New Adventures In Havana

2934 Words
Kalahating araw ang ibiniyahe nina Roxanne at Seann hanggang sa dumating sila sa airport ng Mogadishu. Ang private plane ng Falcon Air ay naghihintay na sa kanila sa tarmarc. Naunang bumaba si Seann at nagpaalam na kina Farah at Yusuf. May ibinibilin ito sa dalawa na tila negosyanteng nakikipag-usap sa mga kliyente.  Nakababa na rin siya sa jeep at sukbit na sa balikat ang bag, pero hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan. Nanatili lang siyang nakatingin kay Seann, tila nanonood ng magandang palabas sa sinehan. Hindi niya alam kung papaano siyang nakatulog kagabi. Naging mas mahirap sa kaniya ang gabing iyon kompara noong mga nakaraan dahil kagabi ay may napagtanto siya— she wanted to play fire with Ventura. Noong nakaraan ay sinabi niyang ayaw niyang mahulog dito— o magkaroon ng attachment dahil wala siyang intensyong maging malapit sa lalaki. Pagkatapos ng bakasyong ito ay uuwi siya ng Pilipinas, kukunin ang lahat ng mga kailangan niya at maglalayas na. She will disappear forever— at sisiguraduhin niyang mamamatay ang ama niya sa pag-aalala sa kaniya. At dahil sa mga plano niyang iyon ay wala siyang intensyong makipag-lapit ng loob kay Seann, o sa kahit kaninong kakilala ng pinsan at ng ama niya.  Pero kagabi ay nagbago ang lahat— she wouldn't leave without getting what she wanted. And that was Seann Matteo Ventura. Dati ay gusto niya si Grand Falcon. Na kung may lalaki man siyang gustong maka-una sa katawan niya ay si Grand iyon. Pero hanggang doon lang iyon— hindi ibig sabihin ay may damdamin para siya sa lalaki. Pagdating naman kay Seann Ventura... Damdamin niya ang tinitira nito, hindi katulad ng kay Grand Falcon na curiousity lang.  Noong unang mga araw ay pinigilan niya ang sariling magkaroon ng kahit na anong attachment sa lalaki. She didn't want to be close to him— she didn't want to feel anything for him despite the fact that Seann wasn't hard to like. May kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing magsasalubong ang mga mata nila na pilit lang niyang pinipigilan at nilalabanan. Pero kagabi... ay iba na ang tumakbo sa isip niya. She wanted Seann Ventura to take Grand Falcon's place in her dreams— and that was to be the man who she wanted to be her first. At iyon lang iyon.  He's sexy as f**k— I haven't seen Grand Falcon's naked chest so I'd go for Ventura this time. Kapag natapos ang bakasyong ito... at kapag nakabalik na kami sa Pilipinas, I will have him. And then, I will disappear. Nang makitang lumingon sa direksyon niya si Seann habang kau-kausap pa rin nito sina Yusuf at Farah ay bigla siyang napa-pitlag. This is insane. I am getting jumpy more and more each day! And that's all because of him! Man... you-are-dangerous. Pero nagtataka rin siya sa in-akto nito sa araw na iyon. Simula nang mag-umpisa silang bumiyahe patungo roon ay tahimik lang si Seann. Kinausap lang siya nito nang umagang nagising siya— tinanong kung gusto niyang kumain muna bago umalis. She refused, so they traveled to the airport with an empty stomach. And Seann Ventura didn't speak to her since. Natulog ito sa durasyon ng biyahe nila. Naisip niyang marahil ay hindi ito nakatulog sa buong mag-damag. Marahil ay nasikipan ito dahil halos sakupin niya ang buong tent. Pag-gising niya kina-umagahan ay mag-isa na lang siya sa loob. Hindi niya alam kung nakatulog ito o nagising lang nang maaga. Hindi rin niya alam kung ano ang nabungaran nito sa umagang iyon— pero kung ang nakagisnan nito ay katuld ng nakagisnan niya noong nakaraang umaga ay... Napangiwi siya.  Ano kaya ang unang naisip niya? O naramdaman? Napa-tuwid siya nang makitang tapos nang mag-usap ang tatlo. Lumapit sa kaniya sina Farah at Yusuf. Nagpaalam ang mga ito at nagpasalamat sa kaniyang pagdalaw at pag-rekomenda sa mga komunidad doon na tulungan ng kompanya ng ama. Bahaw na ngiti lang ang isinagot niya sa mga ito.  Paano nga ba tugunan ang pasasalamat ng tao?  She didn't know how it works, she never had this kind of conversation before... Matapos niyang magpaalam kina Yusuf at Farah ay sumunod na siya kay Seann na nauna nang naglakad patungo sa naghihintay na private plane. Sinalubong sila ng pilot at dalawang attendants. Si Seann ay wala pa ring imik hanggang sa makapasok sila sa eroplano. Pinili nitong maupo sa unahang row.  She sat just two seats behind him— doon sa upuang may kaharap na mesa at isa pang upuan. Mula sa kinaroroonan niya ay tanaw niya si Seann. Nakita niyang humilig ito sa kinauupuan at pinag-krus ang mga braso sa tapat ng dibdib. Matutulog ulit siya? Hindi pa ba sapat ang tulog na ginawa niya sa loob ng halos kalahating araw na biyahe patungo rito? Napanguso siya.  Siguradong iniiwasan akong makausap ng kumag na 'to. Something might have happened this morning while I was sleeping.  Napa-hawak siya sa baba niya. Did he wake up finding me holding his c**k-a-doo-la-doo? "Are you hungry?" Napa-angat siya sa upuan nang marinig ang tanong nito. Nakasilip ang ulo nito sa upuan sapat upang matanaw siya.  She thought he wasn't going to speak to her this whole time, mukhang hindi nakatiis. She cleared her throat and answered him in her normal tone— with angst and mockery, of course. "Why, I didn't expect that you still care?" Matagal bago ito sumagot. "You can ask the ladies to bring you food if you're hungry. May matino silang pagkain dito." Pagkarinig ng matinong pagkain ay napangisi siya at sandaling nawala sa isip ang tungkol sa lalaking kasama. Kumalam ang sikmura niya. Sinenyasan niya ang isang attendant na naroon sa unahan. Lumapit ito at nakangiting tinanong kung ano ang maitutulong sa kaniya. Tinanong niya kung ano ang mayroong pagkain ang mga ito, at nang sinabi nito ang pagpipilian ay lalong tumindi ang naramdaman niyang gutom. She asked for a grilled chicken, mashed potato, and vegetable salad. She also requested for a plate of garlic parmesan pasta, strawberry cheesecake bars, and a big glass of green mango shake. Ilan ang mga iyon sa options na sinabi sa kaniya ng attendant. Makalipas lamang ng limang minuto'y bumalik ito bitbit ang lahat ng mga hiningi niya. At nang mailapag na ang mga pagkain sa table niya'y biglang nagliwanag ang kaniyang paningin.  She could not believe she'd look at the food in a different way now. Bigla siyang nagpahalaga sa pagkain— sa isip ay sinabi niyang kailangan niyang ubusin ang mga iyon. Na wala siyang sasayangin kahit isang hibla ng pasta. Ang pagkaing nasa harapan niya ngayon ay normal na pagkain sa mansion ng kaniyang ama. Her father loved steak so much they would have it for dinner everyday. Pero dahil sa pagre-rebelde niya ay wala siyang ginawa kung hindi sayangin iyon. Naranasan niyang magutom noong bata siya sa poder ng kaniyang ina, pero dahil nilamon na siya ng galit at sama ng loob ay hindi niya naisip na may iba ring batang nagkaroon ng karanasang katulad ng sa kaniya, at ang iba'y namamatay sa gutom. Not until Somalia. Biglang humapdi ang kaniyang mga mata at pinamunuan ng luha. Masasarap na pagkain ang nasa kaniyang harapan pero naiiyak siya. Suminghot siya at kinuha ang malaking hita ng grilled chicken saka nilantakan iyon nang may luha sa mga mata. Napa-pikit siya nang malasahan ang linamnam. She chewed and swallowed with gusto— she had never been this happy while eating. Patuloy niyang nilantakan ang pagkaing nasa mesa niya nang muling marinig ang tinig si Seann. "Hey, Rox." Nag-angat siya ng tingin at nakita itong nakalingon muli sa kaniya. Pilit niyang nilunok ang pasta na hindi pa niya halos nangunguya. "W—What?" "About the other morning..." Yumuko siya para hindi nito makita ang biglang pamumula ng mukha niya. Nilantakan niya ang vegetabe salad at hinintay ang sunod na sasabihin nito. "About that morning," ulit ni Seann, "ano ang dahilan kung bakit nagalit ka?" Bigla siyang nabilaukan sa nilunok na lettuce at napa-ubo. Dinakma niya ang baso ng tubig na kasamang dinala kanina at lumagok nang sunud-sunod. Hinampas-hampas pa niya ang dibdib nang sumakit iyon sa biglaang pag-ubo, bago nauutal na sumagot. "I—I forgot. I— I don't remember." Si Seann na magkasalubong ang mga kilay na nakatanaw lang sa kaniya mula sa unahan ay hindi na nagsalita pa. Pero kung ang pagbabasehan ay ang ekspresyon ng mukha nito, mukhang hindi ito kombisido sa naging sagot niya. "W—Why?" she asked, hindi pa rin mawala-wala ang pagkakautal.  Nangyari na naman ba ang nangyari noong nakaraang umaga? Is that why you're aloof today? She couldn't ask him. Seann just shrugged his shoulders and leaned back to his seat. Napangiwi siya at muling niyuko ang pagkain. This time, she ate slowly. Sa isip ay naglalaro ang mga imaheng maaaring namulatan ni Seann nang umagang iyon. Siguradong naka-tanday na naman ang binti niya rito, siguradong nakayakap na naman ang kamay niya rito o... sa c**k-a-doo-la-doo nito. Pero pwede ring ito ang nakayakap sa kaniya at nakatanday— maaaring nagising ito at biglang nahiya sa sarili kaya bumangon nang hindi siya ginigising. Kaya siya nito tinanong kung ano ang dahilan ng ikinagalit niya noong isang umaga dahil naisip nitong baka iyon din ang namulatan niya. Yes, baka iyon nga. Sana iyon nga. I don't care what other people think about me, but I don't want him to think that I'm a pervert!  Well... maybe I am. Dahil iniisip kong bago ako mawala sa buhay ng mga Madrigal ay kailangang mai-kama ko muna siya.  She giggled at her own thoughts.  Geeze, I'm getting crazy... "Do you like the food?" Muntik pa siya ulit ubuhin nang marinig ang muling pagtanong nito. Nang sulyapan niya ito'y nakita niyang muli na namang naka-silip ang ulo nito sa kaniya. "Can you just let me eat in peace?" pagtataray niya upang pagtakpan ang patuloy na pamumula ng mukha. Her mouth was stuffed with food and she didn't want him to see how unattractive she looked. Plus, she was giggling because of that carnal idea, he must be thinking she'd lost her mind now. "Well, you look so happy while you eat your food, hindi ko maiwasang magtanong, anito na muling tuwid na naupo. "What's your favorite food?" Kumuha siya ng isang strawberry cheesecake bar at kumagat bago sumagot. "I don't really have a favorite food. I will eat anything as long as it's not spicy and or gingery." "Sa tingin ko'y magugustuhan mo ang mga pagkain sa sunod na lugar na pupunta natin." Nabitin ang pagsubo niya nang marinig ang sinabi nito. "Where are we heading next?" "You'll see." Umikot lang ang mga mata niya at isinubo ang kalahating bar ng cheesecake. "I have few friends to visit there. I met them two years ago, they are good people so I expect you to be nice to them." "Nakita mo ba akong sinupladahan sina Yusuf at Farah? Hindi, 'di ba? Wala akong binastos na tao sa Somalia, kaya hindi mo kailangang paalalahanan ako." Kinuha niya ang malaking baso ng green mango shake saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng eroplano. Dumidilim na ang langit. "Well, I just don't want you to show your bad side to my friends, most especially to Alicia." Nahinto siya sa pagsipsip sa straw nang marinig ang pangalang binanggit nito.  Alicia? A woman? "Why, is she your girlfriend?" taas-kilay niyang tanong. Hindi niya pinansin ang inis na naramdaman. Subalit hindi na sumagot pa si Seann. Ini-extend nito ang footrest ng recliner seat nito upang maging mini-bed at tuluyan nang nahiga. May dinukot din ito mula sa gilid niyon, hanggang sa may inilabas itong iPad at headphones. Inilagay nito sa tenga ang headphones at nanood ng kung anong palabas mula sa iPad. Kunot-noong niyuko niya ang gilid ng kaniyang recliner seat at sinilip kung ano ang mayroon doon. She saw a leather covered drawer. Binuksan niya iyon at nanlaki ang mga mata nang may makitang kaparehong iPad at headphones sa loob, ilang mga international fashion, lifestyle, sports and business magazines at dalawang klase ng libro. "Fancy..." manghang bulong niya at muli iyong isinira. Ibinalik niya ang pansin sa pagkain at inubos ang mga iyon habang panay ang sulyap sa lalaking nasa unahan. Nang maubos ay tinawag niya ang isang attendant at pinaligpit ang mga nasa table niya. Matapos iyon ay tumayo siya at nagtungo sa restroom na nasa likurang bahagi ng private plane. She washed her face and brushed her teeth to prepare for sleep. Paglabas niya ng toilet ay naka-dim na ang ilaw at nakasarado na ang lahat ng bintana. Ang isa sa mga attendants ay nakatayo sa gilid ng seat na nasa likuran ni Seann. May hawak itong blanket at hinihintay siya.  Naka-recline na rin ang upuang inalisan niya at may ilang mga unan. At last— I will have a comfortable sleep tonight. Lumapit siya at pumwesto na sa higaan. Ang attendant ay nakangiting ibinigay sa kaniya ang blanket. Nang umalis na ito'y lumuhod siya sa higaan niya at sinilip si Seann sa kabila. Nakita niya itong may suot na sleeping eye mask, sa tenga ay naroon pa rin ang headphones, at nakatakip ang buong katawan ng makapal na blanket. She scoffed.  Ayaw paistorbo ng kumag...  Humiga na rin siya at itinakip ang kumot sa buong katawan.  You have been acting so aloof the whole day... Malalaman ko rin kung ano ang eksenang namulatan mo kaninang umaga, Ventura. ***   "I'll buy you some clothes later." Sinulyapan niya si Seann na nakasandal sa isang seat habang hinihintay siyang lumabas ng toilet. Nagbihis lang siya sa loob— iyon na ang huling pares ng damit niya at hindi pa nalalabhan ang iba. Ipina-iwan ni Seann ang mga iyon at ibinilin sa dalawang attendants na dalhin sa laundry shop pagbaba rin ng mga ito.  Apparentlly, ang dalawang pilots at dalawang flight attendants na kasama nila sa private plane ay nananatili rin sa lugar kung nasaan sila. Naka-book ang mga ito sa hotel na malapit sa airport— iyon ay ayon sa isa sa mga attendants na nakausap niya kanina at kumuha sa backpack niya. Hindi niya naiwasang yukuin ang sarili nang makitang hinagod siya ng tingin ni Seann. She was wearing a tight black leggings and a bright yellow sleeveless crop top. Kaunting tingkayad lang ay lalabas na ang pusod niya at kaunting yuko lang ay lalabas na ang kaniyang dibdib. Mukha siyang pupunta sa Zumba class minus the sports bra, kaya hindi niya maiwasang mainis! Sasabunutan ko talaga ang katulong na naghanda nitong mga damit ko! Sinusuot ko lang ang top na ito kapag nasa pool ako o nasa beach! And I only wear this stupid leggings when I jog! Nakita marahil ni Seann ang inis sa mukha niya, kaya napangisi ito. Tuwid itong tumayo at naglakad na patungo sa nakabukas na pinto ng aircraft.  "Let's go— mahuhuli ka na sa aerobic class mo, Auntie," pang-aasar nito na lalong ikina-init ng ulo niya. Sinuyod niya ito ng tingin— at ang inis ay bahagyang nalusaw.  How can this man's broad shoulders and chiseled back look so appetizing now? Simula noong nakaraang gabi ay nag-iiba na ang tingin ko sa lalaking ito. His black cotton shirt was complementing his fair skin. Halos nakayakap na iyon sa matipuno nitong katawan. He was wearing a white cargo shorts and on his feet was a pair of black Adidas sneakers. Muli na naman nitong sukbit sa mga balikat ang backpack. Nang nasa pinto na ng aircraft si Seann ay muli siya nitong nilingon. Napangisi ito. "What? Aren't you attending your aerobic class?"  She scoffed. "Ang yabang nitong kamag-anak ni Dora The Explorer. Itulak kita r'yan sa hagdan, eh." Asar siyang humakbang pasunod dito. Nang nasa pinto na siya ng aircraft pababa sa hagdan ay sinalubong siya ng mabining simoy ng hangin. It was almost noon when they reached the next destination— at wala siyang kaalam-alam kung saan na namang bansa iyon. But the weather was... just like the Philippines'. Very tropical. Inikot niya ang tingin sa airport kung saan lumapag ang private charter. Bahagya na niyang narinig ang pagbati sa kaniya ng dalawang attendants. Sa baba ay kausap naman ni Seann ang piloto ng aircraft at mukhang may ibinibigay na mga instructions. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan habang ini-ikot ng tingin ang paligid. Sigurado siyang wala na sila sa Africa dahil hindi na puro disyerto ang nakikita niya sa itaas kanina habang pababa ang aircraft nila. Mula sa malayo ay may nakikita siyang mga puno— mga gusali at dagat. Where are we— Nahinto siya nang mapatingin sa malaking gusali hindi kalayuan sa kinaroroonan nila. Sa ibabaw ng gusaling iyon ay may nakasulat na— Welcome to Jose Marti Int'l Airport, La Habana, Cuba Namilog ang kaniyang mga mata.  Cuba? We are in Cuba?? Halos takbuhin niya ang hagdan pababa. Nang nasa landing na siya'y nakasalubong niya ang piloto na nakangiti siyang binati at sinabihang mag-enjoy, subalit hindi niya ito pinansin at halos takbuhin si Seann na naglalakad patungo sa isang pulang wrangler jeep na nakahinto sa gilid ng malaking gusali. It's crazy how these rich people have all the permissions in the world, bulong niya sa isip. Malapit na niyang maabutan si Seann nang biglang bumukas ang pinto ng driver's seat ng wrangler at iniluwa ang isang maganda at matangkad na babaeng naka-suot ng puting Coachella dress. Para siyang sasakyang biglang nag-preno nang makita kung papaanong lumapad ang ngiti ng babae at patakbong sinalubong si Seann. At nang makalapit ay mahigpit nitong niyakap ang lalaki. "I missed you, Papi!" She grimaced.  What—the—f**k? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD