“ And now let us give the warmest applause to our sponsor responsible for the construction of our new station… no other than Mister Dos Coloner, the famous multi billionaire businessman in today’s era!” malugod na sambit ng emcee sa harapan ng mga kapulisan na naroon ngayon. Matagal nang luma ang kanilang station ngunit walang pondong ibinibigay ang gobyerno para sa pagpapatayo ng bagong building. So, si Dos Coloner nga ang anghel ngayon sa siyudad nila dahil ito ang nagbigay ng malaking pondo para sa pagpapatayo ng bagong station nila .
Lahat ay nagsipalakpakan nang umakyat ang binata sa taas ng entablado maliban sa kan’ya. He hates him so much especially when she remember the mistake she committed that night with him. Ang lalakeng ito ‘ata ang kinasusuklaman niya sa lahat.
“ Hoy, ang gwapo niya noh? May girlfriend na kaya ‘yan? You see mukhang mabango at nakakasilaw ang kagwapuhan ni Mister Coloner!” bulong sa kan’ya ng kaibigang si Daena.
Napaismid naman siya sa narinig. Yes, lahat ng babae ay nagkaka crush kay Dos especially his badboy look , maangas , lalakeng lalake kung pumorma. Wait, is she describing him according to her perception? Noooo,she really wants to kill him right now. At ano na naman kaya ang drama nito ngayon? He donated billions to their agency for what?
“ ‘Yan gwapo? Itsura pa lang n’yan parang kada minuto kung magpalit ng babae. “ nakakunot ang kilay niyang sambit.
Nagsasalita si Dos sa harap ng stage ngunit hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito dahil sa inis niya.Kitang kita naman niya ang mga kababaihang pulis na kulang na lamang ay tumili habang nagsasalita ang binata. He even smiled at them showing his white teeth and killer smile.Napailing na lamang siya.Ang sarap batukan ang Coloner na ‘to. Pumunta ba ito ngayon rito upang magpapacute sa mga babae? The nerve of this man! Ang mga nakakataas naman ay parang santo kung ituring si Dos.
“ I just have a special request from your office General Dizon. I really have a hard time in my business right now in terms of security kaya I want to ask security from your good office for my protection. You know, I receive lots of threats lately so I think a security team can help me.” patuloy na sambit ni Dos Coloner sa taas ng entablado. Tumayo naman si General Dizon at lumapit sa lalake.
“ Well don’t worry Mr. Coloner! I will send a team to your office on Monday…” General Dizon assured.
“ Can I request the team of Major Lyka Mondragon I heard ang galing nila .” he said at parang cctv ang mukha nito na tila may hinahanap sa sandaling ‘yon at tumigil lamang ang pag iikot ng mga mata nito nang napako ang tingin sa kan’ya. Nakita niya ang nakaipit na ngiti sa mga labi ni Dos habang nakatingin sa itsura niya na tila naestatwa sa oras na iyon. She can’t believe it! Tarantado talaga si Dos, nangungutya ang mga titig nito sa kan’ya at sa oras na iyon ay gusto niya talaga itong bugbugin. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin titigil si Dos ? Hindi ba ito nagsasawang sirain ang araw niya at pati ba ngayong may trabaho na sila at may kan’ya kan’ya nang buhay ay patuloy pa rin siya nitong aasarin at kukulitn?
“ Of course Mister Coloner! Asahan niyo po ‘yan! Isa sa pinakamagaling na team ang pinili mo .” pagsang-ayon ni General Dizon sa sinabi ni Dos.
“ Well thank you so much General!” hanggang teynga ang ngiting sambit ni Dos.
Pagkatapos ng maikling programa ay may salu-salong hinanda para sa lahat. Dos sat together with the higher ups. Siya naman ay kasama si Daena at ang lima pang kasamahan nila para sa team na ipapadala kay Dos Coloner.Habang kumakain ay pinag-uusapan na rin nila ang tungkol sa bagong duty nila bilang personal escorts ng negosyante.HIndi naman siya makaalma dahil mismong si General Dizon ang kumausap sa kanila kanina. Pahamak rin naman talaga si Dos dahil ito pa talaga mismo ang nag request na ang team niya ang ipapadala.
General Dizon likes Dos to be fully secured. At gusto nitong makatanggap ng good ratings and impressions mula sa negosyante .So, wala talaga siyang choice kundi ang sumunod sa lahat ng utos ni Dos Coloner kahit labag iyon sa loob niya. Trabaho lang at walang personalan kumbaga.
“ Girl, tayo na ‘ata ang pinaka swerte sa lahat! Imagine, araw-araw kong makikita at makakasama si Mr. Coloner? My god, sana forever na tayo sa poder niya noh? Ano kaya kung pipikutin ko ‘yan?” bulong sa kan’ya ni Daena na hindi pa nakaka move on kay Dos.
“ Huwag na, masasaktan ka lang sa lalakeng ‘yan!” saway niya rito.
“ Teka,ba’t parang kilalang kilala mo siya? Naging kayo ba? Hmmm, ex mo siya noh tapos iniwan ka niya para sa ibang babae kaya ngayon ay ampalaya ka?” walang prenong wika ni Daena na nagpakunot sa noo niya?
“ Yes kilala ko ang lalakeng ‘yan dahil magkaklase kami n’yan simula pa nung kindergarten pero ‘yung sinabi mong ex ko ‘yan? Yikes, ex-cuse me, napaka antipako ng lalakeng ‘yan! ‘Yan ang pinaka playboy at basagulero sa quadroplets! ” wika niya.
“ Pero may something sa voice mo eh! Okay na sa’kin kahit isang oras lang niya ‘kong gawing girlfriend basta matitikman ko siya. Napaka-yummy siguro n’yan noh?”
“ Huh? Ay ewan ko sa’yo Daena! Teka, lumabas na muna tayo pwede? Naiinitan ako eh!” tumayo siya at hinila ang kaibigan palabas. Paano ba naman, nakita niyang tumayo si Dos at palapit sa kinaroroonan nila.Gusto niyang iwasan ang lalake kaya bigla siyang tumayo at hinila ang kaibigan para iwasan ang impaktong Coloner . Baka kung ano pa ang magagawa niya sa lalake’t nakakahiya sa mga higher ups nila at baka sasabihing may namamagitan sa kanila ni Dos.
“ Teka nga muna, naka-aircon sa loob pa’no naging mainit huh? “ malakas na hiyaw ni Daena nang nakarating na sila sa labas .
Magkaharap silang umupo ni Daena sa silyang gawa sa native rattan. Nakaharap siya sa kaibigan at sa malawak na garden ng convention area.Si Daena naman ay nakaharap sa kan’ya at sa exit door kung ‘asan sila dumaan kanina. Walang tao sa bahaging iyon kaya kahit malakas ang boses nila ay walang makakarinig.
“ Wow, anlaki ng muscles….makinis ang skin…. Napakatangkad…napaka gwapo at nakabakat talaga ohhhhh!” malakas na wika ni Daena sa kan’ya. Nakatingin ito sa likuran niya habang nagsasalita pero hindi niya ito pinapansin.
Naloloka na ‘ata ito kay Dos. Bakit ba lahat ng mga kababaihan ay ganito maka-react kay Dos? Siya lang ‘ata ang iba sa mga ito dahil kay Alas lamang siya humahanga. Nakakalungkot isipin na hindi man lamang siya type ni Alas.
Naalala niya noong may camping sila sa school noong first year high school pa lamang sila nang sinubukan niyang lapitan ito.
“ Hi, Alas! You need help?” wika niya nang makitang naghahanap ito ng firewood para sa bonfire nila.
“ L-Lyka? D-don’t come near me. B-bumalik ka na doon sa site kaya ko ‘to!”
“ Ba’t gusto kong tumulong Alas…” she insisted. Gosh, lihim siyang kinikilig kay Alas.
“ Just g-go Lyka please baka may snakes rito.”
“ I’m not afraid of snakes.Ohhh tingnan mo ang pawis mo oh.Let me clean it!” kumuha siya ng panyo at lumapit kay Alas at pinahid ang mga pawis nito gamit ang panyo niya. Tumigil naman si Alas at natulala ito nang pagmasdan ang mukha niya. Well maybe, he is starstrucked with her beauty. Ang sabi ng mga kaklase niya ay ibang iba ang kagandahan niya. Well she always thanked her mom, Jamilla Sta. Rita for her unique beauty.
Lihim siyang kinikiliga nang tumigil si Alas habang pinupunasan niya ang mga pawis nito.
“ Ehhhhmmm, Alas I told you not—---”
Biglang naputol ang eksena nila ni Alas nang dumating ang kapatid nitong antipatiko na si Dos.
“ Sige, Lyka I got to go now…Thank you!” nagmamadaling sambit ni Alas sa kan’ya at parang bula itong naglahong bigla.
Mabilis naman siyang tumakbo at hinabol si Alas. May ginawa ba siyang masama rito ? Ba’t tila bigla itong natakot nang dumating si Dos?
Malayo na siya nang maalala si Dos na hindi man lamang niya tiningnan.Well, she doesn’t care at all!
" Hoy, gumising ka na nga Daena! Ano ang dapat hangaan sa taong 'yun eh puro porma lang naman at papogi ang alam? He is just a ladies man! Akala siguro niya, lahat ng babae ay makukuha niya qa isang pitik lamang ng daliri niya! Hay naku, if I we' re you patayin mo ang paghanga na 'yan habang maaga pa dahil wala kang makukuha sa Coloner na' yon kundi sakit at kunsumisyon lang! Trust me! " malakas na sambit niya habang nakatingin sa kaibigan.
Habang nagsasalita siya ay nanlalaki ang lga mata nito at mahaba ang ngusong nakapoint sa harapan niya. Pero patay malisya siya rito.
"Wala ka nang bukambibig d'yan kundi super gwapo ni Dos, super kinis, nakaumbok ang harapan! Letse! Ang sarap bugbugin at ilampaso ang mukha ng gagong 'yon sa sahig!" patuloy pa rin niya.
"Psssstt...." wika ni Daena na panay nguso sa likuran niya.
"Ano ka ba Daena? Ano bang problema mo ha? Sino ba ang nasa likuran ko at panay ang------" natigilan siya nang bumaling sa kanyang likuran at nakita ang lalaking pinag-uusapan nila sa likuran niya.
"Sir...." putol ni Daena sa anumang sasabihin niya.
"Hmmm, mukhang ang sarap pakinggan ang lahat ng sinabi sa akin ni Miss Mondragon ah? Kung nakakamatay ang mga salita siguro nasa punerarya na'ko ngayon right Miss Mondragon?" wika nito habang nakatitig ng seryoso sa kan'ya.
"Ahhh sir, excuse me ah? Hoy Lyka ikaw na ang mag-explain kay sir ah bye!" mabilis na tumayo si Daena at bigla na lamang naglaho sa paningin niya.
Para naman siyang natulos sa kinauupuan niya. Nakita niyang naglakad si Dos patungo sa upuang iniwan ni Daena.
" So, what's your problem with me Lyka? You don't really find me attractive right?" panimula nito.
"Do I really have to answer that Mr. Coloner? You are just my boss now at wala kang karapatang tanungin ako tungkol sa bagay na 'yan! Thats out of my jurisdiction to answer that stupid question!" she said.
"I see, galit na galit ka sa akin dahil sa nangyari sa atin right? Pero kung ang kapatid ko ba ang kasama mo n' ung gabing 'yun magwawala at magagalit ka ba ng ganyan?" walang kangiti ngiting wika ni Dos sa kan' ya. Nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito sa sandaling 'yon.
" Listen, k-kinuha mo ang isang bagay na sa taong mahal ko lang dapat ibigay! "
" So you love him? How stupid! Don' t you know na may fiancee na siya?" he sounds so sarcastic at that moment.
Natigilan siya. May pinong kirot ang naramdaman niya sa puso. He is engaged now and there's nothing she can do.
" Listen Lyka, kung importante sa 'yo ang virginity mo then why not marry me? " he started.
" Sira ka ba? Mamamatay na muna ako bago kita pakakasalan!" aniya.
Natahimik ito.
"Okay kung ayaw mo edi' wag!" he said.
Bigla siyang napatayo habang nakatutop ang isa niyang palad sa bibig niya.
Bigla na lamang siyang napasuka. Mabuti na lamang ay maagap siya.
"Agggghhhh!" hiyaw niya nang muli na naman siyang nasusuka.
"Are you okay?"nag-aalalang tanong ni Dos na nakalapit na rin pala sa kan'ya.
Tumango siya at mabilis na naglakad palayo sa binata. Ano kaya ang nakain niya kanina? Ba't bigla na lamang sumama ang pakiramdam niya. Dinama niya ang sarili niya parang gusto niyang lagnatin kaya nagpaalam na muna siya kay Daena at sa station commander nila na uuwi na muna siya saglit dahil baka mahihimatay siya kapag hindi siya makapagpahinga.