Nagsisimula pa lang niyang ituon ang konsentrasyon sa paggawa ng ledger para sa financial report na nasa kanyang harapan nang bulabugin sila nang pagpasok ng isang maganda at sopistikadang babae.
Sa hilatsa ng mukha nito ay mukhang spoil brat at mataray. Ganoon din siya noon, mga tatlong buwan ang nakakaraan mula nang maakusahan ang ama sa sinasabi nilang kurapsyon sa pundo ng bayan nila. Batid naman niyang hindi iyon magagawa ng kaniyang butihing ama.
"Oh ma'am Dania, napasyal ka?" ani ni Mrs. Fernandez sa bagong dating na babae.
'Ma'am?' aniya sa isipan. Pagkakaalam niya ay wala pang asawa ang kanilang boss kaya naguguluhan siya kung bakit ito tinawag ni Mrs. Fernandez na ma'am.
Nakitang ginala nito ang tingin hanggng sa magtama ang paningin nila. Naglakad ito patungo sa harapan niya. She never felt intimidated before.
"So, you are the new accountant?" anito na walang ekspresyon ng mukha.
Napalunok si Kendra. 'At sino naman ito? Girlfriend? Ano 'te threatened lang ang peg.' Inis sa isipan saka mabilis na ngumiti. "Yes ma'am, Kendra nga pala," aniya sabay lahad sa kamay niya.
Tumingin ito sa kaniya saka sa kamay na nakalahad. Bigla ay nahiya dahil tila wala itong balak kunin ang kaniyang pakikipagkilala rito. Dahilan para mapalis ang ngiti sa mukha nang bigla nitong kunin ang palad niya.
"Nice to meet you Kendra. I'm Dania, Darius little sister." pakilala nitong may ngiti sa labi.
"Ah kapatid pala," bulong sa sarili. Akala niya kanina ay girlfriend ito ng boss. Mukha kasing anumang oras gustong dambahin siya.
"Yes, kapatid. Why?" tanong nito na narinig pala ang kaniyang binulong.
"It's nice to meet you ma'am Dania," turan dito.
Humagikgik ito. "Just call me Dania, Angie call me in my first name too. Just Mrs. Fernandez doesn't. So, welcome to my brother's company. Oh! Before I forget, I came right away from the airport just to meet you," matamis na ngiti nito.
Dahilan para mapakunot siya. Ganoon ba ito ka-welcoming sa mga bagong staff ng kuya nito.
"And to warn you about my brother," dagdag nitong nakangiti. "I know, he's handsome and charming but please, ayaw kong matulad ka sa ibang luhaan."
Doon ay napatingin siya sa mukha ng babae. Seryoso na ito at mukhang ayaw nito ang gawain ng kapatid. Doon ay napangiti rin siya. "Don't worry, he's not my type," aniya.
Kaaalis lang ng sekretarya ng maalalang kailangan niya ng financial report mula sa dalawang restaurant niya sa Ortigas. Kaya mabilis na tumayo at tinungo ang opisina ni Mrs. Fernandez. Nasa pintuhan na siya nang maulinigan ang tinig ng kapatid.
Maayos na sana ang sinabi nitong guwapo at charming siya pero may dagdag pa. Hindi nga ito nagpaawat at talagang nilaglag siya sa bagong accountant niya.
Saktong nabuksan na niya ang pintuhan ng sumagot si Kendra. "Don't worry, he's not my type." dinig na wika nito.
"Sir?" Malakas na bigkas ni Angie na para pukawin ang pansin ng dalawa.
Nanlaki ang mata ni Kendra nang makita sa pintuhan ng opisina nila ang lalaking nakapamulsa at tiyak na narinig ang sinabi niya.
"Kuya, what brought you here?" baling ni Dania sa kapatid nito.
"I just need some papers from Mrs. Fernandez," kaswal na sagot ni Darius saka lumapit sa kaniyang accountant at sinabi rito ang kailangan niya. Agad naman itong naghalungkat sa files sa mesa at binigay ang kailangan niya.
"Anything else sir?" tanong ng ginang.
"No thanks," sagot saka tumingin sa bagong accountant. Nakayuko ito na tila nahiya sa sinabi nito. Batid niyang alam nitong narinig niya ang huling sinabi nito.
Napangisi siya. 'Not my type huh! Let see Kendra.' tila hamon sa sarili.
"Oh huwag masyado kuya, baka matunaw." awat ng kapatid na wala na yatang ginawa kundi ang punahin ang bawat galaw at tingin niya.
"Thanks Mrs. Fernandez," aniya bilang paalam. Sa muling pagkakataon ay sinulyapan ang babae. Nakayuko pa rin at tila sinubsob ang mukha sa laptop nito.
Halos hindi makahinga si Kendra sa tinging pinupukol ng amo. "Narinig pa yata ako," bulong sa sarili saka tinuon ang tingin sa laptop. Halos magkandaduling-duling siya sa screen sa lapit ng mukha niya. Nakakapaso kasi ang titig ng lalaki.
Nang maya-maya ay biglang may humawak sa laptop niya. "It's okay, he's gone." turan ni Dania.
Mabilis siyang umayos nang upo sa sinabi nito. Wala na nga roon ang kapatid nito. "Binabalaan na kita, marami ng babaeng umiyak at nagmakaawa. So, please stay away from my brother," ulit nito sa kaniya.
Matamis na ngumiti rito. "No worries, not—" putol na turan saka bumaling sa may pintuhan dahil baka bumalik ito. Napansin ng kaharap ang ginawa kaya tumawa ito.
"I know, not your type. That's good, at least it's clear. So, gotta go and rest. May jet lag pa yata ako," anito saka nagpaalam sa kanilang lahat.
Natitigilan siya sa dami ng nangyayari sa araw na iyon. Mula sa eksenang nabungaran sa opisina ng boss at sa pagdating ng kapatid nito.
"Mabait naman iyang si Dania, maldita at pasaway pero kung personality ang pag-uusap total opposite nila ni boss." kusang imporma ni Angie sa kaniya.
Wala pa siyang tanong pero nasagot na nitong lahat ang itatanong pa lamang sana. "Pero kapag nakita mo ang kasintahan ni boss," anito saka sabay dukwang sa kaniya. Akala niya ay hahalikan siya nito iyon pala ay may ibubulong lang. "Iyon ang maldita. May tumingin lang na babae kay sir parang aagawan," anito na nakatawa.
"Angie," tawag ni Mrs. Fernandez.
"Yes ma'am," agad na sagot nito kay Mrs. Fernandez na kinatawa niya. Puro kasi tsismis ang nalabas sa bibig nito eh mukhang ayaw na ayaw naman ni Mrs. Fernandez. Kaya walang nagawa si Angie kundi ang itikom ang bibig.
Natatawa na lamang siya rito. Kahit papaano ay nag-a-adjust na siya sa buhay sa Manila. Hindi man kasing rangya ang buhay niya sa probensiya nila pero mainam na iyon. Gusto niya munang lumayo sa lugar na ang tingin sa kanila ay magnanakaw.
"Miss Singson," untag ni Mrs. Fernandez sa kaniya. Nabigla siya dahilan para mapatayo siya.
"Are you alright?" alalang tanong nito. Bigla ay nahiya siya rito.
"I'm sorry Mrs. Fernandez, nabigla lang ako." hinging paumanhin rito.
"It's okay, I just wanna know if your done with the ledger. Send me a link, I have some data to encode," saad nito.
"Okay ma'am," aniya rito.
"Call me Mrs. Fernandez," anito na nakangiti.
Ngumiti na rin siya. "Okay, Mrs. Fernandez," tugon rito.
"Much better, it always remind me that I'm married. Baka kung hindi pati ako ay mapatili kay boss Darius," anitong biro.
Napatawa na lamang siya sa biro nito. "Well, not bad. Ganda niyo kaya Mrs. Fernnadez," gatong sa biro nito.
"Hay naku hija, pati sa kalokohan supportive ka." nakatawang tugon nito.
"Nope, maganda po talaga kayo. Hindi nga halatang singkuwenta'y kuwatro na kayo." saad pa rito.
Tumawa ito. "Oh siya, malapit na ang lunch break," paalala nito. "Baka gutom lang iyan," ngiti nito na kinangiti na rin.
Muling tinuon ang tingin sa ginagawa hanggang sa magulat siya nang biglang may magsalita sa kaniyang tagiliran.
"Ah!" gulat niyang turan.
"Grabe? Mukha na ba akong multo?" turan ni Angie.
"Bakit ka kasi biglang natayo diyan. You scared me!" gilalas niya.
"Wow! I call you so many times. Kumaway-kaway na nga ako sa harap mo pero mukhang tuon ka sa ginagawa mo. Girl, break time na," turan nito. Doon ay awtomatikong napasipat ng relos at pagtingin sa mesa ni Mrs. Fernandez ay wala na doon.
"Nauna na si ma'am kasi may lunch date," bulong na hagikgik nito.
"Ikaw talaga puro ka intriga," turan rito.
"Dito ako sumasaya, pagbigyan mo na." ungot nitong tila bata.
Naiiling-iling siya rito. Mabilis na tumayo at sinukbit ang shoulder bag. Pagdating ng kantina sa building nila ay nasinghap siya nang marinig ang topiko ng mga babaeng nasa kabilang mesa.
"Ang guwapo talaga ni sir Darius," tili ng isa.
"Oh my God, nang dumaan kanina sa workplace namin parang gusto ko na siyang hilain," tili naman ng isa.
"See?" Bundol ni Angie sa kaniyang gamit ang siko nito. "I told you, maraming nagnanasa diyan kay sir."
"Kumain ka na lang, gutom lang iyan," aniyang panggagaya kay Mrs. Fernandez.
"Pero girl, totoo ba iyong secret bedroom ni sir Darius?" nakakaintrigang tanong ng babae sa kasama nito. Maging tuloy siya ay naintriga sa sinasabi nitong secret bedroom.
Humagikgik naman ang isa. "Oh my God! Kahit ibalibag ako ni sir sa kama niya okay lang," bulalas nito na tila walang kasama roon.
"Grabe, balibag talaga?" angal ni Angie sa sinabi ng babae sa kalapit mesa nila.
"Kain ka na lang," aniya pero pinapakiramdaman niya ang dalawang babae kung pag-uusapan pa ang boss nila. Sa uri ng uniporme ay sa PIFC sila nagtatrabaho. Sa iisang bulding lahat sila.
Pasubo pa lamang siya ng pagkain niya nang mamataan ang papasok sa kantina. Agad na binundol si Angie. "Aray, naganti lang," angil nito.
"Girl, si boss," turan dito at mabilis itong lumingon sa may pintuhan ng kantina at nakita roon ang kanilang boss.
"Grabe, ang guwapo talaga niya." usal ni Angie na tila nabato-balani at nakatitig lang sa boss habang patungo sa self service counter.
Nabigla siya dahil nakain din pala doon ang lalaki at sa nakitang aktuwasyon nito ay tila sanay ito roon. Nang dumating kasi siya a week earlier ay wala ito at sabing may business meeting na pinuntahan sa Singapore.
Napangiti si Darius nang makita ang babaeng nanlalaki ang mata habang nabitin sa ere ang isusubo sana nitong pagkain. Hindi niya alam pero tila gusto niya itong makita. Tutal ay gutom na siya kaya pinasyang sa kantina na kumain dahil baka sakaling makita roon at hindi nga siya nagkamali.
Mabilis na tinungo ang counter saka nag-order ng pagkain niya. Hawak niya ang tray nang makitang walang bakante maliban sa extra na upuan sa tabi ng dalawang babae.
"Oh s**t!" gilalas ni Kendra nang makitang patungo sa kinaroroonan nila ang boss.
"Bakit?" mabilis na tanong ni Angie sa kaniya. Agad na nginuso ang direksyon ng boss. "O-M-G!" eksaheradang turan pa ni Angie.
Nang biglang marinig na tinanong ng boss ang dalawang babaeng nasa kalapit mesa nito. Napansin pang tila tumigil ang mga ito at pigil sa kakiligan.
"Hi, would you mind if I join you ladies?" swabeng tanong ni Darius sa mga babae.
"Sure sir, have a seat." sabayan pang turan ng mga babaeng halatang nagpapa-cute.
"Shocks, akala ko sa atin. Hindi pala?" laking paghihinayang ni Angie.
Habang siya ay mabilis na kumain para makaalis na sa kantinang iyon. Hindi talaga siya mapalagay kapag nasa paligid ang boss. Lalo pa at naiinis sa naririnig na usapan ng tatlo.
"Oh really? You're holding the Geneva account? That's great, I heard that your team is doing great." papuri ng boss sa babae na tila mas lalong lumakas ang kumpiyansang dumiga sa boss.
"Thank you sir. Well, ahat naman ay gaganahang magtrabaho kung kasing guwapo at hot niyo ang boss," wika nito.
Halos tumirik ang mata ni Kendra sa narinig na sagot ng babae. Talagang siningit pa ang hot sa sasabihin sa boss.
"Thanks, I'll take that as a compliment." tila tuwang-tuwa naman ang boss sa narinig na papuri nito.
"Hoy! Akala ko ba nagmamadali ka? Eh bakit hindi ka pa natayo diyan?" untag ni Angie sa kaniya. Napailing na lamang siya saka lumingon sa kinaroroonan ng mga ito at parang gustong magsisi sa ginawa dahil nakatingin pala sa kaniya ang boss at ngayon ay nakangiting nakatitig sa kaniya.
"Kendra," tawag ni Angie. Agad na binawi ang tingin sa boss pero bago pa man ay nakitang kumindat ito sa kaniya. Nainis tuloy siya kaya mabilis na sumunod kay Angie.
Napangiti ng ubod tamis si Darius habang nakamasid sa papalayong babae. Muling naalala ang sinabi nitong hindi siya nito tipo. He was thrilled, she's the only woman who said that to him. Mas lalo tuloy umigting ang kagustuhang maikama ito.
"Sir," untag ng empleyadong kasama na pinatong pa ang palad sa hita niya. Agad siyang tumitig rito. Maganda ang babae at base sa ginawi nito ay nagpapahiwatig ito nang pagkagusto sa kaniya.
Nguniti siya rito. "What is it?" tanong pero mukhang wala naman itong sasabihin. Sakto namang ubos na ang kinakain kaya agad na nagpaalam sa dalawa.
"Thank you ladies, I have to go. Keep up the good work," pahabol pa sa mga ito bago umalis. Marami pa kasi siyang aayusin dahil isang linggo rin siyang nawala.
Kahit papaano ay maayos naman na ang maghapon bago matapos ang trabaho. Mabilis na nag-ayos ng gamit si Kendra nang limang minutos na lamang ay uwian na.
"Ay nagmamadali ang ale. May date?" puna ni Angie sa kaniya nang mapansing tila nagmamadali siya.
"Kapag ba nagmamadali, may date agad. 'Di ba pwedeng, pahirapan lang maghintay ng dyip?" aniya rito na nakangiti. Kahit papaano ay nakakasanayan na niya ang simpleng buhay. Panay pa rin ang tawag ng Mama niya dahil nag-aalala raw ang mga ito sa kaniya.
"Ay nagdi-dyip ka pala. Akala ko kaya si tsekot ka? Mukha ka kasing hindi mahirap," turan ni Angie na kinatahimik niya.
Isang linggo na niyang kasama at kilala ito pero hindi pa nasasabi kung sino talaga siya. Ayaw niyang i-disclose ang buhay na tinakasan niya sa probensiya nila.
"Oo naman noh, kapag yumaman ako. Bibili ako ng sasakyan at ihahatid na lang kita pauwi," tawang biro pabalik rito.
"Ay ang harsh," wika nito.
"Grabe, ihahatid na nga kita eh. Anong harsh doon?" maang na tanong rito.
"Eh gusto ko rin ng car kaya," anito.
"'Di bumili tayong dalawa," aniya saka sila nagtawanan.
Samantala, mabilis na nakita ni Darius ang sekretaryang naghihitay sa may basement tulad nang napag-usapan nila. Sumilip muna siya at nang makitang walang tao ay mabilis na hinila si Charlotte patungo sa sasakyan niya. He needs to be careful lalo na ay may asawa ang babaeng kasama.
Pagpasok nila sa sasakyan ay agad niyang naramdaman ang paggapang ng palad ni Charlotte sa kaniyang hita. Mukhang mainit ang kaniyang sekretarya at hindi makapaghintay. Kaya mabilis na hinablot ito at sinibasib ng halik.
Tinted naman ang sasakyan niya kaya walang makakakita sa kanila. "Ohhh!" singhap nito nang bitawan ang labi nito.
"Let's go," aniya sa babae.
Ngumiti ito ng matamis saka ginapang ang kamay sa kaniyang harapan. "Let's go," anito sabay himas roon.
Napangisi siya. Mukhang palaban ang sekretarya niya. He can't wait until they reach his place and bring her to his secret bedroom.
Masyadong malikot ang sekretarya dahilan para mas lalong mag-init ang katawan niya. Mabilis na ang takbo niya ngunit hindi pa rin maiwasan ang trapiko lalo na kapag may intersection.
Napapalunok siya sa ginagawa ng sekretarya. Nagawa na kasi nitong baklasin ang sinturon at buksan bahagya ang kaniyang pantalon. Nang mahinto sila sa intersection ay bigla itong yumukod sa kaniyang kandungan.
"Ohhhh!" hindi mapigilang hiyaw. Masyadong mabilis ito, marahil dahil may asawa ito. Nang umusad ay pinatigil muna ito bago pa sila maaksidente.
Matapos ng mahigit kumulang trenta minutos ay narating ang kaniyang condo.
Pagpasok pa lamang ay agad na sinibasib ng halik ang babae dahilan para gumanti rin ito. Kapwa magkasugpong ang mga labi habang mabilis na na kumakapa ang pareho nilang mga palad.
Masasabi niyang palaban ang babaeng kasama. Nagawa na nitong hubarin ang t-shirt saplot niya at maging ito ay hubad na rin.
Pinagsasawa ng labi ang labi nito. Habang kinakapa ng palad ang bilugan nitong pwetan. Maganda pa rin ng hugis ng katawan nito kahit may anak na. Mabilis na pinangko ito saka naglakad patungo sa kaniyang secret bedroom.
Nakapulupot ang dalawang kamay nito sa leeg habang pangko ito at nang makapasok sa silid ay agad itong binagsak sa malambot na kama.
Imbes na matakot ito sa nakikitang silid ay nakangiting tumingin sa kaniya. Tila tigreng nais siyang lapain. Mabilis siya nitong niyakap sabay kapa sa buo niyang katawan pababa sa kaniyang dibdib, sa tiyan, pababa sa nakatindig niyang sandata.