" Seriously, kailangan ba talaga niya ng security? Eh andami na nga niyang personal bodyguards eh!" wika niya kay Daena na nasa tabi niya habang nakatayo sila sa tapat ng pintuan ng opisina ni Dos. Lima silang naka-assign sa pagiging personal ni Apollo Dos Coloner.
" Huwag ka nang umangal bess.Mas gusto ko pa talaga rito keysa sa station dahil araw-araw kong makikita ang dream boy ko na super gwapo at hot!" kinikilig na sambit ni Daena. Tinadyakan niya ang isang paa nito.
"Parang nilalaro lang tayo ng Dos na 'yan eh! Porke't mapera at makapangyarihan siya, may karapatan nang mag-request ng security kahit sang katerba na naman ang mga personal bodguards niya! May saltik siguro ang taong 'yan o 'di kaya'y maraming kaaway dahil sa kayabangan!" inis niyang wika .
" Major tawag po kayo ni Mister Coloner!" bulong sa kan'ya ng isang tauhan niyang pulis na si Josh.
Napailing siya. Ano naman kaya ang kailangan sa kan'ya ng lalakeng 'yon. Hanggang sa trabaho ba naman ay hindi siya nito titigilan?
" Is there any problem Miss Lyka Mondragon?" seryosong tanong ni Dos habang nakaupo ito sa office chair paharap sa kan'ya. He is seriously examining her face then she saw his eyes lingers on her chest.
" Problema ba? Oo kasi I think hindi mo naman 'ata kailangan ng security from the police department kasi napakarami mo nang alagad." sagot niya sa binata. Wala naman itong ginagawa halos buong araw itong nagpapapogi lamang sa loob ng opisina and it does'nt satisfies her a lot. Siya kasi 'yung tipong mahilig sa thrill at action kaya kahit Major na siya ay tumutulong pa rin siya sa pag-iimbestiga ng mga kaso.Sa katunayan ay marami na siyang natulungang kaso.Mula pagkabata ay pangarap na talaga niyang maging isang police.
" Ohhhh is that so? Wait ....." he directed at the telephone and started calling someone.
Tahimik lamang siyang nakatingin kay Dos habang naghihintay ito na sagutin ng sinumang tinatawagan nito.He really looks like Alas, syempre naman noh, quadroplets ang magkakapatid kaya magkakamukha talaga because they are also identical.Itong si Apollo Dos lang talaga ang mukhang antipatiko sa magkakapatid.
" Jacob, instruct your team that starting tomorrow you'll be on a vacation.Tatawagan ko lang kayo ulit kung kailangan ko na kayo."
Napatapik siya sa kan'yang noo nang marinig ang sinabi ni Dos.Huh? Baliw ang Coloner na 'to as in!
" So, pina-bakasyon ko na silang lahat Miss Mondragon.May problema pa ba?" baling nito sa kan'ya nang makita ang reaksyon niya.
" You're unbelievable Apollo !"
" Is that reasonable enough for me to be needing security now? Pinabakasyon ko na sila ah ,so move that ass Miss Mondragon!" pilyong ngiti ang isinukli ng binata nang makitang napapailing siya sa sinabi nito.
" YOU didn't get me right Mister Coloner, kami ang dapat mong palayasin at hindi ang mga tauhan mo!"
" Ohhh, I'm so sorry Lyka but do you think you can escape from me after what happened between us? Hindi na Lyka,dahil simula nang nakuha kita ....akin ka na....at wala nang ibang makakahawak, makakatitig sa'yo maliban sa akin simula sa araw na ito!" He started moving and walking towards her position.
" Huwag kang lumapit Apollo! D'yan ka lang!" banta niya sa binata , he is almost too closed at her that she can hear him breathing heavily.
" Naintindihan mo ba ako Lyka? Narinig mo ba ang sinabi ko o uulitin ko pa?"
" Wala kang karapatan sa akin Mister Coloner! That was just a mistake, a one night mistake na pinagsisisihan ko!"
" Oh really? Let's wait until a couple of weeks from now!" nangungutyang wika ng binata habang nakatingin sa mukha niya.
" If you don't need me, I shall go now!" wika niya sabay talikod sa binata at humakbang palabas ng pinto.
" Oh anyare bess ba't namumutla ka? May nakita ka bang multo sa loob ng office ni Mister Coloner?"
" Ha? W-wala, nag-usap lang kami tungkol sa duties natin."
" Hmmm, araw araw na raw ba hanggang sunday?" gigil na tanong ni Daena.
" No, hanggang friday lang tayo dahil wala siya saturday and sundays sa work. On call tayo kapag saturday!" sagot niya rito.
" Ay, akala ko pa naman araw-araw ko nang makikita ang crush ko!" dagdag pa nito.
Kinabahan siya kanina sa inasta ni Dos. Sinapian kaya ang lalakeng 'yon ng masamang espirito?
Patuloy pa rin niyang inuulit ulit ang kataga ni Dos kanina.
"Simula nang makuha kita ....akin ka na....at wala nang ibang makakahawak, makakatitig sa'yo maliban sa akin simula sa araw na ito!"
Ano ang ibig sabihin ni Dos? Is he claiming her as his now?Bakit bigla na lamang itong naging possessive sa kan'ya?
She tried to rewind the scenes and everything.
He intentionally punched Mayor Zandro. Palagi siya nitong binubully, for what? Dahil ba may lihim itong pagtingin sa kan'ya? He can't catch her attention that's why he keeps on bullying her para pansinin niya ito ! Is that so? Tama ba ang hinala niya na may gusto sa kan'ya si Dos?
" s**t, no!" she uttered na ikinagulat ni Daena.
" Okay ka lang bess?"tanong nito.
" O-Oo Daena....may bigla lamang akong naisip." aniya rito habang nagdadalawang isip pa rin kung tama ang hinala niya. Impossible rin naman talaga dahil sa tanang buhay niya ay mortal enemy niya si Apollo Dos Coloner.Simula pagkabata ay madalas na silang mag-asarang dalawa.
" Excuse me ma'am....snack time..." nakangiting wika sa kanila ng sekretarya ni Dos.may dala itong tray na may lamang dalawang sandwiches at dalawang taza ng inumin.
" Miss,seryoso ka bang gatas ang ipapainum mo sa amin?" Natatawa niyang tanong sa sekretarya.
" Oo nga Miss, coffee ang para sa aming mga pulis! Baka matutulog kami sa gatas!" natatawang wika ni Daena nang makita nag umuusok na tasa na may gatas.
Nakitawa na rin siya dahil hindi niya inexpect na 'yun ang ipapainum sa kanila. Sa tanang buhay niya bilang pulis ay ngayon siya naka-experience ng ganito.
" Sorry po ma'am pero utos po ni boss eh!" malungkot na saad ng babae.
" Ah eh, siya nalang ang painumin mo Miss baka kailangan niya ng gatas para mas lumaki pa siya!" biro niya sa babae.
" Kunin n'yo na po , ang sabi niya tatanggalin niya raw po ako kapag hindi ko kayo na-convince eh."malungkot na wika ng sekretarya ng binata.
Nagkatinginan sila ni Daena. Wala silang nagawa kundi kunin ang meryenda sa babae.Nagpasalamat naman ito nang makitang kinuha na nila ang mga taza sa tray.
" Sige Miss, kung hindi lang siya nagbanta eh hindi talaga namin 'to iinumin!" wika ni Daena habang nakatingin sa kan'ya.
" Patatabain siguro tayo ni Mister Coloner rito ah!" di makapaniwalang sambit ni Daena sa kan'ya.