Napapikit si Kendra nang marinig ang husky na boses ng amo. Tila gusto niyang lamunin siya ng sementadong sahig na kinaroroonan. Ewan ba niya kasi kung bakit inis na inis dito. Boss niya lang naman nito at wala siyang pakialam kung patulan man nito ang sekretarya nito at mas lalong wala siyang pakialam kahit ilang babae pa ang landihin nito. Nakaramdam siya nang pagbundol sa ilalim ng mesa nang hindi siya nakahuma sa kabiglaan. Napataas ang mukha sa kaibigan at nakitang nakindat ito. Hindi niya alam kung ano ang nais ipakahulugan nito kaya napilitan siyang lingunin ang boss sa likuran at makitang malapit na malapit ito. Napalunok pa siya dahil matangkad ang boss na nakatayo sa likuran habang siya ay nakaupo ang saktong tumapat ang mukha sa ibabang bahagi nito. Namula ang mukha saka unti-