EPISODE 6

5000 Words
Ako nga pala si Mary Elise Madrid at ito ang kwento ko. Matapos maaksidente ng pinakamamahal kong ama noon may pitong taon na mula ngayon nagawa ko ipagkasundo ang aking sarili para sa pera na kailangan ng ama ko para sa kanyang gagawing operasyon o mabuti pang sabihin ay nagawa ko itong ipagbili dahil sa pera na kailangan ko. Kung sa libro madalas mangyari ang kwentong katha na naipagbibili ng female main character ang kanyang sarili sa male character sa kwento ganoon rin ang nangyari sa buhay ko. ANG SAYA DIBA Dahil hindi ko lubos inakala na mangyayari ito. Sino mag aakala na sa lagay ng buhay na kinatatayuan ko ay posible palang mangyari iyon sa totoong buhay na kinagagalawan ko. Pero may isang tanong ako? TEKA! Kung sa libro ay parang fairytale ang tagpo ng Main Female and Male Character posible rin kayang ang pagtatagpo namin ng lalakeng iyon ay maging katulad rin ng kwento sa libro? POSSIBLE! BAKIT KO NASABI? Tingnan nalang natin ang kwento ko mula ng magtagpo kami ng lalakeng iyon at mangyari lahat ng bagay na yon ay para itong isang bangungot o sticky na nakadikit, hindi na maalis sa isip ko. BAKIT? Kasi nagustuhan ko? Hahaha. Mali pala! Hindi! Tama naman din! Palagi kasi itong bumabalik balik sa mga mga panaginip ko. Tapos siya pa ang nag-iisa na laman ng puso at isip ko. Para na siyang pandikit na nakadikit na sa akin sa loob ng ilang taon. Panaginip na hindi matapos tapos pero wala naman din kasunod ang naputol na kwento maliban sa isa na naiwan nito. Ano nga ba iyon? Kasi nga naman nag iwan pa ito ng marka. Isang marka na panghabang buhay ko na dala-dala. Habang buhay ko na kasama at habang buhay kong itataguyod ng mag-isa. Isang marka na walang kahit sino ang makakabura. Isang marka na kahit kelan. Walang kahit sino ang maaari na kumuha. Marka, mula sa kahapon na magpahanggang ngayon ay akin pa rin dala. HINDI SUGAT kundi isang ALA-ALA. GIVE AWAYS parang ganon. Para lang ako umatend ng isang party at pag-uwi mayroon na akong bitbit na give a ways. Isang party na hindi ko lubos akalain na sinuwerte pala ako ng dahil sa aking pag-uwi. Ang nabitbit ko ay magiging isa pa lang supresa. Supresa na natanggap ko na labis ko rin ikinagulat nalang makaraan ang ilang buwan. Natulala pa nga! Kinanganga! Kinabigla! Kinalaki ng mata! Sa huli kinatuwa nalang. Kinasabikan, habang nasanay. Nasanay na habang tumatagal nae-enjoy nalang. Para nalang din ako tumama sa LOTTO. Tumama na may malaking premyo. Subalit hindi bilang bilyonaro. Hindi rin bilang Milyonaryo. Kundi isang napakalaking responsibility na habang panahon kong dadalhin. At ang nakuha ko na premyo ay mas malaki pa pala sa inaasahan ko. Big price, ika nga sabi ng iba. At malas naman sa akin nung una. Pero sa huli, nang makita ko na sila. Napa-WOW nalang! At halos pumalakpak ang puso ko sa saya. Lalo ng makatitigan ko na at mahawakan. Nang mayakap ko sila, mahagkan. Sa tuwing nakikita ko sila. Naiisip ko. Jackpot pala! Jackpot pala ako, dahil sa mas higit pa ito sa pera, sa kayaman sa tuwing kasama ko sila. Minsan hindi pa rin ako makapaniwalang ang Give Aways na yon ay panghabang buhay ko ng dadalhin. Subalit masaya. Inisip ko nalang sa huli, na isa pala itong napakalaking BLESSINGS na dumating sa buhay ko. Isang blessings na napakaganda na nangyari sa buhay ko. Hindi ko man inaasahan. Masaklap lang, kinatawa ko nalang. Dahil hindi ISA kundi DALAWA sila. Super BLESSED talaga. Napakaswerte kong nilalang, pinagkalooban ako ng dalawa. Ang saya diba! Dahil di lang ako ang halos tumalon ang puso sa tuwa. Kasama ko sila Kuya Bricks at Bea sa pagsalubong sa kanila. Dahil sa sobrang ang swerte ko. Dahil isang KAMBAL ang regalo na natanggap ko mula sa lalakeng UNA at magiging HULI na rin siguro ng buhay ko. Mula kasi ng nangyari iyon at dumating ang kambal sa buhay ko parang nawalan na ko ng interest na pumasok sa isang relasyon. Contented na ako sa kambal na meron ako ngayon. Ikaw ba naman dalawa pa iyon. JACKPOT nga raw sabi ni Bea. Sigaw-sigaw pa ni Kuya Bricks sa tuwa ng malaman. Para na kasing takot na ako magtiwala pa sa iba o mas madali sabihin umaasa ako na minsan, mag-krus ang landas namin ng lalakeng minsan ay nakasama ko sa maiksing gabi na yon. Sa totoo lang parang super romantic ng pangyayari na yon sa aming dalawa. Sa una at huli nakita kong ngumiti ang lalakeng kinatakutan ko ng una kong makita. Inoperan pa ako ng pera kapalit ng katawan ko, sa una nag isip pa ako sa huli bumigay rin pala ako. NAKAKATAWA! Sabi kasi ni Bea, baliw raw ako. Baliw kasi nagustuhan ko raw rin ata ng sabihin ko na gwapo! Pakipot sa una, bibigay rin pala. Hindi pa isa kundi nakarami pa ang sumunod sa una. Napakarami ang nangyari ng maiksing gabi na yon at masasabi ko kaya siguro parang isang bangungot ito dahil sa oras na yon nakuha nito ang sulyap sa PUSO ko. Kudlit na parang isang susi na nagbukas para ito makapasok sa buhay ko. NAGTAGUMPAY naman dahil dalawa pa nga ang iniwang alaala para hindi ko ito makalimutan. “Haist! Naku. Iniisip mo na naman yang kwentong fairytale ng buhay mo.” “Istorbo ka! Kaganda na, nausyami pa!" inis na usal ko sa pang iistorbo ni Kuya Bricks. “Paano naman kasi. Malapit na po tayo. Ibababa na po kita o gusto mo pa sumama?” Malapit na pala siya. Nawala ako sa pagpapantasya mula sa minsan ay bangungot pero masayang tagpo sa buhay ko na paulit ulit na umiistorbo. Tanong ko lang din minsan. Ang kwento ko ba sa lalakeng yon ay magkaroon ng change na magkaroon ng totoong ENDING. Gaya nalang nito pababa na ako. Ending na muli ng pagpapantansya ko mula sa mga nakaraan. Buti pa ang pagbabalik tanaw may ending na gaya nito. Yung Fairytale Dream ko kaya may change na MAGKATOTOO? “Oh siya! Ibaba mo nalang ako sa may Coffee Shop sa kanto." “Huwag mong sabihin magkakape ka?" gulat na sabi ni Kuya Bricks. Natawa naman ako sa reaksyon nito. Nagkape na kasi ako kangina at ayaw na ayaw niya na uulit ako ng kape dahil nakakabobo raw iyon. Kaya raw madalas ay nililipad ang utak ko dahil sa epekto raw iyon pagkakape ko. “Pede naman mag hot choco lang?" Bakit gusto mo?” alok ko. “No thanks!" Napailing naman ako sabay sabi. “Eh di huwag!" bulalas ko. “Masarap pa naman yon. Sweet, kasing tamis ko. Ayaw mo?" muli ay baling ko. “Baka gusto mo nang magka-asukal naman ang nanlalamig mong Lovelife! Baka sakali masabi mo na, maamin kung ano nilalaman niyan" turo sa puso niya. Saka, masyado na rin kasing matabang iyan, asukalan mo ng magkaroon ng konting sweet ng masabi mo na sa kanya.” tawa tawa kong pang uuyam. Napakamot nalang siya sa ulo at natawa mula sa sinabi ko. “Bumanat ka naman. Sinabi na sayo mo i-apply at huwag mo sakin ipagpilitan.” “Ayaw mo talaga? Nang sabay tayo magkaroon ng matamis na lovelife.” muli ay biro ko ng balingan siyang muli na kinatawa naman ni Kuya Bricks at tinaas pa ang kamay saka tinaboy ako. “Sige na, lumayas ka na. Lalo tumatabang at gumugulo ang Lovelife ko sayo.” Natatawang sabi nito na ipinagtabuyan ako. ************ BRICK'S POV'S Tuluyan na nakaalis si Elise at nakababa sa aking sasakyan. Talagang babae na yon! sambit ko na kapwa pa kami natawa kangina. Baliw talaga yung isang yon! sambit kong muli ng tumunog ang cellphone ko. “Hello, Dude!" Si Harry yung tumawag. “Bricks asan ka?" “Sa Coffee Shop malapit sa Sophia’s." sagot ko ng hindi na muli pa nagsalita si Harry. Anong nangyari ron? ani ko at nag-iintay kung sakali na sasagot. ************* HARRY'S POV'S Maaga pa lang nagising ako. Naisipan ko na maaga mag-ikot at daanan si Bricks kung saan siya di-diretso ay duon muna rin ako tutungo. Subalit ng tawagan ko siya kangina. Mukhang badtrip pa ang loko. Pero di ko inaasahan na makikita ko siya malapit sa isa sa branch na iikutan ko. Kaya ng matanawan ko siya agad ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan ito. “Bricks, asan ka?" tanong ko sa kanya. At ang isinagot nito ay nasa isang coffee shop. Tama nga ang natanawan ko ay siya nga at may kasama ito na babae na bumaba sa coffee shop. “Bakit?" “Wala naman, mag-ikot kasi ako ngayon. Sa may Espanya branch. Baka lang nasa malapit ka, magkita nalang tayo roon." “Okay sige." sagot ni Bricks. “Please buy me some coffee. If you want, buy yours as well. But for me, please, one espresso and one Americano. You pay first and I will give you the payment later." “No, thanks, Dude. Nag-coffee na ako. Hot Choco nalang ng magkaroon naman raw ng tamis ang lovelife ko! Basta treat mo ahh!" pabiro na sinabi niya na kinatawa ko nalang habang tinatanaw. “Ayos rin mga segway mo at saan mo naman napulot yan? Sa babae ba?” “Paano mo nalaman?" “Bricks, ang korni kasi." “Korni ba?” “Yap, Duper. Huwag mo nang uulitin.” biro ko muli sa kanya. “Ayos lang yon, kesa naman kape! Ayan nga at may resulta, ang pait ng lovelife mo. Iwasan mo na kasi magkape, tigilan mo na ang kahiligan mo sa pagkakape. Blangko, kaya pati lovelife pumapait. Wag mo na idamay ako if may plano kang isama ako. Hindi na nga ako makapag asawa ng dahil sayo.” pabiro na naibulalas ni Bricks. “Kasalanan ko pala! Bricks sabihin mo wala lang talagang babae na magkagusto sa isang babaero na gaya mo!" “Dude, nagbago na po ito! Nagpapakatino na simula ng dumating sa buhay ko ang isang napakalaking blessings.” “Blessings?” gagad ko. “Yes Dude! So I’m ready to fix it. Tumatanda na tayo at gusto ko naman makita ang iiwanan ko sa mundo bago man lang ako mawala. May maiwan ako.” Tumawa ako. “Dude ang korni mo! Sige na magmadali ka na. Dito na tayo mag usap sa Sophia’s Espanya Branch.” “What, nariyan ka sa branch?” “Yes, nakita nga kita." pabirong sabi ko. “Ang alin?” takang tanong ni Bricks “Ikaw at yung babaeng binaba mo sa Coffee Shop.” deretsyahan na sabi ko. “Kangina mo pa pala ako nakita! Sinusundan mo ba ako? O minamatyagan?" “Bali, wala kahit isa sa mga sinabi mo. Aksidente lang! Papunta rin kasi ako ng Sophia’s ng matanawan ko kayo. Bilisan mo na, marami pa tayong pag uusapan.” Hindi ko na inintay pa na makasagot si Bricks. Ibinaba ko na agad ang tawag ko at baka mapahaba pa maging paliwanag na nais niya. Saka matapos ko siyang matanawan kangina. Dumiretso na rin ako rito sa branch at ngayon ay nasa mismong parking lot na ako ng branch. Unang beses ko makatutuntong rito. Kaya ang naisip ko ay mag-matyag lang muna sa mga galawan ng mga empleyado rito. Dahil sa kababalik ko lang galing sa ibang bansa. Ang target ko ay maikutan ang lahat ng branch. At una rito sa Sophia's Restaurant Espanya Branch ang naisip ko na ikutan. Matapos rito ay plano ko sa iba pang malalapit sa area muna umikot at maglibot. But now I want to hear about the progress of all the stores while I am not here to support my business. Si Bricks lang kasi ang nag-aasikaso ng mga kailangan sa store. Siya ang namahala sa negosyo ko habang wala ako. Alam ko naman na hindi niya pinabayayaan ang negosyo ko. Pero nagtataka lang ako ng dahil halos lahat ng reports niya ay maayos. Kaya nais kong macheck kung accurate ba sa mga nirereport ni Bricks. Dito ko nalang siya aantayin. ************ BRICK'S POV'S Sobrang nagulat ako. Nabigla ng madinig na nasa store si Harry. Kinakabahan tuloy ako, kinakabahan sa muli na pagkikita ng dalawa Kinuha ko ang cellphone ko na nailapag ko matapos namin mag-usap ni Harry. Hanggang ngayon blangko pa utak ko at hindi makapaniwala na ganito kabilis ay magkikita yung dalawa. Seven years! “Elise, are you still there? At the counter, are you done buying your hot choco?" “Yes, why?" “Please buy me one espresso and one Americano, as well as one hot cup of cocoa. Can you pay first? I'll pay you later when I'm paid too." “Kala ko ba ayaw mo? Saka para kangino yung espresso at americano? Mukhang nagbago isip mo ahh, nais mo na ba sumabay sa akin na magkaroon ng tamis ang lovelife? Wow, masaya ako marinig sayo kahit wala pa man." “Bumanat ka na naman. Para sa boss yan. Bilisan mo na at nag-iintay." “What? Yung may ari ba?" “Oo, kaya bilisan mo na." “Okay, give me some seconds and I'll make it fast." Sagot niya at nag-intay nalang ako. *********** ELISE'S POV'S Akala ko talaga nakaalis na si Kuya Bricks. Heto tuloy at nagmamadali ako para sa kape na pinabibili. “Kuya!” Tawag ko sa kanya ng katukin ko yung bintana. “Pasok na!" nang mapagbuksan ako. “Aga naman ng kaibigan mo. Naunahan pa tayo.” Sabi ko. “Ako man nagulat rin. Hindi ko inaasahan.” “Bilisan mo na Kuya.” utos ko. “ Binibilisan na nga!" “Hindi ka naman galit? O, naiinis?” biro ko. “Ewan! 'Ke aga aga kasi! Istorbo...” nakangiti na sabi. “Hindi ka pa nasanay, hindi ba ikaw na nagsabi? Ganoon talaga iyong kaibigan mo.” Hindi sumagot si Kuya Bricks. Seryoso lang siya na nagmaneho na malalim ang iniisip. “May problem Kuya?" “Wala, kinakabahan lang ako. Heto, minamadali ko na nga ang pagmamaneho." “Huh? Bakit ka kinakabahan? Wala ka naman ginawa, lalo at magaganda lahat ng sales ng Sophia’s. Lahat positive ang sales wala naman nag-negative sa maraming taon na wala siya. Anong kinakatakot mo?” “Nakita niya tayo, ikaw nakita niya." “Anong masama roon?" nagtaka ako. “Ready ka na ba?” “Para saan?" nagtaka na naman ako. “Sa Fairytale Dream mo” “Huh? Anong kinalaman noon sa takot mo sa kaibigan mo?” mas lalo ko pa pinagtaka. “Sorry, Elise, nagtago ako. Pero never naman ako nagsinungaling sayo. Alam mo yan.” “Hindi kita maunawaan Kuya?" Hindi ko talaga siya maintindihan. “Ano ba pinupunto mo, Kuya? Anong itinago?" “Magagalit ka ba, kung sasabihin ko sayo?" “Ang alin?" “Sa totoo lang, Elise. Kagabi ko lang din nalaman at duon ko natuklasan ang matagal na gumugulo sa isip ko." “Alin, Kuya?" “Ayoko lang kita masaktan at lalong ayoko rin magtanong sayo noon. Nang araw na magkakilala tayo noon parang familiar ka 'ko ang mukha mo at nakita ko kung saan lalo ng sabihin mo ang buong pangalan mo noon. Habang tumatagal iniisip isip ko iyon kung saan tayo noon nagkita. Habang lumalaki naman ang kambal mas lumalakas ang kutob ko, ngunit gusto ko ikaw at sayo ko mismo marinig ang lahat. Napakatagal ko nag aantay na buksan mo sa akin ang tunay na pangyayari sa kabuuan ng Fairytale na palagi mo kinukwento. Noon akala ko nga ay kathang isip lang iyon tungkol sa isang babae at lalake na pinagtagpo at nabiyayaan ngunit pinaglayo. Pero kagabi gulat na gulat ako, kaya nga napansin mo rin kung gaano ako nalango sa alak at doon binuhos lahat ng agam agam ko ng may pitong taon ko kinatago tago. Hindi ko masabi at mailabas sayo dahil gusto ko talaga sayo ko maririnig lahat pero natatakot ako na baka hindi pa ganoon kasapat lahat ng pinagsamahan natin sa pitong taon na lumipas kaya ni minsan ay wala ka binanggit sa lalakeng nakabuntis sayo at sa tunay na ama ng kambal.” “Kuya hindi sa ganoon na ayaw kong ikwento sayo. Nahihiya kasi ako, malaking insidente lang naman lahat ng nangyari samin ng ama ng kambal. Hindi minsan sumagi sa isip ko na ganyan na pala ang nararamdaman mo para sakin. Sana sinabi mo handa naman ako magkwento nahihiya lang ako dahil baka hindi ka rin naman interesado dahil sino ba ako. Parang napulot mo lang naman kami nuon na nagawa mong ampunin dahil sa awa nawalan kami ng tirahan dahil sa kagagawan ng kaibigan mo. Patawad kuya.” naluluha na rin ako. “Wala, yon. Alam mo naman na kapatid na ang turing ko sayo. Pero nais ko sana itanong. Joseph Harry Salvador ba ang buong pangalan ng nakabuntis sayo?” Nabigla ako, nanlaki mata ko. Hindi ako makakuha ng isasagot. Umurong ata yung dila ko at kinatingin sa kanya. “Umamin ka, siya ba? Ang ama ng Kambal?" ulit na usam nito. Tuluyan na talagang naglandas ang mga luha sa mata ko dahil sa matinding tanungan na nangyayari ngayon. Nagtataka ako kung paano nalaman o nahulaan iyon ni Kuya Bricks. Sa huli tumango nalang ako at nakita siya na pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng manobela. “s**t! Bakit noon hindi ko pa nahulaan.” galit na turan nito na hinampas hampas pa ang ibabaw ng manobela ng sasakyan. “Kuya, hindi talaga kita maunawaan? Ipaliwanag mo." “Makinig kang mabuti Elise! Ang lalakeng tinutukoy mong ama ng kambal ay ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan. At iyon ang palaging kinukwento ko sayo na boss at matalik kong kaibigan na si Harry ang nag iisang may ari ng Sophia’s. At ang taong iyon ay naririto ngayon sa branch.” Mas lalo pa pala ako mabibigla sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwalang ang storya na madalas kong dinuduktungan nalang ay makikita ko pala ngayon. Parang MAGIC. Kanina lang ay naiisip ko siya. Ngayon makikita ko na pala. “Kuya seryoso o biro?" biro ko nalang pampakalma. “Mukha ba akong nagbibiro? Kita mo may luha? Biro pa sa lagay na yan?" Natawa ako, naluha pala siya, nadala sa drama naming dalawa. “Ano bang malay ko. Mamaya gumaganti ka lang..." “Ganti? Palagay mo kelan ako gumanti sayo sa madalas na pambubully mo sa araw araw na ginawa na magkasama tayo?” “Ngayon pa lang, kung saka sakali. Baka mamaya pinag-planuhan at pina-imbestigayan ang tungkol roon." “Sa lagay na yan, nakuha mo pang bumanat? Seryoso na nga tayo, may paiyak iyak pa nga. Putsa kahit kelan talaga yang mga banat mo Elise, DRAMA na nga, naging COMEDY pa! Kaya nabibigyan ka ng AWARD hindi lang isa, dalawa agad.” pahapyaw na biro ni Kuya Bricks. “Kuya?” sambit ko. Hindi ko alam if maiinis ba ako o matutuwa sa kanyang sinasambot. “Bakit? Totoo diba, sa galing mo na yan dapat lang... Dalawa agad.” naiinis na ako sa kanya. Tinatanong ko siya pero panay lang daldal niya. Kung nuon ay palagi ako ang panalo sa pang iinis sa kanya ngayon ay ako ata ang matatalo at nakuha mapikon sa pang aasar nito. Pero hindi ako ganon lang magpapatalo, kahit kelan ay hindi ako natalo. Asa siya! “Ibigsabihin non, Kuya kung may award akong nakuha, di dapat lang naman meron ka? Sa pagiging Best Actor mo nararapat lang na mabigyan ka diba? Pero bakit magpahanggang ngayon ay WALA.” biniro ko, nagpantig tenga niya. “Hanggang ngayon kasi ay wala ka pa ring Asawa. Asawang maaanakan at magbibigay sayo ng AWARD. Ako meron na, dalawa nga di ba, nasambit mo na.” Sa pang-aasar ko sa kanya na sinabayan ko pa ng malalakas na tawa. Napuno ng halakhak ko ang kotse niya. “Talo na ako!” may pagsuko na sabi nito ng hindi na sumakay sa mga sinabi ko. “Pero seriously. Pagpasok natin sa loob magkikita na kayong muli, ano na gagawin mo?” seryoso na muli na sabi ni Kuya Bricks. Humugot ako ng isang malalim na hininga at napatingin sa salamin. Ano nga ba? Ano nga ba gagawin ko? “Hindi ko alam,Kuya. Ano ba dapat? Anong dapat ko gawin?” Ang katatawa ko kangina na halos kinasakit ng aking tiyan. Ngayon ay parang tipaklong na natiklop ng dahil sa pag-iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin. “Ready ka na ba harapin siya? Makakaya mo bang sabihin na sa kanya na siya ang ama ng kambal at nagbunga ang minsang pagtatagpo niyo sa probinsya?” Hindi ko pa talaga makuha. Walang sagot, tiklop ako. Kaya ko na ba? Kaya ko na ba sabihing ito ang ama ng kambal bunga ng minsan naming pagkikita? Kaya ko na ba panindigan at aminin rito, na minsan sa pagkikita naming iyon. Tuluyan akong nahulog at ang kambal na bunga ng aming minsang pagkikita ay siya ang ama? Kaya ko na ba sabihin na ang minsang iyon ay natutunan ko pa siyang mahalin at papasukin sa buhay ko sa maraming taon na hindi ko nakakasama siya? Ang gulo diba. Masyado lang madrama kahit Comedy ang gusto. Kinakailangan ko pa rin magdrama ng hindi babagay sa kwento ko. “Parang hindi pa, Kuya!" ang tanging nahugot kong salita. “So ganito ang gawin natin." pagdaka lumapit ito at may ibinulong sa kanyang tenga. Langya Comedy nga. Parang may makaririnig pa noon kung dadalawa lang kami sa loob ng sasakyan na yon. Talagang ibinulong niya pa kahit wala naman siya sinabi. “Kuya! May hidden camera o audio recorder ba sa loob ng sasakyan mo? Kailangan mo pa ibulong wala ka naman din sasabihin." Pasaway talaga pero sa pangalawang pagkakabulong. Sinabi niya ang plano naisip niya. Magpapanggap muna kami, pero hindi niya sinabi kung hanggang kelan. Pero sa huli, hanggang maging ready na raw ako. Baliw, ang galing mag-isip. Ang bilis, para lang siya tanga sa sinabi pang muli. Ang galing! BRAVO Napakahusay talaga. Dahil nalaman niya raw kagabi na ipapahanap ako ni Harry. Pero ayaw niya muna sana na magkita kami. Pero dahil sa kapalaran na raw ang gumalaw. Wala kami magagawa kundi ang magpanggap muna. May sinabi pa siya at natawa ako “Nice idea, Kuya, nagawa mo pa talagang ibulong sakin yan? Kung kangina nagawa pa nating mag DRAMA. May COMEDY pa nga. Tapos ngayon ata nais mo pang maging horror.” biro ko lang walang masabi sa nga nasambit. Tumawa si Kuya Bricks. “Pwede na di ba?" “Anong pwede na? pinagsasabi mo?" “Pwede na maging Comedian! Pasok na di'ba” yon pala yon! Baliw na. “Biro pala iyon! Isang malaking Joke na pala yung ginawa mong pagbulong. BRAVO, BRAVO napakahusay mong artista Kuya. Pasok na pasok pwede na. PWEDE KA NANG PUMASOK SA MENTAL. Bwisit ka, halos wala ka naman naibulong kung 'di ang plano mong butas.” Pabirong bulalas na ganting banat ko kay Bricks. “Sabi ko na nga! May banat ka pa rin. Kahit talaga kelan hinding hindi ka maubusan. Mas baliw ka pa ” saka napakamot sa ulo, sabay tumawa. Saka naman tumunog ang Cellphone niya. ”Si Harry!" sabi niya. “Nasaan ka na ba? Yung kape ko malamig na. kasing lamig na ng Lovelife mo." biro na sabi ng kaibigan niya na naririnig ko. Naka loudspeaker kasi, kaya naririnig ko maging sinasabi ng kaibigan. “Sorry Dude! Nasa parking na. Medyo nabulilyaso lang ng konti. Yung girlfriend ko kasi." paliwanag niya. “Nang konti? Halos mag isang oras na. Baka imbes na mainit na kape yung pinabili ko sayo, ay Ice Coffee na pagdating mo rito.” “Korni, Dude! Yan ba natutunan mo sa pitong taon na pag alis mo?” gagad niya “It’s simple common sense, dude. Iisip ka nalang ng idadahilan maling mali pa. Tamang sabihin mo nalang sana na kasama mo siya ngayon.” nawindang kami ni Kuya Bricks. Ibigsabihin ay kangina pa alam nito na naririto na kami sa parking lot. “Huwag mong sabihin nakikita mo kami?" “Oo naman, Dude kangina pa nga. Look to the right side of your car.” Tumingin nga si Kuya Bricks at kinatawa. Nakikita ng pala kami nito habang baliw, binuksan pala ni Kuya Bricks yung bintana niya na ang sabi kangina na nasa loob na yung taong pinag-uusapan naming dalawa. “May paiyak-iyak ka pa! Bakit, break na ba? Hahaha!" sabay biro at tumawa. Duon ko narealize na marunong rin pala si Harry magbiro at tumawa. Napangisi ako habang itinatago ang mukha ko. “Wala na akong comment. Sige at lalabas na po." “Siya ba? O, may iba pa?" “Wala na, Dude. Siya lang." sagot ni Kuya Bricks. “Elise mukhang kailangan na natin umpisahan ang gagawin nating pag arte.” pabulong na sabi niya na kunwari ay hinalikan ako na magiging paningin ng kaibigan. MAMATAY KA SA INGGIT Sabi biro na sambit ni Kuya Bricks. Parang nag-eenjoy talaga siya sa ginagawa naming dalawa. “Galingan mo.umarte, may premyo ka kay Kuya." sabay ngiti. “Gusto ko yan!” pagsang-ayon ko. Tulad ng napag-usapan namin ni Kuya Bricks. Bumaba kami ng sasakyan ng parang magkasintahan. “Galingan mo! Nang makaganti ako." Tumango nalang ako at pasimple na sinulyapan si Harry. “Humuhusay ka na, Kuya sa pag-iisip." pabiro ko na sinabi. “Ou naman, ikaw bang araw araw mapagtripan, sino hindi huhusay. Halika na. lumakad na tayo. Basta galingan mo pag arte ahh!" inalalayan niya ako sa kamay at lumakad ng magkaholding hands. Kumaway si Kuya Bricks sa kanyang kaibigan. Ang lakas naman ng kaba ko habang normal lang kay Kuya Bricks ang aming ginagawa. Nang magtama ang mga mata namin. Halos nakita ko ang hindi maipinta na mukha ni Harry. Lalo na siguro ng matitigan ako at tiyak na nakikilala niya ako. Imposible na hindi, dahil siya nga halos walang ipinagbago ang mukha. Gaya niya, nabigla rin naman din ako kangina ng mabanggit siya ni Kuya Bricks. Lalo na ng makita ko muli ang kanyang mukha. Napakatagal na panahon. Pero para itong nanumbalik sa dati ng makita ko siya. Para akong nanumbalik sa dati na kay lakas ng t***k ng puso ko. Lalo na ng palapit kami ng palapit sa kanya at hindi nito inaalis ang mga tingin sa akin. ********** BRICK'S POV'S Natutuwa ako sa pagsang-ayon ni Elise sa mga plano ko. Pumayag siya magpanggap kami bilang magkasintahan sa harap ng lalakeng minsan na sa kanya ay gumawa ng ukit. Mula ng malaman ko kagabi na si Elise pala ang babaeng matagal na nasasambit ni Harry. Hindi ako makapaniwala at labis ako nabigla. Kaya naman, ngayon. Bago pa nila masimulan ang kanilang panibagong yugto ng kanilang istorya. Mangingialam muna ako. Makikisawsaw upang masiguro na may ending ang kwento nila. Hindi naman mahirap. Dahil alam kong Mahal ni Elise si Harry at gusto rin siya ni Harry. Kailangan ko lang ngayon ay masiguro na may kapupuntahan ang kwento nila sa kabila ng matagal na hindi pagkikita. “Elise, ready ka na!" sabi ko sa kanya ng hawakan ko na ang kanyang kamay. Alam ko na mula umpisa na nakatingin si Harry sa aming dalawa. Kaya nga nagawa ko pa ang buksan ang bintana ko upang sakto makita niya kami sa akto. Hindi ito coincidence lang. Tadhana nga talaga ang nagdala sa amin upang muli sila mga pagtagpuin. Kaya nga lang, sa pagkakataon na ito, nais ko muna siguruhin na magiging maayos ang katapusan ng kwento. “Kuya, kinakabahan ako." “Huwag kang kabahan." sabi ko sa kanya at pinisil ang isa niyang kamay. “Kaya natin ito, kaya natin na maipakita sa kanya na para itong totoo at hindi lang arte ito kundi isang totoong drama na ikaw ang girlfriend ko at siya naman ang ama ng kambal mo." sabay tawa ko sa kanya at bumulong. Hinipan ko lang yung ilalim ng kanyang taenga na kinakiliti niya. Natawa si Elise at para bang kinilig ang itsura ng kilitiin ko muli siya buhat sa ilang beses na pagbibiro ko pa. Nakikita ko na ang pagsama ng itsura ni Harry. Kuha ko na, mukhang nakikilala na niya si Elise ng matitigan niya sa mukha. Alam ko na ang nasa isip nito habang ginagawa mo naman ang plano at pagpapanggap namin na isinasagawa. Hinapit ko sa beywang si Elise. Nakiliti pa ito na parang nailang sa aking ginawa. “Ano ba, Kuya." “Wag ka nga maarte. Umaarte nga tayo di ba? So, umayos ka. Baka mabuko tayo at masira mga plano natin na mapaniwala na totoo ang arte na ginagawa natin ngayon. Umayos ka at sumakay nalang kung ayaw mong mabuko." nginitian ko siya at sinimangutan ako na kinatawa ko ng malakas. Malakas na aabot kay Harry upang mas mainis. “Bilisan mo naman ang lakad." utos ko sa kanya halos di maihakbang yung kanyang mga paa. “Ang bagal mo naman. Nakatingin na nga siya, kita mo? Galit na at mukhang nakilala ka agad." “Kuya, paano gagawin natin oras na mabuko tayo?" may pag-aalala na tanong ni Elise. “Bakit mabubuko? Syempre gagalingan natin ang pag-arte ng hindi mangyari yon. Kaya husayan mo at huhusayan ko." Napakapihikan talaga ni Elise pagdating sa mga lalake. Yon ang unang beses na tingin ko sa kanya. Hindi pala dahil talagang may iniintay lang pala talaga siya na baka muli na mangyari ang nangyayari ngayon. Napahigit ako ng malalim habang lumalakad pa rin. Inaasar ko nalang din si Elise upang hindi masyado mailang sa mga ginagawa naming dalawa. Ngayon na nakalapit na kami may Harry. Mas lalo pa siyang kinabahan kaya naman muli ko pinisil ang kanyang kamay at nginitian ko siya at mas idinikit sa akin. “Huwag kang kabahan. Sige na, tatapusin natin ng mabilis ito at pumasok ka na sa restaurant." sabi ko sa kanya at nginitian muna siya. Ilang hakbang nalang kami at ayun na nga dahil makakalapit na talaga kami kay Harry. Kalmado lang ako, nanlalamig naman mga palad ni Elise na talagang sobrang kinakabahan siya ng husto na sa muling pagkakataon ay nagkaharap sila ng lalakeng kanyang minamahal ng sobra sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD