He was already driving the car on the highway when Roxanne started to speak again— in a neutral tone. "Kung alam ko lang na parurusahan mo rin ako ay sana hinayaan mo na lang akong mamatay sa gutom doon sa silid ko." "Pinaparusahan ka dahil sa marami mong pagkakamali, Roxanne. Don't make people feel bad about how they discipline you—" "Wala kang karapatang parusahan o disiplinahin ako, hindi kita pamilya." "Your cousin is like a family to me... he's my brother— which makes you like a family to me, too. And besides, I will repeat— Kane and your father have entrusted you to me. Kaya may karapatan akong parusahan ka sakaling may pagkakamali kang gagawin." Narinig niya ang pag-ismid nito. Her breathing was heavy; as if she was controlling herself not to burst. Alam niyang nag-uumpisa na naman itong mainis sa ginawa at sinabi niya— but she all deserved it.   Simula noon ay hindi na muling nagsalita pa si Roxanne— hanggang sa marating nila ang international airport kung saan naroon at naghihintay ang private plane na pag-aari ng Falcon Air.  Grand arranged for a plane for them to use— sa kabila ng mayroon na siyang naunang booking. Grand also made it possible for Roxanne's visa to be processed in twelve hours. Nakita niya ang pagtataka sa mukha ni Roxanne nang makitang hinihintay sila ng private plane ng Falcon Air sa tarmarc, subalit hindi ito nagtanong. Pagpasok nila sa loob ng private plane ay kaagad silang sinalubong ng dalawang babaeng attendant. They guided them to their seats and took their bags from them.  Just like Roxanne, he had only prepared a few clothes, kaya backpack lang din ang dala niya. Ganoon parati ang dala niya sa tuwing aalis siya. Nakasanayan na niya ang ganoon— he travels four times a year— sa tuwing school break at long weekend ay saglit siyang nagliliwaliw sa ibang bansa. He started doing it the day he graduated from high school, at ang mga bakasyong iyon ay hindi lang basta-basta bakasyon. Sa tuwing may dinadalaw siyang lugar ay nag-aabot siya ng kaunting tulong. He would often buy supplies like groceries, medicines, and or clothes to provide to poor communities. Iyon ang ginagawa niya lalo kung nasa isang mahirap siyang bansa. Kapag nasa first world countries naman siya napapadpad, he would often donate to charities for children and elderlies. Dumadalaw siya nang may dalang mga laruan o libro. Ganoon ang ginagawa niya sa tuwing nagbabakasyon siya. He didn't just travel for leisure— he travels to help. Sa katunayan ay mayroong orphanage na balak itayo ang buong grupo niya— orphanage para sa mga bata at matatanda. They were still planning for it, but every one of them seemed so excited by the project. At habang wala pa ang proyekto nilang iyon ay patuloy silang tumutulong doon sa orphanage na matagal nang sinusuportahan ng grupo. "Hoy Ventura." Natigil siya sa pag-iisip nang marinig ang pagtawag ni Roxanne. Naka-upo ito sa katabi niyang row. Nilingon niya ito at mula sa bintana ng panig nito ay nakita niyang nasa kalangitan na sila. He was thinking so deeply he didn't notice that they had already took off. "I need food," she announced. "Oh, so after four days, you have now decided to eat, huh?" Umikot lang ang mga mata nito at hindi na siya pinatulan pa. Bilib din siya kung saan ito nakakakuha ng lakas upang magpaikot ng mga mata gayong ang alam niya ay apat na araw itong hindi kumain ng kahit na ano. Napailing siya at nilingon ang kinaroroonan ng mga attendants. Sinenyasan niya ang isa sa mga ito na lumapit saka siya nag-utos na bigyan ng pagkain ang 'Prinsesa'. Makalipas ang ilang sandali ay may dala na ang mga itong dalawang tray na puno ng mga pagkain.  There were sliced fruits, grilled chicken, sandwiches, and Caesar salad. There was also a glass of pineapple juice and bottled water. Nang makaalis ang dalawang attendants ay mabilis na sinunggaban ni Roxanne ang grilled chicken; at sa paraan ng pagkakain nito ay may palagay siyang walang muwang ang ibang bagay at ibang tao rito sa mga sandaling iyon. Your rebellion won't help you grow... he whispered in his mind.  He leaned back in his seat and closed his eyes. The next few days would surely be a living hell— I need to sleep now while I still can. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD