I'm Police Major Lyca Sta. Rita-Mondragon. Anak ng isa sa pinakamayamang business tycoon sa Asia.
Tutol ang aking mga magulang lalong lalo na ang aking ama sa pagiging pulis ko pero ako ang pinakamatigas ang ulo kumpara sa mga kapatid ko kaya ako pa rin ang nasunod.
I have three siblings. Ang panganay ay kambal. Si Kuya Zione and Ate Zianelle. Kuya Zione is trained to be a businessman. Ito na ata ang susunod sa yapag ni Daddy Chase. Ate Zian is a doctor she is in America now. Ang bunso namin ay si Raven Cross. Wala 'ata itong balak na magtrabaho ang sabi ni Mommy ay kuhang - kuha nito ang ugali ni Daddy noon.
" F*ckin' sh*t! F*ck you, Dos! I really really hate you!" sigaw niya sa kawalan nang maalala ang nangyari sa kanila ni Dos kagabi. Ang tanga tanga niya talaga, as in! Ang tanging iniingatan niyang dangal ay nawala na lamang sa isang iglap. TARAN! She is divirginized by an asshole, the man she hated in the entire world si Dos Coloner ang isa sa mga quadroplets nina Mary at Damon Coloner. How could she not hate him,huh? Simula pa noong kinder sila ay napaka-bully na nito kaya hindi na sila magkasundo. Kahit na babae siya ay hindi rin naman siya umaatras kay Dos.
Her only crush since childhood is Alas, ang panganay sa magkakapatid. He is a real gentlemen exactly the opposite of Dos kaya kapag nakikita pa lang niya ang binata ay kumukulo na nag dugo niya rito. Dos Coloner is an elite bachelor businessman .Tanyag sa larangan ng negosyo ngunit tanyag din sa pagiging black sheep ng pamilya, playboy at pinakatarantado sa lahat.
" Pssst, girl kung tao 'yang teddy bear na 'yan siguro kanina pa patay!" wika ni Daena, ang pinakamalapit niyang kaibigan sa station nila. Oo nga naman pala, sinasakal na pala niya ang teddy bear sa kamay niya.Kasi naman, naiinis siya kay Dos . Sigurado kapag makakabanggaan silang muli ay sasakalin talaga niya ito.
Napayabang ng h*nayupak! Nauna pang umalis kagabi pagkatapos ibandera na hindi ito ang inaakala niyang si Alas Coloner.
" M-May iniisip lang ako. I'm thinking of the complain a while ago about the father who molested his own daughter. " pagkuwento niya sa kaibigan.Totoo rin naman talaga, kanina ay muntik na niyang masapak ang ama ng bata dahil sa ginawa nito. How could he do that to his own flesh and blood.
" Naku, girl kung ako sa'yo magbakasyon ka rin ano? Paano ka magkaka-love life n'yan kung seryoso ka palagi sa mga kaso dito sa station? May imbestigador tayo remember , ikaw naman kasi kahit major ka na eh gusto mo pang bumalik sa pagiging imbestigador kaya hindi ka nagkakalove life!Sa ganda mong 'yan dapat dinidiligan ka na. Sagutin mo na kaya si Mayor Zandro?" mahabang salaysay ng kaibigan.
Mayor Zandro is on his twenties also just like her.Noong nangampanya ito ay sila ang nagbigay ng proteksyon rito dahil nga incumbent Mayor ito ng siyudad nila.Simula nang makita siya ng binatang Mayor ay hindi na siya nito tinantanan.Everyday, nagpapahatid ito ng flowers sa kan'ya. He is also doing his own way to meet her Father, Anton Chase Mondragon na maraming investment sa siyudad nila.He is so nice and good looking pero isa lang talaga ang gusto niya simula pa noon. Si Alas Coloner lang!
" Excuse me , ma'am may nagpapabigay po!" binalingan niya ang isa sa mga tauhan niyang naghatid ng isang box .May pangalan ng bakeshop sa labas ng box kaya ang una niyang naisip ay si Mayor Marco. Milagro 'atang cake ang pinadeliver nito ngayon dahil sanay siyang bulaklak ang palagi nitong pinapadala.
" Hmmm, sagutin mo na kaya?" tukso ni Daena sa kan'ya.
" You know me, Daena ayaw ko sa mga relasyon na 'yan! I heard many stories from my friends before at isa lang sinasabi nila tungkol sa mga lalake noh, manloloko! " sagot niya rito.Kahit nga ang story ng mommy at daddy niya noon ay narinig niya at alam niyang maraming pinagdaanan ang mga ito kaya ekis na muna sa kan'ya ang lovelife na 'yan. Pero kung si Alas, pwedeng pwede. Muli na namang umasim ang mukha niya nang maalala ang kapatid ni Alas.Paano na siya ngayon? Ano pa ang maipagmamalaki niya sa future husband niya dahil ninakaw na ng Dos Coloner na 'yon ang kainosentihan niya? May tatanggap pa ba sa kan'ya?Hayst, wala nang seseryoso pang lalake sa kan'ya dahil hindi na siya virgin!
" Umasim na naman 'yang mukha mo! Buksan na natin ang cake na 'yan para tumamis ang aura mo!" Tumayo si Daena at nagpaalam sa kan'ya na kukuha na muna ng kutsilyo sa kitchen ng station. May mga disposable plates at spoon naman siya sa office niya .Ginupit niya ang pulang ribbon na nakatali sa box ng cake at dahan -dahang binuksan iyon.
" Tang*na!" napamura siya nang makita kung ano ang disenyo ng cake. Disenyong TT iyon at pati dalawang itlog ay hindi rin pinalampas.
I JUST WANT YOU TO REMEMBER THIS ALWAYS. Nabasa niya ang dedication ng cake sa taas.Bwisit talaga! Sino pa nga ba ang magbibigay ng ganitong cake kundi si Dos Coloner lamang? Mabilis niyang tinakpan ang kahon . Kinuha niya ang kan'yang bag at mabilis na naglakad patungo sa parking lot ng station kung sa'n nakaparada ang kan'yang sasakyan. Umuusok ang ilong niya sa inis! Ibabandera pa talaga ng lalaking 'yon ang nangyari sa kanila? Kung may gusto siyang e-reset sa buhay niya, 'yun ay ang gabing may nangyari sa kanila. Sising sisi siya sa nangyari, she is really an idiot kaya nakaisa si Dos sa kan'ya.
Tinext na lamang niya si Daena na may pupuntahan lamang siya saglit. Nireplayan naman siya nito at hinahanap kung 'asan na raw ang cake niya at kakainin na nito. Natawa siya sa babae, oo nga pala bigla niyang nakalimutan ang kaibigan.
Pumarada siya sa parking lot ng isang sikat na international agency. Isa sa mga tanyag na agency ni Dos. Sasadyain niya ito.
Pinigilan siya ng guard ngunit sinabi lamang niya ang pangalan niya ay hindi na siya nito pinigilan pa. Sino ang hindi makikilala ang isang Mondragon?
Pumasok siya sa elevator at pinindot ang nagtatanging red button. Ang button na iyon ay patungo sa chairman's office. She knew this place so well dahil minsan ay siya ang pinapadala rito ng kan'yang Kuya Zione . Her Kuya and Dos Coloner are great business partners as well.
Nakita niya ang dalawang babae na papasok sa conference room . Hmmm, siguro may meeting ang hay*p kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa,sumunod siya sa likuran ng dalawang babae na may dalang mga boxes patungo sa loob ng conference room.
Hindi nga siya nagkakamali dahil nakatayo si Dos sa harapan ng mga tauhan nito. Naka-formal wear ang binata at nagulat nang dumako sa kan'ya ang mga mata nito pero hindi naman nagtagal ay matamis itong ngumiti nang makitang palapit siya rito habang dala-dala niya ang box ng cake.
" Ohhhh, you're here sweetheart!" sambit nito sa kan'ya . Ang buong atensyon nito ay nasa kan'ya na ngayon.
Mapakla siyang ngumiti sa binata habang dahan-dahan binuksan ang cake sa harapan nito at mabilis na itinampal iyon sa mukha ng binata. Punong puno ng icing ang mukha ng binata at ang cake ay nahulog sa sahig.
Napanganga naman ang mga tauhan ng binata pero nanatiling cool pa rin si Dos at dinala pa nito ang daliri sa pisngi at pinahid ang nakakalat na cake at pagkatapos ay dinala ang daliri sa bibig nito.
" Hmmm, so sweet just like your p*ssy sweetheart!" mabilis niyang sinipa ang gitna nito at napaungol ito sa sobrang sakit.
" Subukan mong buysitin pa'ko Dos at hindi lang 'yan ang aabutin mo! " sigaw niya rito bago siya tuluyang umalis sa loob ng conference room nito.
Nawala ang inis niya dahil nakaganti siya sa pambabastos nito sa kan'ya. Imagine?Ang lakas ng loob nitong magpadisenyo ng ganoong klaseng cake? Mabuti na lamang ay hindi nakita ni Daena dahil baka kung ano ang iisipin nito at baka aabot na naman sa pandinig ng daddy niya at sandamakmak na pangangaral na naman ang aabutin niya.
" I really hate you, Dos Coloner!" sambit niya sa sarili nang makarating na siya sa loob ng kan'yang kotse. Nang mapagtanto ang ginawa niya ay napatawa siya. She is really sure that malalaman talaga ng daddy niya dahil ang mga nakasaksi kanina ay pawang mga investors din nito.Eh kung nadala siya sa galit at pagkainis niya. Bakit pa ba isinilang ang Dos na 'yan? Bakit hindi na lang naging triplets ang mga ito?
Simula pagkabata hanggang sa nagkatrabaho na sila ay hindi pa rin siya tinatantanan ni Dos. Lagi talaga siya nitong iniinis.Naalala niya noon, it was Alas who always saves him from other kids who bullies her.Kapag may problema siya ay si Alas ang tumutulong sa kan'ya.They we're classmates since then, secretly kung 'asan si Alas ay gusto niya don rin siya para makasama ito. Pero nakabuntot din naman talaga lagi sa kan'ya ang kamalasan dahil nandoon rin si Dos kung saan naroon ang kapatid nito.
"We have the same face,same height, same size of c**k but the difference is... mas masasarapan ka sa'kin. "
Napamura siyang muli nang maalala ang sinabing 'yon ni Dos. Ang yabang yabang talaga! Pwe!