EPISODE 4

5000 Words
Iniisip ko kung may pagkakataon pa 'bang kami ni Elise maaari na mag-landas muli ang aming mga kapalaran. Gusto ko na sana magkita kaming muli. Kaya kung hahayaan ng mga kapalaran namin na magtagpo kami. Magkita, maaari kayang ang nasimulan magkaroon ng ending? Tanong, may nasimulan na ba? Isang insidente lang naman iyon, kung di dahil sa amang nasagasaan ko. Hindi naman din kami magkikita na dalawa. Hindi sana nangyari ang makilala ko siya. Hindi sana na may nangyari sa aming dalawa. Hindi lang isa, dalawa na nasundan pa hanggang kapwa na kami ibinagsak ng mga pagod ng aming katawan. Pitong taon pagkatapos ng nangyari sa amin. Alam kong attracted ako sa kanya at may kakaibang feeling ako para sa kanya. Ang pagnanasang makita at makasama siya. Habang tumatagal siya sa aking isipan, lalo itong lumalala. Baliw na nga siguro masasabi ng dahil sa nasasabik akong makita siya sa tuwing naiisip ko siya at bumabalik ako sa mga nakaraan kung saan ay nakilala ko si Elise. Ang babaeng hindi ko akalain na makikilala ko at mamahalin. "Wag mong sabihin na iniisip mo na naman yung babaeng nasa nakaraan mo?" sabay tawa ni Bricks at uminom. “Dude, pitong taon na ang lumipas. Sa palagay ko nakalimutan ka na niya." sabay tapik niya sa balikat. “Yung babaeng iniisip mo hanggang ngayon. Kalimutan mo na baka mamaya may pamilya na nga rin yung tao na yon. O, baka naman nasa ibang lugar. Pero di naman din imposible na magkita kayo, bakit hindi mo ipahanap?" Napabuga ako ng malalim. Napahigit pang muli. Isang malalim na hininga at mapaisip. Tama si Bricks, maraming taon na ang nakalipas ng makilala ko si Elise sa bayan ng Cagayan. “Bakit napangiti ka?" “Wala!" sagot ko ng maalala na naman. Nang magising kasi ako matapos ang mga nangyari sa amin at makatulog. Kinabukasan paggising ko wala na si Elise sa aking tabi na magpahanggang ngayon hindi mawala sa aking isip. Naalala ko pa ang isinagot sa akin ni Manang. Maaga raw ito umalis upang bumisita sa kanyang ama na nasa hospital. Hindi na niya ako ginising. Hindi na nga siya nakapagpaalam. Matapos ang lahat kahit sana sa last minutes na magkasama kami. Sana man lang ay ginising ako. Matapos niya ako kagalitan at sermunan. Nang alak lang ang iniinom ko at siya naman ay busy sa pagkain habang ako nanunuod lang habang kita ko ang saya sa kanyang mukha na nababahiran ng lungkot at pangamba sa umpisa. “Nasa Maynila ba siya?" Nagtanong siya, sadyang pumagambala sa aking pagbabalik sa nakaraan. "Nabanggit mo na nasa Manila siya, di ba?" muli niyang tanong na . Hawak pa rin niya ang kanyang baso na sinalinan ng alak. Naaalala ko pa, isang linggo matapos ang gabi na nagkasama kami ni Elise. Napagpasyahan ko ang tumungo sa ospital upang sana ay kamustahin ang mga magulang niya. Ang ama niya na aking nabundol na siyang naging dahilan para magkita at magkakilala. Pumunta ako ng ospital, hindi lang para sana kamustahin ang kanyang ama. Pagbabakasali rin na makita siya roon at muli ay masilayan ang maganda nitong mukha. FLASH BACK Kumatok ako sa pinto ng kwarto ng lalakeng nabundol ng sasakyan ko matapos ang makarating sa Ospital. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at sumilip. Kinakabahan ako nang ibinalik niya ang aking tingin, at halos gusto kong hilahin ang aking mga paa palabas ng silid. Nang makita niya ako, tiningnan niya ako bago magsalita. “Magandang umaga po!" ang sabi ko. Maaga pa naman at manananghali pa lang ng magpunta ako sa ospital. “Sino ka?" tanong nito at sinuri ang itsura ko batay sa nakikita ko sa mga mata nito na nakatingin sa akin. “Pasensya na po, naabala ko po ba kayo?" magalang na tanong ko sa ama ni Elise. Kabado pa rin ako ng hindi nito inaalis ang kanyang mga tingin. Napalunok ako ng habang kabado pa rin na mga nakatingin ito sa akin. Dumating ang Ina ni Elise mula sa bumukas na pintuan na siyang kasunod ko lang din pumasok sa kwarto ng lalakeng dinalaw ko. Sobra yung kaba ko ng matitigan ako ng babaeng isang beses ko na nakaharap at pinagmatigasan ko na hindi ako tutulong sa kahit anong paraan ng dahil lang sa kailangan ng asawa niya ng tulong ng mabangga ko ito. Ngayon kabado ako, nakatingin ito habang nakatayo na pinagmamasdan ako. Mas lalo pa lumakas ang kaba ko na umatras nalang at lumabas ng kwarto ng kanyang asawa. “Ikaw pala, Mr. Salvador. Ano at naparito ka?" tanong ng asawa ni Mr. Madrid na ama ni Elise. Huminga muna ako ng malalim. “Pasensya na po, naistorbo ko po ba kayo? Gusto ko lang sana kamustahin ni Mr. Madrid kung kamusta na ba siya matapos ang operasyon?" maang na sagot ko pero iba ang hinahanap ng aking mata. “Maayos naman siya, nagpapagaling nalang din. Ilang araw pa, makalabas na rin siya. Salamat pala sa tulong na ibinigay mo. Si Elise ang nagsabi na malaki ang naibigay mo na tulong para sa operasyon ng asawa ko." pasalamat na sabi nito. “Wala po iyon. Kasalanan ko naman po lahat at dapat lang na sagutin ko rin ang mga abalang naidulot ko sa inyong pamilya." Sagot ko sa kanila habang maging asawa nito na si Mr. Madrid ay nagpasalamat na rin sa mga tulong na naiambag ko sa kanyang operasyon. “Sayang at hindi mo na naabutan si Elise namin." nang muli na magsalita ang ama ni Elise. Magpaalam na nga sana ako ng dahil sa hindi ko naman nakita ang babaeng gusto ko makita. “Nakaalis na si Elise, siguro nasa Manila na rin iyon. Sayang at hindi pa kayo nag-abot ng nagmamadali na siya para sa paglipat niya ng eskwelahan sa Manila." sabat na sabi pa muli ng ama ni Elise. “Okay lang po. Masaya na ako makita na ayos na kayo." sagot ko nalang kahit mahirap sa malungkot ang kalooban ko ng marinig na wala na pala rin si Elise. “Magpapaalam na rin po ako." sabi kong muli at tumayo na matapos na paupuin ako ng Ina ni Elise. “Sige at mag-iingat ka, salamat sa mga tulong na ibinigay mo, Mr. Salvador. Malaking tulong ito, sana ay pagpalain ka." sabi ng naiiyak na Ina ni Elise. “Wala po iyon, sige po. Aalis na ako." sambit ko. Iniwanan ko sila ng konting tulong na hindi naman natanggihan ng Ina ni Elise. Ayaw man ni Mr. Madrid wala rin nagawa ng dahil sa hindi pa ito maaaring makapagtrabaho matapos ang paglabas niya sa ospital. Isang maliit na sari-sari store ang ipinagkaloob ko sa kanila at iniwanan ko na rin sila ng konti pang pera para sa pangsuporta sa panggagamot ng kanyang asawa. Alam ko na mahirap sa pamilya ni Elise ang mga nangyari sa kanyang ama. Dahil sa mahihirapan na itong bumalik sa pagtatrabaho mula sa naging operasyon. Kaya bago ako umalis talagang pinag-isipan ko naman din mabuti bago ako pumunta roon sa mga iaalok at ibibigay kong tulong sa pamilya ni Elise. Umalis na nga ako sa ospital ng malungkot. Nalungkot ako ng hindi ko nakita ruon si Elise at mas nagpalungkot sa akin ang malaman na wala na pala ito sa probinsya. Lumuwas na pala ito ng Manila ng dahil sa natanggap na scholarship mula sa eskwelahan na pinag-aaralan. Duon ko rin nalaman na isang napakatalino at napakabait na anak nito sa kanyang magulang. Tulad ng nakita ko sa kanya, matapos kong pagsungitan at mabastos pa nga ng akin siyang uriin batay lang sa mga naiisip. Huminga ako ng mahigpit ng mapahawak rin ako sa aking manobela ng aking sasakyan. May halos bente minutos pa ako bago magdesisyon na umalis sa lugar. END OF FLASH BACK Sa pitong taon na yon, madalas pa talaga ang maisip ko siya. Maayos lang ba siya? Okay ba siya? Ano kaya ginagawa niya? Natupad kaya niya mga pangarap niya? May pamilya na ba siya? May asawa? O, kahit boyfriend ay mayroon na kaya siya? May mga anak? Madalas na mga tanong ko sa aking isipan. Napuno ng pag-iisip ang aking sarili habang iniinom at tinungga ang alak na hawak ko. “Dude!" biglang sabi ni Bricks habang tinatapik ang aking paypay sa balikat. Natigilan ako at halos muntikan nang matapon ang alak na hawak ko habang iniinom ko iyon. “Huwag mo ng isipin siya, Dude. Pero kung hindi ko talaga makalimutan. Bakit hindi mo nalang ipahanap?" Sinabi ni Bricks. Suwetsyon na sambit habang nangisi na nakatingin sa akin. Napahugot na naman ako ng malalalim. "Gumamit ka ng isang detective upang hanapin siya. Mas makakatulong kung may tao na tutulong sayo para hanapin ang babaeng nagpapasabog ng isip mo." pabiro na sabi nito. “Alam mo, hindi matatapos ang pagbabalik tanaw mo hanggang hindi mo nakikita yung taong hinahanap ng puso at isipan mo. Kaya, maganda niya. Ipahanap mo nalang at nang matahimik na rin at maging masaya iyong puso mo." muli ay itinuran. Bumalik lang siya sa kinauupuan niya bago pa muli siya tumayo para makalapit muli sa akin. May kinuha lang siya ron sa kanyang mga gamit at ibinigay sa akin. “Try mo. Subukan mong hanapin siya at baka sakali na masagot na rin ang mga tanong diyan sa isip mo. Sa puso, baka sakali mapunan na ang mga pangungulila. Mahirap talaga minsan kalaban ang puso, kung siya talaga nilalaman niyan. Hanapin mo, kung wala pa rin siya pamilya na gaya mom Bakit hindi mo subukan na tanungin siya kung papayag ba siyang mag-umpisa kayo sa kabila ng inyong nakaraan." huminga muna si Bricks. “Anong malay mo, kung ano ang laman nito. Siya rin ang laman ng kanya." sabay na ngumiti at kanya pa ako inakbayan habang sabay napalingon mula sa labas ng bintana. Sa sinabi niya, Bricks was right. Bakit hindi ko naisip na gumamit ng isang detective upang hanapin siya? Napaka-tanga ko, kung bakit kung hindi pa sa payo ni Bricks hindi ko maiisip. Nagsalita ulit ang Bricks, pagkatapos ng ilang sandali. “Samahan mo ako, Dude, sa bar. Puntahan natin si Jonathan." Nakangiti nitong sabi, habang hinihigop niya ang baso niya na may laman na alak. Mariing tinanggihan ko si Bricks upang pumunta sa aming kaibigan na may-ari ng isang bar. Ang Best Friend Bar na pagmamay-ari ni Jonathan. Hindi lang naman si Jonathan ang may-ari ng bar ng dahil may share rin kami duon ni Bricks. Naisipan lang namin nuon na itanong ang bar na yon upang may sarili na kami at hindi na dadayo pa sa mga bar at mapasubo na naman sa gulo ng dahil sa dalawa kong kaibigan. Ang hihilig kasi sa mga babae. Kaya madalas kami mapasubo at masama sa away. Maliban sa Best Friend Bar, mayroon akong sariling negosyo at ang kaibigan kong si Bricks ang kasama ko na nagpapatakbo nito bukod sa Best Friend Bar na amin rin itinayo. Ang Sofia's restaurant ay pag-aari ko at walang kinalaman sa negosyo ng aking pamilya. Sarili ko itong negosyo na malayo sa mga negosyo ng pamilya ko. “Dude, kailangan mo rin mag unwind. Bakit hindi ka sumama sa akin sa bar. Galain natin si Jonathan, matagal na kayo di rin nagkita mula ng magawa mong umalis at tumungo sa US. Sumama ka na, don't worry hindi naman kita gaano lalasingin." Sumamo na pakiusap ni Bricks at iginiit na sumama ako sa kanya para nakapag-unnwind sa bar. Nabanggit pa niya, ang dati naming co-student sa kolehiyo, na ang buong mukha ay malayo na ngayon sa dating itsura nito. Kasabay ang pagbubukas niya ulit sa aking pag-uwi dito sa Pilipinas pagkatapos ng pagpunta ko sa US pitong taon na ang nakakalipas at ngayon lang ako nakabalik sa dami ng mga problemang pinagtrabahuhan ko sa kumpanya ng aking pamilya. Ang aking pamilya ay nagmamay-ari ng isang Multi-International Company at ang JBS Banks na pinapatakbo din nila rito sa Pilipinas. Kahit minsan hindi ko nagawa ang makialam sa negosyo ng aking pamilya. Ayoko magkaroon ng kahit anong koneksyon pero ng dahil sa pakiusap ng aking kapatid. Nagawa ko tumungo ng America upang tulungan sila at ayusin ang mga problema na kinaharap ng aming mga magulang. Matapos ang pitong taon. Sa wakas ay nakabalik na nga ako rito. Sa Pilipinas kung saan alam kong nabibilang ako. Sa dami ng ginawang pagsasalita ni Bricks, sa pagdrama pa nito. Nakuha din niya ako mapapayag at sumama sa kanya sa bar. Gusto niya makita ko ang aming kaibigan na siyang nagmamanage ngayon sa bar habang hati si Bricks ng dahil sa maging sa bar ay tumutulong rin ito kung minsan kung hindi busy sa restaurants. Marami na rin kasi itong Branch na naitayo. Matapos kong umalis nuon at tumungo ng America. Dahil sa tulong ng matalik kong kaibigan. Dumami ito at nakilala. Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay gumayak na rin. *********** Si Bea talaga, parang bata ng makita ko pang muli kung papaano siya makipaghabulan at makipagharutan sa kambal. Napapangiti nalang din ako ng dahil wala pa rin siya ipinagbago mula ng mga bata pa kami. Sabagay hanggang ngayon naman talagang bata pa rin ito kung minsan mag-isip. Kaya siguro walang jowa... Napangiti nalang ako ng kinabuntong hininga ko habang muli ay mabalik sa mga nakaraan kung saan ay masayang-masaya si Bea ng malaman na muli kami magkakasama na dalawa. FLASH BACK “Elise kumuha ka raw ng exam?” excited na tanong ni Bea ng kasalukuyan ako nasa school at kumukuha ng ilan pang requirements matapos ko malaman na nakapasa ako sa ginawang pagsusulit nuong nakaraan. Pumasa ako sa pagsusulit at isa ako sa mga limang mag-aaral na mabibigyan ng pagkakataon na sa Manila na maipagpatuloy ang aming pag-aaral. Ako, si Luiz, Jelay, Carmina at Luigi ang mga ilan pa sa mga mag-aaral ang nakapasok sa program ng paaralan. Masayang-masaya ako at isa ako sa mga napili. “Oo, Bea. Masaya ako. Naririto ako ngayon sa school. Isa ako sa nakapasa sa programa ng eskwelahan. Matutupad ko na ang pangarap ko na diyan na sa Manila maipagpatuloy ang aking pag-aaral." “Masaya ako para sayo, Elise. Congrats." masaya na napasigaw pa ito na narinig ko mula sa kabilang linya. “Salamat, Bea." sambit ko sa kanya at halos lumundag yung puso ko sa sobrang excitement na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko nga magtatalon kangina ng makita ko ang iba pang kamag-aral na nakapasa sa programa. Niyakap nga ako ni Jelay, isa sa mga kaklase ko sa ilang subjects ko sa aking kurso. “Naku, magkakasama na tayo. Masaya ako, Elise. Dito ka na sakin tumira ng magkasama naman tayo at magkaroon ako ng kasama. Wala ka pa naman matutuluyang iba diba?" muli na tanong ni Bea habang masaya na nag-iintay sa aking sagot. “Wala pa, plano ko pa lang humanap ng matutuluyan pagdating ko diyan." sambit ko ng tugunin siya. “Huwag na!" Bulalas ni Bea. “Dito ka nalang mag isa lang naman ako. Saka plano mo bang magtrabaho habang pumapasok? Part time job ba? Kasi kung gusto mo, ipapasok kita sa aking pinapasukan habang nag-aaral ako. Sayang din kasi, alam mo naman dito sa Manila. Mahal mga bilihin, kung hindi ka gagalaw at gagawa ng paraan walang mangyayari, gutom at tiyak na matitigil ka rin. Di naman sasapat ang allowance sa school, maliit lang yon at kailangan mo pa rin na makakuha ng ibang mapagkukuhanan para pangsuport sa mga ibang gastusin." Ang haba ng sinabi ni Bea, dami pang paliwanag ng tanungin lang naman ako kung nais kong magpart-time job habang pumapasok sa paaralan. Oo, naman. Sino ba hindi gusto, bakit ako tatanggi lalo at alam ko naman una pa lang na kailangan ko talaga ang magtrabaho habang pumapasok sa paaralan. “Sige, Bea. Ipasok mo ako. Kailangan ko nga ng trabaho, isa pa yan sa mga plano ko once na makarating na ako diyan sa Manila." “Mabuti kung ganoon. Para magkasama rin tayo sa trabaho. May pinapasukan kasi ako na coffee shop, wag kang mag-alala dahil mabait yung may-ari at tiyak na matatanggap ka agad. Ako mag recommend sayo, kaya tiyak na hindi tatanggi yon." usal na sambit na may pagkabilib sa kanyang sarili. “Sige ikaw na bahala, Bea. Ipasok mo ako." sagot ko muli ng tugunin siya. “Alam, mo. Mabait talaga amo ko. Kahit nga minsan pagnahihirapan ako sa school. Madalas pang cut mga schedule ko. Ayos lang sa kanya. Basta mag paalam ka lang sa kanya dahil ayaw niya yung basta nalang iiwang ang schedule sa coffee shop ng basta-basta nalang. Dapat may inform sa kanya. Para magkaroon ng adjustment sa iba pang mga kasama ko roon." “Okay sige, salamat Bea." “Wala yon, sino pa ba magtulungan. Tayo lang din naman." “Salamat!" muli kong sinabi na napangiti. Bumuntong hininga ako muli at ibinaba na ang tawag ni Bea. Mabilis lumipas ang mga araw, linggo, at buwan naging maayos naman lahat. Maliban sa isang bagay. Palagian ako nakararamdam ng pagkahilo at pagsusuka. Nung una, hindi ko iyon pinansin ng dahil baka dahil lang sa aking mga pagpupuyat mula sa mga schedule ko sa eskwelahan at maging sa coffee shop. Madalas talaga ako mapuyat, minsan di rin makatulog ng dahil bigla nalang din kakalam ang sikmura ko. Nagugutom ako, kahit katatapos lang namin kumain ni Bea, minsan papangalawahan ko pa. Subalit kulang pa rin at makaraan lang ang isa, dalawang oras ay kakalam na naman ang sikmura ko at kung minsan oras nakaamoy ako ng ilang hindi kanais nais na amoy. Maduduwal na ako niyan at tatakbo papuntang banyo. Sa lahat ng mga naramdaman ko. Hindi ko iyon pinansin. Subalit habang naglalakad ako matapos ang klase ko sa paaralan. Bigla nalang ako nahilo, nakaramdam ako ng panlalabo ng mata ko at nahilo ako ng bigla nalang ito tuluyan nawala at bumigay. Nabuwal ako, na out of balance. Maswerte nalang ako isang kamay ang bigla nalang sumalo sa akin habang papabagsak sana ako sa kalsada kung saan ako naglalakad. Isang lalake ang naaninagan ko pa bago tuluyan pumikit ang mata ko. Naririnig ko na tinatanong ako nito. Sunod-sunod ang mga tanong na tinatapik ng mahina ang pisngi ko habang tanong. “Miss, okay ka lang?" Subalit di ko na nagawa pang sumagot ng bigla nalang nagdire-diretso ang pagpikit ng mata ko. Naalipungatan nalang ako at nagising mula sa isang kwarto at sa kabilang gilid ko si Bea, nakaupo. Isang malakas na sigaw mula kay Bea ng mapansin niya ang panilat-dilat ng aking mata. “,Hoy, Best friend!" Ang lakas ng boses ni Bea na halos mabingi ako. “Elise, gumising ka!" aniya muli na hawak ang kamay ko. “Gumising ka, hindi ka naman mamamatay? Gising, Elise. Wag mo naman ako biruin ng ganyan. Idilat mo na yung mata mo. Gising, gising na Elise. Sige ka, hindi ko kakayanin oras na iwanan mo na ako, ano nalang sasabihin ko sa mga magulang mo? Gising na, Elise." napakadaldal sunod-sunod niyang sambit. Nabibingi ako sa ingay ni Bea. ESKANDALOSA Eskandalosa talaga itong si Bea. Hindi ko tuloy alam kung tatawa ba ako o iiyak dahil sa kanyang naipit yung balak ko sa kamay ko na kanyang nadaganan. Napadaing ako, subalit di nito nakita at nagdrama lang siya ng nagdrama at dumadaldal. Ang sakit, mahila niya yung balat ko at madiinan ang pagkakahawak sa isa ko pang kamay. Niyakap niya kasi ako, habang yakap umiiyak na pala ito. Naiiyak na pala siya sa mga ginawang kadramahan. “Hoy Bea abuso?" bulalas ko. “Hindi pa ako mamamatay, pero baka sakali na mamamatay nga ako ng dahil diyan sa ginagawa mo." paninita ko sa kanya sa higpit ng yakap habang napakabigat niya kaya. “Bitiwan mo nga ako. Ang drama mo, di pa ako mamamatay. Ikaw, gusto mo? Unahin na kita." biro ko sa kanya at bumitaw na ito. “Sorry!" aniya na sambit at bumangon na sa pagkakayakap sa akin. “Nasaan pala ako?" nang mapansin ko ang kabuuan ng malaking kwarto na kinaroroonan namin dalawa. Nagtataka naman ako ma inilibot ko ang aking mga mata at puting kwarto na may pink na kurtina. “Nasaan ba tayo? Bakit naririto tayo?" tanong ko ng pilit ako bumangon ng pigilan ako ni Bea. “Teka, wag ka muna bumangon. Baka mahilo ka pa, mahiga ka muna at magpahinga." sabi nito inalalayan ako makahiga. “Mahiga ka muna, pag okay ka na, lalabas na tayo." sabi ni Bea at naupo sa harapan ko. “Hindi mo ba natatandaan ang nangyari sa iyo kangina sa daan?" Umiling ako. Napaisip. Nahilo nga pala ako kangina at sa pagkakatanda ko ay nawalan ako ng malay habang bigla nalang ako mag-collapse sa gitna ng daan at may sumalo sa akin subalit di ko na natanong kung sino ng tuluyan na pumikit ang mga mata ko. “Wag lang mag-alala, wala ka pa sa heaven. Hindi ka pa dadalhin sa Morge, buhay ka pa." aniya na biniro pa ako ni Bea ng malalim ako nag-iisip kung ano ba talaga mga nangyari sa akin kangina. “Morge agad?” Bulalas ko. Sininghalan ang pagbibiro. “Joke lang naman!” sabay bawi nito nginitian ako. Nawalan lang ng malay sa morge agad. Minsan ay baliw talaga si Bea. Mga binibitawan minsan nakakaano.. Tawa ng tawa si Bea ng dahil sa pinagsungitan ko siya. Haist! Napabuntong hininga at naisip ko pa. Paano ko ba siya naging kaibigan na kung minsan ay mas malala pa sa akin kung bumanat. Minsan di rin nag-iisip. Baliw talaga. Muli pa ako napahinga habang pinanunuod lang ang kanyang pagtawa. Mabilaukan ka sana. sambit ko habang nagsubo ng isang slice ng orange sa bibig habang natatawa pa rin. Habang nagbibiro si Bea, sabay kami napalingon ng bumukas ang pinto. Isang lalake ang hindi pamilyar ang pumasok. “Hi!" bati nito at bungad ng makita akong gising. Kasalukuyang na nakaupo na ako at nakasandal ng alalayan ako ni Bea ng pakainin ako ng prutas. “Buti gising ka na, masaya ako makita na ayos ka na." nakangiti rin ito na humakbang papalapit sa amin. Pakiramdam ko tumaas yung kilay ko sa dahil sa pag-akto ng lalake na magkakilala kami. Hindi ko nga siya kilala. At lalong ngayon ko lang din siya nakita. “That’s a good at gising ka na. Kamusta ka? Ayos na ba pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba? Ano? Okay ka na?" ang daming tanong at paulit ulit na nakangiting sabi nito. Para siyang kakilala na labis ang pag-aalala. May nabanggit si Bea kangina na may isang lalake ang tumawag sa kanya. Kaya nalaman niyang naririto ako ngayon sa ospital. Siguro ay ito ang lalakeng sinasabi ni Bea na nagdala sakin rito. Mukhang siya nga ng dahil sa mga makukulit nitong mga tanong. “Ayos na!" sagot ko. “Elise siya pala yung lalakeng sinasabi ko sayo na nagdala sayo rito. Siya rin ang tumawag sa akin. Kaya nalaman ko na naririto ka ngayon. Mabuti nalang nakita ka niya sa kalsada ng mawalan ka ng malay." Hindi nga ako nagkamali sa aking conclusion. Siya nga ang lalakeng naaninagan ko bago ako mawalan ng malay. Siya rin ang lalakeng sumalo sa akin bago pa man ako bumagsak sa kalsada. “By the way hindi pa ako nakapagpakilala. My name is Bricks Garcia, but you can call me Bricks for short.” nakalahad pa ang kamay habang ngiting-ngiti na nag-aantay na tanggapin ko ang palad na kanyang inilahad. “Bakit tinitingnan mo lang ako?" bulalas, tanong nito. “Ikaw ba yung sumalo sa akin kangina sa daan?" tanong ko di pa rin makapaniwalang hinimatay nga ako at itong nangiti na ito ang siyang nagdala sa akin rito sa ospital. “Oo naman, swerte mo at napadaan ako sa kalsada na yon. Dahil kung hindi, baka tuluyan ka na bumagsak sa sahig at kung ano pa ang nangyari sa inyo." “What do you mean?" nagtataka na naman na naitanong kahit alam ko naman na nawalan ako ng malay subalit ang di ko maintindihan ang tinutukoy nito na kayo. Bakit kasi kayo? Ako lang naman yung hinimatay at nawalan ng malay kangina. May iba pa ba maliban sa akin at sa kanya na siyang umalalay sa akin bago bumagsak ako ng tuluyan sa kalsada? Napapaisip tuloy ako sa kanyang nasambit. “Have you ever forgotten that you almost fell in the middle of the side walk? It was really good, and I passed by there and saw you." sabi niya pang muli. Huminga ako, nag-isip. “Okay naman kayo. You have nothing to fear. You are safe with the baby you are carrying. Mabuti nalang at hindi ka bumagsak. Dahil baka ano na nangyari sakali na bumagsak ka nga ng tuluyan." “Nagbibiro ka ba?" bulalas ni Bea na napatingin sa kanya. “Anong baby ang pinagsasabi mo? Kahit nga boyfriend wala itong best friend ko. Paano mangyayari na may baby sa sinapupunan niyan?" natatawa at nagtataka na naitanong ni Bea. Tumawa ang lalake, habang ako malalim ang pag-iisip. Napalunok ako mula ng maalala ang mga nangyari sa amin ni Harry bago pa man ako makaluwas rito sa Manila. Ibigsabihin lang ay nabuo... May nabuo mula sa ilang ulit niyang pag-angkin sa akin na paulit-ulit naman din ako nagpaubaya sa mga bawat pagtatangkang at pagpapakita nito ng mga sandali na magkasama kami sa loob ng kwarto niya. “Hey! Hindi ako nagbibiro. Buntis nga siya, tanungin mo pa yung doctor na tumingin sa kanya. Nagulat nga rin ako." sabay tawa. “Pagkamalan ba naman ako na ako ang ama." biro muli na sambit sabay tawa na naman. Pinagtatawanan ata talaga ako ng lalakeng ito habang sabay sila na napalingon sa akin ni Bea. “Elise!" sambit ni Bea. “Elise pala, Bricks." sabay sabi pang muli. “Next time mag-iingat ka na ahh, wag kang mag-isa maglakad ng ganyan ang kalagayan mo. Lalo na at normal sa mga buntis ang mahilo, masuka o magkaroon ng mga morning sickness sa umaga. Pero sabi naman ng doctor, okay kayo ni Baby at maayos ang kapit ng bata. Yun nalang talaga ipagpasalamat mo. Dahil kung hindi. Baka dalawa pa kayo ang mapahamak." “Teka nga!" nang sumingit si Bea. “Paano nga siya mabubuntis. Wala naman boyfriend si Elise?" “Bakit, sigurado ka bang wala? Napaka imposible na mabuntis siya ng siya lang mag-isa ang gumawa." Biro na naman nito. Muli na naman pumasok sa isip ko ang mga nangyari ng araw na may nangyari sa amin ni Harry. Ang lakas ng kaba ko at dahil sa posibleng totoo nga ang sinasabi ng lalakeng napakadaldal na ito. Nagtatalo sila ni Bea. Pinagpipilitan na hindi ako buntis habang ang isa ay ipinipilit na buntis ako. Ang ingay nila ng muli ako mahilo. “Okay ka lang?" nag-aalala nilang tanong ng sabay mapalingon. “Ayos lang ako." sambit ko ng bumukas yung pinto. Isang nakaputing nakauniporme ang pumasok sa kwarto. “Hello, Misis. Kamusta na pakiramdam mo?" tanong nito sabay rin sila lumingon. “Sorry po, wala pa po asawa ang kaibigan ko." Si Bea ang sumagot at itinama ang sinabi ng doctor. Sa unang tingin ay malalaman naman agad na doctor ito. Napangiti ito sa sinabi ni Bea at lumapit sa amin. “Okay na ba pakiramdam mo?" tanong muli ng hindi pinansin ang sinabi ni Bea. “Nahihilo ka pa? Nasusuka?" Umiling ako. “Dala ng pagbubuntis mo ang nangyari sayo ng mawalan ka ng malay. Siguro ay madalas kang walang tulog at pagod." sambit nito na sinuri pa minsan ako. “Maayos ka naman, kailangan mo lang magpahinga. Safe naman kayo ng baby mo." muli na inulit ng doctor. “Dok, totoo bang buntis nga itong kaibigan ko?" tanong ni Bea. “Oo, buntis ang kaibigan mo. I think hindi niya rin alam." nakangiti at nagbiro. “Misis, alagaan mo ang baby mo ahh!" Sabi nito at nagpaalam na. “Elise, bakit hindi ko alam na may jowa ka pala?" tanong nito. “Oo nga, bakit hindi alam nitong kaibigan mo na may boyfriend ka na?" sumali pa itong isa. Dalawa pa silang nangungulit sa akin at nagtatanong kung sino ang ama ng sanggol sa sinapupunan ko. “Elise, magsabi ka nga! Sino ama niyang bata na dinadala mo?" “Oo nga, sabihin mo na, sino ang ama ng batang dala-dala mo? Imposible naman ako." sabay turo sa sarili at tumawa. Taas ng kilay si Bea ng balingan ang mukha ng lalakeng katabi. “Tumigil na nga kayo." suway ko at nag-kakairingan na rin sila. “Sino nga ba kasi ama niyan? Wala ka naman pinakikilala sa akin na lalake na maaari kong maisip na maging ama ng dinadala mo." “Oo nga, imposible naman na sarili mo lang mag-isa na ginawa at magic isang click. Buntis ka na agad." Babatukan ko na itong dalawa kung di pa titigil sa pagtatanong. Huminga ako. Muli na naman nag-isip. Habang ang dalawa ay magkukulitan na para bang close na sila. Nagulat rin ako. Nagulat talaga ako ng makita na para ba sila close sa isa't-isa na nagpakilala pa si Bea. Nagkamay at masayang mga nag-usap habang ako napapaisip at nablangko ang isip. END OF FLASH BACK Nang araw na yon. Isang nakakabigla talaga ng malaman ko na buntis pala ako. Hindi ko inaasahan na agad mabubuo. Kahit alam ko na sa sarili ko na hindi imposible na mabuntis ako sa papasukin ko. Sa mga sandali na yon. Nablangko talaga ako. Panandalian ako di nakapagsalita o kumibo sa pangungulit ng dalawa. Sa mga tanong nila na wala akong naisagot ng dahil di rin naman ako makapaniwalang mangyayari iyon sa isang gabi lang na magkasama kami. Mabubuo pala at may regalo. Ano ba ito, daliri ko na pala ang kagat ko habang sinisimot yung katas ng niluto kong tocino sa plato. Natawa nalang ako ng makirot yung daliri ko ng makagat. Ako nalang dito ang naiwan hanang inaantay si Manang Lorie na makabalik. Wala pa siya buhat ng makaalis kangina. Si Kuya Bricks tiyak na tulog pa buhat ng hating gabi na umuwi. Mali, madaling araw na pala ng maurinigan ko ang kanyang sasakyan. Sa bar na naman siguro nagtambay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD