When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Pagpasok pa lamang ni Dania sa building ng opisina ng kapatid ay agaw atensyon na siya sa suot niya. Marahil maging ang buhok niya na dinaig ang buhok ni Dora. Mabilis na narating ang pinakataas kung saan naroroon ang opisina ng kuya niya. Tinalunton ang pasilyo patungo sa opisina nito nang maisipang dumaan muna sa banyo at mag-retouch. Mukha kasing nahulas bahagya ang make up niya. Malapit na siya sa may CR nang may maulinigan siyang tinig. Napakunot siya dahil parang tinig ng kaibigang si Erika. Habang papalapit ay mas lalong nakikilala ang tinig. Hindi siya maaaring magkamali. Si Erika ang may-ari noon. Napakunot-noo siya nang matapat sa pintuhan ng accounting. Lalo pa nang marinig ang sinabi ng dating kaibigan. "Huwag kang masyadong hangal! Kailan man ay hindi magiging iyo si Dariu