bc

FREE PHILLIAN ZODIAC

book_age18+
831
FOLLOW
4.5K
READ
sex
arranged marriage
sweet
bxg
humorous
bold
brilliant
love at the first sight
seductive
like
intro-logo
Blurb

Free Phillian Zodiac is a frustrated painter and a full-time fisherman. Mula gabi hanggang madaling araw ay nasa gitna ito ng karagatan kasama ang mga tauhan para mangisda, at sa umaga naman ay tulog at nagtatago sa araw. In the afternoon, when the sky is red, he would go out of his room and sit on his veranda overlooking the mountains and the sea, and from there, he would start painting.

He paints everything his eyes could see, and not a lot of people know this.

Isang hapon, habang nasa veranda siya ng kaniyang silid at ipinipinta ang karagatan ay may nakita siyang palutang-lutang na kahoy sa dalampasigan. Using his binoculars, he learns that it isn't just a piece of wood but a raft with a person on it. An unconscious--probably almost dead person who might need some help. Naisip niyang baka isa iyon sa mga mangingisdang nagkaroon ng aksidente sa gitna ng karagatan.

At dahil siya ang nakakita ay responsibilidad niyang tulungan ang taong iyon, lalo at nasa bahagi ito ng beach na pag-aari na ng pamilya niya.

Nang marating niya ang baybayin ay saka niya napagtantong hindi mangingisda ang naroon, but a woman wearing a bridal gown. Nakadapa ito at nanginginig sa lamig. He saved her and brought her to his place. His female assistant nursed her, and when she woke up the next morning, she claimed to have no memory of the night before.

Pero totoo ba talagang wala itong maalala?

Or it was just part of her MO?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01 – Free Phillian Zodiac
"Free Phillian Zodiac!" Napa-bangon si Phillian mula sa pagkakahiga sa bleachers nang marinig ang sigaw ng matalik na kaibigang si Deewee. Nakita niya itong papalapit bitbit ang isang box ng pizza habang nakasunod naman sa likuran nito ang isa pa nilang kaibigang si Jeff, who was holding a plastic liter of soda. Iyon na ang lunch nilang tatlo, at doon sila sa sports field ng pinapasukang unibersidad kakain niyon. Umayos siya ng upo at hinintay ang mga itong makalapit. Deewee was mysteriously grinning from ear to ear, and he wondered why. He was always the serious one—laging nakasimangot at mapang-husga. They had been friends since high school, at noon ay napilitan lang siyang kaibiganin ito sa hiling ng kaniyang mama. Deewee also came from the same hometown; La Asteria. Ang ina nito ay kaibigan ng mama nila at nagkataong sa kaparehong section sila napadpad ni Deewee noong unang taon nila sa high school. At thirteen, Deewee had a height of four feet, nine inches, and was overweight due to his addiction to coloured juices and sweets. Because of this, he was always bullied at school. Noong una'y wala siyang pakealam; elementarya pa lang sila'y kilala na niya si Deewee at alam niyang suplado ito at hindi nakikisama sa ibang kaedaran nila. Isang gabi'y naikwento niya sa mama nila ang nangyayari kay Deewee sa eskwela, and his mother had asked him to befriend the guy. He was reluctant at first, but he gave in eventually. He defended Deewee one day from his bullies, and the guy wouldn't leave his side anymore. In fairness to him, Deewee had been a loyal friend through the years. Kung anong mayroon ito at ibinabahagi rin sa kaniya. Mabait ito sa kaniya at kay Jeff, pero sa iba ay iba ang ugaling ipinapakita nito. "Kamahalan, ito na ang pagkain niyo," tuya ni Deewee nang makalapit. Naupo ito sa tabi niya saka ipinatong sa kaniyang kandungan ang mainit-init pang box ng large pizza. "Ano'ng mayroon at kitang-kita 'yang gilagid mo sa pagkakangisi?" "Naka-kuha ako ng discount sa pizza. Nakatipid ako ng isandaan." "Nice," aniya saka niyuko ang pizza at tinanggal ang pagkakatali niyon. "Dalawang slice lang ang para sa'yo, ha." "Teka, ako ang bumili niyan—" "Hindi ba at kailangan mong magbawas ng timbang?" Sumimangot si Deewee at hindi na nagsalita pa. Napangiti siya. His friend was trying to lose weight—finally—dahil iyon ang hinihinging kondisyon ng nanay nito para payagang magbakasyon sa Canada. Deewee's mother was a nurse in Canada and had been living there for two years now, and his friend had always wanted to visit 'the freezing country'. "Wala pang isang buwan simula nang mag-umpisa kang mag-diet pero mukhang titibag ka na, ah, pare?" sabi naman ni Jeff nang makalapit. Naupo ito sa tabi ni Deewee, ipinatong ang dalang soda sa kabilang gilid, saka nag-hubad ng unipormeng polo. Ang mga babaeng estudyante sa kabilang bleachers at nakasunod ang tingin sa direksyon nila ay nagbulungan at nagka-sikuhan nang makita ang ginawang iyon ni Jeff. Sa kanilang tatlo, Jeff was the lady's man. He attracts women like newly bloomed flowers to swarming bees. Because, why not? Jeff San Ismael was a six-footer, a basketball captain, and a handsome lad who would make Jason Statham pale in comparison with his sporty body. Araw-araw ay iba't ibang mga babae ang kasama nito at iniuuwi sa bahay. At kapag magkasama silang tao, Jeff would always shine like a star, at silang dalawa ni Deewee ay tila mga alikabok lang sa tabi nito. Oh well, he knew he was also good looking and he also had a body of a sportsman. Hindi nga lang kasing ganda ng katawan ni Jeff, pero pwede na. At kung height ang pag-uusapan, mababa lang naman siya ng dalawang pulgada sa kaibigan. Pero sa tingin niya, maliban sa mas magandang lalaki lang talaga si Jeff, ay hindi talaga siya nagugustuhan ng mga babae dahil sa mapusyaw niyang balat at suot na teeth retainer. He also had freckles on his nose which turned the ladies off most of the time. Oh well, there were also some girls who showed interest in him. And sometimes, he'd flirt back and ask them on a date. Gusto na rin niyang magka-syota dahil sa edad niyang beinte ay wala pa siyang karanasan sa pakikipagrelasyon. And Jeff had been teasing him to get rid of his virginity. Damn it. He was already twenty and yet, he still hadn't experienced what it's like to be in a bed with a woman. Ayaw naman niyang gawin iyon sa babaeng hindi niya gusto—o hindi niya mahal. He wasn't a noble guy—he would engage in premarital s*x without second thoughts just like other guys in his age; iyon na ang uso ngayon. But he wouldn't do that just for the heck of it. He would do that with someone he liked, someone he had developed feelings with. Pero paano kung ganitong masyado siyang pihikan sa mga babae? When he was on a date with them, he'd always find those girls boring. They were all just pretty faces without personalities. Ayaw niya ng ganoon. "Kailangan mo ba talagang mag-hubad, kapre?" buska ni Deewee na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. "Inggit ka lang kasi hindi mo ma-bilad ng ganito ang katawan mo," tuya naman ni Jeff bago inabot mula sa kaniya ang box ng pizza. Napa-ismid si Deewee. "Maghintay ka lang, kapre. Kapag nagtuluy-tuloy ang pagpayat ko, ikaw unang makakakita ng hubad kong katawan." "Kaumay, 'pre," patuloy na pambubuska ni Jeff bago tuluyang binuksan ang box. The melting cheese was what they'd seen first. Katapat lang ng university ang bagong tayong pizza store kaya umu-usok pa nang buksan nila. Akma sanang sasabat si Deewee nang hinawakan niya ito sa balikat. "He was just kidding," aniya rito. "Sinasabi lang ni Jeff iyon para gawin mong motivation. Pero tama 'yang sinabi mo. Pagdating ng araw na tuluyan ka nang pumayat, sa kaniya ka unang maghubad." "You bet I will," naka-ismid pa ring sabat ni Deewee na ikina-tawa na lang ni Jeff. Kaagad na nilantakan ng dalawa ang pizza, at kumuha rin siya ng isa. Paubos na ang kinakain nila nang muling nagsalita si Deewee. "Nga pala, kapre. Ano'ng balita roon sa dating service agent na kumausap sa'yo noong nakaraang araw? Papatusin mo ba?" "Dating service?" ulit niya, nilingon si Jeff na muntikan nang mabilaukan. Mabilis na binuksan ni Jeff ang bote ng soda at tinungga nang diretso. Nang makainom ay nagpunas muna ito ng bibig bago sila hinarap ni Deewee. "Yeah, may nag-offer sa akin na maging "escort" sa isang dating service company." "Escort?" "Yep. Like, a hired man to date women." "And these women will pay you to date them?" he clarified. Akala niya ay sa mga pelikula lang mayroong ganoon. "Tumpak," sabat naman ni Deewee na inubos din muna ang hawak na sliced pizza bago nagpatuloy. "Noong nakaraang araw, kahihiwalay lang natin sa bayan nang may makasalubong kami ni Kapre na agent daw sa isang dating service company. Qualified daw 'tong si Kapre kaya nabigyan ng calling card." "No hanky-panky naman, mga pre," depensa ni Jeff. "Ang gagawin lang naman daw ay samahan sa isang fancy dinner ang mga magbu-book na kliyente at sa kung saan pa nila gustong pumunta. Like a normal date. Nasa contract naman daw na walang "special service"—if you know what it meant." "Imposibleng walang ganoon," pambubuskang muli ni Deewee. Inabot nito ang bote ng soda na binawasan na ni Jeff at tinungga rin. "Well, bago raw magkita ang "service provider" at ang "client" ay may pipirmahan munang kontrata online. No s*x after service, at may limit ang oras. Kung ano ang napag-usapang service completion, iyon daw ang masusunod." "Wait—" he narrowed his eyes in suspicion. "Don't tell me na tinawagan mo ang agent para pag-usapan ang mga impormasyong ito?" Pasagot na si Jeff nang sumabat naman si Deewee. "Eh, malamang! Kasi wala naman iyan doon sa mga sinabi ng agent noong magkasama kami." Napangisi si Jeff. "Kailangan ko ng karagdagang allowance—plano kong bumukod na sa mga magulang ko." Jeff's family was actually fortunate enough to get him his own apartment, but he and his father weren't in a good relationship and Jeff was too prideful to get help from his dad. Iyon lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit nagkaroon ng interes si Jeff na i-konsidera ang alok ng agent na nakilala nito. Napabuntong-hininga siya at inagaw ang soda mula kay Deewee. "Kung hindi mo naman ikapapahamak ang trabahong 'yan at hindi ikababawas ng dangal mo, then go for it." "Nah, wala rin akong planong tawirin ang limitasyon, Phil," sagot ni Jeff, sa pagkakataong iyon ay nagseryoso na rin. Ipinatong nito ang mga siko sa likurang bleacher at tiningala ang langit. "I will only agree on a "dinner date and bar hopping" service. I will never sell sex." Nagkatinginan sila ni Deewee at sabay na nagkibit ng mga balikat. "But that depends kung may magandang kliyente." Doon ngumisi si Jeff at muli silang hinarap. "I'll have s*x with them if they want to, pero hindi ako maniningil ng bayad para roon." Napangiwi si Deewee—tulad ng kaniyang inaasahan—at tumayo na sukbit sa balikat ang bag. "Kapag sa babae talaga, ayaw mong paawat, Kapre." "Inggit ka lang," bawi naman ni Jeff bago nakangising niligpit ang box ng pizza at pakete ng mga sauce na nagkalat sa paanan ng bleachers. Inalis niya ang tingin sa kaibigan at ibinaling sa field kung saan sa mga oras na iyon ay nagte-training ang soccer team. Dinala niya sa bibig ang bote ng soda at tinungga rin, at habang ginagawa iyon ay napa-isip siya. May mga babae din palang kinakailangan pang magbayad ng lalaki para lang magkaroon ng date. Were they lonely? Were they doing it as a warm-up for the real dating moment? Were they too desperate to have a man in their lives? What were their reasons? He was curious. Pero nang may pumasok sa isip niya ay bigla siyang natigilan. Hindi kaya... mga may-edad nang babae ang customers ng dating service company na sasalihan ni Jeff? Iyong mga namatayan ng asawa o may mga asawang hindi na sila nabibigyan pa ng oras at appreciation. Wala sa oras na nai-buga niya ang soda na ikina-gulat ni Jeff at ikina-lingon ni Deewee. Sa nanlalaking mga mata'y hinarap niya ang mga kaibigan. "Hindi kaya mga may-edad nang babae ang customers ng dating service na 'yan, pare?" Sandaling natigilan si Jeff sa sinabi niya bago ito bumunghalit ng tawa. Mangha niya itong pinagmasdan hanggang sa tumigil ito at muling nagsalita. "Bago pumayag ang "escort" ay matatanggap muna niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa taong makaka-date niya. They'll know who they will date, kaya kumalma ka. I maybe a risk-taker, pero hindi ako ganoon ka-desperado." Well, that was a relief... "Ayaw mo bang sumali rin, Free?" Deewee asked, obviously testing him. Napangisi siya at tumayo na rin. Ini-sukbit niya ang backpack sa balikat at tinakpan ang bote ng soda bago iyon ini-itsa kay Deewee. "Ibibitin ako patiwarik ng tatay ko at pagtatawanan ako ng mga kapatid ko kapag ginawa ko 'yon, Dee. Parang hindi mo naman kilala ang pamilya ko." "Well, kung walang makakaalam, bakit hindi?" ani Jeff, tila biglang nagka-ideya na himukin din siyang sumali. "Hindi naman ako magsusumbong kaya walang makakaalam," patuloy ni Deewee. Inalis niya ang pagkakasukbit ng bag sa balikat at iyon ang sunod na in-itsa sa kaibigan. "Don't push it. Ain't gonna happen." *** Malakas na tunog ng alarm ang nagpagising kay Phillian. Umungol siya at nakapikit pang inabot ang bed side table upang patayin ang nag-iingay na alarm clock. His hand knew where exactly it was situated, so he didn't have to open his eyes and look for it. Ilang sandali pa'y nakapa niya ang alarm clock at hinampas ang switch upang patayin iyon. But the noise didn't stop. Muli siyang umungol. Hindi ang alarm clock niya ang nag-iingay kung hindi ang kaniyang cellphone. It was ringing—someone was calling him. Kinapa niya ang cellphone sa ilalim ng kaniyang unan, at nang mahanap iyon ay bahagya lang niyang iminulat ang mga mata upang makita kung sino ang nasa kabilang linya at kung anong oras pa lang. Jeff calling... 8:30 pm. "What the heck?" aniya saka pabagsak na ibinaba ang kamay na may hawak sa cellphone. Mahigit kalahating oras pa lang siyang natutulog—he had to leave early tomorrow to travel back to La Asteria, that was why he decided to sleep early. Bukas ay kaarawan ng isa sa mga kapatid niya at kailangan ay nasa bahay ang lahat. Hinayaan niyang magtuluy-tuloy ang ring. Kapag napagod si Jeff ay titigilan din siya nito. But... something bothered him. Jeff never called him unless something important came up. Or there was an emergency. Bigla siyang napamulat saka napabangon. Sa mga sandaling iyon ay tumigil na rin ang pag-ring. He stared at the screen of his mobile phone in confusion—until, it rang again. Same caller. Doon na niya sinagot ang tawag. "What's up?" "I'm f****d up, pare. Kailangan ko ang tulong mo." "Why, what's wrong?" "Nagdoble ang booking ko ngayong araw—my first date was supposed to finish at seven, pero biglang inatake ng allergy kaya kinailangan kong isugod sa ospital. Hindi ako makaalis—ang kasunod kong booking ay mamayang alas nueve." Unti-unting kumabog ang dibdib niya. Mukhang alam na niya kung saan papunta ang usapang iyon... "I need your help, pare. Pwede mo ba munang puntahan ang date ko? You can pretend na ikaw si Jefferson—that's the name I use. Ipapasa ko sa'yo ang lahat ng detalye." Then, the call ended. Gago, hindi ako pupunta! He tried to call Jeff back, but he wasn't answering his phone anymore. Sunud-sunnod siyang nagmura, hanggang sa may pumasok na notification sa cellphone niya. He received an email from Jeff. Isa pang mura ang muli niyang pinakawalan. At nang buksan niya ay puro mga detalye ng babaeng ka-date nito mamayang alas-nueve ang kaniyang nakita. Name: Tasty Cake Tasty Cake? Ano'ng klaseng magulang ang magbibigay ng ganito ka-sagwang pangalan sa kanilang anak? Nagpatuloy siya sa pag-review ng impormasyon. Age: 18 y/o Damn these girls. Katutungtong pa lang sa pagkadalaga pero desperada na! Hindi niya alam kung bakit pa siya nagpatuloy sa pagbabasa ng impormasyong nasa pinadalang email ni Jeff. He would never go to that date! Kung may pupuntahan siyang date, iyon ay kasama ang babaeng niyaya niya nang personal at gusto niya! Not this! Reasons: I just want to feel supported even just for a night. Oh. Noon lang niya nalamang may rason din palang ibinabahagi ang mga kliyente ng pinapasukang dating service company ni Jeff. Mukhang matino naman ang kliyente... he thought, slowly changing his mind. At mukhang... malungkot. Napabuntong-hininga siya at akmang isasara ang email application upang muling tawagan si Jeff nang makita ang pagpasok ng text message mula rito. Iyon ang kaagad niyang binuksan at binasa. ~~ I have signed the contract for Tasty Cake. Kapag hindi ako sumipot ay mapipilitan akong magbayad ng fine na triple sa halaga ng ibinayad niya. Please do me a favor, pare. Ayaw kong mamultahan. Babayaran ko ang renta mo sa dorm ngayong buwan—all you need to do is to dine with my client and go with the flow. Good luck. ~~ Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago niya muling ibinagsak ang sarili sa kama—his arms stretched out and his eyes on the ceiling. Sandali siyang nag-isip, sandaling pinakaramdam ang sarili. Hanggang sa isa pang buntong-hininga ang kumawala sa kaniya bago siya pabalikwas na bumangon at tinungo ang banyo upang maligo. You owe me this one, Jeff. Walang'ya kang gago ka. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook