"Ay! S—sorry!" gilalas na sambit ni Angie na siyang nagbukas ng pintuhang dapat ay bubuksan niya. Hawak-hawak niya ang noo nang biglang may humawak sa likuran niya.
"Are you alright?" tinig ng boss. Sapo ang ulong nilingon nito. Dahil sa inis dito ay inirapan lang ito.
"I'm good!" banas na turan. Saka nilagpasan si Angie.
"Hey, wait! Wait naman girl," habol nito sa kaniya.
Agad na napahinto at binalingan si Angie. "Wala ka bang sasabihin sa boss?" maang na turan dito dahil alangan namang pumunta roon na walang pakay sa boss. Sa gilid ay nakita ang sekretarya ng boss na kunwari ay abala sa kompyuter nito ngunit pasimpleng nasilip sa kanila.
"Wala! Actually, pinapasundo ka ni Mrs. Fernandez. Baka daw kasi naligaw ka ng pinuntahan dahil ang tagal mo. Natanggap na niya ang email ni Mr. Dominguez pero nandito ka pa rin?" hirit na wika ni Angie saka pasimpleng tumingil sa sekretarya ng boss.
Kapwa sila natigilan saka mabilis na nilisan ang opisinang iyon. Ngunit hindi pa man sila nakakabalik sa opisina nila ay nang-usisa na agad ito. "Girl, anong nangyari? Balik mukhang inis na inis ka? At nakita mo ba iyong si Charlotte. Oh my God! Mukhang nagahasa ng—"
"Huwag mo nang ituloy," awat rito saka pumasok sa opisina nila. Nakatingin si Mrs. Fernandez sa kaniya dahilan para agad na humingi nang paumanhin rito.
"Sorry Mrs. Fernandez, natagalan ako dahil matagal binuksan ni Sir ang pintuhan," kaila rito na kinalaki ng mata ni Angie. Batid na niya ang naglalaro sa isipan nito.
"It's okay. Mr. Dominguez emails me already all the necessary details. I want you to prepare the balance sheets of each branch," saad nito.
Mabilis na tinungo ang mesa upang gawin ang pinapagawa nito. "I already encode to the ledger. Send me the balance sheets when it's done."
"Okay po," sagot rito saka mabilis na tinuon ang pansin aa kompyuter.
Matapos umalis si Kendra sa opisina niya ay agad na bumalik sa kaniyang mesa. Napapangiti siya sa tuwing naalala ang babae. Napakaganda talaga nito kahit simple lang ang ayos nito. Muli ay hinalungkat ang folder kung nasaan ang resume nito. "Anitha Kendra Gomez Singson," basa sa pangalan nito. "Is she related to Artemio Singson?" mahinang sambit sa sarili. Napahawak siya ng baba at inalala nang minsang makadaupang palad ang lalaki.
Naalala niya nang minsang makilala ang dating mayor ng Sta. Cruz, Ilocos Sur. Nakilala niya ito sa isang malaking proyektong ginawa nila. He owns resorts in the North that's he did some works together with the city of officials.
"Mukhang lalim ng iniisip natin ah?" tinig sa kaniyang pintuhan at nakita ang kapatid.
Napakunot noo siya sa outfit nito. "Hey! Don't you like it?" Rampa nito papalapit sa kaniya.
Sa init ng panahon sa Pilipinas ay nagawa pa talaga nitong magsuot ng high cut boots na hanggang tuhod nito at naka-leather mini-skirt.
"What that look for?" Taas kilay nito habang winawasiwas ang bago nitong Channel bag.
"What are you doing here?" seryosong tanong rito.
"Dumaan lang ako kasi na-miss kita," ngiti nito.
"Na-miss o may kailangan ka?" maang na sagot rito na kinangiti nito nang matamis. Batid na niyang may kailangan nga ito.
"You know me well huh!" tawa nito. "Yes, pwedeng—"
Agad na nilabas ang cheque book niya at nagsulat doon. Saka binigay rito. "Kuya naman eh," angal nito.
"Don't tell me, hindi pa iyan kasya?" maang rito.
"What I mean is, kung pwedeng sa condo mo muna ako matutulog?" ngiti nito.
Mas lalong napakunot noo siya. Batid niyang may gagawin na naman itong kabalbalan. "Ayaw kong umuwi na lasing. Kaya doon na muna ako sa condo mo. Nagpaalam na ako kay Mommy," anito saka mabilis na humalik sa kaniyang pisngi. Naiiling na lamang siya rito habang nakatingin sa papalayong kapatid nang bigla itong pumihit saka naglakad na tila modelo. Akala niya ay kung ano ang gagawin.
"Pwede ko pa naman sigurong kunin ito?" anito sabay abot sa cheque na pinirmahan niya. "See yah," turan nito sakay kaway sa kaniya.
Mas lalo siyang napailing rito. Hinahayaan na lamang siya ito dahil batid naman niyang alam nito ang ginagawa. Mabuti na iyong sa condo niya matulog kaysa sa kung kani-kaninong condo. Maloko siya sa mga babae pero ayaw na ayaw niyang naagrabyado ang kapatid.
Muling tinuon ang pansin ilang papeles sa mesa. Kahit papaano ay maayos naman ang takbo ng negosyo niya. Maraming international businesses ang nakukuha nila dahil mas mababa ang offer nila kaysa sa ibang finacial firm abroad.
Nang masipat ang relo na malapit nang mag-alas singko ay nag-ayos na siya. May usapan kasi sila nang kaibigang si Dax na magkikita sa bar na lagi nilang tinatambayan. Matagal-tagal din siyang hindi nakakalabas kasama ito dahil sa kaniyang long week business trip sa Singapore.
Papatayo na sana siya nang bumukas ang pintuhan at iluwa noon ang sekretarya. "Sir, Mr. Manlapaz need your sign for the agreement contract with the Cotesco Company," wika nito sabay bigay sa papeles.
Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa upuan at binasa ang binigay ng sekretarya. Isa iyon sa kaniyang rules sa sarili. Always, read before signing it. Dahil hindi mo alam kung kailan aatake ang iyong kalaban o kung sinumang gusto kang traydurin.
Matapos basahin ay agad na pinirmahan saka tumayo na upang umalis.
"Oy wow! May pa-flowers," tili ni Angie na siyang nangbukas sa pintuhan ng opisina nila. Isang delivery man ang nakitang nasa labas.
"For Miss Kendra po," wika ng lalaki.
"Ay! Akala ko sa akin?" tila dismayadong wika ni Angie pero nakangiti pa rin. "Kay Miss Kendra daw," ulit pa nito.
Agad siyang tumayo nang marinig ang pangalan niya. Mabilis na pinirmahan ang delivery form at kinuha ang bulaklak. Maging siya ay curious kung kanino galing.
"Oy! May secret admirer siya oh," tudyo nito nang pabalik sila sa mesa nila. Habang si Mrs. Fernandez ay nakangiti.
"No doubt. Miss Singson is too pretty. Marami sigurong accountant diyan sa baba na nakakita sa kagandahan niya," komento nito na nakangiti pa rin.
"Grabe noon Ma'am, hindi pala ako maganda." Kamot nito ng ulo saka lumapit at nakiusyuso nang buksan niya ang maliit na envelop na nakasipit sa bulaklak.
"Maganda ka naman, tsismosa nga lang," banat ni Mrs. Fernandez dito dahilan para bumalik sa upuan nito. Halos mapahagalpak sa tawa si Kendra. Kaya siguro sa kabila nang pagiging cold ng superior na si Mrs. Fernandez at pagiging tsismosa ng sekretarya nito ay click pa rin silang tandem. Sarap ng basagan at barahan nila sa isa't isa.
Nang buksan ang card ay nakitang galing kay Christiano.
"I will be waiting you at the lobby of your office building. Have dinner with me please," basa sa nakasulat sa note.
Ayaw niya itong paasahin. Masyado siyang nasaktan nang makipaghiwalay ito ganoon-ganoon na lamang. Masyado malalim ang sugat na nilikha noon lalo pa wala ito noong panahong kailangan niya ito. Anong kasiguraduhan na hindi siya nito bibitawan para sa pangarap nito. Minsan na siyang binitawan kaya may posibilidad na maulit iyon.
"Miss Singson. Hey, Miss Singson," dinig na tinig.
Agad siyang napatingin kay Mrs. Fernandez. Nahiya tuloy siya at agad na nagpahid. Hindi niya namalayang naluha pala siya nang maalala ang mapait na kinahinatnan ng dalawang taong relasyon nila ni Christiano.
"Is there something wrong?" concern na tanong nito.
Agad siyang umiling sabay ngiti rito. "May naalala lang ako Mrs. Fernandez. I'm good," turan saka pilit na tinuon ang pansin sa ginagawang balance sheets.
Tuon ang buong pansin sa ginagawa kaya hindi namalayang malapit nang mag-alas singko. Buti na lamang at saktong tapos na siya sa apat na balance sheets na ginawa para sa apat na branch ng restaurant.
"Mrs. Fernandez, I'm done with the sheets. I will just send it to you," turan rito.
"That's good. I think, after this. Mr. Mauritius will sign my three day leave," tawa nito. "Got it!" dagdag pa nang makuha ang pinadala ditong email.
Mabilis na inayos ang mesa. Nang mapansin ang bulaklak na natanggap kanina. Naalala ang mensahe ni Christiano dahilan para agad siyang nagpaalam kina Mrs. Fernnadez na naghahanda na rin upang makauwi maging si Angie.
Tinungo muna ang banyo upang mag-retouch. Masyado siyang na-haggard sa mga nasaksihang eksena sa opisina ng boss. Baka nga may pasa pa ang noo sa pagkakauntog niya sa pintuhan.
Nang makapasok sa comfort room ay napangiti na lamang dahil kahit papaano ay walang pasa sa mukha. Hindi alam kung bakit kahit papaano ay may kilig na nararamdaman sa pagpapadala ng dating kasintahan ng bulaklak.
Agad na inayos ang mukha at nagpahid ng konting lipstick at powder sa mukha upang hindi naman oily. Matapos noon ay nagmamadali na siyang bumaba dahil baka nasa lobby na si Christiano.
Saktong papalabas na si Darius sa elevator nang makasalubong ang dalawang babae.
"Grabe, ang guwapo ng guy doon sa lobby!" natitilihang saad ng babae.
"Yes! Mukhang doktor sa suot," dagdag naman ng isa nang biglang bumaling sa kaniya ang mga ito. Pigil ang ngiti ng mga ito at nang papasara ang nilabasan niya at pinasukan ng mga itong elevator ay narinig pa ang sabayang pagtili ng dalawang babae.
Napailing na lamang si Darius. Saka naglakad patungo sana sa lobby nang makita ang kaniyang operations manager ng PIFC na si Mr. Smith. Mas matanda ito ng limang taon sa kaniya. Sosyal lang pakinggan ang apelyido nito dahil US Navy ang ama nito pero pinanganak at lumaki ito sa Pilipinas.
"Hey Darius," tawag nito. Agad naman siyang napangiti rito.
"Hey man, wazzup!" bati rito.
"I'm good. How about you, Sir?" balik tanong nito.
Ngumiti siya rito. "Just call me Darius. Yes, we're still in the building but office hours are done," wika rito.
"Yeah, nasanay lang. By the way, kaya nga pala kita hinintay dahil birthday ni Misis sa Sabado. May konting handaan sa bahay kung gusto mong pumunta," turan nito. "Bring your girlfriend," dagdag pa nito.
"Well, nasa US si Erika at sa makalawa pa ang balik. Sure, I will come," saad rito. Nang biglang magawi ang tingin sa kabubukas na elevator at niluwa noon si Kendra na may hawak na bulaklak. Agad siyang napakunot noo.
"She's pretty," komento ni Mr. Smith. Napansin pala nitong napahinto siya nang makita ang babae. Nakapamulsa siyang sinundan ng tingin si Kendra.
"Okay, I have to go Darius. See you tomorrow," pagpapaalam nito.
"Yeah," aniya pero tuon ang pansin kay Kendra. Napapaisip siya kung kanino galing ang bulaklak na hawak nito. Mukhang may nagkakagusto ritong empleyado niya.
Agad na sinundan ito sa lobby at nakitang sinalubong ito nang isang matipuno at guwapong lalaki. Base sa suot nito ay parang isa itong doktor. Naalala tuloy niya ang dalawang babae kanina at malamang ito ang tinutukoy ng mga ito.
Bigla ay napatigil siya habang nakapamulsang tinitignan ang dalawa habang nag-uusap. Hindi malaman kung bakit tila gusto niyang paalisin ang lalaking iyon. Lalo pa nang makitang hinawakan nito ang babae sa baywang. Matiim ang titig sa dalawa nang magawi ang tingin ni Kendra sa direksyon niya.
Agad na napalis ang ngiti sa labi nito nang magtama ang mga mata nila. Ilang segundo rin nangkahinang ang mga mata saka tumungo ito. Tila nag-alala ang lalaki na kasama nito at agad na nagtanong base sa ekspresyon ng mga ito.
Saglit na nag-usap ang mga ito at umalis na roon. Gustuhin mang pigilan si Kendra na sumama sa lalaking iyon ay wala siyang nagawa. Kuyom ang kamaong nasa loob ng bulsa.
Tinungo agad ang reception upang makuha ang pangalan ng lalaking kasama ni Kendra.
"Good afternoon Sir, how me I help you?" matamis na ngiti ng reception nang tumayo siya sa tapat nito.
Ngumiti rin siya rito. "Hi, just wanna know the name of the guest that just left?"
Agad naman nitong tinignan sa kaniyang monitor. "Oh, if I'm not mistaken. You're referring to the guys wearing a doctor's uniform?" tanong nito.
"Yes, exactly."
"Okay. His name is Christiano Marcos," sagot nito.
"Okay, thanks." Saka umalis na at tinungo ang bar kung saan sila magkikita ni Dax.
"Christiano Marcos," ulit sa pangalang binigay ng receptionist.
Nasa loob na siya ng sasakyan niya at hindi mawaglit sa isipan kung saan dadalhin ng lalaking iyon si Kendra. Napapalunok pa siya sa eksenang naglalaro sa isipan. "Hindi maaari!" turan sa kawalan. Naiinis siyang isipin na may ibabang lalaking aangkin rito.
Mabilis na pinasibad ang kaniyang BMW. Banas pa rin dahil para siyang nawawala sa katinuan sa kakaisip kung nasaan si Kendra at ang lalaking kasama nito. Dahilan upang mapabilis ang pagpatakbo niya.
"Holy sh*t!" gilalas nang halos may masagi siyang motorsiklo. Dahilan para makarinig ng sunod-sunod na busina. Para siyang nagising sa malalim na magkakatulog sa sabayang tunong ng mga busina. May nagbaba pa ng bintana at minura siya.
"Hoy! Hindi purke mayaman ka eh sa'yo na itong kalsada!" gigil na wika ng drayber.
Napasapo siya nang mukha habang nasa gilid nang daan saka muling nagpatuloy. Batid niyang naroroon na ang kaibigan.
Kahit papaano ay nakarating naman siya ng ligtas. Pagbungad pa lamang niya ay agad na namataan ang kaibigan sa counter at may kaharutang babae. Papalapit na siya nang makita siya nito.
"Hey man, wazzup! Mukhang abalang-abala ka sa pagpapayaman mo," tawang asar nito sa kaniya.
"How about you? Busy sa dami ng babae mo," balik biro rito.
"Nagsalita ang hindi mahilig!" malakas na turan nito. Mabuti at wala pang gaanong tao roon dahil maaga pa ang alas siyete para sa isang bar.
"Do you want to eat first?" tanong nito.
"Yeah sure," sabad dito. Saka umupo sa tabi nito. Agad na tumawag ng isa sa crew ng bar. Pag-aari iyon ng Tito nito kaya palagi sila roon.
Matapos nilang sabihin ang order dito ay agad na binalingan ito. "So, sino naman iyong kausap mo kanina? Don't tell me—"
"Hep! That's Cassie, my cousin," ngisi nito.
"Ahh!" aniya na tumango-tango saka hinanap kung nasaan ang babae.
"I'm warning you, stay away from her!" matigas na turan ng kaibigan.
Natawa siya sabay iling. "Ganoon ba ako ka—"
"Babaero? Yes, you are!" bara nito sa kaniya.
"Wow! Thanks for the compliment man," sarkastikong wika sabay tapik sa balikat nito.
"Of course, I'm your best friend," pamamatol nito sa biro niya dahilan para magtawanan silang pagkaibigan. Nang maya-maya ay maalala si Kendra dahilan para bigla siyang natigilan.
"So, let me guess. Babae ba ang nasa isip mo?" untag ng kaibigan.
Tumitig siya rito. Alam niyang may girlfriend siya pero alam rin nito na beside sa girlfriend ay may iba pa siyang babaeng nakakasiping. Okay naman kasi kay Erika, bagay na nagustuhan rito. Hindi siya nito masyadong sinasakal. As long as siya kang daw ang girlfriend pero pwedeng tumikim ng iba.
Ngumiti siya sa kaibigan. "Sinasabi ko na nga ba?" bulalas nito. "Man, hindi pa ba sapat si Erika? Mukhang lahat na yata nang posisyon ginawa sa'yo ah!" turan nito na tila sila lang ang tao roon. Mabuti at may kaunting tugtog dahilan para hindi masyadong marinig ng iba ang usapan nila. Masyadong uncensored ang bunganga ng kaibigan.
"I have a new accountant," turan.
"So, pakialam ko sa accountant mo?" sabad nito na hindi makuha ang nais sabihin. "She's pretty and—" putol na sumabad muli ang kaibigan.
"And you lusted her, you want her in your bed. Ganoon?" mabilis na wika nito.
Natawa siya sa reaksyon ng kaibigan. "Exactly!" tugon rito. Nakitang naiiling ang kaibigan. "I offers her ten million but she turns it down," saad pa nang humagalpak ang kaibigan.
Tawang-tawa ito sa sinabi kahit wala namang nakakatawa. Pormal ang mukha nang tumigil ito. "That was too funny. Really? May tumanggi kay Darius Mauritius. Parang gusto kong makilala ang new accountant mo. Mukhang nakahanap ka ng katapat mo. Kaya pala medyo pangit ang awra mo noong bumungad ka," anito na nangingiti pa rin.
Marami pa silang napagkuwentuhang magkaibigan habang kumakain. Habang lumalalim ng gabi ay unti-unti ring napupuno ng tao ang bar. Magpapaalam na siya sa kaibigan dahil may mga meetings siya bukas kaya hindi ganoon mag-iinom.
Pagtayo sak kinauupuan ay biglang bumangga ang isang babae sa kaniya. "Oppsss! Sorry Miss," agap rito nang tila mabubuwal ito.
"Ouch!" tili ni Kendra nang biglang may humarang sa dinaraanan dahilan para tuluyang mabangga ito.
"Sorry talaga Miss," ulit ng lalaki. Hawak niya ang mukha niyang nasubsob sa dibdib nito. "Are you okay, Miss?" muling tanong. Bigla ay nanlaki ang mata nang mapagsino ang may-ari ng boses na iyon. Noong una ay inakalaang ka-boses lang nito ang boss.