Tumayo si Darius at pinulot ang bulaklak na inihagis ni Kendra sa kaniya. "Ayaw mo ba? O gusto mo ng tsokolate?" tanong pa nito. Mas lalong nagpupuyos ang inis rito. "Mr. Mauritius, ayaw ko ng bulaklak o tsokolate kung galing sa'yo lalo na kung sasabihin mong thanks for the wonderful—" aniyang putol dahil hindi mabigkas rito ang salitang nasa note nito. Nakita niya ang pagngisi sa labi nito dahilan para mas lalong mabanas. "Wonderful what?" kunwari ay tanong pa nito. "Wala akong oras makipaglokohan sa'yo!" aniya rito. "Just say it, Kendra. Thanks for the wonderful what?" anito na tila nanghahamon. Lumpit siya sa kinatatayuan nito. Titig na titig siya sa malalalim na mata nito na napapalibutan ng mahahabang pilik-mata at may kakapalang kilay na nagpapatingkad sa pagiging mukhang lalak