Day 1 in Cuba: The Stirring Jealousy

2956 Words
"So happy to see you again, Alicia."   Lalong kumulubot ang mga labi ni Roxanne nang marinig ang sinabi ni Seann habang yakap-yakap nang mahigpit ang mala-Diyosang babaeng tinawag nitong Alicia.     Wait a minute...    Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi sa kaniya kagabi ni Seann habang nasa private plane sila.    "I just don't want you to show your bad side to my friends, most especially to Alicia."    Ha!  Mangha siyang napa-iling at humalukipkip habang hinihintay na matapos ang yakapan ng mga ito at maalala siyang ipakilala ng lalaki sa Alicia nito.     "How have you been?" tanong pa ni Seann sa malambing na tono. Out of the blue, she remembered that he also sounded that way when he saved her at the casino— noong unang dalhin siya nito sa ilalim ng tulay malapit sa boundary ng dalawang bayan. He was sweet to her then— until the day she broke his pretty nose.    "I'm doing well!" masiglang sagot ni Alicia. Sandali itong humiwalay kay Seann at nagniningning ang mga matang tiningala ang lalaki. "How long has it been since you last visited?"    "I don't know, maybe eight months?"    Alicia pouted beautifully. "You used to visit us every quarter."    "I know, I just got busy with the Corp. How's Miguel?"    "Oh, he's doing well. He's thrilled to see you again."    Seann chuckled and that pissed Roxanne off. Hindi niya alam kung bakit siya napipikon. Hindi niya alam kung bakit umiinit ang ulo niya habang sinusuri ng tingin ang magandang mukha ng babaeng kausap nito. Hinahanapan niya ng kapintasan ang babae subalit wala siyang makita!    The woman, Alicia, was very beautiful it made her heart ache. She had that typical Latina beauty and flawless honey-colored skin. She was also very tall— kung si Seann ay mahigit anim na talampakan, she would guess Alicia was between five feet ten inches to six feet. She would definitely pass as a Miss Universe candidate. Her long and wavy hair bounced as she moved, and her smiles were perfect. Even her voice sounded like a midnight female DJ— so sexy and delicate in her Spanish accent.   At hindi niya alam kung bakit naninibugho siya. Sa kada segundong sinusuri niya ng tingin si Alicia ay bumibigat nang bumibigat ang pakiramdam niya.    Bumaba pa ang tingin niya sa suot nitong white coachella-style dress. Umabot lang iyon hanggang tuhod, mababa ang V-shape neckline niyon— exposing the valley of her medium-sized breasts— at iyong strap ay manipis, exposing her luscious and velvety skin. Her legs were long and flawless, and on her feet was a pair of brown leather boots.     Goddamn it, she's fashionably sexy, inis niyang bulong bago niyuko ang sarili at sinulyapan ang itim na converse shoes, itim na leggings, at ang dilaw na dilaw niyang crop top.     Sasakalin ko talaga ang katulong na 'yon pagbalik ko!  Nanggigigil na muli niyang inangat ang tingin at doon ay nagtama ang mga mata nila ni Alicia.    The woman smiled at her which she answered with a scowl.     I don't befriend competitors.    Yes. Alicia was going to be her competitor when it comes to Seann.     Ventura is my prey. Try to snatch him away from me and I promise you— my fangs will tear your throat.    "Hey there," nakangiting bati nito sa kaniya. And by God, she was even more beautiful when smiles like that— ngiting-tagumpay!    Subalit hindi siya sumagot sa pagbati nito at nanatiling nakatitig lang dito.    Nilingon siya ni Seann; ang isang kamay nito'y naka-yakap pa rin sa likod ng babae— at doon bumaba ang mga mata niya. Hinihintay niya kung kailan nito bibitawan ang Alicia nito.    "Roxanne, this is Alicia. Alicia, she's Roxanne. She's my best friend's cousin."    "Oh, hi Roxanne. Welcome to Havana."     Wala akong pakialam sa'yo at sa teritoryo mo. Gusto niyang sabihin subalit minabuti niyang itikom ang bibig. Ang kaniyang mga mata'y nanatili sa braso ni Seann na nakayakap pa rin sa likod ng babae.   "Roxanne," untag sa kaniya ni Seann nang may babala.    Doon lang siya nag-angat ng tingin at nakasimangot na nagsalita. "I'm hungry."    Ang ngiti ni Seann ay unti-unting nalusaw nang balewalain niya ang pagpapakilala nito sa kanilang dalawa ni Alicia. Nakita niyang ang sigla sa mukha nito sa muling pagkikita nito at ng Diyosang si Alicia ay nawala. She could see how he clenched his jaw in controlled anger.     Good. Sana maramdaman mong ayaw ko sa presensya ng Alicia mo, 'Papi'. The last word brought a sour taste in her mouth. Gusto niyang masuka.     "Oh, I know a perfect place for lunch!" masiglang sabi ni Alicia upang hawiin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Seann. Napansin marahil nito ang palitan nila ng masamang tingin.     Ha! This biatch knows how to run a show, she thought again.    Inalis ni Seann ang tingin sa kaniya at pilit na nginitian si Alicia. "It's fine. I'd like to go to the sanctuary before we eat."    "But Roxanne says she's hungry, Seann?"    "Don't worry about her, she's used to starve herself for days." Muli siya nitong tinapunan ng nang-uuyam na tingin bago inalalayan si Alicia sa braso at iginaya na pabalik sa sasakyan.    Naiwan siyang nanlalaki ang mga mata sa pagka-pikon. Gusto niyang sumagot subalit hindi niya alam kung ano ang sasabihin nang hindi siya magmumukhang tanga sa harap ng kasama nito. Ang paghangang naramdaman niya sa nakalipas na mga araw para kay Seann ay unti-unting nalusaw— ang inis at sama ng loob ay muling nagbalik.    Get yourself together and calm down! H'wag mong hayaang kainin ka ng selos mo!    Mariin siyang napa-pikit nang marinig ang demonyo sa isip na sine-sermunan siya.     I am not jealous— why the f**k would I be?    Because that woman is a strong competitor! the demonic side of her brain answered.    Because that woman is someone Seann adored!    Because you knew Seann wouldn't give a flying f**k about you while you are here in Cuba because of Alicia's existence!    Because it isn't just curiosity that you are starting to feel, girl!    "Shut the f**k up!"    Nagulat siya nang napalakas ang pagmumura. Gusto lang naman niyang suwayin ang mga demonyong gumagatong sa nag-i-init na niyang ulo, pero napalakas ang boses niya at narinig iyon ni Seann na akma na sana papasok sa front seat, at ni Alicia na papasok na rin sana sa driver's side.    Both were shocked hearing her scream.    Bigla siyang kinabahan nang galit na isinara ni Seann ang pinto ng front seat at nag-uusok ang tenga na lumapit sa kaniya. Pagkalapit ay kaagad nitong dinakma ang kanang braso niya— at halos i-angat siya sa lupa sa pagkakahila nito niyon.    "Sinabi ko na sa'yo kagabi pa lang na h'wag kang magpapakita ng masama mong ugali rito, Roxanne—and you complied!" he was hissing at her just so Alicia wouldn't hear him. "And here I thought you changed!" Halos itulak siya nito nang bitiwan nito ang braso niya.    Mangha siyang napatitig dito. "Bakit sobra ka namang nagagalit ngayon? Sa dami ng kabastusang ginawa ko na nasaksihan mo sa nakalipas na mga araw, bakit ngayon ka lang nagalit nang ganiyan? Is that because you like that woman and you want me to be kind to her?"    He pointed his index finger in front of her face. "Behave."  Iyon lang at tumalikod na ito upang bumalik sa wrangler kung saan naroon pa rin at nakatayo sa gilid ng driver's side si Alicia. Nasa magandang mukha nito ang pagtataka at pag-aalala.    Mangha niyang naitukod ang mga kamay sa bewang at sinundan ng tingin si Seann. Bahagya na niyang narinig ang paghingi nito ng paumanhin kay Alicia at ang paliwanag nito kung sino siya at bakit siya naroon. Pero ang pag-aalala ay hindi pa rin nawala sa mukha ng babae. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Seann.    Ilang sandali pa'y nilingon siya ni Seann at sa tinig na puno ng babala ay, "Get in the car or we will leave without you." He then opened the front seat's door and swung in.    Alangang ngiti ang binitiwan ni Alicia para sa kaniya bago rin ito pumasok sa sasakyan.     Oh no, I won't let you have a great time with Alicia!  Nagngingitngit na humakbang siya palapit, binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at padabog na pumasok sa loob saka pahampas na isinarang muli ang pinto. Humalukipkip siya at nakabusangot na isinandal ang sarili sa leather seat.    Alicia looked at her through the rearview mirror, and as she started the engine, she spoke, "Don't worry, Rox. We'll grab something for you on our way to the sanctuary."    Umismid siya saka itinuon ang pansin sa labas ng bintana. "Just f*****g drive."    Doon marahas na lumingon si Seann. "I'm gonna duct-tape that mouth if you don't stop cursing, Roxanne."     Humarap siya rito at taas-noong sinalubong ang matalim na mga tingin nito— nasa kaniyang mukha ang panghahamon.    Seann clenched his jaw in annoyance. Huminga ito nang malalim at umiling saka inayos ang sarili sa upuan.    She smirked. Ibinalik niya ang pansin sa labas ng bintana upang hindi makita ng mga ito ang pagtatampo sa kaniyang mukha.    "I'm sorry about that, Alicia," paghingi ng paumanhin ni Seann.    "Oh, that's okay. She must have been exhausted from the trip."    "No, she just has a nasty mouth. Remind me to buy some duct tape for her."    "Oh, Seann, stop it."    Umikot paitaas ang mga mata niya saka umismid. They were talking about her as if she wasn't there! Pero minabuti niyang manahimik na.    In-iba ni Alicia ang usapan at tinanong si Seann tungkol sa lakad nito sa Somalia. She obviously knew Farah and Yusuf because she asked about them, too. Later on, they started to talk about things like new charitable organizations in Havana, the place she called 'sanctuary', and about 'the kids'— things that she didn't understand and couldn't relate to. So, she decided to just leave them alone and turn her attention outside the window.    Sa labas ay may nakita siyang maraming tao na naglalakad sa gilid ng kalsada— some were driving old model cars. Happy-looking people were conversing on the street, some were just there sitting at the corner, watching cars passing by. There were tourists, too —Caucasian and Chinese, who roamed the streets with a backpack.    Tahimik niyang binuksan ang bintana sa gawi niya upang maramdaman ang hangin sa labas. Ang klima ay hindi naiiba sa Pinas— it was humid. Ang kalsada at mga tao ay halos hindi rin naiba. Maliban sa ilang mga babaeng nakasuot ng mahabang palda at may telang naka-paikot sa ulo, ay halos pareho lang ang pananamit ng mga tao sa Havana doon sa Pinas. Ang mga gusali naman na hindi niya alam kung komersyal o apartment ay makukulay at magkakadikit. Sa mga sasakyan naman, maliban sa mga old-model private cars ay may nakikita rin siyang tila tricycle sa kalsada.    Cuba was almost like the Philippines— but not quite.     Sabagay, sinakop ng mga Español ang Pilipinas sa matagal na panahon, kaya hindi nakapagtatakang may pagkakatulad ang bansang iyon sa kinalak'han niya. At kung sa mga kalsada ng Pilipinas ay may maririnig na mga tugtog mula sa mga speakers, karaoke, at radyo, doon naman sa kalsada ng Havana ay may mga nagkalat ng street bands— iyon ay kinabibilangan ng may-edad nang mga lalaki na may hawak na gitara at mga conga drums. Havana seemed like a simple but happy place— at kung wala ang nakasisirang presensya ni Alicia ay magugustuhan niya roon.    Panakaw niyang sinulyapan ang babae sa driver's seat habang nakangiting nakikipag-usap sa walang'yang lalaking nasa harapan niya. Sa paraan ng pagsasalita nito ay ramdam niyang mabuting tao si Alicia. Kahit na sa ilang beses na tinapunan niya ito ng masamang tingin at inikutan ng mga mata'y hindi niya ito nakitaan ng inis o kahit na akong negatibong reaksyon. She would just smile at her as if she was smiling to a spoiled seven-year-old kid who was throwing a tantrum.     Oh s**t, that's not good. Ang tingin siguro sa akin ng babaeng ito'y batang kulang sa aruga.     Natigilan siya nang may mapagtanto.     Wait... that part was true. Bata akong kinulang sa aruga kaya ako nagkakaganito.    Doon ay napa-busangot siya at ibinalik ang tingin sa kalsada.     Even worse!    Nang maramdaman ang paghinto ng sasakyan ay napa-angat siya ng upo at muling ibinaling ang pansin sa dalawang nasa harapan na binuksan ang pinto at parehong lumabas.     Have we reached our destination?  Hinayon niya ng tingin ang paligid, at wala siyang nakita kung hindi purong mga makukulay na gusali pa rin at isang convenient store sa harapan. Akma niyang bubuksan ang pinto ng passengers' seat upang lumabas na rin nang pigilan iyon ni Seann at yukuin siya sa nakabukas na bintana.    Gulat siyang napa-atras ng upo.    "Stay here. May bibilhin lang kami— hindi mo kailangang sumama." Walang emosyong sabi nito bago tumalikod at sumunod kay Alicia na pumasok na sa convenient store.    Umawang ang bibig niya sa pagkamangha. Lalong nadagdagan ang sama ng loob niya sa lalaki.  Wala pang isang oras simula nang dumating sila roon ay abot hanggang impyerno na ang inis niya para rito! Kung tratuhin siya ay ganoon na lang! Mas malala pa ang trato nito sa kaniya noong naroon sila sa Somalia!    Inis niyang sinipa ang upuan nito sa harapan.  Hindi pa siya nakuntento— sinipa pa niyang muli iyon ng ilang beses upang ilabas ang namumuong inis sa dibdib, at nang mapagod at nang pakiramdam niya'y okay na siya, ay huminto siya at huminga nang malalim.    Wala pang sampung minuto'y nakabalik na sa sasakyan ang dalawa bitbit ang dalawang malalaking paperbags na puno ng laman. Bago buksan ang makina ng sasakyan ay may kinuha muna si Alicia sa loob ng isang bag at may inabot sa kaniya.    It was something that smelt food. Parisukat na bagay na nakabalot sa upak ng mais.    "This is one of our country's delicacies— it's called Cuban tamales. Try it," nakangiti nitong sabi habang ini-aabot iyon sa kaniya.    She didn't want to take it, really. She didn't want this woman to feed her nor show her some kindness— all because she didn't want to end up liking her.    Pero iba ang ginawa niya.  She wasn't that hungry but the smell of the tamales was very inviting she ended up taking it from her.     Marupok ka sa mga ka-kompetensya mo, Roxanne Marie Madrigal, tuya ng demonyo sa kabilang bahagi ng isip niya.    Nagbitiw ng matamis na ngiti sa kaniya si Alicia bago nito ibinigay ang hawak na paperbag sa tahimik na si Seann saka inumpisahan na ang pagmamaniobra ng sasakyan.    Matagal niyang tinitigan ang pagkaing hawak. It was still warm and it smelt appetizing. But she didn't know how to eat it.    Hindi niya alam kung gaano niya katagal na tinititigan lang ang hawak hanggang sa muling nagsalita si Alicia.  "Aren't you eating it? Tamal is really good, you should try it. And it tastes better if you eat it while it's warm." Muli nitong ibinalik ang pansin sa daan.    Sinulyapan niya ito sa pamamagitan ng rearview mirror at sandaling tinitigan. Alicia's eyes were always smiling as if she was always happy. Inilipat niya ang mga mata kay Seann na tahimik lang na naka-tingin sa labas ng bintana. Nakangalumbaba ito roon at mula sa rearview mirror ay nakikita niya ang pagsasalubong ng mga kilay.    Muli niyang niyuko ang hawak na pagkain. "They sell this in the convenient store?"    Alicia chuckled. "Welcome to Havana."    Hindi na siya sumagot pa at inumpisahan nang tanggalin ang tali ng hawak na tamal. She slowly peeled off the cornhusk and then stared at the food like it was some kind of a wondrous thing.    "Seann mentioned that this is your first time here in Cuba," sabi ni Alicia na muling nagpaangat ng tingin niya rito. "You are staying here for two nights, so I'll make sure that you have a fun experience." Sandali siya nitong nilingon na ikina-sandal niya sa leather seat. "Leave everything to me." Alicia then winked and turned back her attention on the road.    Napa-ngiwi siya.  How can this woman make my heart skip a beat? And why am I slowly liking her? Ugh! Not cool!    "I am Seann's tour guide s***h best friend here in Cuba, so if you need anything, just let me know, Roxy. I'll make things possible for you," masiglang dagdag pa nito.    Umismid lang siya saka dinala na sa bibig ang pagkain. She took a small bite at first, chewed it slowly, and when her taste buds approved, she took another bite and then another.   "I'm glad you like it," nakangiting wari ni Alicia na sandali niyang ikina-tigil.     Can't she stop talking to me?! Bubusalan ko ang bibig ng babaeng 'to!    Nilunok muna niya ang laman ng bibig at akma sanang sasagutin si Alicia na hindi niya nagustuhan ang pagkain at talagang gutom lang siya nang biglang nagsalita si Seann at kinausap ang katabi.    He probably knew she'd say something nasty so he beat her off. Tinapunan niya ng masamang tingin ang lalaking nasa harap at pinigilan ang sariling sipaing muli ang kinauupuan nito. Inubos niya ang hawak na pagkain sa isang subuan lang at nagngingitngit ang loob na ni-nguya iyon.    Humalukipkip siya at habang ngumunguya ay pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang nag-uusap.    Alicia was a jolly person— that she could tell. And Seann was laughing at her stories as she'd never seen before. He was happy to be with Alicia— he was enjoying her stories and he stared at her like she was a deity who could make miracles.    At naninibugho siya.     Bakit ganoon? Tanong niya sa isip habang patuloy na pinaglilipat ang tingin sa dalawa.    Napa-tigil siya sa pag-nguya nang biglang kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib. Bakit ... parang bagay sila? ***

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD