Nangingiti si Kendra sa sinabi sa kaibigan dahil tiyak na narinig iyon ng boss. Nang balingan ang kaibigan ay nakitang nakatingin ito sa kaniya at agad na napalis ang ngiti sa labi. “Mukhang ginu-good time mo naman ako,” mapanghinalang wika nito. “Hinda ah, sige na please. Ngayon lang ako magpapabili ng napkin. Promise! Para makaligo na ako at aalis na tayo. Excited pa naman akong manuod ng sine,” turan na muling nilakasan ang pagkakasabi. Saka muling tumingin sa pintuhan at binilat sana nang saktong nakitang nakasilip ang boss. Naiinis na si Darius dahil mukhang sinasadya pa yata ni Kendra na lambingin ang lalaking kasama nito. May nalalaman pa itong asawa at lalong nabanas ng marinig na excited pa raw itong manuod ng sine kaya hindi niya napigilang sumilip sa labas tutal ay hindi masy