Day 2 in Somalia: Shared Meal

2172 Words
Bahagya nang narinig ni Roxanne ang sunud-sunod na pagsinghap ng mga tao sa paligid nila matapos niyang itulak si Seann, na kung hindi marahil nakapag-handa ay baka bumagsak na mula sa kinauupuan. Seann just knew her better; he had already anticipated what she was going to do. Sa nanlalaking mga mata ay bahagya niyang inatras ang upuan, getting a few inches away from him. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit biglang ganoon ang naramdaman niya nang muling magkalapit ang mga mukha nila. She was getting out of hand. She didn't know why she was acting that way.  Why was she nervous, anyway? She became jumpy all of the sudden. At nagsimula lang iyon nang magsama sila ni Seann Ventura, 48 hours ago. "Mr. Ventura, is something wrong?' Natilihang ibinalik niya ang tingin kay Asad na sa mga sandaling iyon ay nalilitong ipinag-lipat-lipat ang tingin sa kanila ni Seann. Ang dalaga nitong anak na may hawak sa tasa ay natigilan din, at ang pag-abot ng tsaa sa kaniya ay nabitin sa ere. She opened her mouth to tell the hosts that she didn't want tea and would prefer coffee instead, but she felt Seann's foot under the table, giving her a not-so-gently kick. She grunted in slight pain and turned to him annoyingly, but Seann's attention wasn't at her, he was already facing the hosts with an apologetic smile. "I'm sorry about that, Roxanne here didn't get enough sleep last night and was being jumpy." Doon siya nito muling nilingon at sa nag-iigting na mga bagang ay nagpakawala ito ng huwad na ngiti sa kaniya. "Right, Rox?". Muli siya nitong sinipa sa paa— and she knew what it meant. Nag-ngingitngit din ang loob na ibinalik niya ang tingin sa mag-anak at pilit ang mga itong ningitian. "Humingi ka ng pasensya sa nangyari, Roxanne. Hindi sa akin, kung hindi sa kanila," he ordered, in a low, but dangerous tone. Ini-kuyom niya ang mga palad at sa mahinang tinig ay,  "Apologies." Pilit na ngumiti si Asad at Beydaan; sabay na tumango bilang pag-tanggap sa paumanhin niya.  Ilang sandali pa ay kinuha na ni Beydaan ang tasa ng tsaa mula sa anak at ito na mismo ang nag-abot niyon sa kaniya. Muli niyang naramdaman ang banayad na pagsipa ni Seann sa kaniyang paa sa ibaba ng mesa. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Tradisyon sa kanila ang mag-abot ng inumin sa mga bisita, at hindi ito dapat tinatanggihan," utos nito na ikina-init lalo ng ulo niya. "Tanggapin mo nang may pag-galang at saka inumin sa ayaw at sa gusto mo; h'wag kang mag-inarte." She gritted her teeth in annoyance.  "May araw ka rin sa akin, Ventura," pabulong niyang sambit bago inabot ang tasa ng tsaa mula kay Beydaan. Sandali niyang tinitigan ang mapusiyaw na berdeng inumin sa tasa at naka-ngiwing dinala sa bibig.  Lalo siyang napangiwi nang malasahan ang mapaklang inumin. Pinigilan niya ang sariling maubo at dumuwal; she had to, otherwise, Seann Ventura would start preaching on her again.  Sandali muna niyang hinayaan ang inumin sa loob ng bibig; hinayaan muna niyang masanay ang taste buds sa mapaklang lasa. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Seann. Bahagya itong yumuko upang muling ilapit ang mukha sa kaniya. "Lunok, Roxanne."  At ginawa niya— hindi upang sundin ang utos nito, kung hindi dahil sa makasalanan niyang utak na iba ang naisip matapos marinig ang sinabi ng hinayupak. Seann literally wanted her to swallow the tea, but her wild imagination went overboard. Hindi niya napigilang pamulahan ng mukha. "Tastes good, huh?" tuya ni Seann na ikina-kurap niya.  Kung ano'ng kalaswaan na naman ang sumagi sa isip niya, at doo'y napangiwi siya. Bakit ba kung anu-ano ang mga naiisip niya?  "You didn't like it, Miss Roxanne?" ani Farah na hindi na napigilang mag-tanong matapos makita ang kaniyang pagngiwi.  Doon siya nagpakawala ng pilit na ngiti saka muling hinarap ang mag-anak. "T—Thank you for the tea. It tastes different from what I always have, but it's okay." Inilapag niya ang tasa sa tabi ng plato; iyon ang una at huling beses niyang hahawakan ang tasang iyon. Pleased with what she said, Beydaan sat down and smiled back at her. Kinuha nito ang plato kung saan may naka-lagay na kanin na may halong samut-saring gulay. Ibinigay nito iyon sa kaniya. "This is called Bariis Iskukaris," Beydaan presented as she put a large portion on her plate. Matapos nitong maglagay ng kanin sa kaniyang plato ay bumaling ito kay Seann at nilagyan rin ang plato nito. Matapos iyon ay isinunod nitong ilagay sa plato nila ang isang savory meat dish. Seann murmured his thanks while she kept quiet.  She's not used to say her gratitude nor ask for apoligies— she wasn't the type of person who would do such things. Naka-score lang si Seann kanina nang pilitin siya nitong humingi ng pasensya sa in-akto niya. If it wasn't for the fact that he holds my fate in the next eight days, I wouldn't follow any of his orders! "Miss Roxanne, do you know that we have a certain way on how to eat here in Somalia?" tanong ni Yusuf na umagaw sa pansin niya. Kunot-noo niyang binalingan ito. "Way? Other than shoving the food into my mouth, chewing and swallowing it, is there any other way you Somali people eat your food?"  Hindi na naman nagustuhan ni Seann ang tono ng pananalita niya kaya muli siya nitong banayad na sinipa sa ilalim ng mesa.  "Watch it," babala nito na para lang sa pandinig niya. Napabusangot na naman siya. Gustung-gusto na talaga niya itong sunggaban.  Si Yusuf, na hindi pinansin ang sarkastiko niyang tanong, ay ngumiti at muling nagsalita. "As with many other cultures, like Filipinos as what Mr. Ventura once told me, Somali food is eaten with your right hand." Ibinalik niya ang tingin sa hapag at doon niya napagtantong walang kubyertos na naroon. Napangiwi siya at sinulyapan ang mga kamay. Kailan ba siya huling naghugas ng mga iyon? "Here's what you need to do, Rox," ani Seann bago pinagpagan ang kamay na marahil ay kasing-dumi na rin ng mga kamay niya. Nahihintakutang pinanood niya kung papaano nitong binalatan ang saging na nasa tabi ng plato nito, at ini-lagay sa ibabaw ng pagkain saka dinurog. She grimaced— not only for how dirty his hand was, but because she realized that the banana had something to do with the way Somali eat their food. "The idea is to mash the banana and incorporate it in the morsel you are going to eat," Seann started as he mashed the fruit on his food. "Somali cuisines are somewhat spicy if you didn't know. So, the sweetness of the banana nicely offsets the spice." Unti-unti nitong binuo ang pagkain sa gitna ng mga daliri.  In the corner of her mind, she was surprised to learn that Seann knew how to eat using just his hand. Hindi lahat ng mayayaman sa Pinas ay marunong mag-kamay. Nang bigla siyang sulyapan ni Seann ay napa-igtad siya— again, for no reason at all.  "If you're not used to using your hand, here's what you need to do. Watch." He molded the rice, viand, and mashed banana using his fingers and then lifted his hand to show her. "Use your thumb to push the morsel of food into your mouth." She sat there and watched him put the food into his mouth. She was mesmerized— not by the way he naturally did it, but by how he seductively shoved the food into his mouth. It looked so sexy it brought shivers down her spine. Sexy? Roxanne, what the f**k are you thinking? Kanina ka pa! Napalunok siya at niyuko ang pagkain upang hindi makita ni Seann ang biglang pamumula ng mga pisngi niya. Bahagya na niyang narinig ang pagpuri nina Yusuf at Farah kay Seann, as if it was an exhibition and they found it amazing. Of course she knew how to eat using her hands— hindi naman siya lumaking mayaman! He didn't need to show her! Tuloy, kung anu-ano ang pumapasok sa utak niya! But the problem was— she didn't want to eat her food without washing her hands. She just couldn't. "What's wrong?" tanong ni Seann makalipas ang ilang sandali. He was still chewing his food with gusto. "Marumi ang kamay ko," aniya na hindi nag-abalang salubungin ang mga tingin nito. "So?" "So?" she repeated and glanced at him. Seann had already swallowed the food in his mouth and was staring at her with curiosity. Sina Farah at Yusuf ay naka-mata rin sa kaniya.  "Kailangan kong mag-hugas ng kamay," mahina subalit mariin niyang sabi. "Hindi ka naman humawak sa lupa o sa kahit na anong maruming bagay, 'di ba?" "Hindi nga, pero—" "Hindi ka ba sanay na kumain ng marumi?" he asked, narrowing his eyes again to give her another warning. "Kumain ka at h'wag mag-inarte." Nagpakawala siya ng naiiritang paghinga. "Ventura— hindi ako nag-iinarte. Gusto ko lang kumain nang may malinis na mga kamay." "Kaartehan ang tawag doon, Roxanne." Napa-iling ito saka muling ibinaling ang tingin sa pagkain. "Kakain ka nang naka-kamay; nakapag-hugas ka man o hindi." "Hindi mo ako mapipilit na kumain nang may maruming mga kamay, Ventura—" "Kung tutuusin nga ay mas marumi pa ang budhi mo kaysa riyan sa mga kamay mo. At maliban sa budhi mo, marumi rin ang mga salitang lumalabas d'yan sa bibig mo. Kaya h'wag kang umastang naninibago; live with it." Muli itong sumubo at nginitian ang mga kasamang abala na sa pagkuha ng mga pagkain subalit nagtataka sa palitan nila ng mga salita. Napikon siya. "Putanginamo," she blurted, making Seann choke on his food.  Binalingan niya ang ibang mga kasama, at tulad ng ginawa ni Seann kanina ay ningitian din niya ang mga ito, pretending that nothing's going on between her and the arsehole.  She understood that Seann wanted them to talk in Tagalog so people around them wouldn't know that they were actually insulting each other. They were both smiling at each other pretentiously, just to make the Somali people believe they were on good terms.  Asad's family smiled at them, too. At nang maging abala ang mga ito sa pagkain ay sinulyapan niya ang kamay. Her fingernails were long but clean. But still. She didn't want to use her hand without washing it. She just couldn't.  Pinag-lipat-lipat niya ang tingin sa kamay at sa plato niya kung saan naroon na ang mga pinaghalu-halong pagkain. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ng naroon ay ang saging— pero ayaw niyang magtalo na naman sila ng magaling niyang babysitter, kaya sa sandaling iyon, ay nagpasiya siyang gawin na lang ang sinabi nito.  Huminga siya nang malalim at dahan-dahang ginalaw ang pagkain sa plato. Lihim siyang napangiwi nang durugin niya ang saging doon— katulad ng kung papaano iyon ginawa kanina ni Seann.  Oh, how she hated its texture and its taste! Kung may pinaka-ayaw man siya sa mundong ibabaw, maliban sa tatay niya, ay si Seann Ventura at ang saging! "I think Roxanne needs help," komento ni Seann. At bago pa man niya mahulaan ang gagawin nito'y inabot na ng magaling na lalaki ang kaniyang plato, hinawakan ang saging saka dinurog gamit ang kamay.  Nanlaki ang mga mata niya saka marahas na nag-angat ng tingin sa katabi. Doon ay nakita niya kung papaano nitong pinipigilan ang pag-ngisi habang nilalamutak ang pagkaing nasa plato niya. Nang ibalik niya ang pansin sa plato niya ay hindi na niya napigilan ang sariling mapangiwi sa harap ng lahat nang makita kung papaanong naghalu-halo na ang lahat ng pagkain doon na tila pagkain ng baboy. Seann Ventura was really messing with her and her blood started to boil again. Muli niyang itinaas ang mukha at akmang sisinghalan si Seann nang bigla na lamang itong dumakot ng pagkain sa plato niya at ini-ngudngod sa kaniyang bibig. "There. Eat. The food tastes amazing," he said as he pushed the food inside her mouth. His eyes were gleaming with laughter. Nanlaki ang mga mata niya at hindi kaagad naka-kilos dahil sa nangyari. Gusto niyang iluwa ang pagkaing ini-sisiksik ni Seann sa kaniyang bibig kung hindi lang niya napansin na ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanila. Everyone around the table were staring at her and Seann questionably— at hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pag-a-alinlangan na magpakita sa mga ito ng kabastusan. Gusto niyang sipain si Seann— at iyon na nga sana ang gagawin niya nang unti-unti nang kumalat ang lasa ng pagkain sa kaniyang dila.  The food tasted... minty— no, gingery— no, there was the sweet taste from the banana that she really hated— but there's more. Spice!  The food in her mouth was the spiciest thing she ever had in her entire life! And she didn't like spicy food, either! Sa pagkabigla ng lahat ay marahas siyang tumayo, at bago pa man siya magawang pigilan ni Seann ay mabilis na siyang tumakbo palabas.  She was gonna throw up. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD