Wala siyang nagawa dahil ang daddy niya mismo ang pumilit sa kan'ya na makipag-date kay Mayor Zandro. Kaarawan raw nito bukas at hiningi nito ngayon na makasama siya at dahil panay ang hindi niya sa binata ay ang daddy niya ang niligawan nito at ang daddy naman niya ay pumayag at paggising pa lamang niya ay ang seryosong mukha na nito na ang bumungad sa kan'ya.
Kahit beinte tres na na siya ay ayaw pa rin nitong tumira siya sa condo unit na regalo ng tita Andy Mondragn niya noong eighteenth birthday niya. Lumaki siya na palaging kasama ang Tita Andy niya. Ito ang nagturo sa kan'ya kung paano humawak ng baril at pati na rin sa close combat skills. Simula pagkabata ay palagi na siyang nag-eensayo kasama ang tita niya . Kasama pa nga nito sina Tita Jenny, Z at Tita Savannah niya na palaging kalokohan ang itinuturo sa kan'ya.
" Kapag gusto mo ang isang lalake, tutukan mo ng baril para pakasalan ka !" palaging advice ng Tita Jenny sa kan'ya noon.
" Hoy, ang ganda ganda n'yan she doen't need to go after men!" singit ng Tita Andy niya.
" Ouch naman, Andy!Minsan talaga ang sakit mong magsalita noh? Ano ang akala mo sa amin panget dahil kami ang naghabol?" natatawang sambing ni Tita Z niya.
" Kunsabagay, Lyca really looks like her mom. Manang mana kay Jamilla noh? Hmmm, baka pwedeng ipareto na kita sa isa sa mga pamangkin kong quadroplets!" wika ni Savannah.
Napangiti siya. Ang unang mukhang pumasok sa isip niya ay ang mukha ni Alas.
Napakalambing ni Alas, sobra. Ewan niya kahit sa murang edad niya ay gustong gusto na niya ito. Kapag recess time sa school ay palaging may kaklaseng lumalapit sa kan'ya at nag-aabot ng sandwich at juice. Bigay raw ni Alas kaya tuwang tuwa naman siya kaya hindi nawawala ang kan'yang pagkagusto rito . Kapag mawawala ang gamit niya sa school ay may lalapit na namang kakalase sa kan'ya kinabukasan at iaabot sa kan'ya ang bagong biling bagay na nawala sa kan'ya. At ang parating sinasabi ng kaklase niya kapag may iaabot ito ay bigay ni Alas.Siya naman ay unti-unting nadedevelop sa isa sa mga quadroplets pero ang ipinagtataka niya ay kahit isang beses ay walang ipinagtapat sa kan'ya si Alas.Kapag magkasama silang dalawa ay wala naman itong binabanggit na ibinigay nito sa kan'ya. She keeps on waiting for Alas to do the moves hanggang mag-high shool na sila but hindi talaga ito nagtatapat hanggang sa nag-aral na ito sa ibang bansa at hindi na niya ito nakita pa hanggang sa naka-graduate na sila sa kolehiyo.
" Lyca, at exactly seven in the evening okay? Please be good to him..." naputol ang paggunita niya sa nakaraan nang magsalitang muli ang daddy niya.
" Okay daddy!" seryoso niyang wika. Alam niyang mahal siya ng daddy niya at mahal na mahal rin niya ito pero minsan talaga ay pakiramdam niya ay mas paborito nito ang kambal at si Cross, ang bunso nila.
Padabog siyang bumaba sa kwarto niya at naabutan ang mommy niya na nakaupo sa dining table at nag-aalmusal. Her mom, Jamilla Sta.Rita Mondragon is still a living goddess on her fifties. Maraming nabibighani sa ganda ng mommy niya hanggang ngayon. Hinalikan niya ito sa pisngi bago umupo sa harapan nito.Her daddy is really strict when it comes to her mo, possessive to be exact. Hindi ito makakalabas ng mansion kapag wala ang daddy niya or bodyguards. Minsan talaga ay napaka-OA ng daddy niya.
" Ba't nakasimangot na naman ang dalaga ko?" tanong ng mommy niya.
" Wala mom. I'm just tired sa work!" pagdadahilan niya.
" Is it because of your dad?K-Kung ayaw mong pumunta eh di sabihin mo sa kan'ya."
" Its okay ,mom! It's just a dinner date with Mayor Zandro!" malungkot niyang sambit.
Ewan niya kung bakit hindi talaga type ang Mayor. The youngest and hottest mayor in the country ang binata. Marami ring babae't lalo na't mga artista ang nagkakandarapa sa binata ngunit siya ay wala talagang nakikitang kahit kaunting sparkle sa pagitan nila.He can be just a friend of hers hanggang doon na lang talaga sila .
Pagsapit ng alas siete ay umalis na siya sa mansion. Sinadya talaga niyang ma-late para mainis sa kan'ya si Mayor. Simpleng long powder dress lamang ang ginamit niya na may slit sa magkabilang hita .Hindi na rin siya nag-abala pang mag-make -up baka sabihin ng binata ay nag-eefort talaga siya . Hinayaan lamang niyang nakalugay ang kan'yang mahabang buhok na parating nakapusod kapag nasa trabaho siya.
Nakita niyang naka-upo na ang Mayor sa pandalawahang mesa, he instantly grin at her the moment he saw her. Alam niyang she looks pale dahil kahit lipstick ay hindi siya naglagay. Mas mabuti nga iyon para matuturn off ito kaagad sa kan'ya.
Tumayo ang binata at hinila ang isang upuan ana para sa kan'ya.
" You look so beautiful, Lyca. Simply beautiful!" he compliment her. Napailing siya, with her bare face he still complimented her, duhh?
" Thank you, Mayor.By the way , advance happy birthday! Sorry, hindi ako nakabili ng gift ko sa'yo, wala kasi akong time."she smiled while she greets him. Sinadya niyang sabihin ang huling nasabi niya para ipahiwatig rito na hindi ito importante sa kan'ya.
" Hmmm, you're presence is more than a gift for me Lyca! Ang oras mo sa'kin ngayon ay ag pinaka magandang regalo sa lahat." masuyo nitong sambit.
Mapakla siyang natawa. Gusto sana niya itong murahin ngunit naalala niyang bigla na Mayor pala ito. Pwede siya nitong ipadestino sa malayong lugar o di kaya'y sa bundok kaya pilit na lamang siyang napangiti.
Biglang umarko ang kilay niya nang makita ang bagong dating na magkapareha na umupo sa tabi ng mesa nila ni Mayor. Its Dos Coloner at kasama nito ang isang sexy at matangkad na babae. She looks familiar to her, parang nakikita niya ang babae sa tv commercials.Totoo nga naman talaga na mahilig si Dos sa mga artista at sa mga models, she read articles about him linked with other girls.
Umismid siya kay Dos nang magkatiningan silang dalawa.
" Is there something wrong, Lyka?" nag-aalalang tanong ni Mayor sa kan'ya.
" Ah eh w-wala Mayor, may naisip lang ako!" natatawa niyang sambit rito. Napahiya siya sa binata, akala siguro nito ay ito ang iniisnob niya.
He pinched her cheeks while smiling." You're so cute kapag tumatawa ka." sambit pa nito sa kan'ya.
Mas napangiti siya sa binata dahil sa sinabi nito. Tiningnan niyang muli si Dos.Gusto niyang ipakita rito na may tagaprotekta siya at sana ay tigilan na ng hudas na si Dos ang pambully at panloloko sa kan'ya. Hindi niya alam kung ano ang mahihita nito sa kan'ya sa pang-iinis nito sa kan'ya.
Pagkatapos nilang kumain ay biglang nandilim ang paligid at may iba't ibang kulay na ilaw ang umilaw sa paligid, then a romantic music plays along with it.
Tumayo si Mayor at inilahad ang kanang palad nito sa kan'ya. Tumayo rin siya at pinaunlakan ito.Mahigpit nitong hinawakan ang bewang niya ,at siya naman sa palibot ng leeg nito. Biglang sumakit ang ulo niya kaya napayuko siya ng bahagya at napasandal sa dibdib ni Mayor. Kumikirot ang ulo niya sa sakit.
" Napakabango mo!" he whispered.
Itinaas niyang muli ang kan'yang ulo nang maramdamang tila hinalikan nito ang ulo niya. Ngunit nagulat siya nang bigla siyang hinalikan sa labi ni Mayor.Tila ba naestatwa siya nang maramdaman ang mainit na hininga nito at malalambot na labi sa kan'yang mga labi.
Itutulak pa sana niya ang binata ngunit nauna na itong humandusay sa sahig dahil sa lakas ng pagsuntok ni Dos Coloner rito.
" Ayyyyy!" dinig niyang tili ng babaeng kasama ni Dos na tila hindi makapaniwala sa ginawa nito.
"What's wrong with you ?" tanong ni Mayor .Tinulungan niya itong tumayo at madilim ang mukhang tiningnan si Dos. Walang kangiti-ngiti ito sa mga labi, na opposite sa palaging pamangutyang titig na nakikita niya rito noon pa man. The way he stares , lalo na sa lalakeng kasama niya ay parang handa nitong durugin ang lalake. Bigla siyang pumagitna sa dalawang lalake.May mga bodyguards na rin ang lumapit sa kanila ngunit itinaas ni Mayor ang kamay niya at bumalik naman ang mga ito sa puwesto.
" Ano ba ang problema mo, Dos ha? Alam mo, ang hilig mong manira ng araw ko! Kailan ka ba titigil sa paninira ng buhay ko ha? Kung masaya ka sa ginagawa mo sa'kin pwede ba tigilan mo na'ko!" sigaw niya sa binata. Inis na inis na siya rito.Kung wala si Mayor ay sinampulan na niya si Dos.
"I'm warning you, Lyka!" seryosong sambit ni Dos Coloner bago ito naglaho sa kan'yang paningin at iniwan ang ka-date nito na umiiyak mag-isa.
Napakawalang hiya talaga!
" Mayor, pasensya ka na talaga ha?Napaka walang hiya talaga ng taong 'yon, pati ikaw nadamay pa."walang tigil niyang paghingi ng paumanhin sa Mayor. As in, nakakahiya talaga ang ginawa ni Dos, kaarawan pa naman bukas ni Mayor Zandro.
Iniisip pa lamang niya si Dos ay gusto na niya itong sakalin.The Black sheep,siraulong negosyante talaga ang Coloner na iyon!paulit-ulit niyang sambit sa isip niya habang inaalala ang ginawa ng binata.