NAPAISIP TULOY siya kung bakit sinabi ng asawa na binigay lang ng isang kaibigan ang painting na iyon. Bakit sa panaginip ay tila sweet sila ng babae at bakit babe ang tawagan nila. Mas lalong napaisip siya ng biglang makarinig sila ng sigaw. "Ahhhhhhhhh....ahhhhhhh..." sigaw buhat sa silid ng kaniyang mama..." napabalikwas silang mag-asawa at tinungo ang silid ng mama niya. Maging ang ilang kasambahay ay nagkukumahog na papalapit sa silid ng ina. Pagbukas nila ng pinto ay tumambad ang duguang ina. "Maaaa!!" Gulat na wika. Nakatayo ito sa may salamin at sa salamin ay punong puno ng dugo na tila may sinulat doon na nabura na ng ina. Nang lingunin ang asawang si Lira ay halos hindi makagalaw sa kinatatayuan nito. Sa paanan nito ay ang piraso ng larawan. Mukha niya ang kaniyang nakita at