NANG MAKALABAS si Wendy ay halos manginig siya sa nagawa. Tila ba sinaniban siya ng masamang ispirito. 'Diyos ko patawad,' impit na dasal. Nang makitang may tao ay agad siyang naglakad at tuluyang nilisan ang lugar. Ngayon ay kahit papaano ay nakaganti na siya. Hindi pa roon nagtatapos dahil sisiguraduhin niyang malalasap din nito ang mga ginawa nito kay Wendy. Hingal na hingal siya dahil halos takbuhin niya ang palabas ng building na iyon. Tila ba kahit papaano ay magagawa niyang takbuhan ang katauhan ni Wendy sa kaniya. Nang makalayo ay saka siya nakaramdam ng pagod kaya umupo siya sa nadaanang bench at pinagmasdan ang paligid. 'Una pa lamang ito Wendy, susuko ka na ba?' Ang buyo ng kaniyang isipan. Kung kay Wendy ay hindi magawang tapusin paano niya mahaharap ang taong talagang pakay