Chapter 25:

2644 Words

Matapos nilang lampasan ang sasakyan ng boss ay narinig niyang nagsalita si Cedric. "So, is he courting you?" muling tanong nito. Napakunot-noo siya. "Who?" aniya kahit batid niyang ang boss ang pinapatungkulan nito. "The boss, I mean, Mr. Mauritius?" giit nito.  "Hindi ba't sinabi ko namang hindi nga siya nanliligaw," aniya rito. Kitang hindi naniniwala ito. "Oo nga!" giit rito. "Okay fine, pero gusto mo siya?" hirit pa nito. Humlukipkip siya dahil ayaw niyang pag-usapan ang  bagay na iyon. Hanggang sa marinig ang pagtawa ng kaibigan. "Well, mukha namang gusto ka rin niya," anito matapos huminto.  Natigilan siya sabay baling kay Cedric na noon ay tuon ang tingin sa daan. "Do you want to eat first bago kita ihatid sa apartment mo?" tanong nito. "Hindi pa ako gutom," sagot naman rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD