CHAPTER 03 - Dirty Dancin'

4195 Words
           Hindi niya alam kung gaano na siya ka-tagal na naka-mata lang sa kaharap habang magana itong kumakain ng in-order na isang buong manok. She ate the whole thing—with gusto and without caring about her look. And that truly amazed him.            Kahit na kumalat na ang mantika sa paligid ng bibig nito, kahit na natanggal na ang manipis na lipstick nito, kahit na lumobo lalo ang pisngi nito, at kahit na halos mabilaukan na ito sa pagsubo, pagkagat, at pagnguya ng manok ay wala itong pakealam. She was enjoying her food—like every lady should have on a date!             TeeCay wasn’t even trying to impress him—she was just being herself.             Why would she even impress him, anyway?             Una sa lahat—hindi siya ang orihinal na gusto nitong maka-date. He was the exact opposite of what she ‘ordered’. Well, maliban sa height.            Pangalawa—he was just a paid partner for the night. Why would a client try to impress the worker? It should be the other way around!            Ibinaba niya ang tingin sa creamy fettucini alfredo na halos wala na ring natira sa plato. Ibinaba ni TeeCay ang buto ng manok saka kinuha ang plato ng creamy alfredo at inubos ang natirang laman—from the very last thread of the pasta.             He had dated a couple of skinny girls in the past, and all they ate was kale salad or any low-fat meals. They ate three pieces of leaves and they’d announced they were full. That bored him, and he wasn’t impressed at all.             But this chick…             This Tasty Cake… was a lot different. She tore that whole chicken to bits, like a hungry lion to its prey. And slurped that very last drop of cream from the flat pasta like a hungry lover.            She didn’t care what other people think about her—she was enjoying her meal; her life like there was no tomorrow.            And he liked that, surprisingly.             At habang lumilipas ang bawat minutong nakikilala niya ito ay lalo siyang nagiging interesado.            Napalunok siya nang makitang dinilaan pa ni TeeCay ang tinidor na napuno ng cream mula sa pasta. Ang magkabilang gilid ng mga labi nito ay mayroon ding cream kaya iyon naman ang sunod nitong dinilaan na lihim niyang ikina-singhap.             He didn’t know why, but something naughty crossed his mind. Ang kaalamang wala pa siyang karanasan sa mga ganoong bagay at iyon na ang itinatakbo ng utak niya ay labis na nakapag-papakaba sa kaniya.            Kinuha niya ang baso ng tubig at inubos ang laman niyon. Nang maubos ay ang red wine naman ang sunod niyang tinungga. At nang maramdaman ang biglang pag-guhit niyon sa kaniyang lalamunan ay napa-ngiwi siya.              “H’wag kang maglalasing, baka mamaya ay hindi ka makauwi,” TeeCay said, now sipping her wine.              Kinuha niya ang bote ng wine na inilapag doon ng waiter kasabay ng mga orders nila saka muling nagsalin sa kopitang hawak. Pinuno niya iyon saka diretsong nilagok.            Nang maibaba niya ang wine glass ay muli niyang sinulyapan si TeeCay na ngayon ay nagpapahid na ng mga daliri gamit ang putting table napkin. Her eyes were on his, frowning a little as she looked at him in confusion. Marahil ay nagtataka ito sa bigla at sunud-sunog niyang pagtungga ng alak.            Pilit siyang ngumiti. “Sorry, I’m fine. Nauhaw lang ako.”            Nagkibit ito ng mga balikat saka sumandal sa kinauupuan. Hinihimas nito ang tiyan at ang ngiti’y muling nagbalik sa mga labi. Nakikita niya sa anyo nito ang kabusugan at kaligayahan. Some women were just really shallow—all they needed were tasty food and their mood would lighten up.             “Ano’ng gusto mong gawin pagkatapos nito?” he asked.             “May lugar akong gustong puntahan na noon ko pa talaga binabalak pasukin pero hindi maaari kasi wala pa ako sa tamang edad noon. The place was built last year, and it is becoming popular now.”            “What place?”            “Nasa kabilang bayan pa, but I have my car with me. Ihahatid kita sa kung saan mo gustong magpahatid mamaya—or better yet, I’ll just book you a room in a motel. Baka kasi pagod ka na at inaantok pagkatapos natin sa susunod nating pupuntahan.” Tumayo ito na biglang ikina-alog ng mesa. Bumangga ang tiyan nito sa edge dahilan kaya muntik nang bumaliktad ang mesa. Buti na lang at naging maagap at nahawakan iyon.            “Sorry,” TeeCay said with a grimace. “Maghuhugas lang ako ng mga kamay ko sa washroom. I’ll be back.”            Sinundan niya ito ng tingin nang mag-umpisa na itong humakbang patungo sa powder room. At habang nakatitig siya sa malapad nitong likuran at maumbok na pang-upo ay muli siyang napalunok. They were giggling like jelly every time she moved.            Napabuntong-hininga siya saka umiwas ng tingin. Muli siyang nagsalin ng wine at tumungga.            Sa isip ay ilang beses na niyang minura ang sarili. Hindi niya alam kung dala lang ng alak kaya siya nag-iisip at nakararamdam ng kakaiba, o talagang sabik na siyang magkaroon ng babae sa buhay niya? At sa dinami-rami na rin ng kaniyang nakikilala ay si TeeCay lang ang kakaiba at tootoong pumukaw sa interes niya.             I don’t know where this is going, but I hope TeeCay is up for the game… ***                         Century Bird. Iyon ang pangalan ng lugar na pinuntahan nila ni TeeCay matapos manggaling sa restaurant. Base sa itsura niyon mula sa labas, mukha namang matino ang lugar. The walls were a mixture of glass and concrete—modern design. It was a two-storey building with a rooftop. The glass-tinted door was huge, no one from the outside could really see what’s inside. Sa magkabilang gilid ng salaming pinto ay may dalawang lalaking nakatayo; malalaki ang mga katawan at nakasuot ng puro itim.             Sa harap ng building na iyon ay maraming mga nakaparadang mamahaling mga sasakyan, na sa hula niya’y mga customers ng Century Bird.             Kung ganoong klase ng mga tao ang pumapasok sa ganoong lugar, sa tingin niya’y hindi naman mapanganib sa loob at siguradong hindi sila mapapahamak.             “Let’s go?”            Napalingon siya kay TeeCay at nakita ang pagtanggal nito ng seatbelt sa katawan. He noticed that she was having a hard time reaching for the lock, so he took the initiative to remove it for her. Malapad itong ngumiti, at sa pagkamangha niya’y dumukwang ito upang halikan siya sa pisngi.             “You’re sweet,” she said, smiling from ear to ear. “I like you.”            Sandali siyang natigilan sa sinabi nito hanggang sa maramdaman niya ang pag-init ng magkabila niyang mga pisngi.             The heck is wrong with me? Wasn’t it supposed to be my job to flatter and impress her?            My job? sagot naman ng isang bahagi ng kaniyang utak.  f**k it—this was supposed to be Jeff’s job!            “Let’s go na.” Akma na sanang lalabas si TeeCay nang hawakan niya ito sa braso. Napalingon ito at ang tingin ay bumaba sa kamay niyang nakahawak dito.             “Wait up, mauna akong bababa.” He took off his seat belt and got out of the car. Mabilis siyang umikot sa panig nito at pinagbuksan ito ng pinto.             Salubong ang mga kilay ni TeeCay subalit nakangiti. Halatang na-impress ito sa ginawa niya.             Good.             “I want you to feel special tonight—just like I promised and just how you wanted.” Ini-muwestra niya ang braso rito. “Shall we?”            TeeCay giggled as she swung out of the car. She hooked her arms to his and they walked together to the entrance.             Muli siyang napatingala sa umiilaw at malaking sign board sa ibabaw ng building habang papalapit. Nagtataka siya kung bakit ganoon ang pangalan ng lugar na iyon.             Century Bird? Like, Century eggs? What the hell?            Nang marating nila ang pinto ay humarang ang isa sa dalawang lalaking nakabantay roon. If he wasn’t mistaken, the man was commonly called a ‘bouncer”; security guards with no guns, just muscles.            “Ma’am, Sir, pahiram po muna kami ng mga IDs niyo.”            What the hell is this place for them to require an ID? A disco pub?             Kaagad na inilabas ni TeeCay ang ID mula sa pouch saka ini-abot iyon sa bouncer. Bagaman nagtataka ay dinukot din niya ang wallet mula sa backpocket, inilabas ang driver’s licence niya saka inabot iyon sa kaharap. The man scrutinized TeeCay’s ID, narrowing his eyes as if he was studying some kind of a specimen.             Ilang sandali pa’y muli nitong sinulyapan si TeeCay. “Masyado ka pang bata para pumasok. Bumalik ka na lang sa susunod na taon.”            “I will be turning nineteen in three months—sa edad kong ito ay pwede na nga akong mag-asawa, eh,” TeeCay reasoned, making him smile.            “Papasukin mo na, Borg,” sabi ng isang kasama nito na nanatili sa kinatatayuan. Nakangisi ang lalaki habang nilalaru-laro sa kamay ang isang cubix cube. “Basta lampas disi-otso at may pambayad, pwede na ‘yan.”            Napailing ang lalaking kaharap nila saka ibinalik sa kanila ang mga IDs. Sinuyod sila nito ng tingin bago muling umiling saka binuksan ang pinto para sa kanila.             “Welcome to Century Bird.”            Dalawang metro mula sa tinted glass door na iyon ay isa pang pinto. A two-way door painted in bright pink. Iyon ang sunod na bumukas na tila alam na alam na may taong nakatayo sa harap niyon.             Ang akma niyang paghakbang papasok ay naudlot nang masulyapan kung ano ang nasa loob. Darkness with strobe lights. Cigarette smokes everywhere, big couches and half naked men. Mula sa kinatatayuan ay naririnig niya ang senswal na tugtugin mula sa loob, in synced with sexy moans and screams.            It was not a nightclub.             It was a gay club—where men on the stage were dancing with nothing on their bodies but the thin fabric covering their d***s.             What the—this is wild!            At bago pa man siya maka-apuhap ng sasabihin ay nahila na siya ng sabik na sabik na si TeeCay papasok sa loob.            Niyuko niya si TeeCay na sandaling nahinto at nagniningning ang mga matang inikot ang tingin sa paligid. She looked like a kid who had finally arrived in Disneyland.             Dickeyland pala, pagtatama niya sa sarili kasunod ng lihim na pagtawa.            Nang mag-angat siyang muli ng tingin ay may nakita siyang lalaki na naglalakad patungo sa direksyon nila. He was a middle-aged man wearing a bright yellow coat and pants, and on his feet was a pair of shiny pink shoes. Nakapaskil sa mapula nitong mga labi ang malapad na ngiti.            “Hello, sweethearts!” the man greeted excitedly. Pinagdikit nito ang mga palad saka hinagod sila ng tingin. “Oh my, what do we have here? A couple?”            “Well…” TeeCay cleared her throat.             “Yes, we are,” he answered, gaining an exaggerated squeal from the man.             “And you’re here to… have fun, I guess?”            “My girlfriend wants to have something new. Something… sexy and adventurous.” Damn, how did he get those words out of his mouth so easily? Why did it sound so natural? And why did he sound as if he knew what he was doing? Hindi ba at ito rin ang unang pagkakataong nakatapak siya sa ganoong lugar?            “Perfect! Sexy and adventurous is what we serve here!” masigla pa ring sambit ng lalaki. “I am the manager of the club, by the way. My name is Roman, but you can call me Auntie Romie.” Inilahad nito ang kamay upang anyayahan silang pumasok. “Please come in—the next show’s about to start.”            Naunang naglakad si Auntie Romie patungo sa mga mesa sa harapan, at kung hindi pa siya hinila ni TeeCay sa braso ay baka nanatili lang siya roon sa kinatatayuan.             The place was filled with customers, at karamihan ay yaong may mga edad nang babae. They were dressed casually, too; some in long evening dress and some wore a coat. The ladies looked like career women and the others looked like someone who was married to a successful businessman or a politician.             Mayroong grupo-grupo at naka-upo sa harap ng isang mesa, mayroong magkaparehang tulad nila, at mayroon ding nag-iisa lang sa mesa at tahimik na umiinom ng in-order na alak.            Sinuri niya ang mga mesa. They were all made of glass, at ang upuan ay C-shaped couch na tila sadyang nilaanan ng espasyo mula sa mesa na marahil ay upang hindi masikip kapag dinaanan.             Ang nakapaligid na pader ay may pahabang dim lights, at kung tama ang nakikita niya’y may mga naglalakihang frames na nakasabit sa pader—frames kung saan sa loob niyon ay may mga naka-sketch na katawan ng mga lalaking hubad.            Ibinaling niya ang tingin sa stage. Pagpasok nila kanina ay may isang lalaking nagsasayaw roon, subalit ngayon ay wala na. And he thought the performance has probably ended.            “Narinig ko ang tungkol sa lugar na ito mula sa mga kasamahan ng tita ko sa opisina. They went here to one of their friend’s bachelorette parties, and I heard this place was a bomb! Muntik nang hindi matuloy ang kasal ng kaibigan ng tita ko dahil nahumaling sa isa sa mga lalaki rito.”                        Niyuko niya si TeeCay na sa mga sandaling iyon ay nanginginig ang kamay sa tindi ng excitement. “Bakit mo gustong pumunta sa ganitong lugar?”            “Na-curious ako. Narinig ko—detail by detail—ang nangyari sa tita ko at sa mga kasamahan niya noong gabing pumunta sila rito. I was only seventeen then. Isa ito sa mga bagay na gusto kong gawin bago…” Nahinto ito at nagpakawala ng pilit na ngiti. Tiningala siya nito at hinapit pa lalo. “Stop asking questions na. Basta mamaya, kapag nagbaliw-baliwan ako, gusto kong nariyan ka lang sa tabi ko at papalakpakan ako.”            Bagaman may nais pa siyang itanong dito ay hindi na siya nagpumilit pa.             Dinala sila ni Auntie Romie sa may bandang harapan. Nakangiti itong naghintay sa harap ng mesa hanggang sa makalapit sila. Inalalayan niya si TeeCay na maupo.             “What would you like to drink?” magiliw na tanong ni Auntie Romie, ang tingin at pinaglipat-lipat sa kanila ng dalaga.                         Nilingon niya ang katabi. “What would you like?”              “Ang pinaka-matapang,” sagot nito habang ang mga mata’y umiikot sa paligid.. “Gusto ko ‘yong sumisipa.”            “Red Horse.”            Napalingon ito sa kaniya. “Huh?”            Natawa siya. “Iyan ang madalas na inumin nina Je—I mean, madalas naming inumin ng mga kaibigan ko.”            “Oh.” Ngumiti ito at tiningala si Auntie Romie. “Mayroon po kayong ganoon?”            Ipinaypay ni Auntie Romie ang isang palad sa ere. “You’re too fancy for such a cheap drink, honey. I suggest you drink something classy—something like… Apple Martini or Daiquiri. And for Mr. Hotness here, you’d probably like some scotch?”            Pasagot na siya nang biglang kumunyapit sa kaniya si TeeCay saka ini-dantay ang ulo sa kaniyang balikat. “Isn’t he a hottie, Auntie?”            “Yes, he is, darling,” Auntie Romie answered indulgingly. “You look so good together. You are lucky to have him and he’s lucky to have someone as beautiful as you.”            Lihim siyang nagpasalamat dahil kahit kaunti ay hindi niya nakitaan ng pangmamata si Auntie Romie. Some would surely judge TeeCay for her size, or would laugh at their tandem. Hindi sa mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili, pero karamihan sa mga tao ngayon ay iniisip na ang lalaking payat ay para lang sa babaeng payat, at ang may kalakihan ang katawan ay kailangan munang magbawas ng timbang para magustuhan.             At least that was what he noticed. Katulad ng nangyayari sa kaibigan niyang si Deewee. He knew his friend also wanted to have a girl, but these women wouldn’t even glance at Deewee because of his height and size.            “Talaga? Bagay kami? Hindi ba kami nagmumukhang number 10?” biro ni TeeCay sabay tawa.             But Auntie Romie just smiled—a smile so tender it almost melted his heart.                         “You look good together, hunny. At wala sa katawan iyan, nasa puso. They say bigger girls have bigger hearts and bigger personalities. Be proud of yourself—you are more than what you think you are. And besides… men who like curvy girls are the real thing. Sila ang totoong mga lalaki, tulad nitong si Mr. Hotness.” Kinindatan siya nito na ikina-ngiti niya. “Remember, hunnycake—aso lang ang may gusto sa mga buto-buto.”             Pasagot na sana si TeeCay nang lumapit ang isang waiter at hinarap sila. Hinawaka ito sa balikat ni Auntie Romie.             “Give baby girl our special Apple Martini, and Jameson on the rocks for the gentleman.”            Nang makaalis ang waiter ay muli silang hinarap ni Auntie Romie, “I’ll be back to check on both of you in a while. May nakita akong kliyente na pumasok, sasalubungin ko lang.”            “Thank you, Auntie…” TeeCay said with a big smile on her face.             Nang maiwan silang dalawa ay hinarap siya nito. Binitiwan nito ang kaniyang braso at nakangisi siyang kinindatan. “O, tandaan mo ang sinabi niya. Aso lang ang may gusto sa buto-buto—so choose a bigger girl. May kayakap ka na, may cushion ka pa.” Bumunghalit ito pagkatapos ng tawa.                      “You are pretty kahit malaki ka. And I don’t really care about your size—hindi ka boring kasama at iyon ang mahalaga.”            Biglang nahinto ang pagtawa nito nang marinig ang sinabi niya. Sandali siyang tinitigan na tila siya may sinabing nakagigimbal, bago ito nagpakawala ng pilit na ngiti.            “Thank you. Alam kong sinasabi mo lang iyan dahil parte siya ng trabaho mo. Alam kong hindi ako ang tipo ng babaeng gugustuhin ng mga tipo niyong lalaki, at matagal ko nang tanggap ‘yon. So, all good.” Nag-thumbs up pa ito at muling tumawa.             He was about to tell her that it wasn’t the case—that he was more than happy to embrace the idea of them… knowing each other more.             Alam niya sa kaniyang sarili, na kanina noong nasa restaurant pa lang sila, ay nagkaka-interes na siya rito. And the more he spent time with her, the more he was getting interested. Getting connected and attached to her.             And he didn’t want to end that night without them exchanging numbers.             Well, they could be friends. He’d love to have a female friend. And if fate would allow it, maybe they could be more than that, too. Who knows?            Humugot siya ng malalim na paghinga upang ihanda ang sarili sa pagsasabi rito na interesado siyang makilala pa ito nang husto—nang biglang umalingawngaw ang senswal na musika sa ere, at ang biglang pagdilim na stage dahilan upang matuon ang pansin doon ng lahat.              And then the spotlight turned on in the middle of the stage where they found a man standing there wearing fitting jeans and cowboy shoes. Nakatalikod ito sa audience dahilan upang makita nila ang malaking tattoo sa likuran nito—a big red *ss dragon covering his broad, mucle-y back.             Tilian ang mga customers—tiling tila nagtatawag ng kulto upang pababain sa bukid at papuntahin doon.            At nang humarap ang lalaki ay lalong lumakas ang tilian ng mga customers.             The man on the stage got the looks and an awesome body—kasing gwapo at kasing ganda ng katawan ni Jeff; ng totoong Jeff. And the guy’s chocolatey skin was shining under the light. That skin was what most girls would go gaga for. At wala siya niyon.             Damn it—why did I choose to study in this town where girls don’t find men with milky white skin like me attractive?            “Susme, bakit biglang uminit ang paligid?”            Naituon niyang muli ang pansin kay TeeCay nang marinig ang sinabi nito. Nakita niyang ipinapaypay nito ang dalawang kamay sa mukha at halos hindi mapakali habang nakatitig sa stage.             Bahaw siyang napangiti saka ibinalik ang tingin sa stage. Doon niya nakitang nag-uumpisa nang gumiling ang lalaki habang isa-isang tinitingnan ang mga babaeng nasa harapan. After a while, his eyes landed on TeeCay and blew a kiss.             Isang malakas na singhap ang narinig niya mula sa katabi, kasunod ng pagkunyapit nito sa braso niya at ang biglang pagbaon ng mga kuko nito sa kaniyang balat.             Napa-igtad siya sa ginawa nito. “Whoa!”            “Please bear with it for a while, sobra akong kinikilig ngayon at pakiramdam ko’y maiihi ako sa salawal ko kapag hindi ko ito ginawa,” sagot nito sa impit na tinig. Ang mga kuko’y lalong bumaon.             Wala siyang nagawa kung hindi hayaan ito at mapa-ngiwi na lang sa hapdi. Bahagya na niyang naririnig ang tilian ng ibang mga customers sa likuran nila.            Muli niyang sinulyapan si TeeCay. “Hindi ko alam na kasama sa kontrata na maaari mong saktan ang escort mo?”            “I’ll give you extra,” wala sa loob na sagot nito; ang mga mata’y nanlalaki habang pinapanood ang unti-unting pagbaba ng lalaki sa zipper ng suot nitong pantalon.             Napa-iling na lang siya at hinarap ang lumapit na waiter na may dala ng mga inumin nila. He uttered his thanks and took their drinks. Ibinigay niya ang martini kay TeeCay na natulala na sa stage, ang mga kuko nito’y nanatiling nakabaon sa kaniyang braso.            “Let go of me now and take your drink—baka mag-iwan pa ng marka iyang mga kuko mo sa balat ko.”            Ginawa nga nito ang sinabi niya. Pinakawalan nito ang kaniyang braso at inabot ang inumin mula sa kaniya saka dinala sa bibig habang ang mga mata’y nakapako pa rin sa stage. At habang nilalagok ni TeeCay ang inumin ay siya namang unti-unting paghubad ng lalaki sa suot nitong pantalon.              All the ladies in the room screamed at the top of their lungs as they watched the man waved his pants on the air in a circular motion—as if he’s some kind of a hero waving the flag of freedom after the war.            Ang backgroung ng stage ay isang malaking flat screen device. Bumukas iyon at doon ay lumitaw ang pangalan ng kasalukuyang performer.             His name was Shawn Shadow—and it was probably his stage name to sexify the character.             Nag-umpisa itong lumuhod sa stage, moving his hips sensually as if he’s doing the s****l act on the floor. The performance reminded him of the movie Magic Mike—it was one of the movies Jeff and Deewee watched in his room. And Shawn Shadow was so close to how Magic Mike performed in that movie; he was a professional. Hindi kataka-taka kung bakit ganoon ang inaakto ng audience.             Ibinalik niya ang tingin kay TeeCay, at nang makitang wala nang laman ang baso nito’y napaubo siya. Muntik na siyang mabilaukan sa in-inom na alak sa tindi ng pagkagulat.             “Ano’ng nangyari sa iniinom mo?” He was half-talking and half-shouting. Sa lakas ng musika ay kinailangan niyang lakasan ang boses.             “Ubos na,” she answered, tulad niya’y nilakasan din ang tinig. Ang mga mata nito’y nanatili sa stage.             Hindi niya alam kung ikukuha pa niya ito ng inumin o bigyan na lang ng mango juice. Nag-aalala siyang baka malasing ito at hindi na kayaning magmaneho pauwi.                         “Could you please order me some more?” she asked.             “Papaano ka uuwi mamaya kung malalasing ka?”            “Eh ‘di hindi ako uuwi.”            “Hindi ka pwedeng hindi umuwi.” Ano ba ang itinatakbo ng isip nito?            Doon na siya hinarap ni TeeCay. Ningitian siya nito ng ubod ng tamis.             “Ito ang una at huling beses na pupunta ako sa ganitong lugar, una at huling beses na iinom ako ng alak, saka una at huling beses na hindi susunod sa patakaran ng pamilya. This is why I hired someone to date me tonight—I need someone to support me. So, please?”            Huminga siya ng malalim saka nakaiintinding tumango. Muli na namang nawaglit sa isip niya kung saan siya lulugar. He forgot he was—no—Jeff was paid to support TeeCay’s craziness.             Damn Jeff—ganitong kalokohan pala ang pinapasok mo tuwing gabi? I’m gonna choke you so hard tomorrow, you son of a gun. Just watch out. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD