Makulit si Chris, kahit ilang beses niyang sinabing wala pa siyang balak pumasok muli sa isang relasyon. Wala rin siyang sumama ritong mag-dinner sa labas kahit batid namang walang pagkain sa apartment niya.
“Please Kendra, give me one more chance?” umami nito nang nasa loob sila ng sasakyan nito.
“Chris please,” sumamong balik rito. “Wala akong balak mandamay sa problemang kinahaharap ng pamilya ko sa ngayon,” mahinang sambit kasabay nang buntong hininga.
Tila natigilan naman ito kaya hindi na muling nagsalita. Ngunit matapos nang limang minutong katahimikan ay binasag rin nito iyon. “Have dinner with me at least,” pakiusap na nito.
Sasagutin na sana niyq ito nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Nanlaki ang mata nang makitang ang kaibigang si Charry iyon. Agad na sinagot.
“Hello?”
“Hello besh? Sorry, trinangkaso ako kaya nang mag-message ka na nandito ka ba Manila ay hindi kita napuntahan. Kumusta? Kita tayo ngayon,” yakag nito.
Agad siyang napalingon kay Chris na noon ay tuon ang tingin sa daan. Tila nakita ang pagkakataon na iyon upang makaiwas rito. “Sige ba? Pauwi pa lang ako, medyo mali-late na lang ako konti,” turan dito nang marinig ang sinabi nito kung saan sila magkikita.
“Oo na besty, see you!” aniya na nilakasan para marinig ni Chris na may lakad siya. “Ay ang kulit! Mamaya na ang chikka,” saway rito. Hindi pa man naibababa ang tawag nang magsalita si Chris dahilan para marinig ng kaibigan.
“So, that means you’re not coming with me?” maang na tanong nito.
“Hey beshy? Sinong kasama mo? Lalaki iyan ah?” sunod-sunod na tanong ni Charry sa kabilang linya pero agad na pinatay iyon. Saka bumaling kay Chris.
“I’m sorry Chris but like what I told you. For now, hindi pa ako handang pumasok ulit sa relasyon. Sorry pero may usapan kami ni Charry,” aniya rito. Kilala nito ang kaniyang kaibigan.
Wala siyang narinig mula kay Chris. Muling namayani ang katahimikan hanggang sa muli itong magsalita. “Where can I drop you?” malamig nitong wika.
Agad na sinabi ang lugar niya. Nang makarating sila ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. “Kendra,” wika nito.
Lumingon siya rito. “Sorry,” dinig na wika nito.
“For what?” aniya. Kasunod nang muling katahimikan. “For letting me go for your dreams?” aniya na may pait pa rin sa kaniyang boses.
“For everything? I know, nasaktan kita. I am very sorry for that?” saad nito.
Ngumiti siya ng pilit rito. “Nangyari na ang lahat, hindi na maibabalik ang mga luhang nailuha ko. Ang sakit na naramdaman ko, ang panahong ginugol ko upang muling ibalik ang sarili ko sa dati,” madamdaming saad dito.
Mas lalong hindi nakaimis si Chris sa sinabi niya. Masyado siyang nasaktan noon too the extend na halos kitlin niya ang buhay niya. Maswerte lamang siya noon dahil naroon lagi ang Mama niya sa kaniyang tabi. Nakikinig sa paulit-ulit niyang sinasabi. Ang mga pangarap nila ni Christiano at mga pangako nito na napako nang piliin nitong magtungo sa Manila para sa pangarap nito.
“Alam ko, hindi naman ako nagmamadali Kendra. Let’s start all over again. Let’s be friend,” saad nito.
Napatingin siya sa mukha nito. Nagkahinang ang mga mata saka tumingin sa labas ng bintana ng nakahintong sasakyan. Saka muling binalik rito. Ngumiti siya nang mapait saka tinanggal ang seat belt niya.
“Salamat sa paghatid. Masyadong mahirap pa para sa akin ang iyong hinihiling,” aniya saka binuksan ang sasakyan nito upang makalabas na siya.
“Kendra,” muling tawag nito dahilan para maantala ang gagawing pagbaba sana.
Agad na napatingin rito. “Ihahatid na kita,” wika nito.
“Huwag na, diyan na lang naman ako. Salamat sa paghatid,” turan saka mabilis na bumaba at tinungo ang apartment niya. Agad siyang nagtungo sa banyo upang makapaligo konti bago sila magkikita ni Charry. Sa isang bar iyon kaya mainam na nakauwi muna upang magpalit. Agad na naghalungkat sa maleta niya ang isusuot. Hindi pa kasi niya naayos lahat ng damit sa build-in closet na naroroon sa silid.
Nang makuha ang mini-skirt at isang spaghetti strap na top ay agad na nilapag iyon sa kama at tinungo ang banyo. Matagal-tagal din nang huli siyang nakapasok sa bar. Bigla ay na-excite siya lalo pa at makakasama ang kaibigan.
Mabilis nakapagbihis. Makailang ulit na umikot sa salaming naroroon. Tila bumalik siya sa dating siya, iyong Kendra na prinsesa at lahat ng naiisin ay nakukuha. Napangiti siya sa replesyon niya, ngayon niya lang ulit kasi nakulayan ang mukha. Kapag nagtutungo kasi sa opisina ay tamang lip gloss at powder lang siya.
Nang makontento sa hitsura ay agad na sinuot ang sandalyas ay lumabas. Agad na nakakuha ng taxi. Kahit papaano ay nasusundan niya ang buhay sa Manila. Mahirap pero kailangan niyang maging matatag.
Hindi naman mahirap hanapin ang sinabi ng kaibigan dahil sa mismong harap ng bar siya binaba ng taxi driver. Mukhang papadami na ang mga customer noon.
Sinipat ang oras sa hawak na cellphone. Alas nuwebe kuwarenta’y singko kaya mabilis na sinilid ang cellphone sa pouch na sala saka nagmamadaling pumasok.
Kita na niya ang kaibigang kumakaway nang bigla siyang masubsob sa kung sinong Poncio Pilato.
“Ouch!” Sapo niya sa kaniyang mukha.
“I’m sorry Miss,” hingi nito nang paumanhin. Tatarayan sana ito ngunit muli itong nagsalita. “Are you okay? Sorry Miss,” muling tinig nito.
Nabigla siya nang marinig ang timbre ng boses nito. Hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking nakabunggaan ay ang kaniyang boss. Agad na sinapo ang dalawang palad sa mukha para itago iyon.
“Miss, okay ka lang ba?” untag nang kasama nito.
“Hmmmm! Y—yes,” nautal pang wika. Ihahakbang na ang mga paa papalayo nang bigla siyang tawagin ng kaibigang si Charry.
“Kendra! Here,” sambit nito sa pangalan dahilan para makilala siya ng kaniyang boss.
“Kendra?” baritonong tinig nito tawag ang pangalan niya.
“Pahamak ka talaga Charry,” bulong sa sarili. Hindi pa rin siya naharap sa boss.
Napangiti si Darius nang malamang ang bagong accountant ang nakabungguhan. Bukod sa hindi nito kasama ang lalaki kanina ay napakaseksi nito sa suot. Namamalas ng mga mata ang makikinis nitong hita at balikat.
“Oh! So, you’re the new accountant?” maya-maya ay banat ni Dax.
“How did you know?” sabayang turan nina Darius at Kendra na kinatawa naman ng lalaki.
“Wow! Duet pa!” bara nito. Anyways, to answer you Miss. ikaw kasi ang usapan namin kanina,” panlalaglag ng kaibigan dito.
“What?” ang hindi mapigilang sabad ni Kendra sa lalaking kasama ng boss. Doon ay napadako ang tingin sa boss.
Pormal ang mukha nito at tikom ang mga labi. Tila walang gagawin upang depensahan o ituwid ang sinabi ng kaibigan nito. Talagang siya talaga ang topiko ng mga ito.
“Beshy?” tinig ng kaibigang si Charry na tila nainip na sa kahihintay sa kaniya. Agad itong nilingon at alanganing lumapit ito. “Is there something wrong?” maang na wika nito na nakatingin sa dalawang lalaki.
Walang naimik kaya agad na lumapit sa kaibigan bago pa tila kanyong sasabog ang bibig nito.
“Wala beshy, tara!” hawak sa braso nito.
“Nice to meet you Kendra,” tinig ng lalaking kasama ng boss. Bumaling siya rito at ngumiti dahil mukhang mabait naman ito hindi kagaya ng boss.
“Nice to meet you too Sir,” aniya nang humagalpak ito sa sinabi.
“Ops sorry! As far as I know, itong si Darius ang boss mo hindi ako. Dax,” anito sabay abot sa palad nito.
Napatingin siya sa boss na noon ay matiim na nakatingin sa kaniya habang nakapamulsa. Very intimidating ang dating nito kaya agad na binaling sa kaibigan nito ang tingin. Ngiting-ngiti ang lalaki na tila ba walang pakialam sa tensyong bumabalot sa kanila ng boss.
“Kendra,” abot sa kamay niya.
“Nice to meet you Kendra. Mind introducing me to you friend?” wika nito na tila tinabaan sa kaibigan dahil kanina pa napapansin ang panakaw nitong tingin rito.
“I’m sorry pero hindi ako nakikipagkilala sa pangit na katulad mo?” bira ng kaibigan.
“Charry?” saway rito. Agad na tumingin kay Dax na tila napahiya sa sinabi ng kaibigan. Napatingin sa boss at nakitang nakangisi ito sa kaibigan pero nang mapansin siyang nakatigin ay agad na naging pormal. “Dax, si Charity, best friend ko. Charry, si Dax,” pakilala niya sa dalawa. Saka bumulong sa kaibigan. “Be civil besty,” aniya rito.
“Charry,” lahad nito sa palad. Kinuha iyon ng lalaki at muling nangiti.
“Nice to meet you Charry,” masuyong wika ng lalaki.
“Nice to meet you daw?” untag kay Charry.
“Nice to meet you too Dax,” napipilitang wika nito. “Oh siya, wala ka rin bang planong ipakilala ang boss mo?” hirit pa nito.
Doon ay bumaling siya sa boss. Pormal pa rin ang mukha nito na tila kay hirap ngumiti.
“Ahemmm!” tikhim upang pukawin ang pansin nito at tanggalin na rin ang bumikig sa lalamunan.
Nakapamulsa si Darius habang nakatingin sa dalawang babae na nagpapakilala sa kaibigan nang marinig ang sinabi ng kaibigan ng bagong empleyado rito. Napangiti siya ngunit nang bumaling si Kendra ay agad na pinalis ang ngiti sa labi. Mukhang ipapakilala na naman siya rito nang madismaya siya sa sinabi nito.
“Beshy, kumain na lang kaya tayo. Kanina pa ako nagugutom eh,” turan ni Kendra sa kaibigan at agad itong hinila.
“Wait lang besty, hindi mo ba ako—” putol na giit nito.
“Sa susunod na,” giit naman rito saka mabilis na hinila ang kaibigan. Pasimpleng binalingan ang boss at ang kaibigan nito at kita nito ang pang-aasar ni Dax sa boss.
Dapat lang dito, akala yata ay hindi napapansin ang mga paghagod nito sa kaniya ng tingin. Para siya nitong hinuhubaran.
“Wooooh!” gulat na turan ni Dax sabay ang mapang-asar na tingin nang makalayo ang magkaibigan. “That’s not normal to someone like Darius Mauritius. She is really different. All women want you but she seems allergic to you man,” panunudyo nito.
Ngumisi lang siya saka pasimpleng sinundan ng tingin ang dalawang babae.
“Do you think she’s a virgin?” maya-maya ay dinig na wika ng kaibigan habang nakatingin din pala sa dalawang babaeng tinitignan.
“Who? Kendra or her best friend?” maang na tanong rito dahil mukhang may tama ito sa babaeng pinakilala ni Kendra. Tumawa ito sa kaniyang sinabi.
“Both,” sagot na kinatingin rito. Napaisip din siya. Naalala ang lalaking kasama ni Kendra kanina. Boyfriend kaya niya ito? Manliligaw o ex?
“Oh akala ko ba uuwi ka na at may mga meetings ka pa bukas?” pasaring nitong wika nang mapansing muli siyang umupo sa kaniyang kinauupuan kanina.
Agad na tumawag ng waiter at nag-order ng maiinom nang tumawa ang kaibigan. “Man, ipapaalala ko lang sa’yo, malapit nang bumalik si Erika. Kilala mo naman iyon?” paalala nito sa kaniyang girlfriend. “Sabagay, open naman siya sa mga babaeng kalaro mo? Pero mukhang hindi siya panglaro lang sa kama,” dagdag pa nito.
Muli siyang napatingin sa kinaroroonan nina Kendra nang biglang maghinang ang kanilang mga mata. Nakatingin rin pala ito sa kaniya. Nakitang nahihiya itong nag-iwas ng tingin.
“Oh my God!” gilalas ni Kendra nang biglang mahili siya ng boss na nakatitig rito.
“Oy!” tudyo ni Charry.
“Kaya pala over-over ang tili mo noong una kitang tawagan. Ang guwapo pala ng boss mo. Makalaglag panty,” bulalas ni wika ni Charry na kanina pa panay ang papuri sa boss.
“Iyon nga lang, mukhang wala yata sa bokabularyo ang saling ngiti. Grabe, hindi man lang napuknat ang labi!” anang pa nito.
“Eh guwapo rin naman ang kaibigan niya ah,” salag rito.
Tumawa ito nang malakas. Mabuti na lamang at may kalakasan na ang tugtog. “Iyong hitsura niyang iyon guwapo? Mukhang tsonggo beshy,” wika nito.
“Ay! Grabe? Kung tsonggo ay kasing guwapo niya, aba? Sa tsonggo na ako kaysa sa—sa—” hindi malaman ang idudugtong rito. “Ay! Ewan ko!” inis na wika.
“Okay beshy. Relax!” awat ni Charry sa kaniya.
“Imagine girl, she offered me ten million para lang—” ayaw niyang sambitin ang word na iyon.
“What?! Ten million to have s*x with you!” bulalas nito na pagkalakas-lakas. Ito ang ayaw niya rito. Uulitin na nga lang ang sinabi, ang lakas pa talaga ng bunganga.
“Did you accept?”
“Hell, no?” agad ba sabad rito.
“Why?” anito na halos batukan. “Sayang, ‘di sana ay nasa Paris na tayo ngayon?” anito na tila kay dali rito ang offer ng lalaki.
“Gaga! Ano naman gagawin natin sa Paris?” tanong rito.
“Gagala, ano pa nga ba?” nakangising sagot nito. “Well, sayang kasi ang offer. Look?” anang pa nito na lumapit sa kaniya na tila may sasabihing maganda. “He offers ten millions, sa guwapo niyang iyon. Tiyak babae ang magbabayad sa kaniya pero sa’yo. He offers you ten million.”
Mabilis na binatukan ito. “Ahhh! Aray ko naman, beshy!” angil nito.
“Alam mo, kung hindi ko lang kasama si Christiano kanina. Nunca na makipagkita ako sa’yo. Puro ka kalokohan,” sabad rito.
“What?!” eksaheradang sabad nito sa sinabi na kahit may kadiliman sa kinaroroonan ay kita ang pamimilog at panlalaki ng mata. “Wee—wait! Anong sinabi mo?” maang na tanong nito.
“Saan doon? Sa dami ng sinabi ko?” maang na turan dito.
“Iyong huli. Tama ba ang pagkakarinig ko? Kasama mo ang ex mong iniwan ka sa kaartehan mo. Inaway-away mo kuno tapos kunwari ay makikipagkalas ka dahil sa isip mo ay aamuhin ka pero hindi naman pala! Iniwan at nagtungo sa Manila upang ipagpatuloy ang pangarap habang ikaw ay naiwan na parang multo sa mugto ng mata dahil sa gabi-gabi mong pag-iyak. Pati si Tita at Tito ay naririndi na sa’yong paulit-ulit na kuwento. To the extend na binalak mo pang mag-inom ng sleeping pills para ma-deads na pero ikaw itong si aanga-anga may magsu-suicide bang paunti-unti ng inom ng pills!” mahabang sermon nito na parang baril na tumigil lang nang maubusan ng bala.
“Ano? Tapos ka na ba?” tanong rito nang hingal na hingal.
Ngunit imbes na sumagot ito ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya. Tila nakakita ito nang multo sabay taas sa kamay turo sa likod niya kaya agad siyang napalingon at ganoon na lang din ang gulat nang makita roon ang boss.
‘Oh no! Don’t tell me narinig niya ang mga ponagsasabi ni Charry,’ aniya sa isipan.
Niyaya siya ni Dax sa kinaroroonan ng pinsan nitong kausap nang dumating siya. Saktong malapit kina Kendra iyon. Mukhang nagkukulitan ang dalawa nang biglang marinig ang mahabang sinabi ng kaibigan nito. Masyado kasing buhos ang atensyon nito sa sinasabi kanina kaya hindi siya napansin nito.
Napailing siya na mukhang ang lalaking kasama kanina ni Kendra ang topiko nila. Base sa narinig ay ex-boyfriend ito ni Kendra. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang pagtatangka nitong mag-suicide dahil sa lalaking iyon. Ganoon niya ba ito kamahal para pagtangkahang kitlin ang buhay niya.
“Sir?” maang ni Kendra.
Doon ay bumalik siya sa kamalayan. Ngumiti rito. “Hi?” aniya nang makitang ngumiti ng matamis ang kaibigan nito habang si Kendra ay tila gulat na gulat pa rin. “By the way, call me Darius. Wala naman tayo sa office,” turan pa.
“Oy! Call him, Darius daw?” untag ni Charry na sa tingin ay tinutudyo siya sa boss.
“Okay sir,” tugon.
“Darius nga daw?” muling hirit ng kaibigan. “By the way sir este Darius. I’m Charry, Kendra’s best friend,” maharot na pakilala ni Charry rito.
Agad namang inabot ni Darius ang kamay ng babae. “Nice to meet you Charry,” magiliw na turan.
“Same here Darius,” turan ni Charry. Naiinis na si Kendra sa pagiging maharot ng kaibigan kaya hindi napigilang bundulin ang paa nito sa ilalim ng mesang kinauupuhan. “Ouch!” daing nito sabay tingin sa kaniya na pinanlakihan niya ng mata.
“Are you okay?” agad namang tanong nito sa kaibigan.
“Yes, I’m okay. Mukhang nagselos—” putol nito nang taasan ng kilay. “Yeah, nagselos yata ang langgam. Kinagat ako?” turan ni Charry.
Napangiti na lamang si Darius sa dinahilan ng babae nang maya-maya ay narinig ang tinig bg kaibigan.
“Bro!” tinig buhat sa hindi kalayuan. Doon ay nakitang pabalik na si Dax sa mesa ng pinsan nito at mga kaibigan. Nagpaalam na rin siya kina Kendra at sa kaibigan nito.
“Okay! Nice meeting you again Charry. See you tomorrow Kendra,” paalam sa dalawa.
“See you-hin mo mukha mo!” inis na turan ni Kendra nang makaalis si Darius. Ngunit hindi pa man nakakaalis si Darius ay agad na bumalik dahil may nakalimutan siyang sabihin rito. Hanggang sa marinig ang sinabi nito. Mahina iyon pero rinig na rinig.
“Is that the way how you reply your boss?” dinig ni Kendra sa kaniyang likuran na halos ikabuga ng iniinom na cocktail.