Chapter 1:

2666 Words
"Good morning, Sir. Do you want some coffee?" maarteng tanong ng kaniyang sekretarya. Napamulsa siyang tumitig rito. Iba tuloy ang naglalaro sa isip niya. "Yes please," sagot rito saka tumuloy sa kaniyang mesa. Muling tinignan ang papalayong sekretarya. Bata pa ito sa edad na bente-singko pero may asawa na ito at isang anak. Naiiling-iling siya nang makita ang pag-indayog ng balakang nito. Para tuloy siyang sinisilihan lalo pa at nasa US ang kasintahang si Erika. Nakatulala pa rin siya nang maya-maya ay biglang may nagsalita sa tabi niya. "Here's your coffee sir, do you like something else?" Mapang-akit nitong ngiti sa kaniya. Napangisi siya. Mukhang willing naman ang kaniyang sekretarya ay pagbibigyan niya. "Why? Do you have something to offer?" aniya sabay dila sa ibabang labi. Mas lalong naging mapang-akit ang kaniyang sekretarya at batid na niyang inaakit siya nito. Lumapit ito sa kaniyang upuan at minasahe ang balikat niya. Saka nilapit ang bibig sa kaniyang tainga. "I do, wanna try?" senswal na anas nito sa punong tainga. "Sure," aniya sabay hablot rito at napaupo ito sa kandungan niya sabay sibasib sa malambot nitong labi. Mabilis kumapa ang kamay nito dahilan para mas lalong mag-init ang katawan niya at mabuhay ang kaniyang p*********i. Napangiti pa ang sekretarya ng maramdaman nito ang pagtigas ng kaniyang armas sa kinauupuan nito. "I like that," anito sa kiniskis pa lalo ang pagkakaupo nito sa kanyang kandungan. "Oh s**t! You're making me so hot!" gilalas sa sekretarya na tila mas pinagbuti pa ang pagkarinyo sa kaniya. "Really? That's good sir," anito na tumayo sa pagkakaupo at binukas sa kaniyang harapan ang blusa nito. May kalakihan ang hinaharap nito at naaakit siyang hawakan iyon. Itataas pa lamang sana ang palad nang biglang bumukas ang pintuhan ng opisina niya at niluwa noon ang isang babae. "Sorry," saad nito saka mabilis na sinara ang pintuhan. Napailing na lamang si Darius. Naalala niyang ngayon nga pala ang final interview niya sa bagong accountant na hahawak sa chain of restaurants niya. Dumadami kasi kaya hindi na kaya ni Mrs. Fernandez. Ang kaniyang accountant. Mas lalo siyang napangiti ng maalala ang panlalaki ng mata ng babae. Ilang beses lumunok si Kendra dahil sa nasaksihang eksena sa loob ng big boss ng kompaniyang papasukan. Isang linggo na siyang napasok at kilala na niya si Mrs. Fernandez na siyang tutulungan sa account ng chain of business ng lalaking kanina ay nabungaran sa loob. Napakunot noo dahil mukhang tama ang bulong-bulungan na guwapo ito pero babaero. "Trabaho lang Kendra," usal sa sarili saka bumuntong hininga. Tinaas ang kamay saka kumatok sa pintuhan. "Come in," baritonong tinig buhat roon. Muling pinihit ang seradura at niluwa noon ang nakaayos nang babae. Batid niyang sekretarya ito ng lalaki. Muling lumunok dahil naalala ang nabungarang eksena. "Have a seat Miss—" putol ni Darius at hindi nga pala napapasadahan ang personal information nito. "Singson sir," mabilis na tugon ni Kendra. Mukha kasing hindi pa nakikita ng amo ang kaniyang resume kaya hindi nito alam kung paano siya ia-address. "Okay, have a seat Miss Singson. Do you want some coffee or something to drink?" tanong nito sa kaniya. "Thanks but no thanks," turan saka pilit na ngumiti rito. Nakitang lumabas na ang sekretarya nito matapos siyang humindi sa offer ng boss. Tumingin si Darius sa babaeng nasa harap ng desk. Maganda ito. Maputi, makinis at idagdag pang mapuputi ang ipin nito. Ang labing kay pula na tila kay sarap halik-halikan. Napalis ang ngiti sa labi ni Kendra ng makita ang matiim na pagtitig ng boss sa kaniya. Bigla ay nakaramdam siya ng discomfort rito. Isang mahabang tikhim ang pinakawalan upang pukawin ang pansin nito. "Oh sorry," agad na turan ni Darius. Napansin yata ng babae ang kaniyang pagtitig rito kaya binaling na lang sa resume nitong nasa mesa. Binigay iyon ng kanilang HR head noong isang araw pero masyado siyang naging abala dahilan para hindi man lang nagawang tignan. Besides, he trusted his team and he knows that they will hire someone who can really do the job. Nang pasadahan ang resume nito ay nagulat siya. Bigla ay may tumambol sa kaniyang dibdib. "Anitha Kendra Gomez Singson," basa sa buo nitong pangalan. Mas lalong nanlaki ang mata ng mabasa kung saan ito galing. 'Is he related to Artemio Singson?' hindi mapigilang turan sa isipan. Napansin ni Kendra ang reaksyon ng boss sa kaniyang resume. Hindi man batid pero tila may impact iyon sa kaniya. "Is there something wrong, sir?" tanong rito. "Oh nothing?" agad na sagot ni Darius ngunit nasa isipan kung tatanungin ang babaeng nasa harapan kung may kaugnayan ba ito sa alkalde ng bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur. Muling tinignan ito at mukhang nagtataka sa kaniyang reaksyon kaya ngumiti siya rito. "I heard that you're doing great. So, I guess you can help Mrs. Fernandez," turan rito. Kahit papaano ay napangiti si Kendra. She really wanted to enter the Philippines International Financial Center or PIFC which Darius Mauritius owned. But since they're not hiring for new accountant, so she grabbed being his personal accountant to his other business. Nakita ni Darius ang pagsilid ng ngiti sa labi ng babae sa harapan. Muling lumitaw ang pantay-pantay at mapuputi nitong ipin. "Thank you sir," turan ni Kendra dito. "Is there anything you wanna know sir?" tanong rito dahil kanina pa siya nakaupo pero wala namang interview o tanong ito sa kaniya. "Nothing, what can I ask for? c*m Laude from the University of the North. I know you can do the job well," ngiting wika ni Darius. "Thank you sir, I really appreciate that." Mabilis na tumayo sabay lahad sa kaniyang kamay bilang silyo ng kanilang boss-employee relationship. Ngumiti si Darius at napatingin sa palad ng babae. Makinis at maganda ang mga daliri nito. Parang gusto nang bawiin ni Kendra ang palad na nilahad dahil hindi pa rin iyon kinukuha ng lalaki. Napalunok siya saka ibababa na sana ang kamay nang kunin ito ng boss at gagapin ang palad niya. Tila may kuryenteng dumaloy sa kamay sa paglapat ng kanilang mga balat. Lalo pa nang pisilin nito ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa mukha ng boss. Mabilis na binawi ang palad. "Sorry sir," hingi pa niya ng paumahin saka nagyuko ng ulo. Mas lalong napangiti si Darius. He likes her and he wants her to be in his bed. "I have to go sir. Mrs Fernandez is waiting for me," untag sa boss. Medyo naaasiwa siya rito lalo pa at muling naalala ang eksenang nabungaran kanina. "Sure, see you soon Kendra," wika nito na kinakunot niya ng noo. Gayun pa man ay hindi na siya nagsalita pa. "Okay sir, see you." mabilis na sagot rito saka umalis. Para kasi siyang nasisilihan sa mga titig nito. Hindi naman siya ganoon sa ibang lalaki pero iba kung tumingin ang boss niya. Para siya nitong hinuhubaran at mas lalong nagpapainit ng ulo ay muli na namang naalala ang eksena sa opisina ng boss. Papalabas na siya sa pasilyo nang makasalubong ang sekretarya ng boss. Mukhang galing sa opisina ni Mrs. Fernandez. Tumingin ito sa kaniya dahilan para tignan rin ito. She don't like the way she looked at her. Tila inuuri siya nito. "Hey girl," tinig sa 'di kalayuan. Napalingon silang dalawa ng babaeng kaharap. Ang sekretarya ni Mrs. Fernandez. Muling binalik ang tingin sa sekretarya ng boss saka naglakad patungo sa opisina nila. "Ano? Kumusta ang interview mo?" usisa nito nang makalapit siya. "Gosh girl, totoo nga yata." hindi mapigilang bulalas rito. "Totoo ang alin? Na guwapo si sir Darius?" kinikilig na wika nito. Nawala tuloy ang ngiti sa labi gawa nang pagkakatanggap sa trabaho dahil sa sinabi nito. Nang mapansin iyon ng kausap ay napatigil ito. "Hindi ba iyon? Eh ano ba iyong totoo?" muling usisa nito sa kaniya. "Huwag na baka hindi mo kayanin. Mukhang crush na crush mo siya," tudyo rito. "If I know, buong building crush siya," anito na muling kinilig. "Exaggerated naman noon. Buong building talaga?" naiiling na turan dito saka sila pumasok. "Oo girl, ito pa! Maging ang sekretarya niyang si Charlotte. Naku, kahit may asawa mukhang gustong matikman si sir," palatak na saad nito sa katabilan ng dila. "Mukha nga," mahinang wika. "Ha? Anong sabi mo?" gagad nito na tila narinig nito ang binulong. "Sabi ko, tinatawag ka ni Mrs. Fernandez," turan na lamang para matigil na ito. Mukhang lahat yata ng tsismis sa kanilang boss ay sagap nito. "Ay ganoon ba?" anito saka lumapit kay Mrs. Fernandez. Narinig pa niyang tinanong nito ang ginang. "No, I didn't call you," turan nito dahilan para lumingon sa kaniyang mesa. Agad siyang nag-peace sign dito na sinagot niya nang pagtaas ng kamay nito. Natawa siya rito. Muling sumingit sa isipan ang eksena sa opisina ng boss. "Oh God!" bulalas niya sa inis. Pati kasi mukha nito ay nakikita sa isipan. Guwapo naman ito pero hindi ito ang tipo niya. Pinilit ibaling sa ilang financial statement ang kaniyang atensyon ngunit inaagaw pa rin ng guwapong mukha ng boss ang kaniyang atensyon. "Miss Singson," tawag ni Mrs. Fernandez. Miss Singson!" may kalakasan nang tawag ni Mrs. Fernandez sa kaniya. Nabigla siya sa pagtawag nito. "Is there something bothering you. I've been calling you thrice," anito na nakatingin sa kaniya. Agad siyang bumaling sa katabi nitong sekretarya na si Angie. Nakangisi ito na tila nakaganti sa kaniyang ginawa kanina. "No Mrs. Fernandez, I'm just focusing to the financial statement. Do you need something else?" aniya rito saka ngumiti upang pagtakpan ang pagkapahiya. "Nothing, I just wanna asked you how was the interview with Mr. Mauritius?" tanong nito. Ngumiti siya hindi dahil ito ang laman ng isip kundi dahil sa pangbi-build-up nito sa kaniya. "Thank you Ma'am. He doesn't give me a proper interview but thanks to your support. I got the job," masayang wika rito. Nakitang ngumiti ito. "That's good. So, I should start relaxing for a bit," tawang wika nito. Batid niyang sa dami ng restaurants ni Mr. Mauritius ay tiyak na full load lagi si Mrs. Fernandez. "Well, it depend to the boss," biro rito saka sila nagtawanan. Mabait naman ito. Sa edad nitong singkuwenta'y kuwatro ay parang ina niya ito. "Yes, I am planning to take a leave for three days since you're here." bawi pang wika nito na natatawa pa rin. "You deserve that Ma'am," sabad rito. "That's what I like you Hija, masyado kang supportive." Ngiti nito saka muling binaling ang tingin sa laptop na nasa harapan. Isang oras nang wala ang bagong accountant pero tila dinala nito ang kaniyang konsentrasyon. Napahawak pa siya sa kaniyang baba habang inaalala ang inosente nitong mukha nang buksan nito ang pintuhan habang nasa harapan niya ang kaniyang sekretaryang si Charlotte. "Let me guess what's in your mind? Or should I say who are they?" maarteng tinig buhat sa kaniyang pintuhan. Awtomatikong napalingon siya at nakita ang nakababatang kapatid na si Dania. "Hey, I thought you're in the UK?" maang na tanong sa kapatid dahil iyon ang sinabi nito sa huling pagkikita nila. "Hindi ba pwedeng nakauwi na kaninang umaga?" Nakataas kilay pa ito at lumapit sa kaniya saka hinawakan ang balikat niya. "Masyado ka kasing tutok sa pagpapayaman mo kuya," anito na kinangiti niya. "At sa mga babae mo," tawang dugtong naman nito. "So, what brought you here? Hindi ba dapat nagpapahinga ka dahil kararating mo lang?" maang na tanong sa kapatid. Tumawa ito saka niyakap siya buhat sa kaniyang likod. "I missed you," pilyang ngiti nito. Mukhang alam na niya ang ngiting iyon. Mukhang may ipapabili na naman ang kapatid o may gusto ito mula sa kaniya. Matapos ay hinalikan siya nito sa pisngi at muling sumilay ang pilyang ngiti. "Angie told me that you have a new accountant," wika nito na tumitig sa kaniya. "So?" turan dahil hindi makuha ang gustong ipakahulugan ng kapatid. Kailan pa ito nagkaroon ng interest sa negosyo niya. "Oh well, I just came to confirm—" "Confirm what?" sabad niya sa tinuran ng kapatid. Ngumiti ito dumukwang sa harapan sabay hila sa kaniyang kurbata. "To confirm if she's pretty and to warn her about you," turan ng kapatid sabay tulak sa kaniya. "What?" mataas na boses niya na kinatawa ng kapatid. "I know you kuya at ayaw kong may madagdag na naman sa listahan mo," turan ng kapatid saka tumayo. "See yah," anito sabay kindat at tinungo ang pintuhan niya. Wala na siyang nagawa kundi ang mailing na lamang rito. He knows his sister, maldita ito kung minsan pero kung pag-uusapan ay babae. She'll do everything to protect them from him. Gaya ng best friend nitong si Erika. Kaklase niya ito sa Ateneo de Manila at naging magkalapit. Erika is a daughter of a political clan in Ilocos. Sadly, his dad was defeated by his rival last election however her mom was elected as one of the councilor. Erika grown up in Manila. Her sister warned her best friend but Erika never listen. Kaya ang ending ay hindi nag-uusap ang dalawa. They might be good as best friend but Dania don't like her to be her sister in law. Her sister has a straight forward personality and she's too vocal on that. Sa alalahaning iyon ay muling naalala ang kasintahan. Isang linggo na rin ito sa Amerika at sa loob ng isang linggo ay medyo nabakante siya. Muling sumilay sa isipan ang magandang hinaharap ng kaniyang sekretarya. Dahilan para muling mag-init ang pakiramdam niya. Para tuloy gusto niyang humanap ng babaeng papawi sa kaniyang nabuhay na libido. "Sir?" untag ng sekretarya na nakasilip pala sa pintuhan niya. "Yes?" agad na tanong rito. "Sir, pinapatanong ni Mr. Galvez kung tapos na raw po ba ang pinapapirmahan niya. Ihahabol daw kasi sa cut off," wika nito. Doon lang naalala ang papeles na binigay nito kanina. Mabilis na pinasadahan saka pinirmahan iyon. "Here," wika sa sekretarya at tuluyang pumasok ito. Mataman niya itong pinagmamasdan habang papalapit. Nakakintal sa labi nito ang isang matamis na ngiti saka yumukod sa harapan dahilan para muling malantad ang cleavage nito sa harapan niya. Kinuha nito ang inaabot saka ngumiti at tumalikod upang umalis na nang magsalita siya. "Are you free tonight?" tahasang tanong rito dahilan para mapahito at muling pumihit pabalik sa kaniya. "Yes, anytime. Why?" Mapang-akit na ngiti nito sa kaniya. Sa pagkakataong iyon ay tumayo siya at lumapit sa babae. He wants to make sure if she's really willing to filled his night. "Wala naman baka lang—" putol niya nang agad na sumagot ito. "Gusto kong samahan ka," diretsahang dugtong nito. Doon ay napangiti siya ay hinawakan ito sa baba, tila sinusukat kung tama ang hinala. "Well, baka hanapin ka ng asawa mo?" turan at nakitang ngumiti ito. "Then, I will tell him that I'm going to over time." Napatawa siya sa sinabi ng babae. Now, he confirm that she is willing to take a everything just to be with him. Doon ay inangat niya ang baba nito at hinalikan ang labi, walang pagtutol dito bagkus ay nakipagsabayan din ito. He start liking her kisses but he is afraid that her sister might come back. "That's enough for now, then see you after work at the basement," wika saka bumalik sa kaniyang mesa. "Okay sir, see you." paalam nito saka ngumiti ng matamis. Nang makaalis ang sekretarya ay pinilit na tapusin ang dapat niyang tapusin. Kahit naman kasi may pagkababaero siya gaya nang sabi ng mga taong nakapaligid sa kaniya ay hindi siya nawawala sa konsentrasyon. He has his goal and he wants to be the newest billionaire of the country. Matapos aralin ang ilang financial report na binigay ng kaniyang assistant ay muling napailing. Hindi napigilang buklatin ang folder kung nasaan ang resume ng bagong accountant. Napatingin sa larawan nito. Napangiti na tila nasa harapan niya ito. "Anitha Kendra Singson," ulit sa pangalan nito na tila sinasaulo pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD