CHAPTER 02 - Tasty Cake

3234 Words
“The girl who’s wearing a royal green dress and black stilettos, with red-dyed hair and fair skin—that’s your date. She says she’s also carrying a white purse. Madali mo siyang mahahanap.” Iyon ang palatandaan ni Tasty Cake na ipinadala sa kaniya ni Jeff sa huling text message nito. And it was basically the last correspondence he had with his friend. Nang sinubukan niya itong tawagan ay nakapatay na ang cellphone nito—o naubusan ng baterya. Either way, hindi niya mahanap ang babaeng nasa deskripsiyon. Kanina pa niya iniikot ang tingin sa buong restaurant, pero wala siyang makitang babaeng nasa edad disi-otso at nakasuot ng berdeng damit. Alam niyang nasa tamang lugar siya—iisa lang ang Western restaurant na nakatayo sa street na iyon. Sinulyapan niya ang oras sa suot na relo—limang minuto pasado alas-nueve. Imposibleng kaagad itong aalis kung ilang minuto pa lang naman ang lumilipas? Ibinalik niya ang pansin sa loob ng restaurant at muli iyong sinuyod ng tingin. The place was surprisingly full of customers; naroong buong pamilya ang umu-okupa sa buong table, mga magkakaibigan, o magkaparehang babae at lalaki. There were three empty tables with a reservation sign on them; one must be theirs. Magtatanong siya kung alin sa tatlong iyon ang naka-reserba sa kanila. Nilingon niya ang entrance ng restaurant kung saan naroon dapat ang reception—wala pa ring tao roon tulad nang dumating siya kanina, which was understandable because it was a busy night. “Good evening, Sir. Do you have a reservation?” Lumingon siya at nakita ang nakatayong waiter sa kaniyang likuran. He was smiling at him and he had a small notepad in his hand. “I’m sure my date made a reservation for us.” “May I have your name, Sir?” “Phi—I mean, I’m Jefferson.” “Ah, kayo po si Mr. Jefferson Vega?” Jefferson Vega? Pipili na lang ng stage name itong si Jeff, tunog action star pa. “Ah, yes, I am… that person.” “Tamang-tama po, Sir. Kadarating lang din po ni Miss TeeCay.” “TeeCay?” Did he mean Tasty Cake? “Iyong kasama po ninyo sa reservation. Dumiretso po siya sa powder room, pero maaari po ninyo siyang hintayin sa table ninyo. Allow me to show you the way, Sir.” Nauna itong naglakad at sumunod siya. Dinala siya nito sa may sulok na bakanteng mesa kung saan sa ibabaw ay may nakalapag na reservation sign. Kinuha iyon ng waiter at iminuwestra ang upuan. Nagpasalamat siya rito at sinabing mamaya na sila u-order, at nang maiwan siyang mag-isa ay saka niya muling sinuri ng tingin ang paligid. Mukhang mamahalin ang bagong Wester restaurant na iyon. Ang pader ay nakapintura ng matte white at doo’y may mga nakasabit na frames kung saan naka-silid ang mga black and white pictures ng mga sikat na destinasyon sa America; the Statue of Liberty, the Golden Gate Bridge, Hollywood, Grand Canyon, and many others. The tables and chairs were all made in shiny wood, and the black marbled floor was a nice contrast to the wall. Sa kisame ay may dalawang nakasabit na chandellier. It was a nice, expensive-looking place, at kung tama ang sinabi ni Jeff sa pinadalang huling mensahe ay sagot ng kliyente ang bill. On a normal date, he wouldn’t allow women to pay for their meal. But this time, it was different. Itinuloy niya ang pag-ikot ng tingin sa paligid—ang pagtanaw sa mga pumapasok na customers at nagtatanong kung may bakanteng mesa pa, at ang pagsulyap niya sa powder room hindi kalayuan sa entrance. At saktong pagtingin niya roon ay siya namang paglabas ng isang babaeng naka-suot ng berdeng bestida. Sinalubong ito ng waiter na kausap niya kanina, may sinabi roon, hanggang sa ang mga mata ng babaeng iyon ay dumapo sa direksyon niya. TeeCay…? he thought as his eyes went down to her dress. It was royal green with a V-neckline. She was holding a white purse and on her feet was a pair of black stilettos. His eyes went back to her face. Maganda ito, at ang pulang buhok ay bumagay sa mala-labanos nitong balat. Nagpakawala siya ng mahabang paghinga. Sigurado siya, isandaang porsyento, na ang babaeng ngayon at papalapit na sa direksyon niya, ay walang iba kung hindi ang makakasama niya sa gabing iyon. Ang kliyente ni Jeff—si Tasty Cake. Hindi siya maaaring magkamali—ito na nga iyon—kung ang pagbabasehan ay ang deskripsyong natanggap niya. Pero may kulang sa impormasyong ipinadala sa kaniya ang kaibigan. Jeff missed mentioning that he would be dating a bouncy, chubby girl! Tasty Cake was probably bigger than Deewee, just taller by few inches maybe. She had flawless fair skin and a cute, puffy face. Okay… Uh… Okay. Well… isang gabi lang naman. And the girl only needed company—he could deal with that. Maybe. Tumayo siya at nagpakawala ng pilit na ngiti habang hinihintay itong makalapit. Nakikita niya sa mga mata nito ang galak nang makita siya—or was it relief? Naisip ba nitong hindi siya darating? Limang minuto lang naman siyang late—kinabahan ba ito at inakalang walang magpapakitang Jefferson? Sa naisip ay bigla siyang nalungkot. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang awang umusbong sa kaniyang dibdib—he felt sorry for her. Kinailangan pa nitong magbayad ng tao para lang samahan ito at makaramdam ng suporta sa gabing iyon. Life must have been so hard for her… “Jefferson?” anito pagkalapit. Ang mga mata’y nagniningning sa galak. Tumango siya. “Y-Yeah, that’s me—” Nahinto siya sa pagsasalita nang bigla itong yumakap sa kaniya nang mahigpit. Nanlaki ang kaniyang mga mata, lalo nang maramdaman ang malulusog nitong dibdib na dumikit sa kaniyang katawan, at ang tiyan nito sa kaniyang tiyan. She was giving him a bear hug and he couldn’t breathe! “Masaya akong dumating ka,” anito, patuloy sa mahigpit na pagyakap. “Uh… well, I was… paid to come.” Ahh s**t, ano’ng klaseng tugon iyon? Naisip niyang mas mahirap palang makipag-date sa babaeng hindi mo personal na niyaya o hindi mo talaga gusto. He had a hard time dating women before due to their lack of personality and self-centered attitude, but it was even harder now because he had no idea what he’d gotten himself into. Nakahinga siya nang maluwag nang humiwalay ito sa kaniya, subalit ang mga kamay nito’y nanatiling nakahawak sa kaniyang mga braso. Ang ngiti ay malapad pa rin nang muli itong nagsalita. “Do I look okay?” she asked, obviously expecting to hear a compliment. “You look… “ he paused and stared at her cute face. Actually… Tasty Cake was not just cute, she was lovely. She had a pinkish face, thick eyelashes, light brown eyes, an upturned nose, and cute little lips. Manipis na make-up lang ang inilagay nito sa mukha pero litaw na litaw ang ganda—lalo na sa malapitan. And she smelt great, too! Her perfume was sweet and enchanting. Parang gayuma na hinihila siya sa ibang dimensyon. So, no. She didn’t just look okay—she was looking great. And he wouldn’t even deny that. “You look great,” he admitted, gaining a bright smile from her. “I’m glad,” anito saka tuluyang bumitiw. “I’m TeeCay—that’s not my real name, by the way.” “Is your real name Tasty Cake?” Sa pagkagulat niya at bumunghalit ito ng tawa. Ang maumbok na mga pisngi at lalo pang namula, at ang mga mata’y naluha sa paghalakhak. Her laughter was contagious, dahil kahit ang ibang mga customers ay napapalingon at napapangiti sa nakahahawang tawa ng dalaga, habang ang iba ay natatawa rin dito. Ito ang unang babaeng naringgan niya ng ganoon ka-lutong na tawa at hindi niya napigilang mamangha. Sa ilang beses na nakipag-date siya sa mga babae ay halos hindi ng mga ito ibuka ang bibig kapag nagsasalita o ngumingiti o tumatawa. They were all pretending to be coy. Maybe they believed that a lady should act gracefully and that mouths were supposed to be covered when they were speaking or laughing. He thought that was weird and also stupid at the same time. Mouths weren’t made to be covered. They were made to express. To speak, to smile, to laugh. And this girl—Tasky Cake—was doing it right. She didn’t give a single f**k. Nang humupa na ito sa pagtawa ay nagpahid muna ito ng luha sa mga mata. “Oh, shoot. That was a good one,” anito bago naupo sa harap ng mesa saka siya sinenyasang maupo sa tapat nito. “Tasty Cake ang ginamit ko sa pag-sign in sa site ng company ninyo. D’you wanna know my real name?” Nagkibit-balikat siya saka naupo na rin. “Sure. Ano ang totoo mong pangalan?” Subalit sa pagkamangha niya ay muli itong natawa. “Hindi ba at confidential info ito? Gusto mo bang magmulta tayong pareho? I read the whole contract, ‘no. Bawal malaman ng client ang totoong pangalan ng escort and vise versa.” It was in the contract? he thought. Shit, and why am I disappointed? Bakit nga ba siya nanghinayang sa kaalamang hindi niya malalaman ang totoo nitong pangalan? “Hello, Ma’am TeeCay and Sir Jefferson—here are your drinks.” May inilapag na dalawang basong tubig at dalawang kopita ng red wine ang waiter sa mesa nila. Hindi niya naalalang um-order siya pero sa hula niya’y si TeeCay ang nagsabi ritong magdala ng red wine. “Heto po ang menu.” The waiter then placed two menu booklets in front of them. “Tawagin n’yo na lang po ako kung handa na kayong um-order.” “No, actually, I’m ready to order,” TeeCay said, smiling at him. “What would you like, Jeff?” Bakit parang baliktad? Hindi ba dapat ako ang magtatanong ng ganoon? Ako ang lalaki, at— “Ito ang unang beses na pumunta ako rito pero alam ko na kung ano ang gusto ko. How about you? Would you like chicken, pork, beef, or fish?” “I’ll have beef.” Sinulyapan niya ang waiter na nakahanda nang isulat ang kanilang mga orders. “Do you have roasted beef?” “Yes, Sir.” “Can I get roasted beef with vegetables on the side?” “We have grilled corn and carrots, cheesy broccoli, buttered corn, and mashed potatoes—you can choose two side dishes, Sir.” “Give me grilled corn and carrots, that’s all. Thanks.” The waiter scribbled his orders before turning to TeeCay. “How about you, Ma’am?” TeeCay let out a sweet, big smile. “One fried chicken for me. Grilled buttered corn and mashed potato are my side dishes. Oh, and please bring one plate of creamy fettuccine alfredo. Thanks.” Madaling inilista ng waiter ang lahat ng orders bago iyon inulit sa kanila. “One roasted beef with grilled corn and carrots for the gentleman, and one friend chicken with buttered corn and mashed potato, and one order of Fettuccine Alfredo for the lady. I’ll have them ready for you now, Ma’am TeeCay and Sir Jeff.” Ang akmang pagtalikod ng waiter ay naudlot nang pigilan ito sa braso ni TeeCay. Lumingon ito at muling hinarap ang dalaga. “When I said one fried chicken, I meant the whole chicken. And when I said one plate of creamy fettuccine alfredo, I meant the big one.” Sinulyapan siya nito at ningitian. “Do you also want pasta, Jefferson? That one big plate is just for me.” Napakagat-labi siya upang pigilan ang pagngiti. Hindi dahil sa sinabi ni TeeCay kung hindi sa naging reaksyon ng waiter. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito bago inayos ang isinulat sa listahan. “No, I’m happy with my order. Thanks for asking.” “There you have it, Mark,” TeeCay said, eyeing on the waiter’s name tag. “I’ll prepare your orders now, Ma’am. Excuse me for a minute.” Nang tuluyang makaalis ang waiter ay muli siyang hinarap ni TeeCay. Ipinatong nito ang mga kamay sa ibabaw ng mesa, pinag-krus ang mga daliri, saka nakangiting nagsalita. “I thought I asked for a tall, dark, and handsome date. Pero iba yata ang pinadala ng agency.” You have just described the real Jeff—the man who was supposed to be your date. At hindi niya napigilang pigik na matawa dahil maliban sa “tall” na requirement ay wala nang ibang tumama. Oh, he was cute, at least. “Am I the complete opposite of what you wanted?” he asked, smiling a little. “You’re fine.” Wow. Lihim niyang pinagtawanan ang sarili. You’re just fine, Phillian. You’re nothing special... “You’re tall and cute, so that’s okay,” dagdag ni TeeCay saka muling ngumiti. Naningkit ang mga mata nito sa ngiting iyon dahil sa maumbok nitong mga pisngi. And he smiled back. It was impossible not to. Her jolliness was just too contagious to not smile back. “Gaano ka na ka-tagal sa pag-e-escort?” Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng pag-ngiwi nang marinig ang biglang tanong ng dalaga. Bakit ang sagwa pakinggan niyon? “N-Not long…” “Are you enjoying it?” He shrugged nonchalantly. “It was okay.” “So, why exactly did you do it?” Huminga siya ng malalim at pilit na nagpakawala ng ngiti. “Are we seriously talking about this? Hindi ba dapat ay ikaw at kung ano ang mga gusto mong gawin sa gabing ito ang pag-usapan natin? This is your night—and we should make it worthwhile. So, please stop asking questions about me.” Ang mga kamay nitong nakapatong sa ibabaw ng mesa ay initaas nito at dinala sa baba. Nangalumbaba ito at sandali siyang sinuyod ng tingin. Ang malapad na ngiti ay nanatili sa mga labi; duda siyang narinig nito ang mga sinabi niya. “So, anu-ano ang mga hinahanap mo sa isang babae, Jefferson?” Lihim siyang napa-iling. Mukhang hindi nga ito nakinig sa kaniya kanina. “Nothing in particular,” sagot niya saka kinuha ang kopita ng wine at dinala sa bibig. “Come on…” “That’s the truth, wala akong partikular na tinitingnan o hinahanap sa isang babae. Kapag tinamaan ako ay tatamaan ako, ni hindi ako iilag.” TeeCay pouted, probably not convinced by his answer. “Does size matter to you?” “How about you? Does it?” “Depende…” she answered, chuckling. “Depende saan?” “Sa kung ano’ng parte ng katawan ang tinutukoy mo.” “Oh.” Hindi niya naiwasang mapangiti. “Then, I have the same answer to you. Depende rin sa kung ano’ng parte ng katawan ang tinutukoy mo.” TeeCay’s chuckle turned into an uncontrollable, hysterical fit of laughter. “Eh paano kung lahat ng parte ng katawan ay malaki?” “Eh ‘di mas mainam—there’s something to hold in every part.” Lumakas ang tawa nito na muling kumuha ng pansin mula sa ibang mga customers. At hindi niya napigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito. TeeCay’s happiness was shallow. He suddenly remembered what his mother once said to them; If someone laughed at simple jokes, he or she was either lonely or just a kind-hearted human. So, alin kaya roon si TeeCay? “Oh my gosh, hindi ako nag-hire ng comedian pero iyon ang ipinadala,” natatawa nitong sabi sabay pahid ng luha sa mga mata. Bahaw siyang ngumiti, at nang hindi makapagpigil ay siya naman ang nagtanong, “Bakit ka nag-hire ng escort para ngayong gabi?” “Ano pa nga ba? Eh ‘di para may ka-date ako. Hindi ko pa kasi naranasan na ma-imbitahan sa ganito.” “Why?” “Wala eh,” sagot ng dalaga sabay kibit-balikat. May ngiti sa mga labi nito pero tila kay huwad niyon. “Walang nanliligaw sa’yo?” “Kailangan mo pa bang itanong iyan? Siyempre wala.” “Why, though? Maganda ka naman kahit…” s**t. One basic rule to dating women was to never mention their size! “Kahit sexy ako?” dugtong ni TeeCay sa sinabi niya. Akma siyang hihingi ng paumanhin at liwanagin sana ang mga sinabi nang nagpatuloy ito. “You sounded like my crush, Jefferson. Sasabihin sa akin na maganda ako kahit malusog—paaasahin tapos nganga rin pala sa huli.” Sumandal siya sa upuan at tinititigan ito ng diretso. “Base sa rason na ibinigay mo sa agency, nag-hire ka ng ka-date ngayong gabi dahil nais mong makaramdam ng suporta. What’s the matter? Suporta para saan?” Muling natawa si TeeCay. “Hindi ba dapat ay pasiyahin mo ako sa gabing ito, Jefferson? Hindi ba at iyon ang napag-usapan? You took my booking, you agreed to take me on a date and to join me in my adventure tonight. You shouldn’t be asking me personal questions.” “I can’t help it—nagtataka ako kung bakit sa edad mong ‘yan ay para kang desperadang babae na napag-iwanan ng panahon kaya naghahabol na makakilala ng lalaki—" Natigilan siya. Ano ba ang pinagsasasabi niya? Hindi siya dapat nagsasalita ng ganoon dito. Wala siya sa lugar para magsalita ng ganoon. Ni hindi niya ito kilala nang lubusan—wala siyang alam sa pinagdadaanan nito. At wala siyang karapatang malaman iyon dahil sino ba siya? He was just dragged there by his stupid friend who was originally hired to do this effing job! Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya sabay yuko. Shit, he couldn’t meet her eyes now… “I’m sorry, TeeCay. I didn’t mean to—” “Nah—don’t worry about it. Sanay akong pagsalitaan ng ganito. This is why I paid someone to date me and make me feel special even just for a night. Someone who would support me and treat me as an equal.” Napahagikhik ito. “But I guess, kahit magbayad ako ng tao ay hindi ko pa rin makukuha ang nais ko.” His guilt was eating him that he could no longer utter a single word to respond. He was an asshole. Nakalimutan niya kung saan siya naka-lugar sa gabing iyon. Damn Jeff… “Maaari ka nang umuwi pagkatapos ng dinner—I’ll be fine.” Nagpakawala ito ng pilit na ngiti bago kinuha ang kopita ng wine at dinala sa bibig. She looked away to probably hide the pain in her eyes. At doon ay lalo siyang nanlumo. At bago pa niya naisip kung ano ang sunod na gagawin ay inabot na niya ang kamay ni TeeCay at banayad na pinisil. She turned to him and met his eyes. He gave her a smile. “I’ll be your supporter tonight—you can do and say whatever you want around me. I can be your shoulder to cry on, too. Iyon ay kung… gusto mo?” TeeCay’s eyes glimmered in tears. “You can treat me as your best friend tonight. And if you want, a lover, too. Just tell what to do, and I’ll paint the whole town red with you.” Shit, Phillian—What the f*ck? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD