EPISODE 5

5000 Words
Natatawa nalang ako that time ng makilala ko si Kuya Bricks. Ang kulit niyang tao. Dahil sa maingay sila ni Bea na para talaga na close na sila. Labis ako nagpapasalamat nuon sa kanya ng dahil sa kanya ay safe kami ng mga kambal kong anak. Hindi ko pa naman alam nuon na kambal pala ang ipinagbubuntis ko. Ilang buwan pa ang lumipas bago ko iyon nalaman. Huminga muna ulit ako habang naghuhugas ng mga pinagkanan. Wala pa rin kasi si Manang Lorie kung bakit tinanghali ata siya buhat sa kanyang pamamalengke. Kahit si Kuya Bricks ay hindi pa man nakakalabas sa kanyang kwarto. Siguro ay lasing na naman na umuwi buhat sa paggagala sa bar ng kaibigan. Si Kuya Bricks isang bagong naging kaibigan at kapatid samin ni Bea. Para na kaming isang pamilya ng magkasama-sama kami rito sa bahay niya. Napakabait na tao na tinulungan kami nuon na makahanap ng bagong matitirahan matapos na mapaalis kami ng biglaan sa bahay na inuupahan namin ni Bea. Sakto na sila pala ang nakakuha sa bahay na tinutuluyan namin nuon ni Bea para gawing Restaurant at yon na nga ang Sophia’s Restaurant kung saan ako ngayon nagtatrabaho ng may ilang taon. Napakaswerte ko talaga, swerte namin ng kambal ng dumating sa buhay namin si Kuya Bricks. Nag-iisang anak lang din siya. Walang kapatid, uniko-ijo ng kanyang mga magulang. Sa lugar kung saan kami nuon ni Bea nakatira. Duon rin itinayo ang isa sa pinakamalaking branch ng restaurant na si Kuya Bricks ang namamahala. Kaibigan niya ang may-ari nuon. May anim na 'po ang mga tauhan sa restaurants. Isa kasi sa pinakamalakas na branch sa buong ka-maynilaan. Sa Espanya ito nakatayo. Sa kahabaan ng kalye ng Espanya malapit sa pagitan ng UST at ilang naglalakihan na building ang nakapalibot sa buong restaurant. Kaya talagang aasahan mo na araw-araw ay matao talaga na halos tabi tabi ang University at mga Review Center samahan pa ng mga Call Center Agents na mga nagtatrabaho sa nagtataasang Building na na nakapalibot sa lugar. Kadalasan maging taga Hospital na malalapit sa Area ay dinadayo na rin ang Sophia's Restaurant. Kahit mga doctors and nurses ay dumadayo sa amin. Pagod talaga dahil dagsa ang tao sa morning, lunch , even there break time at evening sa oras ng dinner madami pa rin ang mga kumakain. Pagod halos lahat ng empleyado sa madalas na dagsain kami ng maraming customers. Dinaig pa ng Sophia's Restaurant ang mga naglalakihan at kilalang mga restaurant sa buong lugar kung sana kami nakatayo. Dahil hindi lang building ang nakapalibot rito. Marami rin mga kilala at sikat na restaurant ang makikita sa buong lugar. Tabi-tabi pa nga, pero dahil sa kilala ang Sophia's sa Eat all you can. Marami ang dumadagsa dahil sa mura na, masarap at quality pa maging service ng buong restaurant. Bahala ka kumain hanggang kaya mo ubusin bawal lang magtira o mag uwi hehehe STRICTLY POLICY ng aming restaurant. Once mahuli mas mahal pa sa dapat na babayaran ang babayaran ng customer na mahuhuli. Morning buffet Lunch buffet Evening buffet Kung minsan maging sa Miryenda ay may buffet rin kami. Alas onse ng hating gabi nagsasara ang Sophia's. Magbubukas ng alas nuebe ng umaga para sa breakfast. Pagdating ng alas onse naman mag-umpisa na ang lunch buffet naman. Marami kaming mga special na wala sa menu sa buffet. Yung mga pagkain na hindi isinasali sa buffet. Kasi nga, may ilang mga customer na nagrerequest rin ng ibang mga putahe. Gaya ng sa mga kilalang restaurant meron din kaming sini-served na pizza, pasta, even Italian Cuisine mayroon din kami sa menu. Kasi nga may Italian Chef rin sa restaurants na siyang nag-trained sa mga pilipino chef's. Even roasted chicken or ribs o kaya ay steaks meron sa restaurants. Iba nga lang ang presyo at hindi inihahalo ang mga customer ng buffet sa mga regular customer. May sarili silang kwarto o makakainan. Hindi tulad ng mga nasa buffer na nasa isang lugar at nasa gitna naman ang maraming putahe na iniluto ng Chef na nakaassign sa store. Sa ilang taon ko sa restaurant. Pagod talaga at madalas ay walang tulog. Madalas kasi ay nalalagay ako sa panggabi o straight duty. Mga pasaway rin minsan ang mga kasama ko. Pero ayos lang dahil kaya naman kahit na ganuon. Masaya naman ako Sa restaurant at marami ako natutunan ng makapasok ako ruon. Muli ko na naman naalala si Kuya Bricks. Nasaan na kaya ito? Bakit hindi pa rin bumabangon hanggang ngayon? Tanghali na, pero wala pa rin siya at hindi pa bumababa mula sa kwarto niya sa itaas. Ilan rin ang kwarto rito sa bahay. Nakakatuwa dahil ng mapunta kami rito. Hindi nagdalawang isip si Kuya Bricks na i-alok sa amin ang pagkalaking bahay niya at tumira kasama niya rito. Naalala ko nuon, wala rin naman kami magawa kahit ayaw ko sana pumayag. Subalit wala naman talaga kami makukuha na bahay ng ganuong biglaan. FLASH BACK “Siya nga pala, Elise. Pagkauwi ko kangina ang sabi ng land lady..." nang putulin pa ni Bea ang sana ay sasabihin. “Anong sabi?" tanong ko rin rito pabalik. Wala pa ako idea pero sa nakaraang buwan ay sinabihan na kami maghanap ng matitiran. “Kailangan na raw natin umalis at humanap ng malilipatan.” huminga ako, nablangko na naman. Dahil sa mabilis na desisyon ng may-ari na mapaalis kami. “May dalawang linggo pa tayo?" sambit, tugon ko. “Ang usapan, dalawang linggo pa. Hindi niya tayo gigipitin lalo at mahirap humanap ng bahay na malilipatan." “Yung nakabili raw kasi! Kailangan na yung lupa para sa itatayong Restaurant.” “Ano ba ito, wala pa tayo nakikita. Saan naman tayo titira? Napakaswerte naman, ngayon pa talaga?" sambit na sabi ko nanlambot. “Huwag ka mag isip makakasama sa baby mo.” ang sagot ni Bea. Bilin rin nito sa akin. “Paano hindi ako mag iisip. Saan naman tayo pupulutin at dadalin ng mga paa natin ngayon? Daig pa natin ang pulubi ngayon at panigurado sa lansangan tayo matutulog. Bakit naman kasi yung may-ari, may extension naman na pinag-usapan bakit naman pabigla bigla nalang di na naawa sa nakatira at wala pang nalilipatan. Kakalbuhin ko talaga iyon, makita ko lang sino nakabili ng lupa ni Manang." sabi na tugon ko rin. Huminga pa muna ako muli. Ang tagal pa naman ng palugit sa napag-usapan kung bakit di sila sumunod. “Wag lang mag-alala, panigurado makahanap rin tayo." “Pasensya na, sasabat ako. Ang pinag-uusapan niyo ba yung area sa Espanya kung saan may itatayo na restaurant?" sabay na nalingon kami ni Bea. “Bakit mo alam?" nakita namin na natawa pa ito. “Napakaswerte nga na?man. Kayo ba yung mga nakatira ruon?" sabay kami tumango ni Bea at tumugon. “Bakit mo nga alam?" “Mukhang makakalbo nga ako, patawad. Kami kasi ang nakabili ng lugar. Pero hindi ako ang may kasalanan kung bakit minamadali kayo mapaalis ruon. Yung kaibigan ko kasi, nais niyang masimulan na ang constructions sa bagong branch ng kanyang restaurant. Kaya nakikiusap ako sa may-ari kung maaari na ba maclear na yung lugar para sa renovation ng restaurant." aniya nito na natatawa habang nagulat rin kami ni Bea. “Huwag mo akong kalbuhin. Ito nalang ang nagdadala sa akin eh!" pabiro na sambit. “Ganito nalang, kung wala kayo mapupuntahan. Duon nalang kayo sa bahay ko. Malaki naman iyon at kasya na sa ating tatlo. Kung gusto niyo lang naman. Maluwang din yon at para hindi na kayo sa kalye matulog. Mas mahirap sa kalagayan ng kaibigan mo. Buntis pa iyan, baka mapano pa siya sa labas at malamig. Delikado sa mga buntis. Giginawin sila ng baby na dala-dala niya." aniya na sabi muli nito sa amin ni Bea. “Bakit naman kami magtitiwala sayo? Saka bakit mo pa kami tutulungan? Kung ikaw rin naman pala may kasalanan bakit kami mapapaalis sa mismong bahay na amin kinatitiran. Ikaw may kasalanan, ikaw rin tutulong? Ano yon kabayaran ba dahil sa mapapalayas kami ng dahil sayo?" Mataray na sabi ko rito. “Hindi ka rin namin kilala, tapos gusto mo sa bahay mo kami titira?" sambit ko lang muli. “Ngayon lang din namin ikaw nakilala, bakit kami magtitiwala sayo? Baka modus mo lang ito?" pinanlakihan ko siya ng mata. “Hindi ahh!" bulalas na napatawa. “Ayaw ko lang makalbo. Saka tinulungan naman kita, sapat na siguro yon para maisip niyo at maipakita sa inyo na malinis ang intensyon ko na patuluyin kayo sa bahay ko. Pasensya na dahil sa amin mawawalan kayo ng matutuluyan. Pero isa lang pakiusap ko. Huwag niyo na ako kalbuhin. Hindi naman ako may kasalanan. Kaibigan ko kasi, talagang nais niya lang masimulan yung negosyo niya. Ipagpatawad niyo, pero nagkataon lang siguro talaga na kami ang nakabili ng lupa. Pero di namin intensyon na mawalan kayo ng bahay. Pasensya na talaga, huwag niyo na ako kalbuhin. Masisira yung buhok ko baka mawala yung pogi points ko sa mga babae, hindi ko na kasi magagawa ito." biro sabay turo sa ayos na ayos na buhok. “Pwede ilang piraso lang. Pero kalbo? Wag naman." anito na muli ay biro nito. Gusto ko matawa pero nauna na si Bea na natawa mula sa inusal ng lalakeng aming nakilala. Bricks raw pangalan nito. sabagay gwapo naman siya. Hindi maikakaila iyon lalo na at panay ang sulyap ni Bea ng palihim sa mukha ng lalakeng katabi. Napalakas pa ang pagtawa ni Bea, mula sa pilit na pinipigilan na mapatawa at mapabungisngis ng malakas. “May nakatatawa ba?" anito na bulalas. Pabiro lang dahil nakangiti rin siya ng sambitin iyon. “Wala naman!" sabi ni Bea. “Ikaw kasi, natakot ka naman ata at sineryoso ang sinabi nitong maldita kong kaibigan. Nagbibiro lang ito pero pwede ring maging seryoso kung gusto mo na makalbo. Tutulong pa ako, para simot lahat maging anit tiyak ubos.” tawa tawa pa rin na sambit ni Bea na muli ay biniro ang lalakeng kaharap. “Ganoon ba! Kala ko naman seryoso talaga siya. Pero, pasensya na talaga. Pero seryoso ako na bahala sa matutuluyan niyo. Duon nalang kayo sa bahay. Total ay mag-isa lang naman din ako roon. Nang may makasama naman ako at maging maingay sa bahay. Para kasi hunted house yung bahay ko at wala man lang kahit konting ingay na maririnig. Minsan natatakot pa nga ako, kasi nga mag-isa lang ako." aniya muli na natatawa sa sariling biro para sa kanya. Wala na rin kami nagawa ni Bea, sa puntong iyon ay sumama na rin kaming dalawa. Matapos ko madischarge at makalabas sa Hospital. Wala na talaga ako nagawa kundi ang pumayag sa gusto nitong mangyari na sa bahay nila kami tumira. Tuwang-tuwa si Bea, wala rin naman ako magagawa lalo at libre at wala na raw kami iisipin pang bayarin ng siya na ang bahala. Basta mag-aral lang kami mabuti. Iyon lang ang pakiusap na kanyang hiling sa amin ni Bea at pumayag rin naman kami. Sayang eh! Malaking bagay rin ang kanyang alok. Lalo na at sa kalagayan ko ngayon. Ang bilin ng doctor mag-iingat raw ako hindi porke safe kami ni baby at maayos naman ito. Makakaiwas na ako sa mga posibleng mangyari. Mag-ingat pa rin daw ako at regular na magpacheck up. Ganuon nga ang mangyayari dahil ayaw ko naman madamay itong baby sa sinapupunan ko sa mga katangahan ko sa buhay. Tanga, kasi nga ay hindi ko man lang na-consider sa aking sarili na mangyayari nito. Hindi ako nag-isip, hindi ako nag-ingat kaya heto ang nangyari. Nahimatay ako sa daan ng dahil sa kapabayaan ko sa aking sarili. Sa isang village sa Quezon City kami pumasok. Nagulat pa kami ni Bea at nanlaki ang mga mata ng makita namin ang lugar ng kanyang nilikuan. Napapalibutan ng mayayaman ang village sa laki ng mga bahay. At lalo na nang makarating pa kami sa mas malalaki at naggagandahang bahay. “Teka lang, diba mayayaman lang ang nakatira rito?" ngumiti lang si Bricks sa naitanong ko. “Best friend magtataka ka pa?" bulalas ni Bea. “Mukha naman mayaman itong si Bricks kaya nga nabili nila yung Building na tinitirhan natin di ba? So, bakit magtatanong ka pa, anduon na nga yung sagot. Sinagot pa niya yung bill mo sa hospital." si Bea muli kanyang usal na kinabungisngis ni Bricks. “Hindi ako!" bulalas na tugon. “Yung kaibigan ko ang nakabili niyon. Ako lang ang nag aayos at nag-aasikaso.” tugon pa muli na sabi nito ng sagutin ang sinabi ni Bea. Huminto kami sa isang napakalaking bahay. “ Kita mo na, Best friend. Pangmayaman nga yung bahay." manghang sabi ni Bea na inilibot agad ang kanyang matam “Malaki lang! Hindi pangmayaman." bulalas muli nito. “Hindi mayaman, pwede naman siguro na may kaya lang sa buhay.” pabiro na sabi muli ni Bricks. “Please, don’t call me Bricks if pwede you can call me Kuya Bricks. Gusto ko sana maging isang pamilya tayo sa bahay ko. Nang may makasama na ako. Nang hindi na malungkot at mukhang hunted house ng dahil sa ako lang ang natutulog.” sambit na may pakiusap. Nasabi naman na rin niya na wala siyang kapatid. Nag-iisa siyang anak at wala rito sa Manila ang kanyang mga magulang. Kaya naman sa laki ng bahay niya. Madalas na mapagkamalan na hunted house ng dahil sa wala halos nakatira. “Okay ikaw masusunod." sagot ko nalang din. Tama naman siya at matanda naman siya sa amin ni Bea. Tama lang tawagin namin siya na Kuya sa kabila na matanda nga siya ng ilang taon sa amin. END OF FLASH BACK Hindi ko makakalimutan ang araw na yon. Masaya rin naman ako sa kabila na wala naman ako natatawag na Kuya. Wala ako kapatid na matanda sa akin ng dahil dalawa lang naman kami ni Biboy at ako ang matanda pa sa amin. Kaya wala ako kahit isa na naituring o nakagisnan na tinawag kong Kuya. Pero kabaligtaran naman. Dahil ayaw ni Bea pumayag na tawagin siyang Kuya Bricks. Hindi siya komportable na tawagin itong Kuya. Pumayag naman sa huli si Kuya Bricks at ako nalang ang tumawag sa kanya ng Kuya. Halos isang linggo na kami sa bahay ni Kuya Bricks, masaya kami at naging isang pamilya na gaya ng hiling nito. Mabait siya at wala kami naging problema ni Bea sa pakikisama sa kanya lalo na sa loob ng bahay nito. Malaya kami ni Bea na namuhay at tumira sa bahay niya hanggang ngayon naman na malalaki na ang aking kambal. Dito pa rin kami at kahit magpaalam kami na bubukod na ni Bea ay ayaw nito pumayag. Nasanay na raw kasi siya na kasama kami at kung iiwanan siya ay tiyak na malaking adjustment ang gagawin niya. Kaya naman sa loob ng mahabang panahon. Naipanganak ko ang aking kambal na kasama pa rin si Kuya Bricks at Bea. Dito na rin lumaki ang kambal ko kasama ang Papa Bricks at Mama Bea nila. Sa mahabang panahon na pagtira namin rito. Naging malapit sila Kuya Bricks at Bea. May nararamdaman na ako, pero hindi ko pa sila tinatapat at hinaharap. Nag-iintay rin ako na baka may isa sa kanila ang nais na magbahagi ng tungkol sa aking napapansin sa kanila. Hehehe. Akala siguro ay hindi ko nahahalata ang madalas na kilos ng mga ito. Pero dahil may mga mata naman ako at pakiramdam. Syempre, tamang hinala muna hanggang wala pa proof o wala pa rin ang aamin sa kanila. “Manang, ang tagal niyo naman po bumalik." tanong ko agad kay Manang Lorie ng makabalik na ito mula sa pamamalengke. “Naku, tinanghali nga ako. Pero marami pa rin ang mga namimili sa palengke. Ang hirap, siksikan at ang hirap sumakay pumuan din ang mga jeep kahit tricycle wala, ubos para bang may nagaganap na rally duon sa may unahan. Pero sabi ng ilan, nagkakagulo nga raw duon ngayon sa may malaking warehouse. Marami raw kasi ang mga nawalan ng trabaho sa biglaan na pagsasara at inalisan ng mga trabaho ang maraming manggagawa. Kawawa naman sila." kwento na inihayag ni Manang Lorie habang ibinababa ang mga pinamili. “Si Bea?" “Umalis na po." “Kambal? Pumasok na ba?" “Opo, inihatid na po ni Bea sa paaralan." sagot ko rito habang tinutulungan siya. “Naku, ako na bahala rito. Si Bricks ba? Nagising na? Mukhang lasing na naman yon ng umuwi kangina." sambit na sabi ni Manang Lorie at tama naman ito. Dahil susuray-suray nga yon ng dumating sa bahay. “Good morning!” isang masiglang pagbati mula sa aming pinag-uusapan. “Mukhang ako ang topic muli ngayong umaga?" biro nito nakangisi. “May iba pa ba? Sino ba rito ang pasaway at madalas na inuumaga sa labas? Ikaw lang naman." sagot ko sa biro niya sa kanyang sarili. Namuna pa, totoo naman at tama ang aming napag-usapan ni Manang Lorie. “Ito naman, hindi mabiro." sabay tawa at umupo. “Aga mo?" bulalas niya pa. “Nakaalis na ba ang kambal?" “Oo, naihatid na ni Bea.” sagot ko. “Kumain ka na, heto buti nalang di ko pa naligpit at inaantay ko nga pagdating niyong dalawa ni Manang Lorie. “Manang Lorie, tara na po kumain muna kayo. Nainit ko na rin yung kanin at kukunin ko. Maupo na po kayo muna sa mesa ako na kukuha ng pinggan" sambit ko na tumayo na nga muna at kinuha yung kanin sa kalan habang si Manang Lorie matigas ulo at siya pa ang kumuha ng mga pinggan na kanilang paggagamitan. “Gutom na nga ako. Buti naisip mong magluto." biro ni Kuya Bricks. “Lagi naman ako nagluluto, ikaw lang itong taga kain at walang silbi sa bahay na ito. Although, bahay mo nga naman ito at nakikipisan lang kami." “Bruha na ito, kumain ka na nga lang." nang supalpalan ako ng pandesal. May pandesal pa nga pala sa mesa mula sa binili ni Manang Lorie. “Grabe, ikaw itong nagugutom bakit sa akin mo sinubo." “Ang daldal mo, para ka na naman nakahawak ng microphone. Mukhang mapupudpod na naman ear buds namin ni Manang Lorie sa kakasermon at kakapaalala mo habang nasa harap ng mesa." may reklamo na nakatawa. “Anong oras ka na naman ba dumating kangina? Mukhang sa itsura mo lango ka naman sa alak. Maghinay ka naman. Makasasama na yan sayo. Mag iwas iwas ka na. Wala ka pang anak baka mamaya eh mamatay kang walang iiwan sa mundo ng hindi pa kayo nagkakaanak ni... ” Biro na sabi ko ng di ko talaga tinuloy kung sino ang tinutukoy. “Kahit kelan talaga, tambutso na naman yung bunganga mo. Dire-diretso makapagsalita wala ba talagang pause?” “Biro lang, nagpause na nga! Pero pano ba yung sa inyo ni..." aniya na muli ko siyang sinusubukan. “Tigilan mo ako, walang sa amin ni.." aniya na sagot pero nakatawa ito. “Tama na nga, badtrip ka na naman. Mukha may something talaga rito pero dahil wala pang evidence. Mukhang mahihirapan ako sa mga conclusions ko lang." “Wala nga! Ang kulit mo rin." “Bakit naiinis ka?" “Hindi naman. Maragdagan lang kasi ang stress ko sa restaurant at dumating na ang kaibigan ko. Ang dami na hinihingi na trabaho at reports sa ilang buwan na naipasa ko naman na sa kanya." sagot ni Kuya Bricks. Nagtataka rin naman ako kaya naitanong ko. “Sino yung may-ari ng Sophia’s?” Tumango naman si Kuya Bricks habang sumusubo ng kanin.“Maganda, buti dumating na." “Ano naman maganda roon?" bulalas nito. “Heto nga at sumasakit ang ulo ko. Ang aga pa, trabaho na agad ang pinaaalala niya. Paano ba ako makapag-asawa ng gaya ng gusto mo. Sa kanya pa lang mukhang tatanda na ako ng hindi nakapag-aasawa." sabay na napabuntong hininga. “Kakabalik pa lang, heto at sangdamakmak na trabaho ang hinihingi. Kahit mga naipasa na sa kanya nais pang balikan at pag-usapan naming dalawa. Sales reports niyo nga pala, paki pasa na sabihin mo kay Olga." aniya na wala halos gana ng tumunog na muli ang cellphone na nakapaibabaw sa mesa. “Kita mo na, heto." pinakita niya pa ang tawag ng kanyang kaibigan. “Bakit?" gilalas na sambit ng tanungin yung kausap. “Ewan ko, bahala na. Sige magkita nalang tayo mamaya. Nag-aalmusal pa nga lang ako, pakainin mo muna ako." sambit naiinis na bulalas muli. “Sige, later nalang." aniya na naibaba na ang tawag. “Parang hindi mo naman kaibigan yung kausap mo?" aniya ko tinanong siya. “Nakakainis kasi, pinaaalala na naman magkikita kami." Bumuntong hininga siya at pagkalalim. “Yun lang! Masyado naman masipag iyang kaibigan mo. Mukha 'ngang papahirapan ka nga niya." biro ko rin at inabutan pa siya ng kanin. “Masipag? Naku hindi. Sabihin mo tumatanda ng paurong, walang girlfriend kaya sa trabaho binubuhos lahat. Maging ako, dinadamay sa pagiging workaholic." “Bakit? Binata ba gaya mo?" “Malamang!" Bulalas muli. “Dahil sa kanya hinding-hindi ako makapag asawa ng dahil sa kanya tatanda ata ako ng ganito. Trabaho ang karamay sa kahit anong panahon na gusto ko ng... Pabiro muli na sinabi kahit naiinis ay nakatawa pa rin. “Ano? Bakit di mo maituloy?" tawa-tawa kong sabi. “Ewan ko sayo!" singhal na gilalas ni Kuya Bricks. “Okay lang yan, kahit busy ka naman sa trabaho may panahon ka naman kay Bea." natatawa ko pa ring biniro si Kuya Bricks. Pasaging na baka sakali umamin. “Andiyan naman si Bea. Masaya ka naman, kahit stress sa work nagiging masaya ka sa pag-aasikaso sayo ni Bea.” gilalas na natampal ko pa ang aking bibig sa sobrang kadaldalan. Gusto ko lang sana hulihin ng sitahin ako ni Kuya Bricks. “Elise!" ani nito. Natawa ako habang si Manang Lorie ay natatawa rin sa mga pambubuska ko sa tunay na relasyon sa pagitan nila ni Bea. “Sorry po, Kuya...” ani ko ng tawa-tawa. “Kelan mo pa nalaman?" bulalas nanlalaki mata. Namula pa yung magkabila niyang pisngi na hiyang-hiya sa harapan namin ni Manang Lorie. “Bakit Kuya Bricks my something ba talaga sa inyo ni Bea?" “Bakit, sinabi ba niya?” panghuhuli rin niya. “Hindi ahh, nahahalata ko lang! Pero kung meron nga, masaya kami ni Manang Lorie..." “Halata ba?” nahihiya pa siya na aminin halos nabuking na nga at hindi na rin naitanggi. “Pero my something nga ba talaga?" pangungulit ko sa kanya. “Kuya? Ano nga? My something keme ba sa inyo ni Bea?" “Ewan ko, hindi ako sigurado." nakangisi na sambit habang napakamot sa ulo. “Palagay mo gusto rin kaya ako ni Bea?" tanong nito. Nagkipit ako ng balikat sabay nginitian siya. “Siguro, pansin ko rin naman na gusto ka rin niya. Halata naman sa mga kilos niyo na dalawa na gusto niyo ang isa't-isa. Bakit lang kasi kailangan pang itago, kung gusto at mahal niyo naman ang isa't-isa." Sabi ko muli sa kanya. “Mahal mo ba si Bea?" “Ewan!” sagot niya ng napayuko. “Anong klaseng sagot yan? Ewan? At bakit naging ewan lang?" “Ewan, dahil hindi pa ako sigurado kung may patutunguhan ba ang aming relasyon. Hahaha!" sabay tawa “Bakit Naman?" kinataas ng kilay na naitanong. “Sa palagay mo ba sa sobrang busy ko sa trabaho. Magkakaroon pa ako ng time kay Bea? Hindi na nga kami halos madalas na magkita, lagi pa ako ginagabi ng uwi at minsan buhos lahat ng oras sa mga trabaho sa restaurants." “Isama mo pa ang pagpunta mo sa bar." dagdag ko mula sa mga sinabi niya sabay tawa nga kaming tatlo ni Manang Lorie. Tahimik lang siya nakikinig sa mga asaran namin ni Kuya Bricks. “Magkakasama na nga tayo sa bahay. Anong oras pa ang tinutukoy mo? Sabihin mo, baliw ka lang. Dahil di ka sigurado pa sa nararamdaman mo para sa kanya. Pero Kuya Bricks kung mahal mo talaga si Bea. Pangatawanan mo na, ipakita at iparamdam mo sa kanya na special siya sayo gaya ng ginagawa niya at pinakikita sayo." “Isa pa nga yon. Hindi ko alam kung papaano." sabay napangisi. “Hindi ko alam, papaano ko ba sasabihin sa kanya. Paano ko aaminin na gayon na madalas na niya ako iwasan buhat ng..." di na naituloy at pinamulahan. “Siguro much better ko Kuya Bricks na humingi ka muna ng break sa kaibigan mo. Total naririto na siya, siya naman ang mamahala sa Sophia's Restaurant habang ikaw inaayos ang sa inyo ni Bea. Mahirap kasi yung walang maayos na usapan pagdating sa tunay na lagay ng relasyon niyo sa isa't-isa. Mabuti pa na makapagsolo kayo at maayos ng sa gayon ay maging masaya naman yung kaibigan ko. Alam ko mahal ka rin ni Bea, hindi siya umiiwas. Takot lang siya na malaman na hindi mo siya gusto ng tulad ng pagkagusto niya sayo. Ikaw naman kasi, bakit tila ikaw ang umiiwas sa kanya at hindi siya? Gaya nalang ng madalas na pag-uwi mo ng lasing. Tama ba na ganon kung mahal mo si Bea? Pinag-aalala mo lang siya, hindi maganda yon sa relasyon niyong dalawa. Kung meron nga talaga." sabay sambit ko ng mahaba sa kanya. “Napakalalim nuon. Muntik na ko maiyak.” “Baliw!" bulalas ko. “Saka pwede ba! huwag niyo na itago alam ko naman na kahit itago niyo pa sakin na gusto niyo isa't-isa alam ko na." sabi ko pa ng tingnan yung oras. “Naku, late na pala." sabay tumayo ako. Saka ko naman naalala ang pagtawag ni Mama Liza. Mama ni Kuya Bricks. “Siya nga pala." nang lingunin ko siya. “Si Mama Liza tumawag. Bibisita raw sa kambal." “Kelan tumawag? Bakit sa akin hindi?" Nagtatakang tanong ni Kuya Bricks ng dahil hindi sa kanya unang ipinarating ng Mama niya na gustong dalawin ang kambal. Normally ay sa kanya muna unang tumatawag ang kanyang magulang sa tuwing naririto sa Manila. At kung dadalaw naman sa kambal ay magsasabi rin muna kay Kuya Bricks upang madala ang kambal at ipapasyal naman nila sa Mall. Nasa Davao ang kanyang mga magulang. Habang si Kuya Bricks ay naririto. Bakit nga kaya biglaan ang uwi ng mga ito at hindi sa kanya unang nagsabi? Naisip ko na baka may ibang dahilan ang biglaan nila pagluwas ng Manila. Hindi nga kaya? nang matitigan ko pa siya. “Bakit ganyan ka makatingin?" bulalas na sabi. “Wala naman, naisip ko lang na mukha ata na sabik na sa mga apo ang mga magulang mo. Lalo na si Mama Liza, bakit kasi di mo na bigyan ng kahit isa. Gumawa na kayo ni Bea habang maaga." tawa-tawa ko na tudyo sa kanya kinataas ng kilay. “Kahit kelan ka..." “Bakit? Totoo naman ang sinabi ko. Hindi naman biro iyon. Bakit kasi hindi nalang kayo ni Bea? Dalaga siya, binata ka. May anak naman ako." “Bakit nasali ka?" natatawa na tanong. “Wala lang, example ko lang. Pero, sige na at malate na ako. Hindi nga sana ako papasok ngayon pero wala naman ako gagawin rito sa bahay. Tutungo nalang muna ako sa restaurants." “Palusot ka talaga, ang sabihin mo patama sayo lahat ng sinambit mo. Ikaw yung limited, swerte mo nga lang at naanakan ka. Pero ang malas mo lang, dahil hindi niya alam na naanakan ka niya." banat na ganting biro sa akin. “Makapagsalita ka Kuya Bricks." inismiran ko siya sa pagpapaalala ng mga nakaraan na kalilimutan ko na sana ng maipaalala pa. “Basta ako, safe na ako at least ako may mga anak na, hindi man ako makahanap ng mapapangasawa okay lang dahil mawala man ako sa mundo may maiiwanan na ako eh! Ikaw, kahit isa ay wala kang iiwanan" Tawa ako ng tawa sa kanya ng kumunot ang kanyang mukha. Kasi naman ay nuon pa man wala na siya inasikaso kundi puro lang babae at alak. Eh ngayon, wala naman siya lakas ng loob. Hay, naku! kinabuntong hininga ko. “Ayos ka!" sabay tawa ng dutuin ako. Kahit kelan ay hindi mo ako ginalang na bata ka. Isusumbong kita kay Mama. Isusumbong na talaga kita.” may pagbabantang sabi Kuya Bricks na kinatawa ko na ganun naman ang palagi niya ginagawa na pananakot. “Magsumbong ka!" dinilaan ko siya. “Isusumbong ko rin yung sa inyo ni Bea ng wala ka nang ligtas kay Mama." pananakot ko rin. “Hay naku, alam ko naman at alam mo na matagal na niyang gusto na makapag asawa ka na. Sa tingin ko rin naman ay pasado na si Bea sa mga panlasa ni Mama Liza. Mukha naman na hindi mahirap na mapapayag sila sa relasyon niyo ni Bea. Kung meron lang naman." sabay kindat ko muli at tumalikod. “Okay! Wala na ako masabi. Ako na natalo. Kahit kelan talaga di ka papatalo." may pagsuko na sabi ni Kuya Bricks at naibaba ang kubyertos na hawak. “Sige at gagayak na rin ako at sumabay ka na. Ihahatid kita bago ako magreport sa Boss natin, este na kaibigan ko na workaholics." Tumayo na rin ito at sumabay na sa pag-akyat ko. Sa loob ng halos pitong taon nakasama ko si Kuya Bricks ay para kaming mga aso at pusa kung magbangayan at mag-asaran. Pero para sa amin baliwala yon dahil ganito lang kami maglambingan kaya nga si Mama Liza na mama niya ay madali ko rin nakasundo at nakagaanan ng loob. Itinuring rin nila ako na parang tunay na anak dahil wala naman din sila na ibang anak lalo na at sabik sila sa babaeng anak. Kaya ng dumating ang kambal sa buhay ko ay tuwang tuwa sila dahil sa kasabikan nila sa mga apo. Si Bea ay gusto rin nila kay Kuya Bricks. Napapansin ko yon at madalas pa nga sabihin kung magugustuhan lang ng anak si Bea ay ipakakasal na nila agad. Dahil sa ayaw naman nilang tumanda binata ang anak. At dahil nag-iisa lang din si Kuya Bricks, ayaw nila rin mawala sa mundo ng wala man lang makita na apo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD